This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    VP Leni Robredo Addresses Supporters at Supreme Court

    2 May 2017

    Magandang umaga sa inyong lahat. Magandang umaga. Nagpapasalamat po tayo sa mga pumunta ngayong umaga para maki-isa sa ating laban. Maganda po ang balita kasi ngayon pong umaga, naihabol po natin ang kailangang i-deposit.

    Ayan po. Naihabol po natin, hindi po naging madali para sa atin na, hindi naging madali sa atin na maglikom ng 8 million na deposit.

    Kaya nga po ito ang dahilan kung bakit humihingi sana tayo ng kaunting palugit sa Supreme Court na bigyan pa po tayo ng mas maraming oras, pero dahil po may order ang Supreme Court na magbayad tayo within 5 days, nakapagbayad po tayo ngayong umaga.

    Kahit po hindi naging madali, ito po ay isang bagay na pagsisikapan po natin dahil ang laban pong ito’y hindi naman para sa akin.

    Alam po natin na ang malaking dahilan kung bakit tayo tumakbo, ay para harangan ang pagbabalik muli ng pamilyang Marcos sa kapangyarihan.

    Noong nakaraan pong eleksyon, wala po tayong ibang kapital kung hindi ang lakas ng taumbayan. Pinanalo po natin ang eleksyon dahil po sa inyo. Dahil po sa pakikipaglaban ninyong lahat, pinanalo po natin ang eleksyon sa isang patas at malinis na pamamaraan.

    Pero ang nakakalungkot po, dahil sa paghangad na makabalik muli sa kapangyarihan, ayaw pong tanggapin ang resulta ng eleksyon. Kaya andito po muli tayo ngayong umaga, pinapaki-paglaban ulit ang matagal na po nating pinapaki-paglaban. Alam po natin ang kasaysayan na pinagdaan natin, at alam natin na ayaw na natin iyon balikan.

    Nabalitaan po natin na minamaliit tayo dahil wala po tayong pera. Minamaliit po tayo dahil wala daw, saan po daw kukunin. Saan ko kukunin ang ating idedeposito at babantayan kung saan ito galing.

    Ito pong mahabang panahong nanungkulan ang asawa ko, pareho din po, mahabang panahon din po nanungkulan ang mga Marcos.

    Totoo pong wala kaming pambayad—isang pagpapakita na kahit mahabang panahon nanungkulan, hindi nagnakaw ng pera ng bayan. Ang akin pong tanong, masasabi po ba iyan ni Ginoong Marcos, na hindi nagnakaw ang pamilya niya sa kaban ng bayan.

    Ang 8 million po hirap na hirap tayo para ibigay, iyong 36 million po ng mga Marcos isang iglap nandiyan na agad. Napakadali po para sa kanila.

    Pero tayo po kahit mahirap, kahit po maraming pagsubok ang pinagdadaanan, hindi naman po natin ipapayag na basta-basta nalang kunin sa atin ang boses ng taumbayan.

    Alam po ninyo na ang laban na ito hindi lang po ito tungkol sa akin. Ang laban pong ito tungkol sa ating lahat. Tungkol po sa ating mga Pilipino na nangnanais na hintuin na ang dating kalakaran sa ating pamahalaan.

    Nagpapasalamat po kami na kahit napakahirap po ng laban, alam po natin kung gaano kahirap labanan ang mga Marcos, maraming pera, talagang ang pagnanais makabalik sa kapangyarihan nandiyan.

    Balita ko po marami po ngayong umaga iyong mga biktima po ng Martial Law sila ang naki-isa sa atin ngayong umaga. Iyong laban po nila, mas grabe pa sa laban ko. Iyong laban po nila, ilang dekada na iyong kanilang karapatan, talagang pinagdusahan, pinaghirapan, at hanggang ngayon, nandito pa sila.

    Ilang dekadang na pong nakakaraan, nandito pa rin po sila, pinapaki-paglalaban ang kanilang karapatan. Naninigin sa dapat maibigay sa kanya. Nalulungkot po tayo na imbis na ibigay ito sa mga biktima, ginagastos ulit para makabalik sa kapangyarihan.

    Kaya ito po, ngayong umaga, nagpapakita po na nagkakaisa po uli tayo dito. Na itong laban na ito, laban nating lahat. Kaya nagpapasalamat po kami sa pagkakaisa po ninyo sa amin.

    Posted in Speeches on May 02, 2017