This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    VP Leni: Napakahalaga ng turismo para sa kaunlaran ng mga Pilipino

    VP Leni: Napakahalaga ng turismo para sa kaunlaran ng mga Pilipino

    Para kay presidential aspirant Vice President Leni Robredo, napakahalaga ng turismo bilang isang industriya na makakapagbigay kabuhayan sa mga Pilipino at magpapabuti ng ekonomiya at pag-unlad ng Pilipinas.

    Sinabi ito ni Robredo sa Usapang Turismo Kasama si Leni, isang online meeting na ginanap nuong Lunes, ika-10 ng Enero, kung saan dumalo ang mga representatives mula sa 63 na tourism organizations at mga kumpanya, 332 participants sa Zoom, at nagkaroon ng higit sa 13,000 views sa Facebook.

    “Sa context ng Pilipinas hindi non-essential ‘yung tourism kasi ang daming communities na dependent on it,” ani Robredo.

    Ang mga ordinaryong tao na nagtatrabaho sa turismo ang tunay na nangangailangan ng tulong lalo na’t pinadapa ng pandemya ang industriya, dagdag ng Bise Presidente. Ilan lang ang mga boatmen, driver, at mga tour guides na nabubuhay ayon sa kanilang arawang kita.

    “Alam natin noong nahinto ‘yung lahat ng mga flights, ‘yung nagkaroon ng mga lockdown, ilang buhay ba ‘yung huminto?” sabi ni Robredo.

    Bilang pagkilala sa kahalagahan ng sektor, sinabi ni Robredo na kailangan magkaroon ng pang-matagalang mga hakbang para mapagaan ang epekto ng pandemya at iba pang krisis sa turismo. Ang Hanapbuhay para sa Lahat ni Robredo ay tumutugon dito. Layon ng programang ito magbigay ng unemployment insurance para sa mga nawalan ng trabaho.

    Ang programang ito ay makakatulong din sa mga negosyo dahil matutugunan nito ang kawalan ng katiyakan na dulot ng pandemya, dagdag ni Robredo.

    Sa kanyang mensahe, binahagi ni Robredo ang kanyang mga plano para sa sektor. Kasama dito ang pag-aayos ng imprastraktura; pagtuon sa pagpapahusay sa kakayahan ng mga tao, o ang tinatawag na retooling and upskilling; ang pagsigurado na ligtas ang mga empleyado sa mga lugar na kanilang pinagtatrabahuan; ang pagbibigay halaga sa mga micro, small, at medium enterprises (MSMEs); ang turismo para sa kalikasan; at ang pagpapatibay ng kakayahan ng mga lokal na pamahalaan para sa pagpa-plano at implementasyon ng mga programa kasama ang national government para tunay na magbe-benepisyo ang mga komunidad mula sa industriya ng turismo.

    “Pag dini-develop mo 'yung local tourism capacities, parating iniisip natin, how will the local community benefit out of the tourism industry that's in their locality?” sabi ni Robredo.

    Para kay John Francis Abelgas ng Traveletz, Inc., tunay na nakakagaan sa damdamin ang marinig mula kay Robredo na mahalaga ang turismo para sa bayan.

    “I firmly believe that she can execute her plan of institutionalizing crisis management units, equally in every LGUs by empowering and capacitating tourism offices through government and private partnerships. Nagawa nya na ito sa Angat Buhay, Angat Kabuhayan Projects. This will really boost traveler or consumer confidence which will attract more tourists [and] will provide economic benefits,” sabi ni Abelgas. [End]

     

    Posted in Press Releases on Jan 11, 2022