This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    VP Leni, mga manggagawa nagsanib pwersa bago mag-Bonifacio Day

    VP Leni, mga manggagawa nagsanib pwersa bago mag-Bonifacio Day

    Nilagdaan ni Vice President Leni Robredo at ng mga grupong manggagawa na sumusuporta sa kanyang pagtakbo bilang Pangulo ang isang kasunduan na nangangakong isusulong ang napagkasunduang labor agenda sa ilalim ng isang administrasyong Robredo.

    Naganap ang lagdaan sa “Laban ng Manggagawa, Laban ni Leni” Workers General Assembly at nasaksihan ito online ng daan-daang miyembro ng Alliance of Labor Leaders for Leni Robredo (ALL4Leni) sa iba’t ibang panig ng mundo.

    Ayon kay Sonny Matula, kandidato pagka-senador sa ilalim ng tambalan nina Robredo at Senador Francis “Kiko” Pangilinan, naipapakita ng rekord ni Robredo kung gaano katagal na siya nakikiisa at nakikipaglaban para sa karapatan ng mga manggagawa at iba pang sektor ng lipunan.

    “Mahaba-haba ang ating paghahanda pero alam naman natin na hindi bago kay Vice President Leni Robredo ang pipirmahan natin sa umagang ito. Alam naman ninyo na kasama natin si Vice President Leni noon pa man, at nakita natin ang track record ng ating Bise Presidente kung ating titignan ang kanyang mga ginagawa para sa mga manggagawa, para sa mga magsasaka, para sa mga kababaihan, para sa maralitang taga-lungsod, at iba pang mga sektor na nasa layalayan ng ating [lipunan],” sabi ni Matula, na siya ring pambansang pangulo ng Federation of Free Workers (FFW).

    Ayon kay Matula, napapaloob ang adbokasiya at isyu ng sektor sa five-point agenda na pinangalanang “Covenant Vision of a True Robredo Presidency.”

    Ang mga ito ay ang: pagsulong ng seguridad sa trabahong makahulugan at maka-kalikasan; pagkakaroon ng “living wage” para sa mga manggagawa; pagbibigay ng social protection sa mga manggagawa sa pamamagitan ng mga serbisyong pampubliko; pagpapatibay ng karapatang pang-unyon at pampulitikal; at regular na konsultasyon para talakayin ang mga adbokasiyang panggawa at mga hakbang na dapat gawin kung magkaroon ng problema sa implementasyon.

    Bilang tugon, sabi ni Robredo na nangangako siyang palalakasin ang partisipasyon ng taumbayan sa pamamahala, ayusin ang mga batas na nagpapalala ng inequality, at lilinisin ang pamahalaan para makuha ang tiwala ng taumbayan.

    “Ang aking mako-commit ngayon, mabibigyan kayo ng maraming puwang para mag-participate kayo sa governance. Kasi wala naman sa ‘kin yung sagot. Ang sagot, nasa inyo. Ang masasagot ko lang sa inyo na sisiguraduhin ko na, na yun number one, na may puwang. Number two, aayusin ko, lilinisin ko yung pamahalaan para maraming magtiwala sa kin,” sabi ni Robredo.

    Ayon kay Judy Ann Miranda ng Nagkaisa! Women’s Committee, ang paglagda sa tipan ay makabuluhan lalo na’t nagawa ito nitong bisperas ng Araw ni Bonifacio, na gumugunita sa pagkapanganak ni Andres Bonifacio, ang bayaning kumakatawan sa uring manggagawa.

    Bukod kay Robredo at Matula, ang iba pang lumagda sa tipan bilang kinatawan ng kanilang mga organisasyon ay sila Miranda at Joanna Bernice Coronacion ng Nagkaisa! Women’s Committee; Renato Magtubo, chairperson ng Partido Manggagawa (PM); Daniel Edralin, presidente ng Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO); Antolin Pangan, Jr., secretary general, Kapatiran sa Dalawang Gulong (KAGULONG); Jesus Exequiel Nidea, presidente ng National Union of Bank Employees (NUBE); at Ramon Ojeda, bise president para sa Luzon ng National Congress of Unions in the Sugar Industry in the Philippines (NACUSIP). (end)

    Posted in Press Releases on Nov 29, 2021