This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    VP Leni itinutulak ang pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala, isinusulong ang pagkakapantay-pantay ng lahat sa trabaho

    VP Leni itinutulak ang pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala, isinusulong ang pagkakapantay-pantay ng lahat sa trabaho

    Isinulong ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo, Miyerkules, ika-19 ng Enero, ang pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala at nangakong ipatutupad ang pagkakapantay-pantay sa trabaho nang banggitin niya ang kahalagahan ng pagbibigay-lakas sa kababaihan, persons with disabilities (PWDs), at iba pang mga marginalized na sektor.

    Sa isang meet and greet kasama ang kanyang mga taga-suporta mula sa National Capital Region (NCR), sinabi ng Bise Presidente na siya ay naniniwala sa people empowerment.

    “Ang mga naka-trabaho ko na, alam na ang pinaka-malaking advocacy natin, which cuts across all sectors, is maglagay ng mechanism para ‘yung lahat ng mga sektor kagaya ng women, kagaya ng PWD, lahat ng marginalized, ay nabibigyan ng malakas na boses sa paggawa ng mga proyekto saka polisiya ng pamahalaan,” ani Robredo sa online meet na inorganisa ng Robredo People’s Council.

    Ang virtual event ay dinaluhan ng mga lokal ng opisyal ng Metro Manila at libo-libong taga-suporta ni Robredo, kung saan may ilan ding nagbahagi ng kanilang personal na kwento tungkol sa kung paano nakatulong sina Robredo at ang Office of the Vice President mapaunlad ang kanilang buhay.

    Sinabi ni Robredo na noong siya ay kongresista, inihain niya ang People Empowerment Bill na naglalayong i-institutionalize ang pakikilahok ng tao sa pamamahala at pagdedesisyon. Ang mga lokal na pamahalaan ay aatasang lumikha ng People's Councils, na magsisiguro na ang tao ay kalahok sa mga programa ng pamahalaan mula sa simula. Sa pamamagitan nito, ang tao ay maituturing na katuwang sa pag-unlad at hindi lang mga benepisyaryo.

    “Ano ang kaibahan? Kasi pag tinatrato kang beneficiary, ‘yung pagbaba ng mga programa, galing sa taas papunta sa baba. Delikado ito [dahil] ang nagdedesisyon hindi naman ‘yung miyembro ng sektor, pero nagdedesisyon kami na mga public officials, na lalo na kapag hindi kami bumababa sa mga sektor, ‘yung tinatawag natin na empathy, kulang ‘yun,” ani Robredo.

    Halimbawa, aniya, ang mga LGU ay nagpapatupad ng mga programa para sa mga taong may kapansanan ngunit sila ay madalas na hindi umaayon sa mga isyu at pangangailangan ng sektor.

    “Nangyayari ngayon, halimbawa bawat government unit, gagawa siya ng programa, ibababa niya sa PWD. Pero maraming pangangailangan ‘yung sektor na hindi naman talaga natutugunan,” sabi ni Robredo.

    Kabilang dito, ani Robredo, ay ang accessibility at kung saan pantay ang pagtrato sa lahat.

    Dagdag ni Robredo na ang kababaihan at ang mga kabilang sa ibang mga relihiyon ay nakakatanggap din ng diskriminasyon pagdating sa trabaho.

    Sinabi ni Robredo na dapat magsagawa ang pamahalaan ng mga programang nakatutok sa mga sektor na ito at kanilang mga pangangailangan, at siguraduhing ang diskriminasyon ay matutugunan.

    “Marami pa tayong kailangang ihakbang pagdating sa diskriminasyon. Babae din ako. Alam ko na mas marami opportunities ko compared to others, pero nararamdaman ko pa din na dahil babae ako, ang pagtingin sa akin, mahina; na dahil babae ako, kailangan ko mag-double time para ang ibigay sa akin na paniniwala ay maging kapareho sa paniniwala na binibigay sa lalaki,” sabi ng Bise Presidente.

    Nakagawa na ng programa laban sa diskriminasyon si Robredo sa kanyang Hanapbuhay Para sa Lahat Plan.

    Kasama dito ang mga inisyatibo tulang ng public-private partnerships na susuporta at magbibigay-daan sa mga nakatatanda na patuloy na makapag-ambag sa ekonomiya, pagpapalawak ng mga paraan upang makalahok ang kababaihan lalo na sa STEM (Science, Technology, Engineering, and Math) program ng mga paaralan, at pagsusulong sa Anti-Discrimination Bill at Anti-Age Discrimination Bill. [End]

     

    Posted in Press Releases on Jan 19, 2022