This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    VP Leni, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagbibigay ng libreng COVID-19 tests sa publiko sa kanyang pagbisita sa OVP Swab Cab sa Quezon City

    VP Leni, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagbibigay ng libreng COVID-19 tests sa publiko sa kanyang pagbisita sa OVP Swab Cab sa Quezon City

    Pinangasiwaan ni presidential candidate Vice President Leni Robredo ang isinasagawang Swab Cab ng Office of the Vice President Lunes, ika-10 ng Enero, sa Quezon City. Ang Swab Cab ay nagbibigay ng libreng COVID-19 antigen tests sa publiko.

    Sa isang Facebook Live, sinabi ni Robredo na umaga pa lang ay mahaba na ang pila sa Immaculate Conception Parish Church sa Novaliches, isang indikasyon na marami na ang gustong mag-avail ng libreng swab test upang malaman kung sila ay may COVID-19 o wala. Sa dami ng taong pumunta, naghanda pa ng karagdagang mga swabbing station ang OVP Swab Cab team upang mas marami pa silang ma-test.

    “’Yung pinaka sadya po nitong Swab Cab, kasi ang access talaga sa swabbing medyo mahirap ngayon dahil dagsa. So ‘yung ginagawa po natin, dinadala natin ‘yung Swab Cab sa mga communities,” ani Robredo.

    Dagdag niya rin na sa 26 na katao na-swab na ng 9:45 am, 11 ang nag-positibo at 15 ang nag-negatibo para sa COVID-19.

    Dahil sa mas nakakahawang Omicron variant, nakapagtala ang Department of Health ng 44 percent positivity rate noong Enero 7. Nagtala rin ang bansa ng 28,707 na bagong kaso noong Linggo, Enero 9, ang pinakamataas na daily tally simula nang mag-umpisa ang pandemya dalawang taon na ang nakararaan.

    Isinusulong ni Robredo ang mass testing para maampat ang pagkalat ng COVID-19. Ang OVP Swab Cab ay sinimulan noong nakaraang taon kasunod ng pagdami ng mga nagkasakit ng COVID-19 ngunit itinigil ito nang bumaba ang bilang ng mga kaso sa bansa. Gayunpaman, agad na sinimulan muli ni Robredo ang libreng antigen testing noong nakaraang linggo matapos ang panibagong pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

    Sinabi ng Bise Presidente na dapat libre at accessible ang mga COVID-19 tests sa publiko upang matukoy ang mga dapat mag-isolate o quarantine nang maampat ang lalong pagkalat ng virus.

    “Marami 'yung na-expose. Hindi nila alam kung mayroon na sila, tapos pag swinab sila ay nagpapositive. Ang kabutihan po ng alam nila kung positive sila o hindi, at least nakakapag-isolate sila kung positive sila. Hindi na sila nakakahawa ng iba. Alam po natin na grabe 'yung transmissibility nitong variant na ito, so kung may mga gumagala na positive, talagang 'yung pag-increase ng number of cases, grabe talaga,” sabi ni Robredo.


    Sa kabutihang palad, mas marami na ngayon ang nakakaalam ng kahalagahan ng pagpapa-test, dagdag niya.

    Sinabi rin ni Robredo na kahit nais man nilang araw-araw ang pagsasagawa ng Swab Cab, ang mga staff at volunteers mismo ng OVP ay nagpo-positibo na rin sa COVID-19, kaya’t kinakailangan nilang i-budget ang kanilang manpower at oras upang masigurado ang pagpapatuloy ng proyekto.

    Nagpasalamat si Robredo sa lokal na pamahalaan ng Quezon City sa pakikipagtulungan nito sa OVP para sa Swab Cab, ang City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), UBE Express, mga server ng Immaculate Conception Parish Church, at mga volunteer swabber kabilang na ang kaniyang anak na si Tricia, isang doktor na kagagaling lang mula sa COVID-19 at dengue.

    Sa Miyerkules, ang Swab Cab ay nasa Payatas B, Quezon City. Noong nakaraang linggo, ito ay nasa Visayas Avenue at Quezon Memorial Circle. Habang ang Swab Cab ay nasa Quezon City, ito ay maghahatid ng serbisyo sa lahat, hindi lang sa mga residente ng siyudad. [End]

     

    Posted in Press Releases on Jan 10, 2022