This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Visit to Tanauan Housing Turnover, Leyte

    8 November 2016

    Alam po ninyo, naiintindihan ko lang lahat ng sinabi ni Mayor, ni Sec, kasi napakalapit po pala ng Waray sa Bicolano, pero hindi ako makapagsalita.

    Hindi ko po alam kung alin pa ang Bicol, alin ang Waray. Pero naiintindihan ko lahat ng sinabi.

    Pero bago po ako magpatuloy, magbigay galang lang po ako sa mga opisyal na kasama nating ngayong umaga.

    Sa pangunguna po, parang requirement po dito sa Leyte, ang ating napakaguwapong governor, wala po siyang boses ngayon. Palakpakan po natin, Gov. Mic Petilla.

    Palakpakan din po natin, siyempre, kung guwapo ang governor, dapat guwapo din ang vice governor.

    Palakpakan din po natin ang ating Mayor, at ang kanyang may bahay. Pati ang kapitan pero tumatago po siya sa likod.

    Sa inyo pong lahat, magandang magandang umaga po uli.

    Alam po ninyo, napaksaya ko na nakabalik ako dito sa Tanauan. Noong panahon ng kampanya, dumaan na po ako kay Mayor.

    Pumunta po kami sa munisipyo at sa memorial wall, sa mass grave, nagsindi kami ni Mayor ng kandila. Tapos ngayon po nakabalik ako isa nang masayang okasyon.

    Tatlong taon na po ang nakakaraan nang dumaan kayo sa napakahirap na trahedya. At iyon aking pong pagtingin noon, parang iyong takot, di ba parang nawalan ng pag-asa ang lahat.

    Pero tatlong taon pa lang ang nakakaraan, bumalik po ako dito, saya na ang nasa mukha ninyo. Hindi na po bakas ang hirap na pinagdaanan ng bawat isa sa inyo. Hindi ko po lubos maisip kung paano ninyo iyon nalampasan.

    Isang bagay na lahat tayo pinagdadasal natin na huwag nating dadaanan, pero kayo pong lahat na nandito, pinagdaanan ninyo iyon. Kami po ay nakikiramay sa lahat ng namatayan, sa lahat ng nawalan ng bahay, sa lahat na dumaan sa matinding pagkatakot. Pero ngayon umaga po iba ang kuwento.

    Ngayong umaga po bawa’t isa sa inyo, ay inspirasyon po naming lahat. Sa gitna ng lahat ng kahirapan na pinagdaanan ninyo, nandito po kayo, mainit ang pagtanggap sa amin, masasaya ang inyong mukha at pinapakita lang na nanaginip pa din. Kahit napakahirap ng pinagdaanan iyong darating ay masaya pa din.

    At ngayong umaga po, kaya ko po sinadya, alam ninyo po si Mayor matagal na akong iniimbita. Galing na po ako sa Eastern Samar, mula po noong nanungkulan ako bilang pangalawang pangulo ninyo, ilang beses na po ako dito bumalik.

    Galing na po ako ng Hernani, magkasama po kami ni Gov. noong nakaraang buwan. Binisita po namin ang mga housing sites sa Palo at sa Tacloban.

    Pero ngayon pong araw na ito, imbitado po mamaya kasi darating si Presidente, pupunta po kami sa Palo. Pero kaya po tinawagan ko na si Mayor, sabi ko puwede bang ang imbitasyon mo November 8? Kasi gusto ko talaga na ang araw na ito, dito ako sa Tanauan pumunta.

    Dahil alam naman po natin sa buo po sigurong probinsya at munisipyo at buong Pilipinas na tinamaan ng Yolanda, kayo yata ang pinakagrabe. Pinakagrabe dahil iyong devastation na pinagdaanan ninyo talagang hindi po katulad ng iba.

    Parati nating nairirnig ang Tacloban, Guian, at ibang lugar, pero ang Tanauan halos hindi naririnig pero alam ko po na dito pinakagrabe. Kaya naman po ngayong araw, parang binaliktad natin ang kuwento.

    Galing sa trahedya, pag-asa naman ngayon. At nagpapasalamat po tayo sa mga opisyal natin. Pinapasalamatan po ako kanina ni Arlene, sabi niya salamat kay Mayor at Ma’am Leni dahil mayroon na po kaming bahay.

    Wala pa po akong tinutulong dito kasi kauupo ko lang po. Tutulong pa lang ako. Pero napakapalad po ninyo at nandiyan po ang iyong Mayor na talaga namang desididong desidido, nandiyan po si Governor, sila po ang nagtulung-tulong para maibigay ang mga bahay ninyo ngayon.

    Maraming mga tao ang kailangan ninyong pasalamatan, hindi po ako isa doon. Wala pa po akong kontribusyon dito, marami pa po akong utang sa inyo.

    Marami pa tayong kailangang dalhin.

    Noong ako po ay nanungkulan, tiningnan ko po ang lahat ng pangangailangan sa mga natamaan ng Yolanda, 205,000 pa pong pabahay ang kailangan. Ang nagagawa pa lang natin ngayon, 29,000 pa lang.

    Marami pa ang hindi nagagawa. Ang naililipat pa lang natin halos 5,000 pa lang. Pero alam po ninyo, dito sa Tanauan, 1,200 ang kailangan nating bahay. Halos lahat po nailipat na at nabigyan na ng bahay. Parang kung hindi po ako nagkakamali mayor, 43 nalang ang hindi pa nabibigyan.

    Sabi ko kay Mayor, dito ata sa Yolanda-stricken areas, first honor yata ang Tanauan kaya napakapalad po ninyo. Palakpakan po natin ang ating Mayor. At palakpakan po natin si Governor, kasi kung hindi sila nagtulungan, wala naman po itong sitwasyon natin ngayon.

    Kanina po tinitingnan ko nasa bahay kami ni Arlene, napakaganda. Tinitingnan ko po, sabi ko po, siguro lahat ng dumadating sa atin na trahedya parating may dahilan. Hindi po natin alam paminsan kung ano ito, pareho din po iyon ng trahedyang dumaan sa aking buhay.

    Nawalan po ako ng asawa apat na taon na ang nakakaraan. Parati ko pong tinatanong sa sarili ko bakit ba kinuha ang asawa ko nang maaga. Noong una hindi ko alam ang sagot pero ngayon sinasabi ko lang parating may dahilan.

    Ganoon din po kayo. Siguro po pagkatapos ng November 8 ng pagtama ng Yolanda, siguro araw-araw tinatanong ninyo din, bakit kailangan namin pagdaanan ito at parating may dahilan.

    At ngayon po na mayroon na tayong mga bahay, siguro isa ito sa mga dahilan. Karamihan sa atin napabuti ang kinalalagyan.

    Alam ko po karamihan ng nandito nandoon po sa no-build zone dati, na parati siguro pagtulog sa gabi, lalo na kung may parating na bagyo, parati tayong hindi natatahimik.

    Pero ngayon po nandito na tayo, maganda ang ating mga buhay, hindi naman masyadong malayo sa ating mga hanap-buhay. Kahit siguro may dumaan na bagyo, medyo nakakatulog na tayo, tahimik na ang ating mga gabi.

    Kaya siguro iyon ang dahilan. Mabibigyan natin ng mas magandang kinabukasan ang ating mga anak. Kaya siguro po ang ating assignment sa ating sarili ngayon, na kung ano man ang binigay sa atin ngayon siguraduhin natin na mapapabuti pa tayo lalo sa darating na panahon.

    Dahil po ang ating mga anak at apo, umaasa sa atin. Kung ngayon mas mabuti tayo kesa nakaraan, sisiguraduhin po natin ang kinabukasan mas mabuti kesa ngayon.

    At marami po tayong pasasalamatan hindi lang ang mga opisyal na nabanggit natin. Pero kayo pong lahat, bawat isa sa inyo. Iyon ating mga presidente, officers, sabi po ni Gov at Mayor, marami sa inyo ang nagvo-volunteer.

    Siguro po kung hindi sa tulong ninyo, hindi din ito maisasakatuparan. Kaya sa ngalan po ng buong gobyerno, nagpapasalamat po kami sa inyo. Unang-una po sa pagpapasensya ninyo.

    Siguro po sa bagal at kakulangan, pero lalong-lalo na sa pakikipagtulungan ninyo sa inyong pamahalaan at pagtulong ninyo sa inyong mga kasamahan. Kung hindi po diyan sa kagandahan ng loob na iyan, hindi naman po natin makakamtan kung nasaan tayo ngayong umaga.

    Kaya sa ngalan po ng ating pangulo na darating po mamaya, nagpapasalamat po kami kay Gov, kay Vice Gov, Mayor at Kapitan sa lahat pong serbisyong ibinibigay sa ating mga kababayan dito sa Tanauan.

    Magandang umaga po uli, maraming salamat sa inyong lahat.

    Posted in Speeches on Nov 08, 2016