This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo on platforms of governance, stand on various issues

    Vice President Leni Robredo on platforms of governance, stand on various issues

    Sorsogon City Gymnasium, Sorsogon City, Sorsogon Province

     

    MODERATOR: Ladies and gentlemen, a message from our beloved Vice President Maria Leonor “Leni” Gerona Robredo. [applause]

    VP LENI ROBREDO: Marhay na aga! Mabalos po, mabalos. Marhay na aga po saindo gabos. Pirming maogma na makabalik sa Sorsogon. Sabi kan satuyang emcee, aki man ako ning Sorsogon. An sakuya pong ama, hali sa Bulan. Hali sa Bulan, Sorsogon. I grew up na an sakuyang mga summers, yaon ako sa Bulan. Kaibanan ko an sakuyang mga grandparents. Kada piyesta po sa Bulan katapusan ning May, diyan ako pirmi habang nagdadakula. Kang ako nagtatrabaho na, kan yaon ako sa Bicol River Basin—igwa kaming opisina digdiyo diyan sa likod. Diyan po ako sa opisina nagtuturo pag digdiyo ako igwang official business. Kang ako abogado na sa SALIGAN, pirmi akong naghi-hearing digdi ta may mga urban poor cases kaming kinakaputan. Pirmi po kaming may mga capacity-building trainings na ginigibo sa Irosin. Kaya ang Sorsogon has always been home. Pero first time ko ining makabalik since, I think, December 2019. Since December 2019, hali ako sa Bulan saka sa Matnog dahil sinda si na-grabe kan si bagyo kaidto. Pero 2020, 2021, dae ako nakabalik dahil sa pandemic. This is the first time I’m back for almost two years already. So, it is always nice to be back. Mabalos po saindo. [applause]

    MODERATOR: Thank you very much! May I remind everyone that since we are covered live nationwide, for the understanding of the country, please raise your question either in English or in Tagalog. Thank you. May I call the first media person to shoot the question, Ms. Malou Atok of Padaba FM—Brigada, sorry.

    REPORTER 1: Dios marhay na aga, Madam Vice President! I am confident na mananalo kayo as president. Natalo mo na nga siya noon kasama na iyong pamangkin ko. [chuckles] Anyways, kung magiging presidente na po kayo and just in case manalo po si Senator Bong Go as vice president, ano po ang role niya—ano po ang magiging role niya sa administration niyo? Would it be pay back time? Thank you.

    VP LENI: Mabalos po. Una, marami pa tayong kailangang trabahuin. Marami pa tayong kailangang trabahuin para manalo tayo. Pero pangalawa, he is running for the presidency so parang hindi magkakaroon ng sitwasyon na siya iyong VP ko. Unless, mayroong movements before November 15.

    Pero iyong sa akin, in general, hindi ko gagawin—kung ako palarin—hindi ko gagawin sa Vice President iyong na-experience ko as Vice President ngayon. Kasi ang paniniwala ko, ang bansa natin iyong magbe-benefit kung ang president at saka vice president work well together. So kahit sino iyong maging VP, bibigyan ng malaking role sa pamahalaan dahil iyong pagkakaintindihan namin magreresulta ng maraming kabutihan para sa bansa natin.

    MODERATOR: Thank you. The next one to ask the question is Mr. Chopani Laguna of WOW Smile Radio.

    REPORTER 2: Good morning po. Alam naman natin na mula noong umupo si Presidente Duterte, naging matindi ang laban sa droga, to the extent na dumating sa punto na naakusahan siya ng extrajudicial killings o kung ano pa man dahil sa grabeng namatay, allegedly, na hindi naman dapat mangyari. Now, kung kayo po maging pangulo ng ating bansa, ganoon din ba katindi ang iyong magiging kampanya laban sa ilegal na droga?

    VP LENI: Ganoon katindi. Ganoon katindi pero sa ibang paraan. Binigyan ako ng 18 days as co-chair of ICAD. At iyong 18 days na iyon, nagkaroon ako ng pagkakataon makita up-close kung ano talaga iyong problema. At the end of the 18 days, nagbigay kami ng isang comprehensive na recommendation para ayusin how we are conducting the drug war. Iyong sa atin kasi, nakita natin in the past five years na iyong drug war, kinonduct natin parang lahat lang siya heavy on enforcement—hindi ako doon naniniwala. Kaya iyong first recommendation ko nga after I stepped down as ICAD co-chair, baguhin iyong buong sistema. Kasi iyong buong sistema ng ICAD, nakaka-contribute siya kung bakit ganito iyong daan natin towards enforcement. Halimbawa, ang chairman ng ICAD ay PDEA. Ang chairman ng ICAD ay PDEA. Alam natin iyong mandato ng PDEA. Ang mandato ng PDEA mas nasa enforcement side siya. So sa akin, ang pinaka-una kong recommendation, dapat ang gawin na ICAD chair, iyong DDB—Dangerous Drugs Board—para kapag nag-plano ng roadmap papunta sa pagsugpo ng drug problem sa bansa natin, mas holistic iyong approach, hindi puwedeng enforcement lang. Kasi nakita natin—nakita natin over the past five and a half years, sobrang daming namatay pero ang kuwestiyon, “nawala ba?” Ang sagot, hindi. So sa akin, ang paniniwala ko, kapag DDB iyong umupo na chair, ang plano niya hindi lang patay, patay, patay. Ang plano niya talagang very comprehensive—heavy on prevention, heavy on rehabilitation.

    At dapat—isa rin ito sa mga sinabi ko noong ICAD pa ako—dapat kasi matuto tayo sa lessons ng ibang bansa. Nakikita natin na iyong lessons ng ibang bansa, iyong mga bansa na nag-resort sa pagpatay, iyong mga bansa na nag-resort sa violence as a means of eradicating the drug problem, hindi sila naging matagumpay. Pero iyong mga bansa na mas holistic iyong approach sa problema, sila iyong mga matagumpay.

    REPORTER 2: Thank you very much, Ma’am.

    MODERATOR: Thank you, Mr. Laguna. The next one to ask the question is Mr. Mar Romero.

    REPORTER 3: Maraming politiko nagsasabi na we need a healing president. Do you consider yourself as a healer?

    VP LENI: Yes. Actually, hindi ko alam kung napapanood niyo, I’ve been exerting a lot of effort na magbigay ng guidance sa mga supporters. Kasi over the past five and a half years, naging iba iyong kultura. Naging iba iyong kultura ng politika natin. Naging very polarized ang mga tao. Parang nagkaroon ng cancel culture na kapag hindi tayo pareho ng paniniwala, masama kang tao. So iyong sa akin, I’ve been coming out with videos, iyong mga posts ko, and iyong pag-promote namin ng color pink. Actually, symbol siya. Kaya parati naming sinasabi na madali makipag-debate, mas radikal ang magmahal. Kasi iyon lang iyong paraan, eh. Iyon lang iyong paraan para ma-bridge natin iyong divisiveness. Ngayon, kapag tumingin tayo sa social media, iyong mga supporters ng mga iba’t ibang kandidato, sila iyong nag-aaway-away. And parati kong sinasabi sa supporters namin na kung papalarin tayo na tayo iyong manalo na presidente, mahihirapan tayong mag-lead kung very divided iyong bansa natin. So sa akin, nag-e-exert kami ng effort para i-pacify. Iyong supporters kasi may tendency na to defend you, pumapatol doon sa mga masasamang paraan—iyon iyong number one. Number two, kung napansin niyo, I ran as an Independent. Kaya ako nag-run as Independent kasi ang paniniwala ko first step iyon towards healing, na welcome kahit anong partido. Welcome kahit hindi kayo magkakasundo basta willing kayong umupo sa isang la mesa at mag-usap. Kung titingnan niyo iyong very controversial na Senate slate, iyon iyong isang step towards healing, na ito iyong—ang members ng Senate slate dati nandoon talaga sila sa opposing sides of the political spectrum. In fact, maraming mga pinagdaanan na hindi maganda. Pero pinapakita na ngayon, para sa bansa willing kaming i-set aside iyong aming mga personal grudges para mag-work together kasi iyon lang iyong paraan, eh. Iyon lang iyong paraan para mag-move forward tayo. Hindi na natin ma-a-afford ng another six years na ganitong toxicity at saka ganitong divisiveness.

    REPORTER 3: Thank you.

    MODERATOR: Thank you. The next one to raise a question is Mr. Andy Grabito of Sagitsit FM.

    REPORTER 4: Magandang umaga, Vice, at sa lahat ng nandito.

    VP LENI: Magandang umaga!

    REPORTER 4: Vice, ano po ang plataporma mo sa pagtakbo bilang presidente ng Pilipinas?

    VP LENI: Mahabang usapan iyon pero sa akin kasi, ang unang dapat tutukan natin iyong pagsugpo ng pandemic. Iyong pagsigurado na iyong bansa natin magmu-move forward tayo despite COVID-19. Maraming kailangang asikasuhin. Number one, hindi tayo makaka-reopen, hindi tayo makaka-build back better kung ang sitwasyon ng ating bansa ay lockdown kapag nagsu-surge tapos para tayong roller coaster, bumubuti, gumagaling, bumubuti, gumagaling. So para sa akin, kapag ako pinalad, iyon iyong una kong gagawin. Siguraduhin na makabukas na tayo, makabalik na tayo sa normal. Siguraduhin na iyong magiging bagong normal natin better than the previous normal. Magagawa lang natin ito kapag nasugpo natin iyong transmission. Hindi siguro natin masi-zero iyong transmission dahil we need to live with it. Pero iyong sa akin, we did such a terrible job in the last one and a half years, na kahapon lang lumabas ulit iyong Bloomberg na ranking, pinakahuli ulit tayo.

    So sa akin, kailangang ayusin natin ito. Kailangang ayusin na iyong ekonomiya natin makabukas na. Kailangan siguruhin natin na mayroong enough na pondo na inilalaan doon sa mga tao, organisasyon, negosyo na pinaka-naaapektuhan. I have said this many times over already na pinu-push ko na iyong mga MSMEs natin mabigyan sila ng conditional grants na makatulong sa employment. Gustong sabihin, iyong mga maliliit na negosyo na either nagsara, nahihirapan ngayon, dapat tulungan iyon ng pamahalaan kasi iyong unemployment natin ang taas-taas ngayon. Iyong pag-reopen ng mga paaralan, kailangan immediate iyon. Iyong pagsiguro na iyong a greater part of the population mabakunahan na kasi malaking first step siya para makapag-reopen tayo. Iyong healthcare system natin dapat ayusin natin. Nakita natin noong nag-surge na parang na-reveal niya lang—na-reveal niya iyong kahinaan ng ating healthcare system. Kailangan asikasuhin iyon. So other than health, iyong education, iyong economy, marami pang ibang bagay, iyong pag-deal natin with climate change lalo dito sa Bicol, ‘di ba. Iyong Bicol, lagi siyang dinadaanan ng maraming calamities. Iyong ating mga magsasaka, mangingisda, parati tayong nagre-reset button. Every time nagkakaroon ng calamity kailangan paglaanan, pagtuonan ng pansin na maging mas climate-resilient tayo. So sa akin, it’s a range of many different things. Pero iyong pinaka-number one agenda for the day: na masugpo na iyong pandemic.

    MODERATOR: Thank you. The next one to ask a question is from Sorsogon News, Mr. Patido Lieson.

    REPORTER 5: Madam Vice President, good morning po. Ma’am, local governments sobra po kamo nakilala dahil sa Naga and dahil kay dating Mayor and dating Secretary Jesse Robredo. In fact, there was a meeting—that time City Councilor ako—na pinakilala ka po samoya ni Sir Jesse dahil hinapot ni Mayor Dioneda, “Sinong driver mo?” “Si Misis.” And it’s true na dae po kamong driver. Ikaw po talaga mo sa nag-drive para sa meeting ni kay Secretary Jesse. Second, Ma’am, nag-work ka po na libre as a lawyer sa community. Ang hapot ko po, ano pong masasabi mo sa implementasyon kan Mandanas Ruling? Because sinasabi nila, madagdag ang IRA kan local government. Ano pong take mo sa bagay na iyon, sa isyu na ini?

    VP LENI: Mabalos na marhay. Kan nabubuhay pa si agum ako, ako talaga ang driver niya. [laughs] Pero iyong Mandanas Ruling kasi napakalaking opportunity siya for local government units. Napakalaking opportunity siya kasi talagang lolobo iyong kanilang IRA. Pero having said that, lalaki iyong opportunity pero kailangan kasing maayos—kailangan maayos iyong rollout para ma-harness iyong lahat na opportunities available. Maraming puwedeng gawin. Unang-una, mas better capacitated iyong mga local government units na asikasuhin iyong mga pangangailangan nila sa local level dahil lumaki na nga iyong IRA nila. Pero mahalaga kasi—mahalaga na bago ito i-rollout, mahalaga na iyong national government at saka local governments, mag-usap nang maayos. Mag-usap nang maayos. Dapat mayroon kang menu alin ba iyong mga icha-charge sa local, alin iyong mga itutulong ng national. Iyong mga icha-charge sa local, kailangan mayroon kang another menu na sinasabing anong klaseng mga projects, o anong klaseng mga expense items ang puwedeng papuntahan noong additional na revenue na matatanggap ng lokal.

    Noong DILG Secretary iyong asawa ko, siya iyong nag-umpisa noong Seal of Good Housekeeping, kung naalala niyo. Iyong Seal of Good Housekeeping na later on na lalo siyang in-expand na naging Seal of Good Local Governance na siya. Kapag tiningnan mo iyong programa, ganoon siya. Parang mayroon siyang mga menu na dito sa, halimbawa papaano ka nagre-respond sa iba’t ibang mga paraan? Dapat iyong pag-rollout ng Mandanas Ruling ganiyan. Pero noong DILG Secretary iyong asawa ko, doon din sinimulan iyong Bottom-up Budgeting. At ako, napakalaking advocate ako ng Bottom-up Budgeting. In fact, noong naging member ako ng House of Representatives, I was the principal author of the bill, iyong People Participation in the Budget Process. At ngayon na mayroon nang rollout ng Mandanas Ruling, ako, patuloy kong tinutulak iyon sa paniniwala na mas magiging maayos iyong paggastos ng pera kung iyong ordinaryong mamamayan, nabibigyan ng pagkakataon to take part in the budget process. Kasi parati ko naman itong sinasabi na iyong mga solusyon sa problema on the ground, dapat manggaling sa mga taong apektado. Halimbawa, iyong mga mangingisda, they are among the most marginalized o pinakamahirap. Ano ba iyong mga nararapat na problema sa kanila? Dapat hindi kaming mga politiko iyong nagpa-plano noon. Dapat binibigyan namin ng mechanism iyong mga mangingisda mismo na maging bahagi sila ng proseso para iyong mairo-rollout natin na programa sa kanila, nanggaling din sa kanila.

    So iyong sa akin, ang aking wishlist, na sana iyong Bottom-up Budgeting, maging bahagi siya nitong rollout ng Mandanas Ruling kasi ang paniniwala ko, the more na nabibigyan ng pagkakataon iyong tao to take part in governance, mas nagiging maayos iyong mga programa ng gobyerno, mas nagiging responsive siya. Kami rin, kaming mga public officials, mas hinuhusayan namin—mas hinuhusayan namin iyong trabaho namin kasi kabahagi—kabahagi iyong ordinaryong mamamayan na parang parallel siya ng pamahalaan. Kaya advocate din ako ng mga People’s Councils. Advocate ako ng People’s Councils kasi ang pakiramdam ko, kailangan nagpo-provide tayo ng espasyo. Nagpo-provide tayo ng spaces for people to directly participate in governance. And itong Mandanas Ruling is a very good opportunity for that.

    REPORTER 5: Thank you, Ma’am.

    MODERATOR: Thank you. And the next one to raise the question is Mr. Don Arellano of Oragon FM.

    REPORTER 6: Good morning, Madam Vice President, and sa lahat po ng miyembro ng media at sa mga bisita po natin. President Rodrigo Roa Duterte has a Build, Build, Build program. Vice, if given a chance by the people of the Philippines to be president of the Republic of the Philippines, what are your priority programs that you’re going to push through at mararamdaman po ng Pilipino sa loob ng 100 days?

    VP LENI: Ako, iyong priority programs talaga iyong mga programa that will help alleviate poverty. Para kasi sa akin, no amount of success—iyong magagandang edifice, magagandang mga infrastructure projects, iyong pagtaas ng income ng mamamayan, hindi siya sapat kung marami pa rin iyong naiiiwan sa laylayan. So para sa akin, ipagpapatuloy natin iyong Build, Build, Build pero sisiguruhin natin—sisiguraduhin natin na iyong pupuntahan ng pera para sa infrastructure, mayroon itong direct impact—mayroon siyang direct impact sa pag-angat noong mga nasa laylayan. Meaning to say, ano ba iyong mga puwedeng pagka-gastahan? Iyong mga farm-to-market roads, mga cold storage facilities, iyong mga solar dryers, iyong lahat na pangangailangan ng ating mga farmers. Halimbawa, para sa mga mangingisda, ano ba iyong mga puwedeng i-rollout? Kahapon nasa Albay ako. Binisita namin iyong mga project namin sa mga coastal communities ng Tabaco at saka Bacacay. Paglagay ng mga fish cages, na sa pakikipag-usap sa kanila, simpleng proyekto na nagbibigay ng napakalaking boost sa kanilang kabuhayan. Kung ako iyong tatanungin, ito iyong pagkakagastusan ko.

    Iyong mass transport, kailangang—mass transport system—kailangan nating asikasuhin. Kasi kahit magdagdag tayo nang magdagdag ng mga—okay naman iyong magdagdag tayo ng mga kalsada, pero kung hindi natin naaasikaso iyong mass transport system, iyong mga taong umaasa, iyong mga taong nagko-commute, patuloy na nahihirapan. Iyong sa akin, dapat iyong infrastructure natin magsu-spur siya ng rural development kasi masyadong concentrated sa Metro Manila iyong development. Kailangan ilabas siya. Pero hindi siya mailalabas kung hindi natin hinanda iyong mga different provinces across the country. So sa akin, iyon iyong aking magiging priority as far as infrastructure is concerned.

    REPORTER 6: Thank you, Ma’am.

    MODERATOR: Thank you, Ma’am. The next one to ask a question is from OK FM, Mr. Bryan Arimbay.

    REPORTER 7: Magandang umaga po, Madam Vice President. Ang Pilipinas isa sa lumagda sa international government agreement o itong greenhouse gas emission or ito pong climate change para mapigilan itong mga gases sa kalawakan. Ang isa pong tinamaan dito ang sektor ng transportasyon na sa kasalukuyan ay kanselado na ang prangkisa at ito ay nagpapatuloy na lamang sa provisional authority na binigay ng LTFRB gawa ng sa provision ng Bayanihan 2 na wala munang phase out habang may pandemic hanggang sa tayo ay maging new normal. At ito ay magwawakas sa April 2022—isang buwan bago ang halalan. Ang tanong ko po: kung kayo po ang mahalal na pangulo, ipagpapatuloy niyo po ba ang pag-phase out ng mga jeepney na karamihan dito ay mga operator na nasa laylayan? Maraming salamat po.

    VP LENI: Maraming salamat. Ako, agree ako. In fact, even before the pandemic, hanggang buong pandemic, marami kaming mga discussions with the different transport groups at ito talaga iyong kanilang hinaing. Kaya iyong opisina namin, maraming mga programa for them para matulungan sila na habang wala silang kita ngayon, habang hindi pa sila nakakabuwelo ng biyahe, mayroon silang kabuhayan na nasasandigan.

    Pero having said that, moving forward kasi may dalawang components iyon, eh. Iyong number one, agree ako na dapat iyong national government, seryoso nang tingnan kung papaano tayo mag-a-adapt o gagawa ng roadmap papunta doon sa pagbawas o pag—later on—completely eradicate iyong carbon, ano ito, iyong utilization natin ng carbon dito sa atin. Kasi ang Pilipinas, isa sa mga pinaka-disaster-prone na mga lugar. So para sa akin, tama na mag-iisip tayo ng maraming paraan kung papaano tayo mag-shift sa more environment-friendly na mga activities. Iyon iyong number one.

    Pero iyong number two, kung magdedesisyon tayo na i-eradicate na o alisin na o mai-phase out na iyong mga jeepney into a more modernized at saka more climate-friendly na mga klase ng jeep, kailangan i-capacitate natin iyong mga mawawalan ng trabaho ng because of that o mawawalan ng kita because of that. Ano ba iyong mga reklamo ng mga jeepney drivers ngayon? Ang sinasabi nila, “hindi naman kami against. Hindi naman kami against dito sa modernization per se. Pero ang mahirap lang para sa amin, mahirap for us to comply kasi masyadong prohibitive—masyadong prohibitive iyong requirements.” Halimbawa, iyong cost ng modernized na jeep, hindi talaga nila kaya. Iyong pangalawa, iyong terms—iyong terms kung papaano nila babayaran, napakahirap for them. So sa akin, kung gusto natin na mag-shift na tayo sa isang modelo na mas climate-friendly, kailangan iyong mga maaapektuhan because of that pakinggan natin. At kasama sila, gawa tayo ng plano: “sa phase out na ito, papaano ba kayo hindi maiiwanan?” Kung sabihin natin na hindi lahat makakasabay sa shift, ano ba iyong puwede nating ibigay sa kanila na alternative means of livelihood? Ngayon kasi during our meetings, iyon iyong reklamo nila, na iyong makakasabay lang talaga dito sa modernization, iyong medyo may capacity. Pero iyong ibang mga walang capacity, wala talaga, eh. Hindi nila kaya. Hindi nila kaya iyong cost. Hindi nila kaya iyong terms. At pakiramdam nila, hindi sila napapakinggan.

    So para sa akin, kailangan balik sa drawing table na nandiyan sila, pinapakinggan sila ano ba iyong proposal nila. Kasi ang sinasabi nila, “Hindi naman kami against it, eh. Kaya lang naman kami kumukontra kasi masyadong mahirap para sa amin iyong mag-comply. So kung tulungan lang sana kami na makapag-comply kami sa terms, okay naman kami.” So para sa akin, it’s just a matter of listening to them at hingiin sa kanila ano ba iyong terms na makakasabay kayo? And para sa akin, kailangan ginagawa iyon ng gobyerno. Hindi iyong basta ka lang mag-i-impose tapos sasabihin mo, “Ah, basta. Ito iyong policy. By this time, kailangan mag-comply kasi kung hindi ka pa nag-comply, wala ka na.” Mali iyon. So iyong sa akin, kailangan alalayan, lalo pa kasi during the pandemic, sila iyong among the worst-hit na dapat sana inaasikaso natin iyong kanilang pagbuhay. So ang sa aking suggestion, hindi ito kailangang hintayin na matapos pa iyong eleksyon. Pero ngayon sana, sana bumalik na sa drawing table at pag-usapan—pinakinggan sana sila, “ano bang arrangement iyong kakayanin niyo? Ano bang arrangement iyong makakasabay kayo?”

    MODERATOR: Thank you. And the next one to ask a question is from Tribunal News, Ms. Nes Tiesta.

    REPORTER 8: Good morning, Vice. One of the questions na ire-raise po namin ay iyong concern sa national issue, which is nararanasan din po sa probinsya ng Sorsogon. Iyong tungkol po sa high power rates ng electricity, despite the fact na mayroon kaming geothermal power plants. So if you were elected as president, what is your take or plan about it?

    VP LENI: Actually, matagal na natin iyang hinaing, ‘di ba. Matagal na natin hinaing dito sa Bicol Region na bakit ba—mayroon tayo ditong malaking geothermal plant pero iyong high power rates—mas mataas pa nga tayo compared sa ibang lugar, and marami siyang implications, eh. Kapag sobrang taas ng power rates dito sa atin, mahirap mag-aya ng negosyong dumating. Mahirap mag-aya ng negosyong dumating. Iyong mga negosyong dati nang nandito, hindi makapag-compete sa presyo dahil ang taas-taas ng power rates. Ang taas ng transport costs. In the last months or so, nag-meeting kami with—mayroon kasing tinatawag na power bloc. Mayroong tinatawag na power bloc sa Congress na ito iyong mga representatives ng mga partylists na ang nire-represent nila iyong mga electric coops. Mayroon kaming mga discussions and patuloy na magkakaroon ng discussions na ang kanilang hinihingi, iyong i-strengthen iyong kanilang cooperatives para makatulong sila para makatulong sila sa kaniya-kaniya nilang mga lugar. Mayroong mga issues on the set-up mismo. Ang sinasabi nila na iyong set-up kasi mismo maraming layers iyong halimbawa, mayroong charge sa distribution. Parang ang kine-claim ng iba, mayroong mga double charge na we can do away with that.

    So iyong sa akin, ang promise ko sa kanila na uupuan natin. Pag-aralan natin ano ba iyong nagda-drive. Ano ba iyong nagda-drive dito sa napakataas na power rates? Pero iyong pagsugpo kasi, hindi ganiyan ka-simple. Hindi lang ito matter of pag-aralan iyong current setup, iyong distribution ng electricity, pero it’s so much more than that. Dahil grabe na iyong threat sa ating climate, kailangan kapag pinag-usapan iyong energy, kapag pinag-usapan iyong power, parating kabahagi iyong environment. So iyong sinasabi ko nga, kailangan gumawa tayo ng [roadmap]. Kailangan gumawa tayo ng roadmap na ngayon nandito ang sitwayon natin, ano ba iyong kailangan natin, ano ba iyong goals natin every year para papunta na tayo doon sa mas environment-friendly na sources of power. Hindi siya—hindi siya puwedeng mabigla. So ano-ano ba iyong plano natin papunta doon, at papaano natin siya ma-achieve? Hindi siya puwedeng pag-usapan na energy versus the environment, kasi para sa akin hindi siya magkalaban. So dapat pag-usapan na, again, mas holistic na approach.

    Iyong problema natin sa Bicol has been a problem for many, many decades already na hanggang ngayon, hindi pa siya nare-resolve. Hindi pa siya nare-resolve, kasi iyong buong sistema, ganoon pa din. So kahit pa i-promise nang i-promise na, “kapag ako nakaupo, ibababa ko iyan,” kapag hindi binabalikan iyong sistema ng power generation, power distribution, hindi siya magbabago. So ang aking… ang aking programa para dito, mag-usap-usap lahat—mag-usap-usap lahat from power generation to power distribution, pero pati iyong environment kailangan i-take into consideration para  kapag gumawa ng roadmap, mas comprehensive na talaga.

    REPORTER: Thank you so much po, Vice.

    MODERATOR: Thank you. The next one to ask a question is Marlon Aton of PIA Sorsogon.

    REPORTER 9: Good morning, Madam Vice President—Honorable Vice President Robredo. Here is my question: the Bicol Region is said to be a disaster-prone area. Now, there is a pending bill in the Senate creating a Disaster Resilience Department. Now, my question is: are you in favor or what is your opinion, or there a need to create a Disaster Resilience Department at this point in time, Madam? Thank you.

    VP LENI:  Sa akin, kahit kasi wala pang Disaster Resilience na department, ang dami na nating puwedeng gawin ngayon—ang dami na nating puwedeng gawin in the manner na ginagawa natin iyong budget, iyong pagro-roll out natin ng budget. Example, kanina pinag-usapan natin iyong—pinag-usapan natin iyong power generation, konektado siya doon. Ang pangalawa, ang dami nating bini-build na structures dito, na halimbawa mga eskuwelahan. I’m sure you’re well aware, ang dami nating ginagastos sa paggawa ng mga classrooms, pero ang design ng mga classrooms, hindi naman pang-bagyo. Maraming mga lugar sa distrito namin sa Camarines Sur, na bawat bagyo, ito iyong mga eskuwelahan na nasisira over and over again. Natatanggalan ng bubong. Iyong mga paaralan na hindi mo magamit na evacuation centers kasi hindi siya designed para sa bagyo. Para sa akin, puwede na itong magawa ngayon even without the department. Pagagawa tayo ng eskuwelahan, puwedeng iyong bubong ay typhoon-resilient  already. Puwedeng ang gawin na natin, lalo na sa mga mababang mga lugar, several storeys high na ang mga classroom rather than one storey. Para kapag bumabaha ay nallipatan siya ng mga tao. Maraming—halimbawa, sa mga farmers natin, bawat bagyo, magha-harvest na lang, mauubos iyong crops. So pinag-isipan na ba natin na iyong mga crops na tinatanim ng mga farmers natin ay climate-resilient din? Iyong paggawa ng mga seawall sa mga lugar na nagkakaroon ng mga surge galing sa dagat, enough na ba iyong infrastructure noon?

    So ang gusto kong sabihin, while makakatulong perhaps na magkaroon ng isang department na walang ibang ginagawa kung hindi tingnan lang ang mga ito, ang dami nang puwedeng gawin ngayon na ang pakiramdam ko hindi nama-maximize. Mayroon tayong NDRRMC. I think you have seen this on social media already. Dati, mayroon tayong Project NOAH na makakatulong sana para maka-better prepare tayo for disasters. Hindi natin ito kinontinue. Marami tayong mga local na DRRMs. Pero iyong mga lokal na DRRMs natin, kahit ginagawa nila iyong trabaho nila, wala silang enough na data para magplano.  Experience ko ito noong nasa Congress pa ako. I was representing the Third District of Camarines Sur. Iyong mga DRRMs, marami namang plano. Pero kapag tinanong mo kung mayroon bang disaster-mapping, hindi sila aware of that. Maraming trabaho na ginagawa in silos. Halimbawa, marami kasing disaster-proofing na hindi magagawa on a per municipality-basis. Maraming disaster-proofing na magagawa lang kung ang mag-uusap iyong lahat ng affected. Halimbawa, sa amin, bahain kami kaya Bicol River basin, ‘di ba? Bicol River basin kasi, parang basin kami. Laging nagbabaha kapag malakas ang bagyo, pero hindi nag-uusap-usap iyong mga munisipyo. Hindi nag-uusap-usap na dapat, halimbawa, iyong drain papunta sa Bicol river. Iba-iba iyong mga programa ng mga munisipyo.

    So what am I driving at? Na what we have now, we are not able to take advantage of. Maraming puwedeng gawin even without the department. So ang kailangan lang talaga, may focus na ito iyong decision natin. Parang sa atin kasi, iyong mindset—iyong mindset na iyong disaster… disaster programs natin, mas reactive tayo. Ina-activate natin ito kapag mayroon nang sakuna. Dapat sana hindi ganoon. Dapat iyong disaster-proofing, mas malaking, ano ito, mas malaking investment iyong ginagawa. Na hindi pa nagkakaroon ng disaster, dini-disaster-proofing na natin iyong mga lugar sa atin, and we can do it now.

    REPORTER 9: Thank you very much, Madam Vice President, for the answer. Thank you very much, Mr. Facilitator.

    MODERATOR: Thank you. The next one to ask a question is Mr. Red of Bicol TV.

    REPORTER 10: Thank you so much, sir Boy. Good morning po, Ma’am Vice President. Isa po sa mga dahilan kung bakit po makikita naman natin, porsyento ng mga taga-Sorsogon na suportado ka po dahilan sa ikaw po ay taga-Sorsogon. And dapat naman po talaga itong ika-proud, hindi lang Bicol, kung hindi especially ng mga taga-Sorsogon. Kung sakali pong palarin ka po na manalo bilang ikatlo, kung tama po, ikatlo na babaeng Presidente ng Pilipinas, ano po ang maaasahan o magiging pribilehiyo ng mga taga-Sorsogon?

    VP LENI: Ako, hindi lang Sorsogon. Hindi lang Sorsogon, pero the region as a whole. Ang dami nating problema dito, na for many, many years, hindi tayo nabibigyan ng ganoon na privilege na asikasuhin. Lagi ko itong ikinukuwento na ngayon na VP na ako, maraming pagkakataon na pumupunta ako sa north. Maraming pagkakataon na pumupunta ako sa north. Kapag pumupunta ka sa north, ang dami-daming highways na puwede mong pagpilian. Mayroong NLEX, mayroong SCTEX, mayroong TPLEX. Pero kapag umuuwi ka dito sa atin, may iisang highway na forever pang sira, ‘di ba, forever pang sira? Actually, iyong biro ko nga, iyong Sorsogon has the best roads. Siguro you will agree with me, na kahit tulog ka sa sasakyan, kapag maayos na iyong road, alam mo nasa Sorsogon ka na. Pero if you’re coming from Manila, ano talaga, kapag nag-traffic iyong mga munisipyong dadaanan mo, hindi mo na alam kung anong oras kang dadating. So isa iyon. Na ito, iyong Sorsogon, the whole of Bicol Region, actually, except Masbate and Catanduanes, gateway tayo ng mga pumupunta sa Visayas at Mindanao na nagsasasakyan. Pero sobrang… sobrang hirap. Sobrang hirap ng pag-uwi dahil walang enough na facilities na puwede nating gamitin. Number one iyon.

    Iyong number two, iyong PNR, ang laking tulong niya sana para sa—hindi lang sa  mas murang pagbiyahe ng mga tao, pero para sa transport of goods and services na galing dito sa atin. Mas magkakaroon sana tayo ng pagkakataon na makapag-compete with lower prices kung ang PNR natin maayos na. Pero anong nangyari? Ang tagal tagal. ‘Di ba, ang tagal tagal? In fact, noong nasa Congress ako, nag-author ako ng Bill extending the life of PNR. Mayroon nang mga plano, tapos kapag nag-change ng administration, made-derail. So itong mga bagay na ito, kailangan asikasuhin. Kanina, tinanong tayo about power. Iyong power, isa sa mga malaking problema natin dito sa Bicol Region. Hindi lang dahil mahal siya, pero maraming parts ng Bicol Region, pawala-wala pa rin hanggang ngayon iyong brownout. Alam natin na deterrent ito sa mga investments. Iyong pag-disaster-proof ng lahat ng probinsya sa Bicol Region, kasi siguro of all the regions in the country, iyong Bicol Region, isa sa mga pinaka-tinatamaan lagi kung may… kung may disasters. So itong mga bagay na ito na napakahalaga sa pang-araw-araw na buhay natin, not just in Sorsogon but the entire Bicol region. Malaki iyong pagkakataon kapag nabigyan ako ng pagkakataon. Kasi sa unang pagkakataon, magkakaroon ng Pangulo na galing Bicol.

    REPORTER 10: Thank you po.

    MODERATOR: Thank you so much. Thank you. And we would like to request the presence of Mr. Kenneth Pasyente of the National PTV4 for her question.

    REPORTER 11: Hi, Ma’am. Good morning po. Kenneth Pasyente from PTV4. Ma’am, hihingi lang po sana ng reaction, kasi sinabi ni Senatorial aspirant Raffy Tulfo na ipo-propose niya sa COMELEC na magkaroon ng drug testing itong mga candidates na tumatakbo. Reaction, Ma’am? Thank you.

    VP LENI: Ako, okay iyon. Ako, ready ako any time. Ready ako any time. Hindi sa akin problema iyon. So sa akin, kung ire-require iyon, okay. Lalo na dahil maraming mga kuwento. Maraming mga kuwento na ito ay lulong sa ganito. Mas mabuti na clean–clean slate kami. So ako, any time.

    REPORTER 11: Thank you po.

    MODERATOR: Thank you. The next one to ask the question is another member of the national media, Ms. Marlene Alcaide of TV5.

    REPORTER 12: Hi, VP, good morning. VP, PDP Laban Cusi faction po is pushing for President Duterte to run for Senator. Ano pong masasabi niyo dito?

    VP LENI: Ako, na kay Presidente naman iyon. Na kay Presidente iyon kung willing siya to take on the encouragement being done by PDP Laban. It doesn’t affect us at all.

    REPORTER 12: Thank you po.

    MODERATOR: Thank you. May I call on Mr. Jerry Bigtas for his question.

    REPORTER 13: Magandang umaga po, VP. Si dating DILG Secretary Mar Roxas po, may slot po ba siya maging gabinete kung sakaling manalo kang presidente?

    VP LENI: May ano iyon?

    REPORTER 13: May slot?

    VP LENI: Ako, hindi pa natin—hindi pa natin kino-consider iyon. Hindi lang sa kaniya, pero wala pa naman tayo doon sa punto na nag-iisip na tayo kung sino iyong mga magiging members of the Cabinet. Iyong sa akin, over the past five and a half years na ako ay VP, hindi kami huminto sa pag-aral. Hindi kami huminto sa pag-aral sa maraming mga issues na bumabagabag sa atin sa ating bansa, whether health, whether education, whether local governments. Lagi tayong nag-iinvite ng iba’t-ibang mga experts in their field para bigyan tayo ng briefing para magkaroon tayo ng mga discussions. So tingin ko, iyong pagpili would come after the elections. Pero iyong sa akin lang, ayaw ko na maging consideration siya. Ayaw ko iyong susuportahan—susuportahan ako, tapos iyong magiging usapan, Cabinet positions. Kasi iyong pagpili ng Cabinet, napakahalaga nito. Iyong pagpili ng Cabinet, hindi siya dapat tinitingnan sa party lines. Dapat ang pagpili ng Cabinet, pinipili natin iyong best in their field, and alam natin iyong capacity ni Secretary Mar. Pero wala pang discussion about it. Siguro iyong discussions, mangyayari after the elections already.

    REPORTER 13: Thank you.

    MODERATOR: Thank you. Is Mr. Roland already around? He can raise his question. Go ahead, please.

    REPORTER 14: Salamat, Boy. Magandang umaga po, Vice President VP Leni, sa lahat po ng mga nandirito ngayon, mga kasama ko po sa media. Ma’am, okay lang mag-ano, tatlo po iyong tanong, Boy. Madam, okay lang, tatlo po ang tanong? Una—okay lang?

    Ma’am, ano po iyong priority program ninyo on diplomatic relations? Kasi alam natin ngayon, ito po iyong madalas sinasabi na iyong ating administration ngayon is malapit daw po sa China. If ever si VP Leni maging Presidente, saan po siya malapit na kaibigan? Isa po iyon.

    Pangalawa, ano po iyong mas mabuting imposition of penalty doon sa mga pulitiko na every election ay mukhang mas ipinangangalandakan na, “Kami ay maraming pera, kaya namin bumili.” Actually, ito po ay isa sa mga tanong sa inyo noong nakaraan, na mukhang kino-quote ninyo iyong ating mga voters na tanggapin iyong pera, at bumoto base sa konsensya.

    At pangatlo po, Ma’am, ano po ba iyong edge ninyo as a lawyer, bilang babaeng kandidato sa kapwa ninyo kandidato bilang presidente? Thank you. Good morning.

    VP LENI: Ayan. Iyong una muna, I think I have said this many times already in the past. Na as far as foreign relations is concerned, ang pinakamaganda mayroon tayong foreign independent policy. Na iyong foreign independent policy na siguradong iyong magbe-benefit, iyong bansa natin at saka iyong mga Pilipino. And having said that, hindi ito pagkiling sa iisang bansa lang. Hindi naman ito—hindi ito laban na US versus China, hindi iyon. Pero iyong sa akin, ano ba iyong relations natin sa iba’t ibang mga bansa na will give the most benefit to our country and our people? Iyong sa akin, iyong pag-reclaim ng ating standing in the international community, napakahalaga. Iyong pangalawa, iyong pag-recommit natin. Iyong pag-recommit natin to the principles of democracy and human rights, mahalaga iyon. Pangatlo, iyong pag-strengthen natin ng relations with our, number one, traditional allies. Pero not only with our traditional allies, pero cultivating stronger relations with countries na, kapag stronger iyong relationship natin, we can benefit from the most. Sino-sino ba iyong mga bansa na iyon? Una, iyong mahahalagang trading partners natin. Hindi lang iyong traditional, pero iyong pag-seek out ng mas maraming mga puwede nating maging partners as far as trade is concerned, lalo na ngayong panahon ng pandemya na maraming mga Pilipino ang nawalan ng trabaho. Maraming mga buhay ang naghirap because of the pandemic. Iyong pangatlo, iyong question sa China, sinabi ko na din ito na doon sa mga areas na wala naman tayong conflict, halimbawa, trade. Wala naman tayong conflict. Continue strengthening our relationships with them. Pero kapag ang usapin West Philippine Sea, sa atin, hindi iyon—hindi iyon subject to negotiation dahil mayroon nang ruling iyong arbitral tribunal. So anything connected with the West Philippine Sea, dapat non-negotiable iyong recognition ng award galing sa arbitral tribunal. Iyong pag-seek ng bilateral commitments, lalo na doon sa mga bilateral or multilateral commitments lalo doon sa mga bansa na marami tayong overseas Filipino workers para siguraduhin iyong proteksyon nila. Para siguraduhin na they enjoy the labor standards that they deserve. Kasi ngayon, maraming mga bansa na marami tayong OFWs na wala pa tayong napapasukan na bilateral relations. Dapat i-pursue natin iyon. Iyong stronger relations with our ASEAN neighbors. Iyong stronger presence—stronger presence natin sa mga UN, sa ASEAN, sa APEC, na magbe-benefit tayo. Ngayong pandemic, ano ba iyong mga relationships at saka mga commitment where we can most benefit from as far as vaccines are concerned, as far as treatments are concerned? Ang daming puwedeng i-harness na kailangan lang na siguraduhin natin na hindi tayo magpapadaig sa takot. Na ang ating foreign relations ay always ang goal in mind is what is best for the country and the Filipino people. Ano iyong second question? Sorry, nakalimutan ko. Sorry, Sir, nakalimutan ko. [chuckles]

    REPORTER 14: Ano po, Ma’am, iyong edge po ninyo sa mga kalaban pong kandidato—

    VP LENI: Ah, okay.

    REPORTER 14: —bilang babae at saka bilang abogada.

    VP LENI: Ako, kapag panahon ng eleksyon, lahat kami mangangako. Kapag panahon ng eleksyon, lahat na kami mangangako. Ang sasabihin namin, lahat kami kontra sa korapsyon. Pero ano ba iyong assurance ng tao na na kapag nakaupo kami, talagang sisiguraduhin namin na kontra kami sa korupsyon? Parati naman—parati nating babalikan iyong aming pinanggalingan. Parating babalikan iyong aming pinanggalingan. Halimbawa, kapag sinabi mong kontra sa korapsyon, na-involve na ba iyong pangalan ko sa kahit anong usapin patungkol sa korapsyon? Iyong record namin sa Office of the Vice President, for the third straight year, nakukuha namin iyong highest COA audit rating. Malinis ang aming pagpapatakbo. Noong nasa Congress ako, anong klase bang mga batas iyong aking finile? Dalawa sa mga finile kong batas ay—iyong pinaka una kong finile ay—nakalimutan ko iyong title. Iyong pinaka una kong finile ay iyong transparency. Iyong transparency sa lahat ng mga transaksyon ng pamahalaan. Iyong pangalawa, isa ako sa mga authors ng Freedom of Information Law. At iyong dalawang iyon ay parehong transparency measures na nagsisiguro na magiging mahirap iyong korupsyon.

    Kapag sinabi naming mahal namin iyong mahihirap, pagdating ng eleksyon, lahat ng kandidato, mahal nila iyong mahihirap. Pero ano ba iyong puwede kong dala-dala sa conversation na magiging ebidensya kung bakit ko mahal ang mahihirap? Una, papaano ko ba kinonduct iyong buhay ko bago ako naging pulitiko? Noong ako ay abogado na, pinakauna kong trabaho, nasa PAO ako, Public Attorney. Ang pangalawa, 10 years akong nagtrabaho sa NGO na ang paninilbihan mga mahihirap. Noong nasa Congress ako, marami akong finile na bill para sa poverty alleviation. Ngayon na Vice President na ako, karamihan sa aming mga proyekto ay nandoon sa pinakamalalayo, pinakamahihirap, pinakamaliliit na lugar para maibsan iyong kahirapan sa mga lugar na iyon. So ang edge ko ay kapag sinabi kong ganito ako, mayroon akong pruweba. Kapag sinabi kong—hindi sa akin lip service. Pero iyong aking pina-promise ay I have many years of living and working para i-push iyong mga advocacies na pinapaniwalaan ko. Mayroon pa, Sir, isa.

    REPORTER 14: Iyong stand niyo po, Ma’am, sa vote-buying.

    VP LENI: Ah. okay. Iyong vote-buying, parati ko naman itong inuulit, mali siya. Mali iyong vote-buying, hindi dapat siyang kino-condone. Pero ang sinasabi ko lang, iyong realities on the ground. Marami iyong bumibili ng boto na hindi naman natin na-e-enforce iyong batas. Iyon iyong realities. Parang madali lang sabihin iyong, “Kontra ako sa vote-buying.” Pero iyong pag-kontra mo kasi, kailangan mo kasi i-situate, eh. Kontra ako sa vote-buying, pero bakit mayroong batas against vote-buying pero bakit masyadong flagrant iyong bilihan ng boto on the ground? So sa akin, iyon iyong umpisa. Iyon ang number one. Iyong number two, iyong call. Iyong call na sana lahat na forces of government, ginagamit para ma-enforce iyong batas. Kasi kapag hindi natin ito na-enforce nang maayos, ang nabibigyan ng pagkakataon manalo sa eleksyon, iyong mga may pera. Nagiging—again, nagiging prohibitive iyong pagtakbo. Kung wala kang pera, huwag ka nang tumakbo kasi hindi ka mananalo sa eleksyon. Iyong pangatlo, iyong vote-buying, ito talaga iyong—ito talaga iyong nagpu-push na iyong korupsyon mangyari. Kasi ano ang mangyayari? Bibili ka nang bibili ng boto, papaano mo iyon babawiin? Babawiin mo iyon kapag nakaupo ka. Nakikita natin, maraming mga pulitiko na namili nang namili ng mga boto, pag-upo, nag-iipon na naman. Nag-iipon na naman para may pambili ulit siya sa second elections.

    Iyong sa akin, ito iyong realities, eh. Ito iyong realities and dapat ang pino-problema natin, hindi iyong statement ko. Pero ang pino-problema natin, papaano natin finally ma-e-enforce iyon? Kasi alam natin, eh. Halimbawa, kailan ba naging laganap iyong pagbili ng boto? 1986. ‘Di ba, 1986? Ilang taon na ngayon? Iyong 1986, during the Snap Elections, ‘di ba number one na isyu noon iyong bilihan ng boto? Time ng dating diktador. Hanggang ngayon, issue na noong 1986, hanggang ngayon issue pa din. Hanggang hindi natin na naayos iyong enforcement, lagi siyang magiging issue.

    Iyong statement ko na sinabi kong, “Kunin iyong pera, pero ang iboto iyong nasa konsensya,” ito nga iyong deterrent sa bilihan ng boto, eh. Ito iyong deterrent sa bilihan ng boto kasi kung gumastos ka nang gumastos, sumubok kang bumili ng boto, hindi ka naman nahuli, pero iyong mga taong supposedly ay binili mo, hindi ka naman binoto, eh ‘di hindi naging successful iyong vote-buying. And kapag hindi naging successful, dapat mag-iisip na iyong bumili ng boto kung anong kailangan niyang gawin para manalo na siya sa susunod na eleksyon.

    Pero iyong point ko lang, kakaunti na lang na pulitiko ang hindi nagre-resort sa paggastos nang grabe during the elections. And mapapantay lang natin—male-level lang natin iyong playing field—kapag sinabi kong male-level lang natin iyong playing field, kahit iyong mga mahihirap pero gustong manilbihan, may pagkakataon silang manilbihan kapag in-enforce natin iyong batas nang maayos. Pero hanggang hindi natin na-e-enforce iyong batas nang maayos, iyong pagkakandidato para na lang sa mga kandidatong may pera.

    MODERATOR: Thank you very much. And that ends our Q&A. Madam Vice President, may request, again, final words from you, not only for Sorsogon, but for the whole nation? Thank you.

    VP LENI: Gusto ko lang ulit magpasalamat. Gusto ko magpasalamat sa lahat ng nagpakita ng suporta. Umuwi ako sa Bicol noong isang araw and very overwhelming iyong pinakita na suporta ng mga kababayan natin. Kahapon, nandoon ako sa Albay. I went around, and everywhere I go, ramdam na ramdam talaga iyong—ramdam na ramdam iyong katuwaan. Ramdam na ramdam iyong katuwaan ng ating mga kababayan na mayroong Bikolanong kumakandidato. Mahalaga iyong candidacy ko ngayon. Hindi pa ako magkakampanya kasi bawal pa magkampanya. Pero iyong pagbaba ko dito ngayon is to thank our volunteers. Nakita niyo naman na noong isang Sabado iyong volunteers from all over the country went around, talagang pinakita iyong kanilang suporta. Ito, nakakalakas ng loob namin. Kaya I’m really taking the time out to thank the volunteers. Inulit ko na ito many times over, na noong una, mahina iyong loob ko. Mahina iyong loob ko dahil alam ko wala akong resources, wala akong makinarya to mount a decent national campaign. Pero ever since na nag-announce ako, iyong response talaga has really been overwhelming, na parati kong sinasabi, I may not have the machinery, I may not have the resources, but I also have one thing that they don’t have—and iyon iyong passion, iyong commitment, iyong enthusiasm ng napakaraming volunteers. So ngayon, gusto ko lang na magpasalamat sa inyong lahat. I hope to meet as many of you as possible. Ang iba sa inyo nakilala ko na sa Zoom. Dito sa Bicol, na-meet ko na in person. And over the course of siguro from now until January, habang wala pang kampanya, I will really devote a lot of my time meeting everyone and thanking everyone. So maraming, maraming salamat. [applause]

    MODERATOR: Thank you very much. Thank you very much.

     

    - 30 -

     

     

    Posted in Transcripts on Oct 29, 2021