This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo on plans for Camarines Norte, good governance, black propaganda amidst campaign

    Vice President Leni Robredo on plans for Camarines Norte, good governance, black propaganda amidst campaign

    Labo, Camarines Norte

     

    OVP: First question kay Sir Noli.

    REPORTER 1: Magandang, magandang hapon po, Ma’am Leni! Ang tanong ko po ay: lima po kayong naglalaban-laban sa pagka-presidente batay doon sa listahan from the COMELEC. Sino sa tingin niyo po ang medyo malakas-lakas na makakalaban?

    VP LENI: Ako kasi ngayon focused ako sa sarili kong kampanya. Dahil late na ako nag-decide, marami akong hahabulin kaya wala talaga akong panahon tumingin sa iba. Pero ang magde-decide kasi niyan taumbayan. Kahit noong tumakbo ako for VP, ganiyan naman. Dapat—lalo ngayong hindi pa kampanya—dapat focused lang sa ginagawa. Kami, inspired kami ngayon dahil sobrang energized iyong mga volunteers. Iyon iyong gusto naming ma-harness. Pero walang—hindi kami mag-aaksaya ng oras na titingnan iyong iba kasi ang dami naming kailangang gawin from our side.

    REPORTER 1: Okay, salamat po.

    OVP: Next po, Si Sir Serge ng OKFM.

    REPORTER 2: Yes, Ma’am. Good afternoon, Ma’am. OKFM, Ma’am. Welcome ho dito sa Camarines Norte—ang tinaguriang suspension capital of the Bicol Region, ano po—[laughter]—kung saan lahat po ng tumutuligsa at  kalaban sa politika ng kasalukuyang administration ay kinakasuhan at ginigipit, kung hindi man, nasususpinde. Ang katanungan ko po sakaling kayo po ay makaupo bilang presidente ng ating bansa, ano po ang inyong maitutulong sa aming lalawigan pagdating sa good governance, pagprotekta sa human rights, kasama ang karapatan ng mga media, ng mga mamamahayag, at kalikasan kung saan talamak ho rito ang quarrying. Isa pa ho diyan, Ma’am, ang namumuno sa probinsya ngayon ay may kinakaharap ding mga kaso subalit tila hindi umano umuusad ang mga ito dahil sa kapartido ito ng kasalukuyang administrasyon. Bilang abogado, bilang presidente, ano po ang inyong gagawin para maibalik natin iyong magandang justice system at maging epektibo ito, hindi lang dito sa aming lalawigan, bagkus sa ating bansa?

    VP LENI: Ako, mula’t sapul alam ninyo. Alam ninyo iyong klase ng politikang pinaiiral natin, na dapat iyong parti-partido nangyayari lang iyon sa kampanya. Pero pagkatapos ng eleksyon ay dapat colorblind kami lahat at pinagsisilbihan lahat. Paniniwala ko mula noon hanggang ngayon, hindi magiging effective iyong governance namin kapag politika iyong pinaiiral. Nakita natin, marami na tayong halimbawa sa iba’t ibang bahagi ng bansa na kapag politika iyong pinapairal at apektado iyong development ng lugar—sabi mo nga, marami tayong problema sa good governance na kailangan nating ayusin. Marami tayong models na nandiyan na puwedeng i-adopt na lang pero kapag wala kasi—kapag hindi kasi good governance iyong pamantayan, nare-relegate siya to the sidelines. And ako, kontrang-kontra ako doon kasi para sa akin, iyong pinaka-epektibong serbisyo na mabibigay natin sa mga mamamayan, malinis at matino na governance, na leadership. Kasi ito talaga iyong magbibigay ng—hindi lang katahimikan pero mae-ensure na ang inaasikaso natin iyong mga basic na karapatan ng ating mga kababayan. At kapag sinabi ko na mahalaga sa akin iyong good governance, kapag sinabi ko na mahalaga sa akin iyong walang politika, pantay-pantay na pagtingin—pinakita ko ito sa lahat na paninilbihan ko at panunungkulan mula noong ako ay [naging] congressman hanggang sa ako ay naging vice president. Kahit iyong lugar, hindi ko pinanalunan, kapag kinakailangan ng tulong, tumutulong kami.

    So iyong sa akin, iyong example na ipapakita ng—example sa leadership, example sa governance, iyon iyong pamantayan na hihingiin natin sa bawat local government unit. Kasi kapag iyong pamahalaan sa lokal ay ganito, politika iyong pinaiiral, lahat talaga apektado.

    OVP: Next po, si Ma’am Mia Concordia po.

    REPORTER 3: Magandang hapon po, Vice President Leni.

    VP LENI: Magandang hapon!

    REPORTER 3: Aware po ba kayo sa mga naglalabasang mga black propaganda sa inyo na sobra pong dami dahil sa nakikita iyong overwhelming na support sa inyo, lalo na ng mga kapwa niyo Bicolano. Ano po ang reaksyon niyo?

    VP LENI: Hindi bago kasi sa akin iyong paninira. Pero iyong sa akin, kanina kausap ko iyong mga pari, ang tanong: “papaano ka naaapektuhan?” Ang parati ko ngang sagot, “lugi nga sa akin iyong mga trolls kasi hindi ako naaapektuhan.” Nakikita niyo naman, in the last five and a half years, kung ano-ano iyong paratang sa akin pero hindi ko lahat pinansin. Iyong sa akin, iyong tutok ko iyong trabaho. Iyong tutok ko, talagang ano ba sa—given na maliit iyong mandato namin, maliit iyong aming resources, papaano ba kami makakatulong? Kasi kung papansinin ko iyong lahat na paninira sa akin na wala namang katuturan, nagsasayang lang ako ng oras at emosyon.

    OVP: Next po, Ma’am [inaudible]…

    REPORTER 4: Thank you po. Ang tanong po namin ay: ano ho ba ang plano niyo at nakikita niyo na kailangan pang i-improve dito sa Camarines Norte kung sakaling kayo ay maging presidente?

    VP LENI: Sobrang dami. Kanina, na-mention na. Number one, good governance. Ang pangalawa, iyong pag-asikaso sa basic na mga karapatan ng mga mamamayan dito sa Camarines Norte. Kapag sinabi nating mga basic na karapatan, kabahagi diyan iyong kalikasan. Kabahagi iyong proteksyon ng environment. Kabahagi iyong proteksyon ng mga basic na mga rights ng mga mamamayan, and that includes journalists. Kabahagi noon iyong pagsigurado na walang kinikilingan kapag nakaupo na. In the past five and a half years, marami kaming mga projects na naibaba dito—very quietly. Halimbawa sa Capalonga, nagpatayo kami ng evacuation center. Sa Jose Panganiban, nagpalagay tayo ng mga LED na street lights. Saan pa ba—sa Mercedes, nagpalagay tayo noong ferry transport service at saka mga fish cages para sa livelihood ng mga mangingisda. Noong nag-relief operations tayo rito, more than, parang 3.6 million pesos worth of relief goods, binigay natin sa iba’t ibang communities na tinamaan noong Typhoon Ulysses at saka Typhoon Rolly sa Labo, sa Mercedes, sa San Lorenzo Ruiz, sa San Vicente, sa Basud, sa Talisay. Inikot natin iyon. Malamang hindi niyo nga nalaman pero ganoon naman—iyon iyong pag-define namin ng trabaho namin in the last five and a half years. Hindi mahalaga iyong credit. Ang mahalaga na sa oras na kailangan kami, nandiyan kami. Noong COVID, tuloy-tuloy iyong tulong namin dito sa mga hospitals at saka sa iba pang mga frontliners, LGU-based, barangay-based. Tuloy-tuloy iyong pagpadala natin, hindi lang ng PPE sets pero mga medical supplies.

    Pero para kasi sa akin, hindi enough na iyon. Mas mabuti na—kung bibigyan tayo ng pagkakataon—bigyan talaga ng tutok ano ba iyong plano at papaano ba i-o-operationalize iyong plano. Kasi para sa akin, kahit anong ganda ng plano, kung hindi mo naman ito naro-rollout, wala ring saysay. Pero ang pinakamahalaga kasi iyong metrics, hindi lang iyong activity pero ano ba iyong gusto nating i-achieve? Halimbawa dito sa Camarines Norte, isa sa pinakamalaking problema rito iyong pangangalaga ng kalikasan. Kapag sinabi mong pangangalaga ng kalikasan, parang motherhood siya. Papaano mo papangalagaan ang kalikasan? Pero ako kasi, iyong klase ng governance at saka klase ng leadership na pinapaniwalaan ko, dapat malaki iyong espasyo for people participation, gaya noong pinangunahan namin sa Naga noong buhay pa iyong asawa ko. Noong nasa Congress ako, nag-file ako ng empowerment bill. Iyong paniniwala ko, dapat iyong gobyerno binibigyan niya ng pagkakataon iyong tao—mechanism, hindi lang opportunity, pero mechanism na binibigyan siyang boses sa lahat na issues na ma-a-affect siya. So pagdating sa kalikasan, kailangan kabahagi iyong tao sa pagplano papaano ba natin papangalagaan iyong kalikasan. Ano ba iyong mga hindi puwede rito sa atin. Hindi puwede sa iba pero sa matataas na tao puwede—hindi puwede iyon. Para sa atin, iyong pagka-pantay-pantay ng pagbibigay ng karapatan ay dapat kung ano iyong puwede sa pinakamataas, iyon din iyong puwede sa pinakamababa.

    So para sa akin, iyong good governance, mapu-push mo iyon kung binibigyan po ng pagkakataon iyong ordinaryong mamamayan na kabahagi siya. Maglagay ng People’s Councils, maglagay ng mga inter-agency task force, i-push iyong mas malawakang transparency. Dapat alam ng tao saan ba ginagastos iyong pera ng, hindi lang ng probinsya pero ng bawat munisipyo, saan ba iyon napupunta? Sa pagplano dapat pinapakinggan. Ang paniniwala ko sa matagal na panahon, ang pinakamainam na solusyon nanggagaling doon sa sektor na apektado. So iyong sa akin, dapat hindi trickle down iyong pag-implement ng programs. Kailangan bottom-up. Kaya iyong BUB law, isang bagay iyon na pinu-push ko, lalo na ngayon na magkakaroon na ng Mandanas Ruling na tataas iyong IRA ng mga local government units. Kailangan hindi lang iyong head iyong nagpaplano. Kailangan iyong ordinaryong mamamayan, magsasabi siya, “Ito iyong kailangan namin kaya ito iyong gawin niyo.” So, ano ito, it’s a whole package na maraming moving parts na kailangang tingnan pero kailangan pinaplano nang maayos.

    OVP: Okay po. Thank you, Ma’am! Thank you.

    VP LENI: Thank you! Thank you sa inyo.

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Oct 30, 2021