This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo on Omasenso sa Kabuhayan program, support from people’s campaign, public vetting of COMELEC commissioners

    Vice President Leni Robredo on Omasenso sa Kabuhayan program, support from people’s campaign, public vetting of COMELEC commissioners

    Farm visit to Agripreneur Farmers and Producers Association Inc. (AFPAI) and ceremonial planting and harvesting of produce and turnover of 500 Kalamansi seedling to Omasenso Farmers

    Brgy. Mambalete, Libmanan, Camarines Sur

     

    REPORTER 1: Hi, Ma’am! Medyo multi-sectoral ito, ano. May DA, may local government, farmers’ groups. Ano po iyong naging participation ng OVP or Angat Buhay?

    VP LENI: Bale kami iyong gumawa ng platform para iyong mga agencies ay mag-come together. May kaniya-kaniya siyang assignment. Noong sinimulan namin ito in  2018, iyong tiningnan talaga namin na model, iyong Jolibee model. Actually, pinuntahan namin iyong Kalasag farmers sa Nueva Ecija. Sila iyong mga ano, iyong mga onion producing para sa Jolibee at nagpatulong kami sa kanila kung papaano gumawa ng parehong proyekto dito sa Camarines Sur. Mayroon silang mga communities na involved sa programa na umalalay sa amin. Iyong isa doon iyong isang rural bank sa Albay na mayroong kontrata with Jolibee sa sili. Tapos iyong Lamak farmers sa Cebu. Pumunta talaga sila dito para turuan iyong mga farmers natin kung papaano mag-umpisa. Medyo rough iyong aming umpisa kasi iyong kinukuwento ko nga kanina sa speech na inumpisahan namin ito with partnership with the [Metro] Naga Chamber of Commerce. Pumasok kami sa isang MOA with them na kung puwede sana na iyong mga crops, iyong mga products na available dito, dito na nila bilhin, huwag na sa labas. Nahirapan kami kasi apparently, iyong pinaka-problema ng mga farmers namin dito walang nagpo-produce ng quantity kasi mga small farmers nga sila. Karamihan sa kanila backyard farming. Uso rito sa amin iyong parang pakbet style na sa kaunting landholding, ang daming produkto na ginagawa. Hindi siya—parang okay siya kung ang purpose mo pang-konsumo lang ng pamilya pero kung commercial, hindi talaga.

    So doon nag-umpisa ito na in-onboard namin iyong DA, iyong DAR, iyong DOST at saka DTI. So lahat kami nag-usap-usap, kaniya-kaniyang assignment. Iyong DTI iyong nag-provide ng trainings. DTI iyong nag-provide ng trainings. Nagte-training kami every Sunday for many months. Tinuturuan sila maging entrepreneurs. So hindi na lang sila farmers, pero tinuturuan silang maging entrepreneurs, pati iyong konsepto ng clustering, iyong konsepto ng—parang cooperative-style na dahil maliliit iyong landholdings, pag-iisahin lahat. And slowly, talagang natulungan sila. Iyong DA iyong nagpo-provide ng support at saka DAR. Iyong DAR, ang assignment nila iyong mga ARB areas, iyong DA naman iyong assignment nila iyong mga hindi ARB. Sobrang laking tulong nila kasi iyong mga seedlings. Iyong DA, noong medyo umasenso na sila nagpapahiram ng truck until nakabili na sila ng sarili. Tapos iyong DTI, nagbigay din sila ng mga shared service facilities para iyong mga hindi nabibili na mga produkto nila, nako-convert ng, iyong mga value added na processing para mas mataas iyong kita. Tapos iyong DOST naman iyong suporta sa mga makinarya—suporta sa makinarya na kailangan sa mga shared-service facilities.

    So, ito talaga iyong example dito pagpapakita na kapag nagtulong-tulong, hindi talaga puwedeng in silos gumalaw. Kasi minsan nado-doble iyong galaw, iyong iba hindi natutulungan. So sa amin, ni-limit namin iyong programa sa mga maliliit na farmers. Hindi ito iyong mga farmers na malalaki iyong landholdings. Karamihan sa kanila nakikigamit lang ng lupa ng iba. Tapos iyong Metro Naga Chamber of Commerce, iyong role naman nila, sila iyong nag-commit sa amin na iyong mga members nila na may restaurants, may mga hotels, may hospitals, mayroon kaming agreement na—nag-umpisa kami five products lang na kami na iyong magsu-supply. Hanggang ngayon na nag-expand nang nag-expand iyon. Ang pinaka-problema na namin ngayon hindi pa namin kaya iyong demand nila. So, sobrang… sobrang ano siya, para kang nanay na nanganak na nakita mo na umasenso iyong mga farmers. Ibang-iba na sila ngayon. Hindi lang ibang-iba na tumaas iyong income pero pati iyong mga personality, mga leaders na sila ngayon, eh. Very empowered. Actually, nire-represent na nila kami sa maraming mga events. Sumasali na sila sa mga agricultural fairs. In fact, bumili kami sa kanila noong mga products nila na pang-regalo sa Christmas. So ang dami nang nangyari pero hindi pa rin kami satisfied. Gusto naming i-expand pa lalo.

    REPORTER 1: So iyon pala iyong key, Ma’am, na parang mas specific kasi bumibili kami kanina ng mga okra, sili lang, hindi parang pinakbet na…

    VP LENI: Hindi, ang pinakbet style okay siya pang-konsumo ng pamilya. Pero kung gusto mo kasing makabenta ka sa institutional buyers, dapat talaga mas pinagplanuhan. Dati, nagbebenta rin sila sa labas pero nagbebenta sila sa mga biyahero. Ang biyahero kasi karamihan middlemen sila. So, ang mas kumikita iyong biyahero kaysa sa kanila. So ngayon, mayroon kaming thread na nandoon din iyong mga buyers. Every Monday, tine-text nila na, “Ngayon, kailangan namin ng 1,500 kilos ng kamatis.” So si Robert, iyong leader dito, siya iyong nag-a-act ngayon na consolidator. May another thread sa farmers, sasabihin niya, “Ito iyong orders natin ngayon.” Tapos ngayon, parang nagpe-pledge iyong farmer na, “Ako, ang puwede kong i-sell,” sabihin natin, “sa akin 500 kilos o 200 kilos.” Kung ano iyong capacity. Tapos iyong truck nila iyong nagpi-pick-up.

    So ang laki na ng, ano ito, ng in-improve nila in the last three years. Pero ang dami pa naming dreams. Iyong dream namin, magkaroon sila ng puwesto sa market para iyong mga nire-reject noong mga institutional buyers, puwedeng i-retail. Iyong dream namin kapag gumanda na iyong kanilang—kapag dumami na iyong kanilang produce, magkaroon na rin sila ng storage para whole year, mayroon silang mga supply ng crops kasi ang iba, seasonal, eh. So ngayon, may calendar talaga na para all-year-round—kasi kapag sabay-sabay silang magha-harvest, bumabagsak iyong presyo. So ngayon, marunong na sila. Marunong na sila kung papaano mag-intercrop. Marunong na sila na bawat farmer may assignment siya kung kailan siya mag-uumpisang magtanim.

    REPORTER 2: Ma’am, puwedeng follow-up? As Vice President, nagawa niyo na po ito. Ito na po iyong mga projects niyo. Kung palarin pong maging pangulo, papaano pa po natin makikita na nag-e-expand ito pong mga proyekto pong tulad po nito?

    VP LENI: Grabe kasi iyong opportunity. Grabe iyong opportunity na—halimbawa, iyong isa sa nakita ko, karamihan sa mga natutulungan, iyong mga organized. Karamihan sa mga natutulungan iyong mga organized kasi sila iyong mas may access sa tulong. So ang isang puwedeng gawin na sinimulan ko noong ako ay member ng House of Representatives, na kami mismo iyong nag-organize sa kanila. Kasi maraming mga—iyong mga farmers na farm laborers lang na walang landholding, sila talaga iyong poorest of the poor. Pero sila rin iyong hindi nagkakaroon ng access kasi wala naman silang panahon na sumali sa asosasyon, eh. Instead na i-aambag nila for membership, para na lang iyon sa pangkain ng pamilya. So para sa akin, dapat parati iyong sukatan, kung iyong pinaka-mahirap na farmer ba natutulungan. Itong model na ito, magandang model siya na lahat na agencies nagtutulong-tulong na hindi iyong DA, mayroon din siyang farmers na tinutulungan. Ang DAR, mayroon din. Mas maganda itong ganito kasi iyong agencies mismo iyong nag-uusap-usap, eh. Parang kami, kami lang iyong naging platform. Iyong pangalawa, isa sa mga pinaka-mahirap talagang problema dito sa amin, bagyuhin kami. Lagi ditong umuulan. Pero kapag dry season naman, ang problema namin patubig. So dapat mas long range iyong planning. Hindi puwedeng reactive lang parati. Dapat sana iyong gobyerno, siya iyong nagiging daan para iyong farmers natutulungan. Ano ba ang klaseng crops ang kailangan ko itanim dahil ito iyong nararapat para sa lugar namin at saka ito iyong may demand? Kasi noong nag-uumpisa kami dito, halimbawa, iyong number one na tinatanim nila talong. Talong iyong number one na tinatanim nila kasi kinasanayan nila yun, tapos iyon iyong pinakamadali for them. Pero walang market.

    So iyong sa akin lang, kung ang gobyerno mas active sya, na mas directed iyong tulong, hindi iyong nagre-react lang sa hinihingi sa kanila, pero mas kina-capacitate iyong mga magsasaka na makatayo sa sariling paa. Iyong alam mo iyon, ang dami sa kanila ang tatalino eh. Pero kulang lang ng tulong. So ngayon nakikita namin, kaunting tulong lang ang ibinigay namin pero sila na talaga ang nag-expand ng kanilang capacities. So para sa akin, kung magiging pangulo ako, mas maraming platform iyong mabibigay ko para siguruhin na iyong mga poorest of the poor sa mga farmers natin, nabibigyan ng pag-asa. Noong nasa Congress ako, kami iyong pilot nung partnership against Hunger and Poverty, na iyong mga maliliit na farmers, sila iyong binibilhan ng pamahalaan para sa feeding programs. So puwede kasing ang gobyerno, pinagkakabit-kabit niya iyong lahat. Na natutulungan iyong mga wala, na to be able to compete. Ngayon kasi, lalo kang malaki, lalo kang may access. Lalo kang maliit, lalo kang walang access. So dapat baliktad.

    OVP: Okay, Sir Anjo.

    REPORTER 3: Hi, Ma’am. Ma’am, itong mga nagdaang araw, naging mainit iyong pagtanggap sa inyo sa iba’t ibang bayan sa Bicol. We know ng 2016 medyo nahati iyong boto ng Bicol because marami ring Bicolano iyong tumakbo na nakalaban niyo. But now, Ma’am, you’re the only Bicolano who’s running for President. Ano ba ma’am iyong—to summarize your Bicol visit, can you expect a solid Bicol vote for you?

    VP LENI: Ako kasi, kailangan kasi pagtrabahuhan. Hindi ako entitled na dahil ako iyong Bicolano, dapat sa akin bumoto lahat. Iba iyong paniniwala ko about it eh. Iyong paniniwala ko, kailangan naiintindihan ng tao what it would mean—what it would mean for our region na magkaroon ng Bicolanong pangulo. So kailangan nagte-take time ako to explain to them na mahalaga ito. Mahalaga itong laban na ito. Ako, hindi naman sa nag-e-expect pero naghohope ako. Nagho-hope ako kasi halimbawa, noong 2016, sa anim na magkakalaban, lima kaming Bicolano. Pero kahit lima kaming Bicolano, ang laki ng nakuha kong boto dito. So ngayon na solo ako, pagtratrabahuhan ko. Pagtratrabahuhan ko na mas malaki iyong makuha. Pero iyong kabutihan lang—and nakita ko ito during the entire, pang-ilang araw na ba, parang fourth day today—nakita ko na tao iyong gumagalaw eh. And ang paniniwala ko, iyon iyong pinakamahalaga. Iyon iyong pinakamahalaga, na iyong tao invested. Iba kasi iyong sumusuporta sa iyo iyong tao kasi sabi ni Mayor ikaw iyong suportahan. Iba iyon, eh. Pero ngayon ang pakiramdam ko iyong tao invested siya, not because gusto nila ako suportahan, siguro bahagi lang iyon, pero ang pakiramdam ng tao, laban nila ‘to eh, ‘di ba? Ang pakiramdam nila, laban nila ito, and para sa akin, iyon iyong nakakabigay ng lakas. Na nakita ko in the last four days, na ang pakiramdam ng tao, kabahagi sila sa laban na ito and hindi lang sila simpleng sumusuporta sa akin.

    REPORTER 1: Kasi iyong mga design, for all na nakikita namin sa Facebook, may mensahe ba kayo sa nagbibigay ng ganyan na free na design?

    VP LENI: Noong umikot ako in the last four days, kahit nga isang lugar iba-iba iyong design. Kapag nakita niyo iyong mga billboards, mga tarps, mga t-shirt—talagang iba-iba depende sa grupong gumawa ng design. Para sa akin, sobrang heart-warming sya, na makita na iyong tao gumagastos. Na iyong tao talagang naggo-go out of their way para makaambag. And ang pakiusap ko sa campaign team, na sana kapag buo na—iyong aming usual na ginagawa ng mga campaign teams, sana hindi ma-restrict iyong mga tao na maging creative about it. Na okay lang naman na bigyan ng mas framework, pero sana, parang ngayon na malaya iyong lahat na maka-contribute. Ang dami ko na ngang campaign jingle. Parang depende sa pupuntahan mong lugar, iba iyong pinapatugtog. Pero iyon iyong beauty about it.

    Sinabi ko na ito a few days ago, na mula 1988 sabak na ako sa kampanya dahil sa asawa ko, dahil sa akin. Pero first time ko maramdaman ito. First time ko maramdaman na iyong tao iyong tumutulak sa akin. Na kinukulang kami ng oras para pagbigyan iyong lahat, hindi tulad noong mga nakaraan na eleksyon na parang centered sa kandidato, na ikaw iyong magse-schedule. Ngayon baliktad. Parang iyong mga different teams iyong nagpaplano, nagse-schedule, magsho-show up na lang ako. So ano sya, iyong una kong apprehensions about running—kasi wala akong resource, siguro kaunti na local officials na tutulong sa akin—parang napawi siya. Napawi siya dahil sa nakikita natin na response. And hindi lang siya sa Bicol. In fact, kahapon nakita ko na iyong dating caravan, pero nakita ko sa Facebook sa La Union, sa Aklan mayroon, sa Northern Samar mayroon. And iyon talaga purely volunteer-driven. Nakakalakas ng loob.

    OVP: Last po, Ma’am, Marlene Alcaide.

    REPORTER 4: Hi, Ma’am! Ma’am, ibang topic naman. Ma’am, sa four COMELEC commissioners po ang mapapalitan o ma-a-appoint ni President Duterte ilang buwan bago mag-eleksyon. So baka po marami pong nagsasabi na dapat daw bantayan o maging vigilant iyong public doon sa mga kung sinu-sino iyong mga ipapalit. Even former COMELEC chair Christian Monsod is pushing for a public vetting of candidates sa COMELEC positions na mababakante before the May 2022 elections. So your thoughts on that lang po.

    VP LENI: Ako, agree ako. Agree ako na iyong pag-appoint is a matter of public concern. Kasi ang pinakamahalaga naman na sa eleksyon iyong tiwala ng tao, buo. Iyong eleksyon, maniniwala iyong tao na iyong mga nakaupo na nagga-guard sa ating mga boto ay walang mga biases na makaka-affect sa kanilang desisyon. So para sa akin, lalong binibigyan iyong tao ng pagkakataon na mag-ambag sa pag-vet ng mga kandidato. Nakakadagdag siya sa confidence ng tao. Na the more kasing hindi binibigyan espasyo iyong tao, the more na sinisikreto sa kanya, the more na hindi transparent iyong proseso, nakakadagdag siya sa alinlangan. And alam natin na iyong eleksyon kasi, iyon iyong pinakapowerful tool ng democracy ‘di ba. So pinakamahalaga na dapat pag may proseso iyong tao, wala siyang agam-agam sa kalinisan ng proseso.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Oct 31, 2021