This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo Message at RPC Convention, Aklan Catholic College, Kalibo, Aklan

    Vice President Leni Robredo
    Message at RPC Convention, Aklan Catholic College, Kalibo, Aklan


    [START 0:07]

    VP LENI: Maraming salamat. Maraming salamat po, maupo po tayong lahat. Maraming salamat. Kumusta naman kayo? Bago po ako magpatuloy, gusto ko lang bigyan ng galang ‘yung mga opisyal na kasama po natin ngayong hapon. Nandito po si Mayor Dexter Calizo ng Balete. Nandito din po si Mayor Dindo Gubatina ng Madalag. Kasama din po natin si Vice Mayor Cynthia Dela Cruz ng Kalibo. Magandang hapon din po sa inyo Vice Mayor Wilbert Ariel Igoy ng Malinao. Kasama din po natin si Councilor Philip Y. Quimpo ng Kalibo; Si Councilor Ketchie Luces ng Kalibo. Kasama din po natin si former Mayor Dominador Ilio ng Malinao. At siyempre, wala po tayo dito sa eskuwelahan kung hindi po tayo hinost ni Fr. Jobert Villasis. Grabe, ang daming fans ni Fr. Jobert. Kasama din po natin si Hadji Solayman Hadjiunos.

    Tatawagin ko din po ‘yung iba’t ibang mga grupo na siyang naging dahilan kung bakit napakarami natin ngayong hapon mula pa po noong dumating kami kanina hanggang sa ngayon. Nasaan po ‘yung aming municipal volunteers from Kalibo? Nasaan ‘yung mga taga-Banga? Medyo fake news iyon kasi ‘yung mga staff ko nakisigaw din. Nasaan po ‘yung mga taga-Altavas? Nasaan ‘yung mga taga-Balete? Ayan Mayor Dex, nandoon ‘yung mga kasama mo. Nasaan po ‘yung mga taga-Batan? Nasaan ‘yung mga taga-Numancia? Nasaan po ‘yung mga taga-Lezo? Nako, buhay na buhay pa ang mga taga-Lezo. Nasaan po ‘yung mga taga-Malinao? Nasaan ‘yung mga taga-Makato? Mga taga-Tangalan? Nasaan po ‘yung mga taga-Ibajay? Nako, pinaka– [laughter] maraming salamat. Ayan, maraming salamat. Alam niyo po, naki-fiesta kasi ako sa Ibajay kaya– maraming salamat. Nasaan po ‘yung mga taga-Malay? Nandiyan ako sa inyo bukas. Nasaan po ‘yung mga taga-Libacao? Maraming salamat. Nasaan ‘yung mga taga-New Washington? Maraming salamat. ‘Yung mga taga-Madalag? Parang palakasan kayo ng boses. Nasaan po ‘yung mga taga-Nabas? Ayan, maraming salamat. Nasaan ‘yung mga taga-Buruanga? Maraming salamat po, nandoon sila sa likod.

    Gusto ko din pong tawagin ‘yung iba’t ibang mga grupo na kasama natin ngayong hapon. Sisimulan ko po sa mga Robredocs, dahil meron po silang welcome dance sa akin kanina, maraming salamat po. Isa lang ‘yan sa napakaraming ginagawa ng ating mga doktor para makatulong sa ating kampanya, kaya maraming salamat po sa inyo. Nandito din po ‘yung Bikers For Leni, Artists For Leni, at ang ating production volunteers, mga Youth For Leni. Ayan, sandali lang, babasahin ko ito kasi Valentine kahapon. Itaas mo nga, ipakita mo sa kanila. Ayan, pinili nila ako kaysa sa mga jowa nila. Nandito din po ‘yung ating community from Numancia and Malay, maraming salamat. Nandito din ‘yung Aklanons For Leni. ‘Yung ating Camanci Rural Improvement Club, maraming salamat. Makabayan Aklan. ‘Yung Tropang BPL, sigurado kayong hindi ba pare-pareho ‘yung sumisigaw? Meron pa po, Dapat Si Leni. Ayan, LGBTQIA+ For Leni. Grabe na ito, grabe na ito. Nasaan po ‘yung Lawyers For Leni? Ayan. Nandito din po– alam ko kaunti lang sila, pero ise-special mention ko kasi ako po educated sa kanila, ‘yung Daughters of Charity, nandito sila. Ano po ako– three generations in my family: nanay ko, kaming magkapatid, mga anak ko– lahat po educated sa Universidad de Sta, Isabel in Naga, Daughters of Charity po ‘yun. And ‘yung pinakahuli, sana nailista lahat, pero ito naman po isa sa mga communities na tinutulungan po natin dito sa Panay Island, ‘yung atin pong Angat Buhay group, ‘yung mga Pinya Weavers, ayan sila. Napakaganda ng kanilang mga produkto, ayan ilang beses na kaming nagkita. Hindi lang personal pero pati sa Zoom nagkikita kami.

    Ito po, bakit kinailangan kong pangalanan ang lahat ng grupong nakikiisa sa atin ngayong gabi? Dahil ito ‘yung pagkakaiba ng eleksyon na ito sa mga nakaraang eleksyon. Sinabi po ito ni Senator Kiko, sabi ni Senator Kiko naka-anim na siyang eleksyon– ako po ‘yung asawa ko ‘yung politiko talaga sa amin, naka-anim na din kaming eleksyon na siya ‘yung kandidato, ako pangatlong eleksyon ko ito na ako ‘yung kandidato– pero first time po naming nasasaksihan ‘yung ganitong klaseng energy. At ito po ‘yung energy ng mga volunteers na nagkusa, walang bayad, walang binibigay na pagkain, madalas kayo po ang nagagastusan pero patuloy na sinasamahan tayo sa laban na ito.

    Alam niyo po, magkukuwento lang akong sandali, hindi naman ito matagal. Dahil kami po ni Senator Kiko, noong mga taon bago nag-People Power Revolution, pareho po kami college student sa UP. Alam niyo po noong panahon na ‘yun, kasagsagan ng dictatorship. Noong nag-uumpisa pa lang ‘yung mga kaunting mga rallies, mga demonstrations, hindi naman po nag-umpisa sa maramihan na kaagad. Nag-umpisa po ito sa kaunti, maliliit na mga grupong nag-lalakas ng loob na labanan ‘yung palagay nilang mali na sa ating lipunan. Ako po mismo late bloomer ako, marami na ‘yung mga pakaunti-kaunti na mga student demonstration sa UP, ako po ay palagay ko, pareho din ng marami sa inyo na nag-uumpisa, hindi din ako nakikisali. Pero nag-iba po ‘yun noong 1983, noong iba na talaga ‘yung takbo ng ating lipunan. Sinimulan ‘yung rebolusyon ng mga bata, mga estudyante na sa palagay nila kailangang may gawin na sila para ayusin ‘yung kanilang kinabukasan. ‘Yung pagbabago sa lipunan nag-uumpisa sa kaunti na malalakas ‘yung loob, hindi po puwede– walang pagbabagong mangyayari kung ang sasamahan lang natin ‘yung dati nang makapangyarihan dahil walang pagbabago tayong aasahan.

    Ito po, mula noong dumating kami kaninang umaga, sabi ko nga marami na din akong eleksyon na pinagdaanan. Nakapag-attend na din po ako ng mga ganitong mga pagtitipon na maraming tao, pero ito ngayong taon na ito, ngayon lang buwan na ito, bawat pagtitipon padami nang padami ang tao, lalong pataas nang pataas ‘yung energy ng tao. Gusto kong sabihin, ramdam na, ramdam na ‘yung pagnanais na ang pagbabago nasa kamay na talaga ninyo. Ang pagbabago po hindi natin puwedeng asahan sa mga kakaunti lang na makapangyarihan, walang pagbabagong maayos na mangyayari kung kami-kami lang mag-uusap na mga politiko, hindi kayo kasama sa usapan. Dahil kung kami-kami lang po ang mag-uusap, walang mangyayaring pagbabago. Puwedeng magpalit lang ‘yung mga apelyido, puwedeng magpalit lang ‘yung mga pangalan ng hinahalal, pero pareho din ang mangyayari pag sila nakaupo na.

    Ito po, panahon ng eleksyon marami 'yung makikiusap sa atin. Pagandahan ng programa, pagandahan ng plataporma. Pahusayan ng pagsasalita sa tribuna. Pero ang pakiusap po namin sa inyo, may nakita ako ditong– sir pataas nga ng ano mo, ayan. Hindi ninyo makikita pero babasahin ko sa inyo. Ang sabi po nitong hawak ni sir, “Nawala man ang mga paa ko, matalino naman ako sa pagboto.” Meron pa bang mas titindi sa sinabi ni sir? Na meron siyang kapansanan pero pinipili niya pa ding makilahok sa pagbabago sa paraan ng matalinong pagboboto. 'Yun po 'yung hinihiling sa atin ng pagkakataon ngayon. Na 'yung ating pagboto, huwag tayong magpapadala sa nababasa lang natin o sa naririnig natin. Huwag po tayong papadala sa pagandahan ng pagkalalaki o pagkababae, o pahusayan ng pagsalita. Pero pag nangako ang isang kandidato, parati natin itanong: “Nasaan ang resibo?”

    Pag sinabi niya pong “Iaahon ko 'yung buhay ng mga nasa laylayan,” tanungin natin, noong wala bang eleksyon, ano 'yung ginagawa mo para sa mga nasa laylayan? Pag sinabing “Magiging masipag ako,” ano ang resibo? Noong nasa posisyon ka ba o wala ka sa posisyon, talaga bang masipag ka sa iyong trabaho? Pag sinabi po na “Galit ako sa korapsyon,” ano ang resibo? Dahil kung ano 'yung sinasabi natin ngayon, kahit po hindi kayo politiko, papaniwalaan lang kayo kung meron kayong kredibilidad na magsabi niyan. Ang pangalan laging pinapangalagaan dahil 'yan lang 'yung maipapamana natin sa ating mga anak at apo, lalo na kung kami ay mga lingkod-bayan. Hindi mahalaga na kami'y yumaman, grabe 'yung aming kapangyarihan, kung hindi niyo naman kami papaniwalaan.

    Kaya sa akin po pinakamahalaga sa samahan namin, kami po ni Senator Kiko noon kami nagdesisyon na magkandidato, last minute. Linggo na ng filing, si Senator Kiko po ready na mag-file, for re-election. Ako po, halos handa na akong mag-file na maging gobernador ng aming lalawigan. Pero dahil po sa mga pagbabago sa mga pangyayari, biglang kinailangan naming kumandidato. Nag-uusap po kami ni Senator Kiko, ang sabi ko po sa kanya, “Sen. Kiko, maghanda tayo na magiging mahirap ang kampanya para sa atin. Baka nga maging malungkot.” Bakit ko po nasabi 'yun? 'Yung halos anim na taon na panunungkulan ko po bilang Vice President, lahat yatang mga masasamang bagay ay naibato na sa akin. Nababasa niyo naman siguro 'yan sa Facebook. Napapanood niyo naman siguro sa Youtube saka sa Tiktok. Lahat pong pangungutya, sinabi na sa akin: bobo, lutang, tanga, ano pa? [laughter]

    Tinatanong po ako ng ibang mga kaibigan, “Papaano mo 'yan natitiis na ginaganyan ka?” Simple lang po ang aking sagot. Sa limitadong mandato na ibinigay sa akin, pinaghusayan ko po ang aking trabaho. Sa amin pong Angat Buhay Program, nagawa po naming tulungan ang pinakamahihirap, pinakamalalayong mga community kahit po limitado ang aming budget dahil maayos 'yung pag-asikaso namin ng kaban ng bayan. Pag bumibisita po kami sa mga communities, meron po kaming mga islang pupuntahan walang kuryente, walang malinis na tubig na maiinom, bansot ang mga bata, ang paaralan na nag-iisa, sira. Ang daming pangangailangan, 'yun pa bang pagsabi sa akin na bobo at tanga ang bibigyan ko ng oras?

    Pag humaharap po ako sa matinding pangangailangan, 'yung mga masasamang sinasabi sa akin hindi na po 'yun importante. Dahil 'yung problemang nakikita ko, na pinagdadaanan ng mga kababayan natin, mas matindi sa sama ng loob na puwede kong maramdaman dahil sa ibinabato sa akin. Kaya ko po sinabi na magiging malungkot, dahil ganoon naman po 'yung halos anim na taon na panunungkulan. Maraming pagpapakasira. Pinaniniwalaan 'yung pagpapakasira dahil ang daming fake news online.

    Na-appoint po tayo sa Cabinet, natanggal. Na-appoint po akong Co-Chair ng ICAD, after 18 days tinanggal. Maraming mga bagay na ipinagkait sa akin, pero hindi po 'yun importante. Ang importante, nagampanan ko ng husay 'yung aking trabaho. At kumandidato man po ako o hindi sa kahit anong posisyon, sa pinakahuli-hulihan na araw ko bilang Pangalawang Pangulo, taas-noo akong puwedeng humarap sa iyo at sasabihin ko: “ Ginawa ko ang trabaho ko.”

    Ang sabi po nila, mahihirapan kami ni Senator Kiko saka ang Senatorial Slate sa eleksyon na ito dahil marami pa kaming hahabulin dahil sa surveys. Ipapaalala ko lang po sa inyo, pangatlo ko po itong laban. Wala akong laban na pinasukan na naging madali para sa akin. 'Yung pinaka-una ko pong laban, namamatay pa lang 'yung asawa ko ng biglaan, 2013 kumandidato po ako bilang Congresswoman, wala po akong kapera-pera. Halos wala akong kakampi na local officials. Ang kalaban ko po, isa sa pinakamakapangyarihan na politiko sa amin. Ni isang rally hindi po ako nakagawa dahil wala akong pera. Pero pagdating ng eleksyon, nanalo ako by a landslide.

    Noong kumandidato po ako noong 2016, alam niyo 'yun, dahil ilang beses akong pumunta dito sa inyo sa Aklan. At ako po, magpapasalamat ako kasi at that time, hindi niyo ako kilala. Bagong salta, bagong politiko. Nag-iisang babae sa anim na mga kandidato. Ang kalaban ko po, lahat Senador. Ako po baguhan. Noong nag-umpisa po 'yung campaign period, nasa hulihan ako ng surveys. Pero sinipagan natin. Nakipag-usap, nakinig, pumunta sa maraming mga lugar para ipakilala ang sarili. Dito po sa Aklan, napakalaki ng botong ibinigay niyo sa amin.

    'Yung boto pong ibinigay niyo sa akin, isa sa mga dahilan kung bakit kahit napakahirap noong laban, pinanalo po natin 'yung pagiging Pangalawang Pangulo. Ngayon sumasabak na naman tayo sa laban. Mahirap na naman. Mahaba pa 'yung lalakbayin natin. Pero kung meron akong aral na napulot doon sa unang dalawang laban na pinasok ko, ito 'yun: pag matindi ang pagmamahal, 'yung milagro mangyayari. At nasa inyong mga kamay 'yung milagrong 'yun. Pag ginamit po natin ng maayos 'yung ating kapangyarihan na pumili, doon tayo magtatagumpay sa laban.

    Mahirap man po 'yung laban, kung sasamahan niyo ako sa laban na ito, magtatagumpay tayo.

    Mula po ngayong araw, meron na lang tayong ano, 84 days bago mag-eleksyon. Meron pa po tayong oras para lumabas sa ating mga kinasanayan. Hindi puwedeng tayo-tayo lang 'yung nag-uusap. Grabe po 'yung disinformation ngayon. Kailangan lumabas tayo sa mga dati nating kausap. Ang tanging puwede nating ilaban sa kasinungalingan, katotohanan. Wala pong mangyayari kung makikipag-away tayo. Sino ba dito 'yung mga nakikipag-away? Parang maraming guilty? Huwag na huwag na po natin 'yang gagawin. Kung tayo po nagmamahal, hinahabaan natin ang ating pag-unawa. 'Yun 'yung gustong sabihin na radikal na pagmamahal.

    Kaya ba natin ang radikal na pagmamahal nitong 84 days na susunod? Kaya ba nating lawakan 'yung ating pag-unawa in the next 84 days? Kaya ba nating lumuwas sa sarili nating mga circles para mag-reach out sa iba na hindi pa natin nakakausap? Kung ang sagot po natin sa lahat ay “oo”, mananalo po tayo.

    Maraming maraming salamat po sa pagmamahal na pinaramdam niyo sa amin, mula po noong kami dumating. Ako po nakikiusap sa inyo, na kung ako po tutulungan ninyo, tulungan niyo din po ang aking partner, Senator Kiko Pangilinan bilang Vice President. Cong. Teddy Baguilat for Senator. Senator Leila de Lima, Senator Dick Gordon, Dean Chel Diokno, Atty. Alex Lacson, Senator Sonny Trillanes, Atty. Sonny Matula, Senator Risa Hontiveros. Aasahan ko po na sa 84 days na 'yun, araw-araw kasama namin kayo sa aming paglalakbay. Mabuhay po kayong lahat! Maraming maraming salamat po.

    [END 28:14]

    Posted in Speeches, Transcripts on Feb 15, 2022