This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo Message at Boracay Multisectoral Assembly, Malay, Aklan

    Vice President Leni Robredo
    Message at Boracay Multisectoral Assembly, Malay, Aklan

    [START 00:00:56]

    VP LENI: Maraming salamat. Maraming salamat po. Maraming salamat. Salamat. Tapos na ang Valentine's pero marami pa sa aking nag I- I love you. Maraming salamat po. Hilingin lang po natin 'yung mga may upuan kung puwede tayong umupo para maka– makapanood naman 'yung iba. Ayun, 'yung mga may upuan, 'yung wala pong upuan baka puwedeng tumabi muna tayong wala tayong naco-cover, kasi kawawa 'yung mga hindi nakakakita. Ayan. Ayun. O di ba 'yung mga Pilipino masunurin naman? Ayon, maraming salamat po. Maraming salamat sa pagtugon. Ayan, 'yung sahig po puwedeng upuan. Dito sa harap ko puwede pa, maraming lugar dito. 'Yung mga walang upuan po puwede dito para komportable po tayong lahat. Dito po sa harap, maluwag pa. Ayusin lang natin para makapanood po lahat. Dito po sa harap, malaki 'yung space. Ayun. Very good, very good. Maraming salamat. Okay? Ayan, magandang umaga muli sa inyong lahat!

    Pagdating ko po kanina tinatanong ko si Eugene, saan ba nanggaling 'yung mga tao? Ang dami! Sabi ko, akala ko po kaunti lang 'yung kaharap natin ngayong umaga pero parang bonus sa amin na napakarami niyo dito. Pero tinitingnan ko po kanina, hindi ko na po iisa-isahin 'yung mga grupo, kasi tinawag na ni Senator Kiko. Pero ito, 'yung mga nandito siyempre ang iba, turista. Pero karamihan dito 'yung mga grupo ng mga stakeholders dito sa Boracay. Di ba? May mga business owners, may mga fisherfolk, may mga boat riders, may mga tourist guides, may mga photographers. 'Yung iba-ibang mga grupo ng mga ang kabuhayan nandito sa Boracay. At ito po ‘yung pinakabuod ng ating pag-uusapan ngayon. Ang pinakabuod ng pag-uusapan natin ngayon, magandang-maganda na muli ang Boracay pero marami pa tayong problemang kailangan harapin.

    Pero 'yung problemang haharapin natin hindi naman ito matutugunan kung hindi tayo magtutulung-tulungan. Ngayon po, sabi ni Eugene kanina, ang pinakamalaking issue ngayon 'yung BIDA Bill na finile sa Congress. Siguro himayin lang natin kung ano 'yung BIDA Bill and bakit tumututol 'yung maraming mga grupo dito sa Boracay.

    Para po sa akin, ang nakakaalam ng lahat ng issue dito, hindi kami kundi kayo. And dahil kayo 'yung nakakaalam ng issue, hindi po puwedeng ipasa sa Kongreso at maging batas 'yung BIDA Bill na hindi kayo pinapakinggan. Sa kahit anong batas, kahit anong programa ng pamahalaan, hindi po puwedeng makialam ‘yung pamahalaan, sasabihin niya, ganito 'yung dapat na solusyon sa problem diyan, kung hindi niyo nga kinonsulta 'yung taga-dito.

    Tinitingnan ko po maraming puntos. Kulang ang isang oras para i-discuss 'yung mga punto pero siguro– siguro i-summarize lang natin para doon sa mga hindi familiar doon sa issue. Ang BIDA Bill po, ang layunin niya parang magkaroon ng tourism authority na gagawin na parang GOCC. Ano pong gustong sabihin ng GOCC? Government-Owned and Controlled Corporation. Isa 'yun sa mga tinututulan ninyo kasi ang sabi po ninyo, mapapasama 'yung Boracay pag gawin itong parang negosyo. Ang gusto niyo, okay naman na may regulatory authority pero dapat 'yung nagde-determine pa rin kung saan papunta saka ano ang gagawin, 'yung mga taga-dito pa din, tinutulungan na lang ng National Government. Di ba, 'yung ang gusto ninyo?

    Ang sa akin po kung merong ibang tao na nagsasabi na hindi 'yan ‘yung solusyon, karapatan niya naman 'yun. Pero hindi puwede na ipapasa ito na hindi kayo tinanong. And ngayon, kahit po iba-iba 'yung pinanggalingan ng mga stakeholders dito, ito 'yung isang issue na nagkakaisa kayo lahat. Di ba, nagkakaisa kayo lahat: 'yung mga ordinaryong mamamayan, mga local officials, pati 'yung mga barangay officials, pati simbahan, iba't-ibang interest groups nagkakaisa lahat sa oposisyon sa bill na ito. So para po sa akin, hindi puwedeng magpatuloy 'yung diskusyon hanggang hindi kayo binibigyan ng boses.

    Pero sa akin, having said that, bago po ako pumunta dito binisita ko 'yung Ati community doon sa unahan. Ang dahilan po ng pagbisita ko sa kanila, mas personal at mas emosyonal. Dahil 'yung community po nila bago naaksidente 'yung asawa ko, bago po bumagsak 'yung eroplanong sinasakyan niya, isa sa mga pinakahuli niyang binisita, sila. At 'yung dahilan kung bakit sila binisita, kasi hina-harass sila, pinapaalis sila. Pumunta po 'yung asawa ko para siguruhin na hindi na sila gagambalain pa.

    Noong namatay po 'yung asawa ko, ilang beses kong sinubukan na 'yung mga hulling communities na binisita niya ay mapuntahan ko. Pumunta po ako sa Mindanao, 'yung huli niyang communities na inaasikaso. Pumunta po ako sa Cebu, 'yun 'yung pinakahuli niyang pinanggalingan. Kinausap ko 'yung mga nakausap niya doon. Pero ang isa po sa mga hindi ko napuntahan, itong Boracay dahil iniwasan po namin ng mga bata na bisitahin 'yung mga lugar na binabakasyunan namin noong nabubuhay pa 'yung asawa ko kasi malungkot na kulang na kami.

    Pero ngayong umaga nabigyan ako ng pagkakataong bisitahin sila. At galing po sa bibig nila 'yung kuwento kung bakit napakalaki ng utang na loob nila sa asawa ko. Kaunti lang sila, 200 plus lang, di ba? 200 plus na tao pero pag ang National Government bumababa, bumibisita, pinapakinggan sila, nakikita 'yung kanilang kalagayan, walang maliit, walang malaki basta nangangailangan– basta nangangailangan, tinutulungan.

    Tingin ko po 'yun 'yung isa sa pinakakulang sa pamahalaan. Hindi lang po 'yung Pamahalaan na ito, 'yung lahat ng mga nagdaan. Kung ang National Government Officials, naglalaan talaga ng panahon na binibisita 'yung mga communities, hindi po nagbibisita na may event. Kasi pag may event paminsan parang cosmetic na lahat, di ba? Pero 'yung bumibisita rin, hindi nga alam na bibisita sila, na ang gagawin lang makikipagkwentuhan, siguro ang dami nating problemang naasikaso. Nakakatipid pa ang pamahalaan.

    Kung kaya ko po siya sa iyo kinukwento kasi kung papaano po 'yung asawa ko dati, ganoon din po 'yung paniniwala ko sa pamumuno. Na 'yung pamumuno dapat nakikisalamuha siya ng personal sa mga taong gusto niyang panilbihan. Dahil pag hindi siya nakakasalamuha ng personal sa mga taong gusto niyang panilbihan, hindi siya nakakapagbigay ng maayos na pagtugon sa mga problema. Madali lang pong magsabi na ito 'yung mabuti para sa Boracay, di ba madali lang 'yun sabihin? Pero kung hindi ka naman bumaba, nakipagkwentuhan ka sa pang-araw-araw na pakikibaka ng mga tao, so paano mo masasabi na ito 'yung kanilang kailangan?

    So, ito po ngayon– ngayong ang hihilingin ko sa inyo, ito pong eleksyon na ito ngayon nagkakaisa kayo para suportahan kami ni Senator Kiko. Pero sana– sana po 'yung grupong ito hindi siya matapos sa eleksyon. Sana 'yung grupong ito– sana po 'yung grupong ito, siya 'yung maging mekanismo para sisiguraduhin natin na number one, napapangalagaan natin 'yung ating isla. Number two, sinisiguro natin na sabay-sabay 'yung pag-angat ng lahat dahil sa turismo. Siguraduhin po natin na pag-umaangat 'yung ating isla dahil sa turismo, hindi lang napapaboran 'yung mga negosyante. Pero sisiguraduhin natin na 'yung pinakamaliit– 'yung pinakamaliit, umaasenso din sila dahil sa turismo dito.

    Ang isa pong malungkot– ang isa pong malungkot para sa amin dahil noong nagsara marami ditong mga workers ang biglang nawalan ng hanapbuhay, na hindi naasikaso lahat. Para po sa akin, hindi dapat ganyan. Ang paniniwala ko po sa pamamahala, dapat 'yung lider maging inspiring siya, hindi lang mahusay, maging inspiring siya para 'yung ordinaryong mamamayan, nahihikayat na mag-ambag din. Halimbawa, 'yung mga business owners dito na marami naman 'yung kita, pag inspired siya, and I am sure ganito ‘yung nararamdaman kung meron man po dito, bukal naman sa loob niyang tumulong. Bukal naman sa loob niya na kahit mas kaunti 'yung kita, basta natutulungan 'yung pinakamaliit.

    Pero kung wala kasing sense of community, di ba walang sense of community, walang platform para magtulungan ng ganito, kahit gusto niyang tumulong, mahirap para sa kaniyang tumulong dahil hindi niya alam kung papaano gagawin. Ang example ko na lang po dito, 'yung halimbawa, saan ba binibili– yung kanina diniscuss ni Senator Kiko 'yung food security, di ba, saan binibili 'yung mga gulay? Saan bibili 'yung mga karne na ginagamit sa isla? Malamang sa labas dahil nandoon 'yung mura, di ba? Pero bakit hindi natin tulungan na 'yung mga lugar na puwede namang mag-raise tayo noong produktong kinakailangan niyo, tulungan 'yung mga kulang 'yung hanapbuhay para 'yun ‘yung maging negosyo nila, kausapin 'yung mga business owners na kahit mas mahal ng konti, sa kanila na bumili.

    Ginagawa po namin 'yan ngayon sa mga proyekto namin. Sa mga farming communities po na tinutulungan namin sa mga probinsya, ang ginagawa po namin, tinutulungan namin sila para makapag-raise noong mga gulay na kailangan ng mga negosyante. Pumasok kami sa isang MOA with the Chamber of Commerce, nakikiusap lang kami. Noong umpisa nga namin sa Camarines Sur, ang MOA po namin limang produkto lang. Kung puwede 'yung limang produkto, instead na binibili sa Baguio o sa Quezon, sa mga lokal nang farmers bilhin. Pag ganon, sabay-sabay 'yung pag-angat ng lahat.

    Hindi po natin– hindi po tayo puwede magsabi na kontento na tayo kasi grabe 'yung income ng Boracay, ang daming turistang nandito, kung 'yung mga nandito mismo na dito na nakatira bago pa naging maasenso 'yung Boracay, hindi naman natin natutulungan. Kaya 'yung sa akin po, inspired ako na 'yung iba't-ibang grupo nagsama-sama ngayon. Siyempre po sobrang honor saka privilege sa amin na napili niyo po kami ni Senator Kiko na tulungan, pero nasasayangan ako kung hindi natin ito mabubuo beyond the election. 'Yung pangangalaga halimbawa, alam natin na 'yung waste disposal dito may problema pa, 'yung mga sewerage may problema pa. May mga lugar na kailangan pa tayong mag-reforestation ng mga mangrove para mas protektado. Ang dami nating puwedeng gawin pag tulong-tulong tayo.

    Kaya 'yung sa akin po, excited ako. Excited ako na pag nabigyan po ako ng pagkakataon na magsilbi– na patuloy na makapagsilbi, excited ako na 'yung mga communities na ganito na ito 'yung parang pinapakita natin na puwedeng umasenso 'yung lahat, na wala namang naiiwan sa laylayan. Salamat.

    Pero ito po panghuli na lang. Ang dami kong Valentine dito. Marami sa aking nag I-I love you pero sa harap ko, “Di baleng walang jowa, may Leni ako. I love you VP Leni.” Maraming salamat. Pero ito po, gusto namin ni Senator Kiko magpasalamat. Talaga pong pleasant– magseselos si Sharon. Hinay-hinay lang sa ganiyan.

    Ito po, nagpapasalamat po kami, dahil bago pa po kami pumunta dito, nakikita na po namin 'yung pictures noong mga ginagawa niyong initiatives. Kaya nagpapasalamat po kami diyan. Gusto po namin– marami po kaming mga taong gustong pasalamatan. Gusto ko lang pong pagbigyan niyo ako ng kaunting panahon. Si Councilor [Lynette 00:16:43], nasaan po si Councilor Lynette? Maraming salamat! Si Boyet, Boyet– nasaan na si Boyet? Si Boyet Sakdalan, sila po 'yung mga punong abala, si Dianne, maraming salamat Dianne. 'Yung ating mga– 'yung mga kasama po nila hindi na natin maiisa-isa pero alam ko po na ang dami niyong ginagawa: nagpapalugaw, kung anu-anong ginagawa.

    Doon nga po sa– doon po sa ating community kanina, nagulat po ako pagdating ko. Na-guilty po ako saka nagulat kasi pagdating po namin, 'yung mga bata nagchi-cheer sila ng Leni-Kiko. Naisip ko po na nako, baka ma-miss interpret itong ginagamit namin 'yung mga bata. Buti na lang po may nagkuwento, may nagsalita among them. Kinukuwento nila na since nag-announce tayo noong October, meron silang mga weekly saka mga monthly na mga sessions kung saan bahagi ng diskusyon nila, nilalahad kung sino 'yung mga kandidato at inaaral nila isa-isa kung sino 'yung dapat nilang botohan. At sabi po nila, as early as November, nagdecide na po sila na tayo 'yung susuportahan. Ang kuwento po nila, 'yung pinakauna nilang tarpaulin parang may mga nag-ambagan para ma-print, isang tarpaulin lang. Nilagay nila sa gate nila, tapos sabi nila hanggang pag may nakakakita, may mga nagbibigay na sa kanilang iba. So, sabi ko, ito Ati community. Ang liit-liit na community pero they took it upon themselves na mag-discern ng maayos. So, nakapagdesisyon sila dahil sa discernment.

    'Yun po 'yung problema natin ngayon. 'Yung problema po natin ngayon grabe 'yung disinformation. Ayaw po natin, kaya po pagtulung-tulungan natin kasi ayaw po natin na dadating 'yung eleksyon na ang basehan ng pagdedesisyon ng tao, false information. So, nagpapasalamat po ako kina Councilor Lynette, kila Boyet, kina Dianne sa ginagawa nilang attempt na hindi lang sa ipakilala tayo, pero tumulong sa pag-spread ng tamang information. Napapanood ko 'yung ginagawa niyong mga palugaw and all the others. Paminsan po may– maraming salamat. Paminsan po may kakilala akong pumunta lang sa Boracay para mag-tour tapos 'yung pag-tour nila may nakita nila na may nag-iinitiate ng mga activities, pini-pictur-an nila. Sa amin po ni Senator Kiko sobrang– sobrang nakaka-touch 'yung ganoon. Kasi hindi naman po tayo personal na magkakakilala, pero kahit hindi personal 'yung pagakakakilala, tumataya kayo.

    Kaya maraming-maraming salamat. Gusto ko din pong– gusto ko din pong i-acknowledge 'yung presence po ni Usec. Pama, dati pong Flag Officer in Command ng ating Philippine Navy, saka po ni Ms. Ruth Tirol, maraming salamat po for joining us this morning. So, ngayon meron po kayong assignment. Hindi lang po tayong kakampanya. Hindi lang tayo magpe-prepare for the elections pero let us make sure na itong grupo nating ito ngayon, ito na 'yung grupo natin para pangalagaan 'yung mahal nating Boracay.

    So, maraming-maraming salamat po sa inyo! Maraming salamat for being here with us this morning. Sobrang umaapaw po 'yung aming pasasalamat. Mabuhay po kayong lahat!

    [END 00:20:25]

     

    Posted in Speeches, Transcripts on Feb 16, 2022