Vice President Leni Robredo Media Interview
Swab Cab, Makati
[START 0:22]
REPORTER 1: [inaudible 0:22] Manila Times po. In the long run po ano po ang mga plano niyo pa po doon sa Swab Cab even though campaign, tuloy pa rin po ito or beyond elections?
VP LENI: Humingi kami ng– humingi kami ng exemption from COMELEC na ‘yung mga COVID-related na mga ginagawa ng office, payagan kami to continue even after Feb. 8, lalo na kasi surge ngayon. So, lalong-lalo na itong Swab Cab, saka ‘yung Bayanihan E-Konsulta, ito talaga ‘yung– saka siguro Vaccine Express, ito talaga ‘yung marami kaming ginagawa ngayon para makatulong sa surge. So, sana mabigay ‘yung exemption. Sumulat na kami early this month. Sumulat na kami to ask for exemption, so sana ma-grant.
REPORTER 1: Follow up question din po, Ma’am. Being a Makati resident po, ano po ang mga plans or goals or objectives po ninyo para sa Makati City?
VP LENI: Ako kasi, ‘yung Makati, maganda ‘yung performance as far as COVID response is concerned. So, kami andito lang naman kami kung kinakailangan ‘yung aming tulong kasi ‘yung advantage naman ng office namin, naka-cultivate kami ng network ng mga volunteers over the years. Kasi mula 2016, because of our Angat Buhay program, talagang ‘pag nag-call tayo ng volunteers, madali for us to mobilize. So, ‘yun, ka– kausap ko si Vice Mayor. ‘Yun din ‘yung sinabi ko na anytime na kailangan niyo ng manpower na dagdag, kami, ready kami anytime. Kasi ‘yun nga, madali for us to– to network with other groups.
REPORTER 2: Ma’am, sabi ng OCTA, medyo bumababa na sa NCR ang cases, pero sa nearby provinces, areas, medyo tumataas. Ano siguro ‘yung reminder niyo sa public?
VP LENI: Ito kasi, nakita na natin itong pattern na ‘to with the past surges. Talagang nauuna sa Metro Manila, pero syempre because of mobility ng tao, ‘yung mga umuuwi sa probinsya, talagang parang natural na ang susunod na mga surge, sa probinsya. Kaya na kami, gumagawa na kami ngayon ng mga initiatives kung papano matutulungan ‘yung mga probinsya na nakakaranas din ng surge. So, wherever na willing ‘yung LGU to partner with us, dinadala namin doon. In fact, parang two days ago, nagkaroon– o three days ago, nagkaroon kami ng Vaccine Express sa Cam Sur. Tomorrow, magkakaroon ulit. Nagre-respond lang kami sa mga requests ng mga LGU. So, sinasabi naman namin sa mga– lalo na ‘yung mga LGUs na nakikipag-partner with us, na anytime na kailangan nila ng tulong in whatever form, willing kaming tumulong.
Next week, may– may plano kami na mag-respond sa iba pang mga requests. Ang iba nito, nasa Mindanao. Iba-iba ‘yung mga requests. May– may mga request na magkaroon ng Vaccine Express. May mga requests na mag-Swab Cab din doon. May mga requests na i-replicate namin sa local ‘yung parang Bayanihan E-Konsulta tapos mag-put up din kami ng mga COVID care kits. So kami, parati naman kaming willing. Parati kaming willing, basta ang ano lang namin, kasi hindi namin kaya ‘yung buong Pilipinas. So, kami, kung saan lang na may– may hinihingi sa’ming request, parang– parang ‘yung ginawa natin before sa Cebu, sa Palawan, noong nakatanggap tayo ng request from– from the local community, dinadala natin ‘yung res– COVID response operations doon.
REPORTERS: Thank you, Ma’am.
VP: Thank you sa inyo. Thank you. Ingat.
[END 4:11]