This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo on Mar Roxas’ senatorial bid, opposition slate

    Interview with RMN-DZXL 558

    Host: Ely Saludar

    Vancouver, Canada

    Q: Okay, mga kasama, eksklusibo nating makakapanayam si Vice President Leni Robredo, na isa din po sa pinakamataas na opisyal ng Liberal Party. Gaya po ng alam natin, pormal na po na naghain ng kaniyang certificate of candidacy ito pong kaniyang dating running-mate at dating senador, Mar Roxas. Ma’am, ano po ang—kasi marami ang nagtatanong: Paano po kaya nakumbinsi, nagbago po ang isip ni Sec. Mar Roxas, na siya po muli ay sumabak sa pulitika?

    VP LENI: Actually, Ka Ely, noong umpisa, siguro mga early this year, na may mga nagsasabi na interesadong kumandidato, marami nang nagpo-propose na yayain si Senator Mar—si Secretary Mar. Pero ako kasi, Ka Ely, nakikita ko kung gaano siya kasaya ngayon: masaya sa ginagawa niya, finally may panahon na siya sa pamilya, masyadong relaxed. Bihira kami magkita, pero every time nakikita ko siya, ibang-ibang Sec. Mar iyong nakikita. Kaya every time may magsasabi sa akin na kumbinsihin, ako, ayaw ko. Ayaw ko kasi parang nahihiya ako—nahihiya ako na sobra na iyong sinakripisyo para sa bayan, sobra na iyong pag-alay na ginawa, tapos, parang, yayayain mong pumasok ulit nang ganito kagulo.

    Pero noong… lalo na noong nakita na natin iyong line-up na pino-propose ng administrasyon, parang, nakaka-dismaya. Nakaka-dismaya iyong mga pamilyang… mga pangalan na ibinibigay. May Marcos na naman, kung sino-sino, na parang obligasyon natin na ang ihain naman natin na line-up, hindi lang iyong hindi mo ikakahiya, pero iyong sisiguraduhin na magdudulot ng kabutihan para sa bayan.

    Kaya ako, naglakas-loob akong puntahan si Secretary Mar. Actually, iyong una niyang reaksyon, parang sinabi niya wala na siyang balak. Wala na siyang balak, masaya na siya sa ginagawa niya ngayon. Sabi niya, iyong matagal niya daw hindi nagawa for a long time, ngayon niya lang nagagawa, kaya wala na siyang balak. Ako naman, iyong pakiusap ko sa kaniya, kung puwedeng pag-isipan lang.

    Pero iyong pag-uudyok, lumalakas talaga. Mas marami nang tao—at ito, hindi lang iyong mga kakampi namin. Hindi lang iyong mga kakampi namin, pero lalong naglalabas iyong kabila ng mga pangalan, lalong tumitindi iyong, parang, clamor.

    So ako, ilang beses ko siyang binalikan. Actually, malapit na nga— In-explain niya sa akin kung bakit nahihirapan siyang magdesisyon. Parang… sinasabi niya na, “Siguradong masusugatan na naman ako. Ngayon tahimik na ako. Siguradong punching bag na naman ako niyan. Siguradong biktima na naman ako ng napakaraming misinformation, biktima na naman ako ng maraming fake news. Marami na naman iyong titira sa akin.” Pero sabi niya, “Tayo naman, parating pagmamahal sa bayan iyong pinaiiral.” Humingi siya ng maraming oras.

    Q: So ngayon, sabihin natin, itong si dating Secretary Mar Roxas ay isa po sa talagang mangunguna, at iyong line-up po ba ng Liberal Party, kailan po ba ito i-a-anunsyong pormal?

    VP LENI: Naka-schedule kami sa October 24. Gusto naming patapusin muna iyong filing, kasi mas mabuting patapusin muna iyong ingay saka kaguluhan, tapos i-a-announce sa 24. Matagal na pag-uusap. Makikita niyo naman pag-announce namin na iyong pagpili talaga nito, pinaghirapan—pinaghirapan na sisiguraduhin na hindi popularity iyong magiging basehan, pero iyong husay, iyong linis ng pangalan. Iyong mga pangalan na matagal na nating… iyong parang uhaw tayo sa mga ganitong klaseng mga public officials. Iyon iyong ihahain natin.

    Q: So mga ilan po? Gaya po ng mga naunang report, at least walo po ba?

    VP LENI: Actually mayroong debate: maraming kasama sa koalisyon na gusto 12; ako, ina-advocate ko sana walo. Iyon iyong discussions ngayon, kasi mayroon naman kaming 18 na pangalan. Mayroong 18 sa shortlist na pinagpipilian.

    Pero ako, mas inclined ako na hindi punuin iyong 12. Ayaw kong magsasama lang ng mga pangalan para lang punuin. Gusto ko sana, iyong pinakahuling nasa listahan, mas mahusay pa din siya sa ibang kandidato. Parang, ang sa akin, whether anim iyan o walo iyan o sampu iyan, basta quality—kasi iyon ang hinihingi ng panahon ngayon.

    Q: Pero at least, dito ho, talagang masasabi natin na iyong Liberal Party, parang talagang solid. Kumpara sa administrasyon, na parang iba-iba ho at wala talagang iisang partido—koalisyon po ang parang mangyayari po sa administrasyon.

    VP LENI: Hindi lang Liberal Party, Ka Ely. Ito, ang Liberal Party, isa lang siya sa mga opposition groups na nag-agree—

    Q: Coalition din ito, Ma’am?

    VP LENI: Coalition din ito. Nandiyan din iyong Akbayan, nandiyan iyong Magdalo, nandiyan iyong Tindig Pilipinas, nandiyan iyong Aksyon Demokratiko. At mayroong mga allied na mga groups. Mayroon tayong civil society groups na kabahagi sa discussions.

    Iyong LP dito, isang maliit na parte lang. Nabibigyan lang siya ng, parang, maraming atensyon dahil ako LP, tapos iyong designated na campaign manager, si Senator Kiko (Pangilinan), na presidente ng LP. Pero at most, tatlo o apat lang iyong galing sa LP. Iyong iba, galing na sa ibang coalition partners.

    Q: Okay, salamat, Ma’am. Iyan po ang eksklusibo nating panayam kay Vice President Leni Robredo, mula po dito sa Vancouver, Canada. Ako po ang inyong radyoman, Ely Saludar, tatak RMN-DZXL 558.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Oct 15, 2018