This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo on Magalang Vaccine Express, low vaccine supply in provinces, plans for 2022 elections

    Vice President Leni Robredo on Magalang Vaccine Express, low vaccine supply in provinces, plans for 2022 elections

    Vaccine Express in Magalang, Pampanga

    Magalang Town Plaza, Brgy. San Nicolas, Magalang, Pampanga

     

    Q: Ma’am, una po sa lahat gusto po naming malaman kung saan ho patungo itong Vaccine Express ho natin? Kitang-kita ho natin itong mga volunteer medical frontliners ho natin, eh nasa kondisyon na lumalakas daw ang loob nila habang nakikita ho nila na dumarami iyong nababakunahan. Kumusta ho iyong bilang nila as of this time, ito hong volunteers?

    VP LENI: Ito, actually sa Magalang, pleasantly surprised na kami na ang dami iyong gustong magpa-bakuna. Kasi iyong aming target dito ay 2,000—2,000 ano iyon, akala namin hindi namin maaabot. Pero ngayon, mukhang mae-exceed namin iyong target. Kanina maaga pa, isang lugar lang na naka-1,800 na kami by lunch time. So medyo mabilis siya. And ano iyon, very encouraging kasi iyong naging problema dito sa Magalang actually iyong deployment ng vaccines kasi halos sino-solo lang ng kanilang municipal health officer. So talagang noong nag-SOS sila sa amin, iyong kailangan talaga nila vaccinators and na-provide naman natin iyon ngayon. So, hopefully… hopefully ma-exceed nga natin iyong target and I think, mayroon naman silang extra supply na on-hand just in case may mga dumating pa.

    Q: Opo. VP Leni, hindi naman po sa ini-intriga ho natin iyong distribusyon ng bakuna sa mga lokal na pamahalaan, ano, pero sa mga nakakarating ho ba na mga sumbong sa inyo, eh ngayong political season, napupulitika din ho ba iyong distribusyon ng bakuna? Ganoon ho ba iyong sumbong sa inyo?

    VP LENI: Ako, tingin ko unfair naman para sabihin na napupulitika. Pero iyong fact talaga is may problema sa distribution kasi napakarami na ng mga LGUs ang nagpapaabot sa atin ng SOS na kung puwedeng tulungan sila pagdating sa vaccine supply. Halimbawa, sa amin na lang sa Bicol, napakababa pa talaga ng supply. Napakababa pa ng supply. Gaya sa akin, galing akong Camarines Sur, parang as of two weeks ago ang nababakunahan pa lang, ang nakita kong record parang less than 10%. Eh ang taas na ng mga kaso ngayon. So sa akin, pinagtutulung-tulungan na nga every time may darating na supply. Pinagtutulung-tulungan na ng mga volunteers. Noong una, kami iyong nandoon. Pag-alis namin, nagbuo na rin ng parang local pool sa Naga, sa Iriga. Nagbuo na ng local pool para every time may darating, idi-distribute kaagad. Nakita rin natin iyong reklamo ng ibang mga lugar. Halimbawa iyong Cavite na ang taas ng kaso, nakita ko iyong statement ni Governor Remulla na kulang talaga iyong supply.

    Kaya para talaga sa akin, kailangang bilis-bilisan kasi iyong Delta variant nandito. Noong Sunday, nasa Pasig kami. Iyon din iyong kuwento nila, na wala na silang supply. Naghihintay sila noong sinasabing SOA, iyong SOA, para ma-release na iyong mga bakuna na para sa kanila. Medyo mabagal yata iyong proseso ng pag-a-assess. Sana bilis-bilisan nila. Sana hanapan ng paraan kung nasaan iyong mga bottleneck kasi nasa kalagitnaan tayo ng pandemic. Dapat sana inuunahan natin iyong sakit.

    Q: VP Leni, sa ibang banda naman ho, inaabangan ho ng napakarami, ano, ito hong inyong pagpapasya na kayo ho ay kumandidato at sa nakita ho natin over the weekdays, ito na ho iyong naging scenario: iyong siguradong pagpasok ho sa kandidatura ni Mayor Isko. Kumusta ho iyong naging negosasyon as of this time doon sa tinatawag niyong anti-admin forces?

    VP LENI: Ano kasi, despite the declarations, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa kasi hindi pa naman sila nagfa-file. So sa akin, while hindi ko mare-reveal iyong detalye ng efforts, ang masasabi ko lang, ako patuloy pa rin akong nag-i-initiate. Patuloy pa akong nag-i-initiate ng talks with the parties involved kasi tingin ko, iyon iyong kailangan, na magkaroon sana ng unity ticket kasi alam naman natin kung ano iyong hinaharap natin ngayon. So sa akin, hopefully, iyong interes pa rin ng bayan iyong umiral. Sa akin kasi, habang hindi pa nag-e-eleksyon, habang hindi pa nagfa-filing, para sa akin lagi pang may pag-asa.

    Q: Ma’am, yesterday you opened up about your heartbreak sa Radyo Katipunan and your frustrations. Ma’am, clarify ko lang iyong sinabi niyong “getting close,” are you referring to the actual unification or doon sa pagsasama-sama nila Senator Manny and Manila Mayor Isko?

    VP LENI: Sa pagsasama-sama. Sa pagsasama-sama kasi sa akin kasi iyong first step, maging willing lang lahat na mag-usap-usap. So ako, hindi ko naman ito—ever since naman I’ve been very open about it. Ako talaga sineek out ko lahat. Hindi lang si Senator Manny, hindi lang si Mayor Isko pero iyong lahat na may balak o napapabalitang kakandidato either for president or for vice president. Sineek out ko lahat na kinukumbinse na kung puwede bang mag-come together kami para magkaroon nga ng unity ticket. Mayroon nang mga indications na mangyayari pero ganiyan naman iyong negotiations, eh. Sabi ko nga kahapon, parang chacha siya na one step forward, two steps backward. Pero sa akin kasi, interes ng bayan iyong nakasalang, eh. So kahit frustrating, kailangan hindi mawalan ng pag-asa.

    Q: Ma’am, ito ho bang next two weeks, what will happen to you? Will you still try to go for meetings or personal discernment niyo na iyong time na two weeks?

    VP LENI: Ako, ako, ikakayod ko pa ito, eh. Ikakayod ko siya. We’ll still try to continue looking for avenues na magkaroon ng formula na magsama-sama lahat. May time pa naman, eh. Kasi iyong akin namang desisyon nakasalalay doon, eh. Iyong aking desisyon, nakasalalay sa pag-come together. Parati ko itong sinasabi na handa naman akong hindi tumakbo o handa rin akong tumakbo, basta ang kapalit nito magkakaisa. Pero kung halimbawang mag-fail talaga iyong lahat na talks, so saka ko pag-iisipan kung iyong pagtakbo ko ba makakatulong o iyong pagtakbo ko ba lalong napadali na iyong admin ulit o iyong si Marcos ulit. So sa akin, nandoon iyong discernment. Sa akin naman klaro sa akin na handa akong kumandidato, handa rin akong hindi kumandidato, basta iyong kapalit sana noon magkaisa kami.

    Q: Ma’am, the 1Sambayan unity talks, Justice Carpio said yesterday ongoing pa rin iyong unity talks and Senator Manny issued a statement last night saying na open siya, it’s a welcome development, it’s encouraging, what can you say about that?

    VP LENI: Si Senator Manny naman, ever since naman bukas siya, eh. Pareho naman kami ng paniniwala na formidable iyong kalaban kaya kailangan kaming magkaisa. Pero understandable din kasi iyong complications. Siyempre iyong complications lahat kami may mga supporters na umaasa. So sa akin, sinasabi ko nga sa kaniya na sa akin, siguradong kapag hindi ako kumandidato magagalit sa akin siyempre iyong mga supporters. Pero dapat kasi paghandaan namin iyon, eh. Ang mas mahalaga ano ba iyong makakatulong para sa bayan. Pero having said that, hindi rin naman puwedeng pilit iyong unification. Kailangan iyong mga basic na paniniwala, shine-share namin. So bahagi siya ng usapin—bahagi siya ng usapin na ano iyong stand namin sa ganitong bagay. Pero sa akin kasi ayaw ko ring i-reveal iyong mga detalye in deference to them.

    Q: Ma’am, last na lang, speaking of supporters, kasi parang as early as now nagkakaaway-away na, nagsisiraan na iyong mga supporters ninyo. What’s your message to them?

    VP LENI: Ako, actually nag-post nga ako kahapon sa Facebook kasi may mga nakakarating sa akin na may mga posts na allegedly about the process of unification na marami namang hindi totoo. So sa akin, para sa akin, siguro nasa amin na mga nagli-lead sa kanila na sinasaway iyong aming supporters na hindi makakatulong sa bayan na nagaaway-away sila kasi iisa lang naman iyong hangarin ng lahat, eh. Ang hangarin ng lahat mahinto na iyong ganitong klaseng governance, hindi makabalik iyong mga Marcos, pare-pareho naman kami, eh. So sa akin, dapat sana iyon muna. Dapat lahat handa na i-set aside iyong mga differences. Mahirap kasing sabihin na, “kami lang iyong tama” o “tayo lang iyong tama” kasi iyong hindi pagkakaintindihan, nandoon. Dapat sana healthy respect para sa mga paniniwala ng iba kahit pa iba iyon sa paniniwala natin.

    Q: Ma’am, para po sa inyo ano iyong biggest factor doon sa final decision ninyo? Is it winnability or is it what your family says, conviction?

    VP LENI: Ako kasi klaro sa akin, eh. Klaro kasi sa akin kung anong objective ko sa 2022: sa akin, na hindi na tumuloy iyong pamamahalang ganito. Gustong sabihin, na hindi na mabigyan pa ng another six years iyong admin ngayon at saka hindi makabalik si Marcos. So sa akin, secondary sa akin iyong winnability ko. So para sa akin, ang pinaka-gauge, pinaka-deciding factor sa akin, anong klaseng desisyon ang makakatulong doon sa dalawang objectives na iyon? Kabahagi siya sa pag-assess, siyempre wala naman sa atin iyong lahat na sagot ngayon. So sinasamahan ng maraming dasal para iyong mapatama natin iyong desisyon. Kasi halimbawa, iyon nga, iyong parati kong sinasabi, kung kinakailangan na tumakbo ako para hindi mangyari iyong—para mangyari iyong dalawang objectives, tatakbo ako. Pero kung para hindi mangyari iyong objective na iyon, dapat hindi ako tumakbo, hindi ako tatakbo. So sa akin, wala naman akong, hindi ko naman inambisyon. Hindi ko naman inambisyon maging pangulo. Parati ko itong inuulit na ang presidency naman destiny iyon, eh. I mean, no amount of preparation will ever prepare you para sa eleksyon. Nakita na natin iyon sa buong kasaysayan natin. So, sa akin lang, parati lang na ang dasal ko sana lahat isinasaalang-alang kung ano iyong makakabuti sa bansa natin. Iyon lang sa akin iyong driving force.

    Q: VP Leni, mayroon ba tayong timeline para dito sa mga sumusubaybay sa mga nagiging negosasyon at kailan namin maririnig iyong pinal na salita mula sa iyo?

    VP LENI: Wala kasi kaming choice kasi may deadline, eh, until October 8. Na parang finished or unfinished, pass your papers. Hopefully in the next two weeks, magkaroon ng liwanag. Kung siguro malapit na iyong deadline hindi pa rin nagkakaroon ng liwanag, iyon iyong kailangang pagdasalan kung ano iyong magiging next step. Siyempre, may mga hope kami na mangyari. Pero kung hindi iyon mangyari, iyon iyong kailangang i-assess.

    OVP: All right.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Sep 25, 2021