This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo on the Launching of Vaccine Express in San Fernando, Pampanga, Plans for 2022 Elections

    Vice President Leni Robredo on the Launching of Vaccine Express in San Fernando, Pampanga, Plans for 2022 Elections

    San Fernando, Pampanga

    Q: Ma’am, sa bakuna muna, kumusta ang pag-iikot niyo?

    VP LENI: Maayos na maayos dito sa San Fernando. Hindi masyadong naging mahirap for us dahil malaki iyong tulong ng LGU. Pati iyong sa City Health Office nila areglado lahat. So kapag ganoon, mas mabilis iyong usad ng pagbabakuna. Iyong kausap natin dito mga companies, mga companies na… Kaya kapag mapapansin niyo, grupo grupo iyong pagdating ng mga binabakunahan kasi ito iyong mga workers ng mga companies na ni-recommend sa atin ng LGU. Marami pa kaming nakuhang ibang mga requests. Halimbawa, may request din kami from Magalang, Pampanga. May request kami for Capas, Tarlac. Most probably, iyong Capas, Tarlac next week. Sunod-sunod ito. Bukas, second dose namin sa Pasig. Tapos next week second dose din sa San Pedro. So ano siya, iyong sa amin lang naman, masaya rin kami na hindi nagsasawa iyong mga volunteers namin na pumunta kasi karamihan sa mga volunteers dito wala pang absent. Talagang lahat ng mga Vaccine Express na dito sa Metro Manila area pati iyong mga karatig-probinsya, ano talaga, halos permanenteng mga volunteers. Nadadagdagan. Halimbawa ngayon, iyong mga volunteers from San Pedro, sumama ngayon so nadadagdagan. Mabuti naman kasi it allows us na sabay-sabay. Kasi noong una na isang set of volunteers lang, ang kaya lang namin one at a time. Pero ngayon, kaya namin na sunod-sunod. Kaya namin na sabay-sabay kasi dini-divide na namin iyong workforce kung sino iyong magvo-volunteer today. Sino iyong tomorrow.

    Q: Kumusta naman po iyong supply ng mga vaccine dito sa Pampanga?

    VP LENI: Iyon iyong problema. Iyong problema actually supply. Ang problema ng supply, karamihan sa mga provinces. Kasi iyong demand, wala pa kaming nakikitang problema sa probinsya. Iyong demand nandiyan talaga pero iyong supply iyong problema. Sa Manila—Metro Manila, mas maluwag iyong supply. Pero iyong sa provinces, lalo noong experience namin sa Bicol, iyong problema talaga namin supply, iyong hindi tuloy-tuloy. So kahit marami pa iyong volunteer doctors, parating kailangan naming i-cut. Halimbawa iyong San Pedro, ang dami pang gustong magpa-bakuna, kailangan nang i-cut kasi wala nang supply. So sana, sana mas mag-regularize iyong supply kasi marami namang dumating ngayon. So, ang inaasahan namin over time, bumibilis iyong supply.

    Q: Ma’am, sorry mag-a-other topic lang po ako. [chuckles] 

    VP LENI: [chuckles] Ah, sige.

    Q: Kumusta po iyong pakikipag-usap niyo raw po kay Mayor Isko and Senator Pacquiao?

     

    VP LENI: Tuloy-tuloy pa rin iyong effort na magkaroon ng, sana unity ticket before October 8. Iyong inaasahan—hindi naman natin inaasahan na iyong negotiations magiging madali. Siyempre nanggagaling kasi sa iba’t ibang mga kampo na may kaniya-kaniyang supporters. Siyempre kung ang isasaalang-alang iyong supporters namin, iyong supporters namin gusto kami iyong kandidato. So maraming mga gusot na inaasikaso pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na ang papairalin ng lahat, pagmamahal sa bayan. Ako, naiintindihan ko naman iyong iba’t ibang mga concerns. Siyempre hindi natin mapeperpekto kasi iyon nga, hindi kami galing sa iisang partido, iba-iba iyong grupo na nire-represent namin. Pero iyong pinagdadasal ko lang talaga araw-araw na ultimately, iyong magpapadesisyon sa lahat, kung ano iyong best interest ng bansa natin.

     

    Q: Ma’am, it has been reported na you met separately with Isko and then with Pacquiao. Pero mayroon po bang meetings na kayong tatlo po nagharap-harap?

     

    VP LENI: Mayroong plano. Mayroong plano pero hindi pa siya natutuloy. Pero ako kasi, ayaw ko rin na parang i-preempt. Ayaw kong i-preempt iyong detalye ng mga pinagmi-mitingan kasi ayaw ko rin na iyon pa tuloy iyong maging dahilan para hindi matuloy iyong mga usapan. Iyong sa akin lang, lagi ko namang pinapakiusap na ganoon naman parati iyong bargaining, ‘di ba, na patas lahat. Patas lahat, hindi sariling interes iyong papairalin, pero iyong sana lang—tingin ko naman ganoon naman lahat, eh. Tingin ko naman ganoon lahat pero naiintindihan ko kung gaano kahirap. Naiintindihan ko iyong gaano kahirap kasi iyon nga, sinasabi ko nga na hindi kasi kami pare-parehong partido. Talagang iyong ideal, hindi mo ma-a-achieve na madali. Pero sa akin, iyong hope ko lang ngayon na sana lahat kami magde-decide hindi to protect ourselves, hindi to protect our groups, pero kung ano iyong pinaka best formula para sa bayan natin.

     

    Q: Ma’am, iyong mga supporters niyo kung sakali, anong mensahe niyo sa kanila ngayon na tuloy-tuloy iyong pag-drum up ng support sa inyo?

     

    VP LENI: Ako, nagpapasalamat ako. Nagpapasalamat ako sa lahat na nagpapakita ng suporta. In fact, nagulat nga ako rito sa Pampanga pagdating ko rito—pagdating ko kanina, mayroon sa aking isang grupong sumalubong. Kinukuwento kung papaano nila ako tinutulungan on the ground. Sa akin, I don’t take it lightly. Pero again, kahit hindi ko siya tine-take lightly, klaro naman sa amin lahat. Ako, karamihan naman sa mga supporters ko hindi naman iyan mga blind supporters, eh. Karamihan naman sa mga supporters ko pareho ko rin iyong desire. Pareho ko iyong desire na kung tingin namin ako iyong makaka—ako iyong pinaka-mabuti sa bayan, laban tayo. Pero kung ang tingin din natin hindi ako iyon, some other candidate, dapat ganoon din. Dapat ganoon din iyong supporters na I am sure pare-pareho naman kami ng pinanggalingan. Gusto kong sabihin, while supportive sila sa akin, iyong pagiging supportive nila sa akin on the premise na sa tingin nila ako iyong makikipaglaban para sa mga paniniwala nila. So sa akin, ang pakiusap ko lang—kanina sinabi ko sa supporters, iyon din iyong sinasabi ko sa lahat ng nakakausap ko, na ang sinasabi ko parati na, “basta tayo, ang pag-desisyon natin hindi para sa sarili natin. Laging pag-desisyon natin, ano iyong pinaka-makakabuti sa bansa natin Handa akong lumaban kung iyon iyong kakailanganin pero handa rin akong mag-support ng somebody else kung iyon iyong kakailanganin.”

     

    Q: Ma’am, iyong Keri ni Leni, parang tumutulong sila na pataasin iyong numbers ninyo sa—

     

    VP LENI: Anong grupo ito?

     

    Q: Iyong Keri ni Leni, Ma’am, iyong grupo ng mga kababaihan na movement for Leni.

     

    VP LENI: Iba-iba—actually, iba-ibang grupo. Ako, nagpapasalamat ako sa kanila, eh, kasi nabalitaan ko nga mayroong radio—parang naririnig na jingle sa radio, pambihira din. Pambihira din kasi initiative siya ng supporters na gaya ng sabi ko kanina, hindi ko siya tine-take lightly, eh. Iyong sa akin, iyong pakikipaglaban ko, para sa kanila actually, and ako, very confident kasi ako na iyong klase nga ng supporters ko, hindi ito iyong klase ng supporters na kapag may mali akong gawin, magiging blind followers pa rin. Ako, iyong klase naman ng supporters natin parating pagmamahal sa bansa iyong laging nangingibabaw. So, ako iyong hope ko na sa dulo nito, mayroon pa namang three weeks. Mayroon pang three weeks na iyong pagdadasal natin na sana i-guide tayo sa kung ano iyong pinaka-makakabuti sa atin lahat.

     

    Q: Ma’am, ang concern kasi nila iyong sa survey kapag hindi kayo tumaas na baka iyon nga, gawin niyo iyong sinasabi niyo na hindi kayo tutuloy. Iyon nga, kapag hindi ba kayo tumaas pa, puwedeng iyon na ang maging dahilan para hindi kayo matuloy?

     

    VP LENI: Sa akin kasi iyong survey isa lang iyon sa mga pamantayan. Kung naalala niyo, iyong laban ko noong 2016, ano ako noon, number six of six, eh. So sa akin, hindi lang naman sa survey iyong tinitingnan. Ang isang tinitingnan natin, makakabuo ba tayo ng as broad na coalition as possible. Kasi kahit naman mababa sa surveys ngayon, alam natin historically na iyong nag-uumpisang malakas, hindi siya guarantee na siya pa rin hanggang dulo. Pero marami kasing kailangang tingnan. Iyong isang kailangang tingnan, ako ba iyong may ability na iyong iba’t-ibang mga grupo ay magkaisa para ipakipaglaban natin iyong ating mga paniniwala. So iyon, tinitingnan natin iyon. Siyempre tinitingnan natin kung kakayanin natin sa maraming aspeto iyong kampanya. Parati ko itong inuulit na grabe iyong stakes sa 2022 elections, na hindi rin natin kailangang i-take lightly. Iyong parati lang na pagpapaalala, iyong pinaka-madali dito, iyong pagtakbo, eh. Pero iyong pagpanalo, ano iyong implication noon para sa bansa natin. So, kahit tumakbo ako, kung ang implication noon hindi magiging maganda para sa bansa kasi hindi naman pala natin mabubuo iyong broad coalition, kailangan pag-isipan nang malalim. Pero hindi rin totoo na may desisyon na. Naririnig ko kasi at marami sa aking nagtatanong na nakapag-desisyon na ako. Hindi pa. Kasi kung nakapag-desisyon na ako, bakit ko naman itatago pa iyon, ‘di ba? At iyong pag-desisyon, whether tumakbo or hindi tumakbo. So until now, kung nasaan ako several weeks ago, nandoon pa rin ako, na iyong possibility na tumakbo, nandoon pa. Iyong possibility na hindi tumakbo, nandoon din. Maraming mga grupo na kinakausap. Actually, ngayon pinagsasabay ko iyong pag-asikaso namin ng COVID response at saka iyong usapin ng mga in preparation for 2022. Isang bagay na iniwasan sana because of the surge. Pero wala naman kasi tayong choice kasi iyong deadline malapit na. So kahit, kahit feeling ko kulang sa oras kasi feeling ko mas kailangan pa ng oras para sa usap-usap, kailangan madaliin because of the deadline. So ginagawa naman natin iyon.

     

    Q: Sorry, Ma’am, ha? Iyong speculation kasi na puwedeng mag-local kayo, for the record ba, Ma’am, tapos na ba iyong transfer ninyo, iyong sa registration ninyo doon sa town? Kumusta po iyon, Ma’am?

     

    VP LENI: Wala pa akong transfer until now. Until now, botante ako ng Naga. Iyong option na tumakbo ng lokal, laging nandiyan. Pero klaro naman ito sa mga kasama ko kasi may mga grupo sa amin na gusto nila tumakbo ako ng lokal. Klaro sa kanila na while kino-consider ko iyon, hindi iyon iyong priority ngayon. Ang priority ngayon, ayusin talaga iyong national. Magkakaroon lang ako ng time na ayusin iyong lokal kapag maayos na ang national. So iyon ay while possibility siya, hindi siya priority. Dahil nga alam ko naman ang obligasyon ko ngayon. Alam ko—pinapaintindi ko naman sa mga kasama namin sa lokal na iyong primary responsibility ko nandito.

     

    Q: Ma’am, last na. Kailan iyong decision ninyo? Next week ba?

     

    VP LENI: Alam mo iyong deadline sanang binigay ko sa sarili ko, third or fourth week of September.

     

    Q: Okay.

     

    VP LENI: Hindi ko alam kung kaya naming ma-beat iyon, pero mayroon pa naman until October 8. Ang dasal ko lang na sana lahat willing. Sana lahat willing na mag-usap. Lahat willing na to set aside kung ano man iyong mga kahirapan namin sa kaniya-kaniyang naming mga grupo for the country.

     

    Q: VP, ano ho nakikita ninyong problema dito sa mababang resulta ng survey?

     

    VP LENI: Marami naman siyang dahilan. Ang isang dahilan, naging… Naging masikip kasi talaga masyado iyong daluyan ng communications in the last six years dahil iyong propaganda talaga umiral, eh. Alam natin na iyong social media nag-play siya ng napakalaking role in the past six years. Actually, mula pa noong 2016 elections, iba kasi iyong social media sa traditional media. Kasi iyong traditional media, iyong accountability ng mga nagsusulat, mataas. Kasi puwede mo i-exact iyong mga standards ng journalism at saka ‘di ba iyong broadcasting? Sa social media, marami iyong mga anonymous accounts. Alam naman natin marami iyong mga troll armies.

     

    Q: So iyon iyong nakikita mong malaking bagay kung bakit mababa ka sa survey?

     

    VP LENI: Isa—isa sa mga malalaking bagay, tayo kasi, we can only speculate.

     

    Q: Yeah.

     

    VP LENI: Kasi halimbawa, iyong mga involved dito sa sa Vaccine Express na mga ano ito, mga volunteers, every time nakaka-kuwentuhan ko sila, very common iyong kuwento na, “mabait ka naman pala. So mabait ka naman pala. Hindi ka naman pala iyong pine-perceive namin before. Kasi iyong mga nababasa namin noon, sa Facebook, iba.”

     

    Q: All right.

     

    VP LENI: So, iyon, ano iyon, pruweba na iyong propaganda talaga umiral. Hindi siya masyadong pantay, iyong opportunities, parang na-tilt in favor of those na mayroon means. Mayroong means to maintain itong mga social media armies. Kasi nabibigyan sila ng mas maraming platform, mas malaking platform over people—hindi lang ako—pero over people na wala naman, wala namang ganoong means.

     

    INTERVIEWER: Kung nakikita ninyong problema iyan, VP, mayroon ba kayong ipangtatapat para at least naman dito sa nakikita natin na laganap kamo na disinformation, matapatan natin ng tamang impormasyon?

     

    VP LENI: Sinusubukan natin iyon. Actually, nagsimula kami mga 20—may kasalanan din kasi kami. Hindi naman kasalanan pero siguro pagkukulang? Kasi hindi namin nakita na ganito ka-grabe iyong epekto ng false information. Noong una na asta namin, “hindi naman iyan totoo so huwag natin pansinin para huwag ma-dignify.” Pero na-realize namin mga 2019, na noong hindi pala namin pinansin, naging “truth” iyong mga kasinungalingan. Nagiging totoo kapag paulit-ulit na. Na kapag paulit-ulit iyong mga kasinungalingan, nagiging totoo siya. Pero, kami kasi ang liit lang naman ng reach namin, eh. Ang liit lang ng reach namin sa social media. So iyong mga makakatulong talaga sa amin, iyong mga volunteers. Na tulungan—

     

    INTERVIEWER: Tapatan din ng farm, troll farms ito—

     

    VP LENI: Alam mo, kapag tinapatan natin iyan, anong kaibahan natin sa kanila, ‘di ba? Papaano pa tayo magkakaroon ng moral ascendancy na sabihin na mali sila? Ang dapat, tapatan natin iyong kasinungalingan with the truth. So sa amin, kapag may mga nagvo-volunteer na mga supporters, “Kami po iyong sasagot online,” parati namin sinasabi na walang false information. “Puwede ninyong sagutin, pero sasagutin niyo lang kung ano iyong totoo. So pakiusap natin iyon. Pero hindi naman kami sobrang… hindi naman kami sobrang clueless ngayon to even imagine na kaya naming tatagan—tapatan, I mean.

     

    Q: May mga info na rin na may mga deklarasyon na like next week, ano, iyong ibang key personalities. So ang ibig niyo po bang sabihin, kahit mag-deklara sila, itong mga kausap niyo, ay patuloy niyo silang kakausapin, ganoon?

     

    VP LENI: Ako, para sa akin, hanggang sa last day—hanggang sa last day, hindi ako—hindi ko ipe-prevent iyong sarili ko mag-exert ng effort to seek out itong mga ibang puwedeng maging partners for 2022. May kasabihan nga, ‘di ba, habang may buhay, may pag-asa. [chuckles] So hanggang puwede pa na magkaroon ng pagkakaisa, susubukan pa rin natin.

     

    Q: Wala—hindi na po kasama si Senator Lacson sa kinakausap niyo?

     

    VP LENI: Iyong sa akin, several times na nagsabi si Senator Lacson na sarado na siya. Pero ako, parati ko naman ina-appeal kasi I am sure naman na mahal nila iyong bayan, iyong bansa, eh. Na ako, laging nag-a-appeal ako doon na iyon pa rin iyong umiral sa dulo.

     

    Q: Ma’am, last na po.

     

    VP LENI: Sige lang.

     

    Q: What would make you decide, like in the end, halimbawa nag-deklara na itong mga ito at ano na, October 8 na ho. Papaano kayo magde-decide na, “Oh sige, ako na. Ako na. Tatakbo na ako.”

     

    VP LENI: Kung ano iyong mapili ng unity ticket, tatakbo ako. Kung ako iyon. Kung one-on-one na Bongbong Marcos, lalaban ako kahit dehado. Kung one-on-one na Bongbong Marcos at saka ako, laban ako. Iyon, kung kahit sino ang kalaban, basta ako iyong pipiliin ng anti-admin forces, laban ako. Iyong pine-prevent ko lang naman na kami-kami maghihiwa-hiwalay. Iyon iyong pine-prevent ko kaya nag-e-exert ako ng effort na pag-isahin lahat.

     

    Q: Okay po.

     

    OVP: Okay, thank you very much!

     

    VP LENI: Thank you, thank you!

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Sep 17, 2021