This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo Interview at Assumption Iloilo, Iloilo City

    15 November 2017

    Q: Kumusta po yung visit natin dito sa Iloilo? Ano pong ibang mga activities natin?

    VP LENI: Ano ito, launch ng Istorya ng Pag-asa, isa sa mga core advocacy programs ng Office of the Vice President. We are partnering with organizations, local government units, saka schools. Kaya dito sa Iloilo mapalad tayo na Assumption agreed to be our partner, with some other organizations. After this, I’m proceeding doon sa 15th foundation anniversary ng [Philippine Federation of Local Councils of Women]. Ano lang, I will be here only for a few hours. After ng event this afternoon, I will be flying to Marawi.

    Q: Bakit po dito sa Iloilo nilaunch?

    VP LENI: We’ve actually launched the program in the key cities around the country. Naglaunch na kami sa Baguio, sa Naga, Legazpi, Sorsogon, naglaunch na sa Bacolod, Cebu, Dumaguete, Cagayan de Oro, Palawan.

    Q: Ano po pinaka-purpose nito ma’am?

    VP LENI: Eto, attempt to change the conversation. Napapansin kasi natin na parang marami na nag-aaway, very polarized na yung mga tao. Parang gusto nating palitan na pwede naman ang pag-usapan mga magagandang bagay. Hindi kailangang mag-away. Tina-target natin most especially iyong mga kabataan kasi sila ang babad sa social media. Gusto natin na sila nagshe-share ng inspiring stories, rather than nagsasagutan on Facebook, dinidiscourage na natin iyong nagsasagutan. Mas mabuti nilalagay na lang nila iyong mga stories of hope.

    Q: Ma’am kakatapos lang po ng Asean summit po, ano pong reaction ninyo? Or comment or assessment po?

    VP LENI: Lahat tayo mapalad na lahat ng member-countries dumating. Iyong mga heads of state na inaasahan natin dumating. May mga agreements na na-reach. Siguro pinaka-notable doon iyong signing of agreement tungkol sa welfare ng ating overseas Filipino workers kahapon. At tingin ko magandang nangyari ito dito sa Pilipinas. Kasi tayo iyong pinakamalaking contribution sa pagdeploy ng mga workers.

    Maganda din na nabigyan ng opportunity iyong mga representatives from other countries to visit the Philippines. Hindi lang for Asean, pero opportunity ito for our tourism, for our business.

    Kahapon, I delivered the keynote doon sa closing ceremonies ng Business and Investment Forum. ‘Yong side meeting doon, ano s’ya meeting with all the women representatives from 18 countries, kahit non-Asean andito. At inaaral, binibisita nila iyong ating mga MSMEs na pinapamunuan ng mga kababaihan. Tingin ko malaking bagay ito kasi exposure ito para sa ating mga negosyo. Kapag may ganitong forum maraming pumupunta dito na otherwise hindi naman pupunta kung walang event. Kaya tingin ko over all, successful ang conduct ng Asean.

    Q: May specific topic po na diniscuss for OFWs?

    VP LENI: Ano s’ya, hindi lang s’ya diniscuss kahapon. Pero actually it was a continuing discussion. Pero ang mahalaga na napirmahan na ang entire document kahapon. Hindi pa s’ya na-make public. So hindi tayo makaka-comment sa particular provisions nito. Pero ito naglalayon na mas i-up iyong, hindi lang benefits saka privileges, pero protection ng ating overseas Filipino workers

    Q: Ma’am it has been a tradition na dumalo po sa gala dinner yung vice president, naimbitahan po ba kayo?

    VP LENI: Parang ayoko naman to make a big deal out of it. Iyong sa atin nandito tayo para magtrabaho. Discretion naman iyon ng pangulo kung sino ang iimbitahan o hindi. Pero tingin ko hindi naman dapat palakihin pa.

    Q: Ma’am sa local issue, si Governor Defensor andito kanina. Nagpaalam ba siya kasi magja-jump party po siya. Anything to say about it ma’am?

    VP LENI: Hindi namin napag-usapan pero… Hindi namin napag-usapan ngayon. Pero pinag-usapan na namin iyon before, hindi lang ni Governor, pero ng ibang kasamahan. Iyong sa atin naman, iyong programa natin ngayon wala namang political color. Si governor naman has been a longtime partner and supporter. Nagpapasalamat tayo na kahit may movement sa pulitika, dumating pa rin si Gob to support the project.

    Q: Pero ano pong tingin ninyo sa kanyang pag-jump party?

    VP LENI: Pero hindi pa naman kasi nangyayari. Siguro mas mabuti magcomment if it happens already. Sa atin naman iyong pagsali naman sa political party walang pilitan. Sumasali ka para ipahayag na nagkakaisa kayo sa pinapaniwalaan. Sa Liberal Party naman, marami na kaming kasamahan na nagpaalam before. Tingin ko ano naman iyon eh, discretion ng bawat isang miyembro kung saan niya gustong lumahok. Iyong sa akin naman palagi kong sinasabi sa mga kasama ko sa Liberal Party na tingnan natin ito as an opportunity for party rebuilding.

    Q: On the part of LP, big loss ba si Governor Defensor?

    VP LENI: Oo naman. Si Governor Defensor has been a staunch partner. Hindi lang defender saka supporter pero partner sa maraming bagay, isang hinahangaan na public official. Lahat ng public officials na umaalis sa partido, lalo na iyong public officials na talagang pwede nating ipagmalaki. Parati namang big loss. But as I’ve said hindi ka naman pwedeng magpigil ng tao.

    Maraming considerations kung bakit lumilipat ng party at tayo naiintindihan natin iyon. Doon sa mga nagpapaalam nagpapasalamat tayo na parang nalaman natin from them na sila lilipat. But as I’ve said parati nating sinasabi sa party na palaging positive side tingnan.

    Q: Last na lang ma’am, mensahe sa mga taga-Iloilo.

    VP LENI: Sa akin naka-ilang balik na rin ako after the elections and every time I come parating pagpapasalamat. Siguro hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na aside from my home province, ang Iloilo ang nagbigay sa akin ng biggest margin. In fact, doon sa protest laban sa akin sinali ang Iloilo. May allegations na nandaya ako dito. Of course alam ninyo naman na hindi iyon totoo. Pero iyong sa akin, even before, hindi pa ako kalahok sa gobyerno, buhay pa ang asawa ko, parang ever since I’ve always felt very close affinity to Iloilo. Gaya ng sabi ko kanina in my speech mababait ang tao, parang hindi siya nagkakalayo sa probinsyang pinanggalingan ko. Kaya iyong sa akin, lagi lang pasasalamat, pasasalamat na every time I go parating warm ang pagreceive sa akin.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Nov 14, 2017