This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo on Go Negosyo’s Kandidatalks Episode

    Vice President Leni Robredo on Go Negosyo’s Kandidatalks Episode

    Hosts: Joey Concepcion, Betong Sumaya, Maey Bautista, and Jophine Romero

    JOPHINE ROMERO: To our televiewers, to our social media viewers, napaka-importante po ng gabing ito. Papangalawa sa series ng Kandidatalks but surely one of the most popular presidential candidates. Wala pong iba kung hindi ang ating Vice President ng Republika ng Pilipinas ay si VP Leni Robredo.

    VP LENI: Hello! Good evening, everyone. Magandang gabi po sa lahat. Magandang gabi sa Go Negosyo family.

    JOPHINE ROMERO: Thank you, VP Leni.

    BETONG SUMAYA: Ayon po, thank you po. Welcome po sa Go Negosyo po, sa Kandidatalks po, VP Leni.

    VP LENI: Maraming salamat, maraming salamat. Sorry, ha, kinailangan kong i-adjust iyong volume kasi hindi ko marinig. Sorry, sorry.

    BETONG SUMAYA: Okay lang po.

    MAEY BAUTISTA: No problem, Ma’am. Isa pong napaka-importanteng gabi po at napaunlakan niyo po ang Go Negosyo po for tonight. And para po bigyan tayo ng—nako po, ito po iyong opening message po—let us call on po the man behind the entrepreneurial revolution, Presidential Adviser for Entrepreneurship and Go Negosyo Founder, guys, put your hands in the air like nobody cares, Sir Joey Concepcion. Good evening, Sir Joey! [applause]

    JOEY CONCEPCION: Good evening. Hi, VP. Hi, Betong. Hi, Maey. Hi, Jophine. VP Leni, good evening.

    VP LENI: Hi, Joey.

    JOEY CONCEPCION: Good evening and welcome, VP Leni, to our Kandidatalks. It’s been a while since we’ve met. I remember you’ve been a real supporter of Go Negosyo for so many years. And February 2016 especially, when we launched the Filipina Entrepreneurship Summit. And you were with us also when we hosted the ASEAN Business Advisory events here in 2017 which we called Prosperity for All Summit, ano. We also joined you in your Angat Buhay launch, I remember, in October 2016, so in a way we share the same advocacy of really helping our MSMEs. And in your case, being a woman, and being the only woman in these presidentiables, you have a unique opportunity to really help our micro and small entrepreneurs. Ninety percent of these entrepreneurs are all women, and you’ll be the only voice of, hopefully, women because many of our MSMEs, still, until today, struggle especially now with the pandemic that has been around for 20 months. It’s been a challenge in trying to keep them alive, ano. And as you know, big corporations, we control the country in terms of business contribution. But unless we really help our micro and small entrepreneurs scale up, then we will never be able to achieve prosperity for all Filipinos in this country. And as you know, we share that same vision. Everybody’s lives have to move up and your program of Angat Buhay shares the same vision as Kapatid Angat Lahat. This has been 16 years, VP, that we’ve been around, pursuing and fighting for our micro and small entrepreneurs. And I’d like to thank you for all the support through these years that you’ve provided, many of them in your efforts of poverty reduction in this country. And basically, mobilizing them with the tools of mentorship, providing them access to capital, and access to market is what Go Negosyo’s been doing for the last so many years now. And Secretary Mon Lopez, VP, has been with DTI, so you know he has been together with us in Go Negosyo for quite some time. So we are sort of the Batman and Robin team in trying to help the lives of our people and if you win in the presidentiable elections, you will have that unique chance to help all of these mothers. Most of the nanays are, you know, in the end turn as entrepreneurs because of basic need so I wish you best of luck in this coming election and may God continue to guide you in your efforts in helping many of our women entrepreneurs. Welcome again, VP Leni.

     

    VP LENI: Thank you. Thank you, Joey.

     

    BETONG SUMAYA: Amazing thanks po, Sir Joey. At maraming salamat din po siyempre, Sir Joey, sa patuloy niyong pagbibigay ng suporta para sa mga MSMEs po para hindi po mawalan ng pag-asa. Pero siyempre, naku ito na mga, Go Negosyantes. Dito na natin mas makikilala si VP Leni.

     

    VP Leni, baka gusto niyo po munang kumustahin ang ating mga nanunuod na KakamPINK po ninyo bago po natin simulan ang ating kuwentuhan po at tanungan po.

     

    VP LENI: Maraming salamat. Magandang gabi ulit, siyempre kay Secretary Joey for all that you have been doing. Sabi mo nga 16 years na. I don’t know if you know that our Office has benefited from your Mentor ME programs also. Mayroon kaming programa sa Camarines Sur, iyong mga farmer entrepreneurs naming nag-benefit from the mentorship programs through DTI and thank you for all that you have been doing. And not just Secretary Joey, of course, but the entire Go Negosyo family. Gaya ng sabi kanina we have been a partner of Go Negosyo from the time I became Vice President. We invited you to join us in our Angat Buhay Summit, and as much as we can, nagpapa-participate kami sa mga activities ng Go Negosyo kasi ito nga eh, ‘di ba iyong MSMEs kasi, ito talaga iyong backbone ng ating bansa kaya kailangan talaga all the support that is needed. Sayang hindi ko makita iyong lahat ng kasama natin tonight, but I hope everyone is well, sana nasa mabuti po kayong kalagayan, and i-enjoy na lang natin iyong next 40 minutes or so. Magandang gabi ulit sa inyong lahat.

     

    BETONG SUMAYA: Ayan, Ms. Jophine.

     

    JOPHINE ROMERO: Oh, ‘di ba? Ayan, alam natin si VP Leni ay napaka-busy na tao, kaya nga alam din natin parang lagari ang schedule niya sa araw-araw. So VP Leni, thank you so much for giving us this time.

     

    VP LENI: Salamat, salamat.

     

    JOPHINE ROMERO: At napakarami na po actually na tanong. Kung okay lang sa inyo, umpisahan ko na po iyong tanong.

     

    VP LENI: Yes, yes.

     

    JOPHINE ROMERO: So narinig na po natin iyong isa sa mga programa ninyo. And this is not just because of the pandemic. Pero interesadong-interesado po ang mga MSME at ang ating mga kababayan, ano pa po iyong iba ninyong nagawa ngayong pandemic para tulungan tayong lahat?

     

    VP LENI: Mahaba-haba ito. Kasi kami sa opisina, parang starting December, naghahanda na kami. Naghahanda kami kasi tinitingnan talaga namin iyong nangyayari dati sa China tapos ang sumunod doon Italy. So kami pati iyong pag-preposition ng ibang mga gamit--medical supplies, PPE sets—medyo nauna na kami doon. Hindi pa tayo nagkakaroon ng lockdown, kung naalala niyo iyong pinaka-umpisa ng pandemic, ano talaga, ito iyong maraming mga doktor at saka nurses na namamatay tapos kulang na kulang iyong ating PPE sets, so we started with that. Nag-umpisa kami sa PPE sets at saka medical supplies, binibigay namin ito sa mga ospital, sa mga RHU units. Pero noong pag-lockdown dito sa atin, naging napakahirap mag-source kasi parang buong mundo, nangangailangan. So because we have partners already, nadalian kami mag-shift to local manufacturing. So ito talaga, MSMEs iyong kausap namin dito. Iyong mga sewing communities, sila iyong katulong namin sa paggawa ng mga PPEs dahil wala nang naaangkat at sobrang mahal na. It proved to be a very good decision na i-tap kasi parang naging two birds with one stone siya—ang dami namin natulungan na mga sewing communities, at the same time tuluy-tuloy iyong supply namin sa mga ospital. Iyon iyong una.

     

    Noong nag-lockdown, nawalan ng public transportation. Nahirapan iyong mga frontliners, so nagkaroon kami, day after lockdown, nagkaroon kami ng shuttle services—shuttle bus services. Ito iyong para sa mga frontliners, maraming rutang ginawa dito sa Metro Manila. Later on, nagkaroon din sa Cebu. Pero noong nagsa-shuttle bus na kami, nagrereklamo iyong ibang mga pasahero namin na frontliners na natatakot silang umuwi sa bahay nila kasi iyong exposure nila sa sakit, natatakot silang madala sa bahay. So from the shuttle bus, nagkaroon kami ng mga dormitories. So shuttle, dormitories, tapos noong may dormitories na kami, maraming kailangan. Halimbawa, hindi sila nakakapagpagupit, o wala silang malalabahan. Halimbawa, ang iba sa kanila walang ride papunta sa mga ospital. So parang sa amin, nanganak nang nanganak. Nagkaroon kami ng—nagbigay kami ng mga washing machines at saka mga dryers sa mga dorms.Mayroon kaming libreng pagupit kapag weekends, nagpahiram kami ng mga motorsiklo at saka bisikleta sa mga frontliners na tumitira sa mga dorm.

     

    Tapos iyong kasunod na naging problema natin noon, hindi puwedeng lumabas, mahirap mag-palengke. So naapektuhan iyong ating mga TODA, naapektuhan iyong ating mga vendors sa market, so nagbukas kami ng mga community marts. May tatlong lugar na binuksan kami: Quezon City, Pasig, at saka Muntinlupa. So ang nangyari, nagbukas tayo ng mga community marts, mayroon tayong app. App-based siya, nag-o-order tayo galing sa palengke, ang nagde-deliver nito ay mga TODA. So hindi lang natin natulungan iyong mga bibili na hindi makakalabas, pero natulungan din natin iyong mga market vendors at saka mga TODA drivers natin. And hindi lang iyon, hindi doon nagtatapos iyong aming engagement with them. Nagpahiram kami—ay hindi pala nagpahiram—nagbigay kami ng financial grants para madagdagan iyong kapital nila. Nagbigay din kami ng mga trainings para sa mga dagdag na kaalaman na gusto nila.

     

    Ang sunod na naging problema, trabaho. Iyong trabaho, marami iyong nawalan ng trabaho so sinimulan namin iyong sikap.ph. Iyong sikap.ph ano siya jobs matching platform for blue collar workers. Ito iyong mga construction workers, mga nagta-trabaho sa factory. Nagkaroon tayo ng 29,000 jobs available online. Maliban doon, iyong ating inasikaso ay iyong mga maliliit na negosyante na walang online presence.

    So nagkaroon tayo ng Bayanihanmart, nasa iskaparate.com ito. Iyong mga maliliit na vendors na kinakailangan ng online presence pero hindi nila kaya, binigyan natin sila ng platform. So ang daming sunud-sunod. Pagkatapos nito ay nagbukas din kami ng mga trabaho para sa out-of-school youth, ito iyong Traba-HOPE. Parang ito ay apprenticeship at saka training program na may suweldo.

     

    Pagkatapos noon, ay ‘di ba nagsara iyong mga paaralan? Nagbukas kami ng mga community learning hubs. Iyong mga community learning hubs ay mga centers, parang tutorial center siya sa mga mahihirap na mga communities na karamihan sa mga bata ay walang mga gadgets, at saka ang iba sa kanila ay hirap gumawa ng mga modules nila kasi hindi sila matutulungan sa bahay nila ng mga magulang. So naglagay tayo ng centers, mayroong gadets, mayroong internet connection, at saka may trained tutors. Kami, very proud kami dito, mayroon kaming 58 all over the country. Natutulungan talaga nito iyong ating mga bata na hirap gumawa ng modules, so until now sunud-sunod siya.

     

    Noong nagkaroon ng surge noon April, ni-launch namin iyong Bayanihan E-Konsulta. Iyong Bayanihan E-Konsulta, ano siya, telemedicine na libre. Marami tayong mga volunteer na doctors na iyong mga nagka-COVID, o iyong iba nga kahit hindi COVID, na nasa bahay lang at ayaw makipagsiksikan sa ospital, puwede silang mag-konsulta sa mga doktor na telepono lang. Tapos iyong mga nagkaka-COVID na mild lang naman, mild to moderate, pinapadalhan natin sila ng mga COVID care kits kasi iyong COVID care kits na ito kumpleto ng gamit. Iyong naka-receive COVID care kits, mino-monitor sila two times a day para kung may red flag sa mga symptoms nila ay naaasikaso natin. Mayroon na kaming ambulansya ngayon, mayroon na kaming mga emergency medical teams hanggang ngayon. Bumili na kami ng mga oxygen tanks para maka-serbisyo.

     

    Maliban dito, mayroon tayong Swab Cab. Iyong Swab Cab ay nilalapit natin iyong testing sa mga communities lalo na doon sa mga communities na mataas iyong kaso. Mayroon din tayong Vaccine Express. Iyong Vaccine Express, maraming lugar na all over the country iyong napuntahan nito. Ito iyong bakuna iyong nilalapit natin. Iyong bakuna iyong nilalapit natin sa mga nangangailangan ng bakuna. Kung naaalala niyo, dito sa Manila, sa NCR nag-start iyong para sa riders. Ano siya, drive through. Iyong pinakahuli namin sa Capas, Tarlac. Ang aming sinerbisyohan ay mga Aeta communities. Nilapit namin doon sa kanila, kasi nasa bundok sila. Noong una, ang sabi sa amin noong mga local officials, ayaw nila magpabakuna, anti-vaxxers sila. Pero noong binigyan namin ng incentives, nag-uunahan pa sila.

     

    So ito iyong mga ginawa namin at patuloy na ginagawa namin for COVID response namin. Iyong sa amin, hindi namin nilimit iyong sarili namin sa dating mandato ng opisina. Halimbawa, mayroon na kami dating medical assistance program. Ito ay in-expand namin, napakalaki na ng medical assistance program namin ngayon. Iyong mga naoospital na kulang ng pambayad ay tinutulungan namin. Pati iyong aming sustainable livelihood and training program ay nilakihan din namin because of the pandemic. Noong dati, karamihan sa covered namin mga Visayas at Mindanao, pero ngayon ay malaking bulk ng tinutulungan namin ay nasa NCR plus dahil karamihan sa mga nawalan ng trabaho nandito. So ang daming mga programa na parang one after another. Ang iba din ay ginagawa namin ng sabay-sabay depende talaga sa need. So parang na-practice namin sa opisina, because also of Angat Buhay, na-practice namin in the last four years before the pandemic na pag mayroong problema, may sakuna, nauunahan mo na. So I think it has enabled us to respond very, very quickly kapag may mga problemang dumadating.

     

    JOPHINE MORENO: Ang galing, VP Leni.

     

    MAEY BAUTISTA: Wow, grabe.

     

    JOPHINE MORENO: Oo. If I may just follow-up po, konting-konti lang, alam ko ay marami pa kayo talagang pwedeng i-kuwento. But ang common theme po noong narinig ko sa inyo ay parang pag may ginawa kayong programa, hindi lang isang klaseng tao ang tinutulungan ninyo. Lahat na ng puwedeng miyembro ng community ay natutulungan ninyo. So iyong solusyon po ninyo ay halos 360 degrees, tama ho ba?

     

    VP LENI : At saka ano din talaga siya, sa amin ko napansin, karamihan sa mga pangalan ng mga programs sa amin, may "Bayanihan." At dahil ano talaga siya, hindi lang kami iyon. Parang kami lang iyong nag-provide ng platform. Kami lang iyong center of gravity. Kami lang iyong nag-aasikaso ng lahat. Pero actually iyong help, galing sa maraming tao. Halimbawa, iyong mga PPE sets. Kulang naman iyong pera ng opisina namin, pero basta may tiwala kasi iyong tao sa opisina, tulong siya ng tulong. So kaya siya bayanihan kasi ang dami talagang taong tumutulong. Parang totoo, kami iyong nagtatrabaho, pero not all the time na kami lang. Halimbawa, noong nag-shuttle buses kami, kulang naman kami. Ang nahiram namin mga bus at saka driver ng bus, pero wala kaming mga konduktor. Wala kaming mga dispatcher. Ang mga konduktor at saka dispatcher, iyong pinakauna, mga empleyado namin. Pero dahil ang dami naming routes, kulang iyong empleyado namin, nag-call kami for volunteers. Overnight ang daming nagvo-volunteer. So alam mo iyon, napaandar namin iyong mga buses because also of the help of many volunteers na who are not part of the office, pero sobra silang desidido na tumulong. Ang daming mga taong ganyan. And iyon talaga iyong discovery namin during the pandemic—na ang daming tao talaga iyong compassion knows no bounds. Pero basta ang nakita lang namin iyong kapital lang talaga, dapat may tiwala para go na go sila.

     

    3MAEY BAUTISTA: Opo. Nako VP Leni, napakadami po. Parang hindi ho ako nakahinga doon sa… [laughter]

     

    BETONG SUMAYA: Hinga ka muna, hinga ka muna. Inom ka ng tubig, inom ka ng tubig, inom ka ng tubig.

     

    MAEY BAUTISTA: VP Leni nililista ko hindi magkasya ho sa papel! [laughter]

     

    VP LENI: Marami talaga siya. Marami siya.

     

    BETONG SUMAYA: Nauhaw na VP Leni, nauhaw, nauhaw.

     

    MAEY BAUTISTA: Opo nauhaw. VP Leni, guys, bago ko po ibato po ang aking katanungan po ano, mega loud shoutout po sa ating 6.5 -

     

    36:54 BETONG SUMAYA: Oh my goodness! 6.5! Wow!

     

    MAEY BAUTISTA: Six thousand five hundred forty-six viewers po ang mayroon po tayo ngayon. Guys, keep on coming, and maraming salamat po. VP Leni, ito naman po ang tanong ko po sa inyo: kapag po kayo po ang nanalo, ano po ba ang mga programa po para sa maliliit na negosyante ang inyo pong ipa-prioritize?

     

    VP LENI: Actually napakarami dahil parang ang nag-bring about ng need na ito, iyong sitwasyon natin ngayon. Alam naman natin 'di ba, kanina na-mention ko na noong nag-message ako sa umpisa na… [technical lag]

     

    BETONG SUMAYA: VP? Ms. Jophine parang nagkaroon ng connection problem—ayan.

     

    JOPHINE MORENO: Oo, medyo naputol siya. Pero ‘di bale. We will wait. Talagang hinihintay natin si VP Leni. Doon sa sinabi niya, mahigit isang dosena ang nasa isip ko—

     

    VP LENI: Nawawala-wala ako. Okay na? Sana tuluy-tuloy na. Sinasasbi ko kanina na kaya iyong MSMEs tinatawag siya na backbone of our economy kasi 99.5% ng ating mga negosyo sa Pilipinas talagang tinuturing na MSMEs, ‘di ba? And kaakibat dapat ng pagkilalang ito ang mas maigting dapat na suporta sa kanila. And matindi talaga iyong naging epekto ng pandemya sa ating—[technical lag]

     

    BETONG SUMAYA: VP? Nako, nagfi-freeze si VP. Ms. Jophine, you were saying something po kanina, Ms. Jophine?

     

    JOPHINE MORENO: Sabi ko, bawat sinasabi ni VP Leni kanina ay parang isang bumbilyang nag-o-on sa isip ko. Akala ko anim na bumbilya lang iyon. Eh ngayon parang Christmas lights na, ang haba-haba ng bumbilya, eh. [laughter]

     

    MAEY BAUTISTA: Tama po, tama po. Ayan, Ma’am!

     

    VP LENI: Ayan. Habang may signal ay tutuluy-tuloy ko. Iyong sabi ko, iyong 2020 kasi nakita natin iyong figures. Parang 70.6% doon sa ating MSMEs ay kinailangang magtanggal ng mga empleyado. Ang iba naman ay tuluyan nang nagsara. So kaya naglatag tayo ng COVID-19 recovery plan sa publiko. Nag-presscon ako about this two Mondays ago. Siguro bigyan ko lang ng idea. Iyong aking proposal, mag-budget ng P100 billion na stimulus package para sa mga MSMEs. Bakit kailangan na stimulus package siya? Kasi kailangan natin itong i-back-to-back doon sa unemployment na napakataas ngayon. Kaya siya stimulus kasi i-o-offer natin iyon sa mga MSMEs para hindi sila kailangan magtanggal pa ng mga empleyado. So, iyon iyong una. Kabilang din doon sa COVID-19 recovery plan na sinasabi ko iyong pag-provide ng—ito iyong usuals: skills training, livelihood grants, at online jobs matching platforms na ginagawa na namin ngayon. Pero kailangan din ng targeted na infrastructure para maprotektahan iyong mga negosyo at i-promote iyong mga outdoor economic activities. Kasi ang daming nagsara kasi hindi handa iyong kanilang infrastructure. Halimbawa na lang nito iyong pag-retrofit ng ibang infrastructure na kasalukuyan nang nakatayo para magkaroon ng mas maayos na ventilation. Kasi COVID-19 is here to stay. Kailangan lang natin na kontrolin. Tapos iyong in the long-term, dapat talaga iyong mindset sa pagpa-plano ay geared towards creating more green spaces, more open spaces, at well-ventilated na infrastrucutre. Maliban dito, kasama rin sa mga sumusunod na tinitignan natin na hakbang para suportahan iyong MSMEs sa ating bansa ay pag-expand at pagpapataas ng access to credit sa pamamagitan ng direct lending sa ating state-owned banks. Pangalawa, iyong pagbibigay ng tax incentives sa social enterprises. Pangatlo, iyong pag-i-integrate sa MSMEs sa ating public sector procurement. Ang pamahalaan kasi, dapat sana sa MSMEs bumibili kung sumasabay naman ang presyo at kalidad. Sa mga mahihirapang makasabay sa presyohan, kailangan may ibang pamantayan maliban sa presyo.

     

    Noong miyembro ako ng 16th Congress, mayroon akong finile na bill, iyong panukalang batas na ang pangalan nito, Sustainable Public Procurement Bill na iyong nilalayon noong bill na ma-amend iyong ating procurement law para hindi lang presyo iyong titignan kung hindi pati iyong economic impact nito sa mahihirap lalo. Iyong environmental at saka social aspect din. Kasi maraming mga MSMEs hindi siya nakakasabay sa mga malalaki, ‘di ba? Hindi siya nakakasabay sa malalaki kasi maliit lang siya eh. So iyong cost niya hindi niya nasi-spread sa quantity na napakarami kaya siyempre mas mataas siya. Kami, halimbawa iyong ginawa namin, iyong kinuwento ko kanina, iyong pag-procure ng PPE sets, na imbes na mag-import pinagawa namin sa local providers. E di nagbigay pa tayo ng negosyo sa mga maliliit na communities. Ito din iyong special loans to allow MSMEs to adapt to the new normal para matulungan sila na i-reconfigure ang mga estblishments nila with the appropriate—kanina sinabi ko na, iyong ventilation, iyong air flow. Pero iyong iba din, iyong pag-digitize ng kanilang negosyo, marami iyong nangangailangan ng tulong pagdating doon. Kasi talagang, ‘di ba iyong 4th industrial revolution talagang napabilis iyong pag-digitize ng lahat ng negosyo? At dapat matulungan natin silang sumabay. And sa pag-recover din natin, dapat magbigay tayo ng maraming opportunities for innovation. Dapat palawigin at gawin natin na accessible ang suportang binibigay through—narinig niyo na siguro ito—iyong mga incubator programs, iyong mga tulong sa mga startups. Mayroon naman tayo. Halimbawa, DOST is there, maraming mga private institutions are there para tulungan iyong mga nag-uumpisa palang at ma-encourage sila. Kasi kung solo lang sila, talagang hirap. Pero kapag tinutulungan sila, mas nakakhabol sila doon sa requirements para lumaki-laki naman sila.

     

    BETONG SUMAYA: Ayon! Nako, maraming salamat po VP Leni. Talagang nako ang dami talagang gustong gawin ni VP Leni para sa ating MSMEs, kaya maraming salamat, VP Leni. Pero siyempre naman nako, VP Leni. Ngayo'y dumako tayo sa susunod na part kung saan may mga makakasama tayong Go Negosyo mentees na may pagkakataong magtanong po kay VP Leni. Tama ba, Maey? Maey, nalista mo iyong mga nasabi ni VP?

     

    MAEY BAUTISTA: Oo, nalista ko. Mamaya ishe-share ko sa iyo ha. Guys, ito pong mga binanggit po ni Betong, sila po iyong mga negosyantes natin na sumali po sa mentoring programs po ng Go Negosyo. Pero before that po ay tawagin ulit po natin ang—nandito pa po ba si sir po, ang ama po ng ating Go Negosyo? Sir Joey Concepcion?

     

    JOEY CONCEPCION: Yes. Macy? [laughter] Just joking.

     

    BETONG SUMAYA: Sir Joey, Marian na lang po, Marian. [laughter]

     

    JOEY CONCEPCION: No, I'm just joking, I'm just joking.

     

    BETONG SUMAYA: Ms. Jophine baka pwede niyo kaming kuwentuhan po kung ano nga ba itong Mentorship Program po ng Go Negosyo, Miss Jophine?

     

    JOPHINE MORENO: Well, kaunti nga. Nakuwento na ni VP Leni kanina, eh.

     

    VP LENI: Oo kasi ano kami, Joey, baka hindi mo alam, ano kami, recipient kami ng Mentor ME for our farmer program in Camarines Sur through DTI.

     

    JOEY CONCEPCION: Yes I know, I know.

     

    JOPHINE MORENO: Oo. So nationwide. Dati po face-to-face ang ating mentorship. But since the pandemic in March of 2020, ano po tayo ngayon, online ang ating mentorship. Iyon pong Mentor ME, mentor tapos iyong ME doon, microenterprise.

     

    VP LENI: Yes.

     

    JOPHINE MORENO: So iyon po ang goal ng ating Go Negosyo at DTI.

     

    BETONG SUMAYA: Thank you, Ms. Jophine. At Maey, aba. Ipakilala mo na iyong mga magtatanong kay VP Leni.

     

    MAEY BAUTISTA: Opo, opo. Ito na po. And soon, sana po ay magka-face-to-face na po tayo. Siyempre, ‘di ba po para we can see eye for an eye and tooth for a tooth. [laughter] ‘Di ba, Sir Joey? Okay po, makakasama na po natin ngayong gabi po [laughter] sandali po, sorry po. Take two, take two po. Opo. Ang makakasama po natin tonight, sina Ms. Marechel Mercado at saka po si Mr. Marlon Balunsat. Good evening, guys!

     

    MAEY BAUTISTA: Okay, ipakilala na po natin si Ma’am Marechel.

     

    BETONG SUMAYA: Yes. Si Ma’am Marechel po ay owner ng Megumi Bangka Isla Hopping Tour. Siya po ay galing po sa Region 7 sa Cebu. Dahil po sa pandemya, humina po ang kaniyang negosyo dahil sarado na ang mga tourist attractions at pati na rin po sa pagtama ng malakas na bagyo. Pero dahil po sa KMME, hindi po sila nawalan ng pag-asa na ipagpatuloy ang kanilang negosyo habang—Mr. Marlon Balunsat, nandiyan ho ba kayo, Sir? Sir Marlon? Ayan, so mamaya po ipapakilala natin siya. Ayan na si Sir Marlon! Si Sir Marlon naman po ay owner ng Mr. M’s Food Products po. Mga mushroom products po. Maey, malapit sa puso mo itong mushroom products, ha. Ayan, 22 years old po siya. College student from Cagayan. Dahil sa CAM, natutunan po niya papaano magpatakbo ng negosyo sa murang edad kasi 22 years old pa lang po, nako, mga kaibigan. At tinutulungan po niya ang mga kapwa niya estudyante na kapos sa pang-araw-araw sa pamamagitan ng kaniyang mushroom production business. Ayan, hello po, Mr. Marechel and Mr. Marlon!

     

    MAEY BAUTISTA: Kumusta po kayo!

     

    MARLON BALUNSAT: Hello po!

     

    MAEY BAUTISTA: Ms. Marechel and Sir Marlon, nako, naiinggit po ako sa inyo at mayroon po kayong pagkakataon pong magtanong po kay VP Leni po. Ms. Marechel, hit it. Sige po, magtanong na po kayo ngayon po.

     

    MARECHEL MERCADO: Good evening po sa inyong lahat! It’s an honor po na makapagtanong po kay VP Leni. Thank you so much for this opportunity po. Ito po, para po sa inyo, bakit mahalaga na suportahan ang maliliit na negosyo?

     

    VP LENI: Ako, maraming dahilan. Maraming dahilan kung bakit dapat ang pamahalaan, mas sinusuportahan ang maliliit na negosyo. Iyong number one dito gaya noong na-mention ko kanina, na of the 950,000 plus business enterprises na nag-o-operate sa Pilipinas, 99.5% nito MSME. And 88.77% nito, microenterprises. So gustong sabihin with those figures, napakalaki talaga ng papel na ginagampanan ng mga maliliit na negosyo sa ating ekonomiya at marami sa ating mga kababayan, dito talaga nakaasa ang kanilang kabuhayan. Kapag tiningnan din natin, iyong MSMEs natin nag-generate ng 5.3 million jobs—5.3 million jobs. Pinapakita nito na sobrang laki talaga ng ambag niya. Sobrang laki ng ambag ng small and microenterprises. Kanina ko pa sinasabi na iyong mga maliliit talaga ang backbone of our economy pero hirap. ‘Di ba iyong maliliit, mas hirap siya dahil siyempre kulang siya sa kapital, ‘di ba. Mas hindi siya resilient kasi wala siyang extra. Wala siyang extra na kapag may sakuna na nangyayari, hindi siya kaagad handa na mag-shift. So para sa akin, kailangan talagang ito iyong alalayan. Kasi iyong sipag naman nandiyan, iyong skill nandiyan, iyong sigasig nandiyan. Kapag nag-inject ka lang ng kaunting tulong, makaka-survive siya.

     

    Halimbawa doon sa mga tinutulungan namin na mga iba’t ibang maliliit na negosyante, noong pandemic medyo naiba iyong klase ng tulong. Kasi halimbawa, before the pandemic, ang tinutulong lang talaga natin number one ay kapital. Iyong pangalawa ay iyon nga, iyong mentoring ng Go Negosyo na ginagawa. Tapos pangatlo, iyong access to market. Pero noong nag-pandemic kasi, iyong access to market talaga, iyon iyong pinakamalaking naging kahirapan natin. Gaya ng negosyo niyo, Ma’am, tourism ‘di ba, noong nag-lockdown tayo talagang ano iyon, talagang grabe iyong hirap na dinanas. So para sa akin, dahil nangyari sa atin iyong pandemic na ito, dapat kabahagi na ng paghahanda at kabahagi na iyong mentoring, na iyong pag-upskill at saka paghanap ng alternative na just in case mangyari ito, ano iyong puwede nating ibang gawin.

     

    Ano iyong ibang puwede nating gawin? Halimbawa, iyong kinukuwento ko kanina, nagpo-provide kami through Bayanihanmart, iyong iskaparate.com, halimbawa maraming karinderya, lalo na iyong mga nasa labas ng paaralan. Iyong mga nasa labas ng paaralan, nawalan iyon ng hanapbuhay kasi lahat na paaralan nag-close. So ano ba iyong natirang puwedeng gawin ng mga karinderya? Magbenta ng pagkain online. Pero ang problema, marami sa kanila walang capacity. So kami nag-provide kami nung iskaparate.com na after training them, mag-o-online sila para puwede silang maka-respond sa orders. So para sa akin, Ma’am, dahil mas kaunti iyong pisi—mas maiksi iyong pisi ng mga maliliit, kailangan talaga iyong programa ng pamahalaan para tulungan sila, iyon din iyong mas malaki. And iyong programa, hindi lang talaga sa pagpahiram ng pera pero sa pagsiguro na kapag nangyayari iyong mga ganitong pandemic, mayroon tayong alternative sa kanila.

     

    Halimbawa, isa ko pang example, may tinutulungan kaming maraming jeepney drivers na for more than one year, wala talaga silang biyahe. So ano iyong naging alternative nila na hanapbuhay? Iba-iba. Mayroong mga jeepney drivers na nagbukas sila ng parang rice trading business doon sa mga communities nila. Parang nag-group sila together, parang coop style, nagbebenta na sila ng bigas. Iyong isa naman na tinutulungan namin, ang ginawa nila parang nagbukas sila ng parang shop. Nagbukas sila ng parang shop ng mga gamit na iyong mga nasa community nila, imbes na bumibili sa iba ng mas mahal, sa kanila bumibili ng mas mababa.

     

    So dapat may ganoon na flexibility na tutulungan ng pamahalaan na magkaroon ng ganoong flexibility para kung may ganitong nangyari sa atin, hindi sobra iyong pagdusa. At saka iyong minention ko, Ma’am, kanina, dapat sana iyong pinakamalaking market ng mga negosyante, iyong gobyerno. Kasi iyong gobyerno naman iyong number one consumer, eh, ‘di ba. Ang gobyerno ang number one consumer na dapat sana, maraming negosyo iyong nabibigay niya sa mga maliliit kasi siya naman iyong number one consumer. So kailangan talaga kabahagi siya ng malaking programa na inaasikaso iyong ganitong mga pangangailangan.

     

    BETONG SUMAYA: Okay po. Ayan, Ma’am Marechel. Thank you. Pero siyempre, Maey, may question din si Marlon. Aba, Marlon, itanong mo na iyong gusto mong itanong kay VP Leni.

     

    MARLON BALUNSAT: Madam Vice President…

     

    VP LENI: Hi, Marlon.

     

    MARLON BALUNSAT: Isa po ako sa may maliit na negosyo na nakaranas ng maraming challenges. Ano ang tips niyo po para kami ay hindi mawalan ng pag-asa kahit na ngayong pandemic po?

     

    VP LENI: Alam mo, Marlon, ano talaga, kanina pinapakinggan ko iyong introduction sa iyo. Actually, ikaw iyong pagkukunan namin ng pag-asa dahil napaka-inspiring ng kuwento mo. At marami kaming nakilala during the pandemic ang kagaya mo na sa murang edad ay nagpakita ng, hindi lang galing, eh. Hindi lang galing pero parang iyong kuwento, puwedeng paghugutan ng inspirasyon. Sa akin kasi, kapag mahirap iyong panahon, parang napakadali sa atin na ma-depress ‘di ba. Lalo siguro iyong mga—halimbawa, kayo iyong bumubuhay sa pamilya tapos all of a sudden, iyong pinagkukuhanan niyo ng hanapbuhay biglang nawala.

     

    So iyong sa akin, iyong mga lessons na nakukuha namin nito, Marlon, iyong number one, ikaw talaga iyong gagawa ng paraan, eh. Ang gusto kong sabihin, wala talaga tayong—parang kung may tumulong sa atin, salamat, pero ang pinaka-lesson natin, sa kahirapan ikaw talaga iyong maghahanap ng paraan. And tingin ko sa iyo, hindi iyon problema. Gustong sabihin, kapag may isang pinto na nagsara, dapat hanapin natin iyong bintanang nakabukas. Dapat hindi lang tayo—hindi tayo nakukuntento na naghihintay lang tayo, number one. Number two, hindi tayo nakukuntento na sarado lang lagi iyong pintuan. Kailangan talaga maghanap tayo. And having said that, ano rin, eh, iyong lesson na nakuha namin during the pandemic, ang daming mga kababayan natin ang mga mabubuting tao. Mabubuting tao na naghahanap lang ng paraan para makatulong sa iba. Kailangan lang talaga nilang malaman kung anong klaseng tulong iyong puwedeng ibigay. And malalaman lang kasi nila ito kapag may organized na programa. May organized na programa na puwede nilang puntahan para kung may gusto silang tulong na ibigay, may paraan sila para ibigay ito. Halimbawa, hindi ko alam, Marlon, kung nasa—most probably nasa ano ka naman, nasa Facebook o nasa Twitter…

     

    MARLON BALUNSAT: Yes po.

     

    VP LENI: Marami tayong nakikita na—ang recent kong nakita nagtitinda siya ng leche flan. Nagtitinda siya ng leche flan. Grab driver siya pero iyong nanay niya nagluluto ng leche flan tapos iyong leche flan, ino-offer niya sa mga dine-deliveran niya na mga customers. And dahil maganda iyong pakikitungo niya, may isang customer na natuwa sa kaniya, in-advertise nang in-advertise nung customer iyong kaniyang leche flan. And ngayon, sobrang overwhelmed na siya sa mga orders na nakukuha niya. So kaya ko lang ito kinukuwento kasi hindi naman siya nangyayari sa lahat. Hindi siya nangyayari sa lahat pero ang iba, sinasabi suwerte.

     

    Pero sa akin kasi, Marlon, ang paniniwala ko tayo rin iyong gumagawa ng suwerte natin, eh. Tayo iyong gumagawa ng suwerte natin. Gustong sabihin, kapag masipag tayo, kapag mabuti tayong tao, iyong suwerte talaga dumarating, eh. So lahat naman tayo dumadaan sa kahirapan. Kapag nagiging mahirap iyong sitwasyon, una gagawa ka ng paraan pero number two, parang i-a-assure mo rin iyong sarili mo na hindi naman habambuhay iyong kahirapan. Darating din iyong panahon—ang visualization ko diyan, Marlon, iyong parang nasa sasakyan ka na dumadaan ka sa tunnel. Alam mo iyong tunnel, ‘di ba madilim? Pero alam mo na kahit ang dilim, alam mo na pagdating mo sa dulo liliwanag din. So iyong sa akin, iyon, kapit lang. Pero kapit lang, laban lang. Kapit lang, laban lang na lagi lang tayong naghahanap ng paraan. Hindi tayo—walang maliit para sa atin. Ang gusto kong sabihin, kung gusto talaga nating umasenso, lahat na klaseng bagay basta nasa mabuti, kailangan willing tayong gawin. Iyong iba kasi medyo mapili, ‘di ba. Iyong iba, “Ah, ayaw ko iyang gawin. Ito lang iyong gusto kong gawin.” Kapag ganoon tayo, mas kaunti iyong opportunities para sa atin. Pero kapag iyong klase tayo ng tao na laban lang nang laban, talagang iyong mga pinto at mga bintana bubukas para sa atin.

     

    BETONG SUMAYA: Ayon! VP Leni, maraming salamat po. Marlon, ha, nailista mo ba lahat ng sinabi ni VP Leni. Marami-rami iyon ha.

     

    MARLON BALUNSAT: Yes po. Maraming salamat po.

     

    VP LENI: Salamat, Marlon!

     

    MAEY BAUTISTA: Thank you po. Thank you po.

     

    BETONG SUMAYA: Si PA Joey. Si PA Joey baka mayroon po kayong gustong itanong po kay VP Leni?

     

    JOEY CONCEPCION: Well, no, just a reaction. First of all, Marlon and Marechel, ano, suwerte rin kayo na you were able to ask your question to VP Leni. In fact, VP Leni, I’m quite impressed. You’re like a super mentor, in fact. So I’m impressed.

     

    VP LENI: [chuckles] Thank you.

     

    JOEY CONCEPCION: And you know the approach and I think, itong mga maliliit na negosyante, talagang mahihirapan kasi kulang sa kapital, kulang sa mentors na mahusay mag-guide at importante iyan. Iyan ang ginagawa natin ngayon: mentoring them in this time of pandemic. And you know, that’s why Go Negosyo fought very hard, ano, to save the fourth quarter. Nakikita ko sa pandemya, kung masira iyong fourth quarter natin itong Christmas season na ito, iyong mga—baka mawalan ng pag-asa itong maliliit na negosyante kasi dito sa fourth quarter, talagang ang lakas ng benta niyo, eh. So ang ginawa namin noong August 8, what we did is what we called—mag-early lockdown tayo ng two weeks. Kasi iyong OCTA research, iyong ka-partner namin dito sa pag-advise sa mga data analytics, nakita nila na talang tataas iyong level of infection. So hindi sang-ayon lahat ng private sector na sumama sa amin. Isang business organization nagalit sa akin kasi nga why did we force a lockdown. Buti na lang sumunod dito ang mga Metro Manila mayors and then nakausap ko si Secretary Galvez at they moved and supported the early lockdown. Talagang sumipa iyong kaso moving forward in September. And tamang-tama, nakita natin bumaba iyong kaso in the first month of the last quarter. So right now, you can say it’s suwerte, talagang kailangan natin sa ganitong panahon, may magaling na forecasters at ang base nila sa data.

     

    Kaya iyong saving the fourth quarter ay para sa mga maliliit na negosyante. Para kasi kapag sumipa dito sa 2022, as we move towards 2022, all of you have to go to that year with full of confidence and hope, eh. Iyon ang importante. Kung masira iyong kumpiyansa natin at iyong mga maliliit na negosyante walang hope at confidence, mas mahirap to face these challenges. And we’re lucky now that with the election fever coming in, and of course, makakatulong din dito iyong election spending plus Christmas spending, lahat ng mga negosyo niyo will be able to do well. And hoepfully, iyong mga nalugi niyo in the previous months, mabawi rin. At least, may puhunan na kayo for the year 2022.

     

    So, VP Leni, I agree with you. And that’s why iyong digital shift ngayon, importante kasi the only way to cope in this pandemic is to really help these MSMEs understand the digital platforms. Iyong mga marketplace na Lazada, Shopee, at ang dami ngayong marketplace. At iyon iyong mga what they call, itong setting up of kitchens, ano, digital platforms. So itong mga Grab, FoodPanda, Lalamove, lahat ito tumutulong ito sa mga MSMEs to be able to distribute their products sa consumers. So iyon ang kagandahan. At nakita rin natin iyong GCash, ano. Dati, we were concerned, how can the consumers benefit and of course the entrepreneurs, benefit from a marketplace, ano. Katulad sa America, lahat sila may credit card pero sa Pilipinas cash payment lahat tayo. Buti nandito ngayon ang GCash at PayMaya, which created the e-wallet para sa inyo. So if you have a GCash or a PayMaya, you can now receive and transact with the e-wallet. So maganda—these are the opportunities. Kaya iyong shift natin sa digital, talagang makakatulong dito sa MSMEs.

     

    At VP Leni, your words of wisdom palagay ko if you become president, I think you will have no trouble in trying to develop a real roadmap to helping our MSMEs, ano.

     

    VP LENI: Thank you. Thank you, Sec.

     

    BETONG SUMAYA: Thank you, Sir Joey!

     

    MAEY BAUTISTA: Yes, maraming salamat, Sir Joey. At bago po natin pakawalan ang ating mga mentees, guys, alam niyo ba, si Ma’am Marechel at Sir Marlon, dahil po sa inyong—hindi lang po dahil sa maganda niyong kuwento—mayroon pa po kayong dahilan kung bakit kayo nandito. Isn’t it, Betong?

     

    BETONG SUMAYA: That is right! Ms. Marechel, ang sasabihin sa inyo, si Maey po ang nawawala niyong anak. [laughter] Hindi po, hindi po. Dahil espesyal po ang episode ngayon, kayo ay, Ma’am Marechel at Marlon, makakatanggap kayo ng tig-P25,000! [cheers] Pang-puhunan po mula kay PA Joey Concepcion at Go Negosyo, grabe! Ano pong masasabi niyo, Ma’am Marechel?

     

    VP LENI: Congratulations!

     

    MARECHEL MERCADO: Thank you po! As in thank you so much po.

     

    BETONG SUMAYA: Marlon, anong masasabi niyo?

     

    MARLON BALUNSAT: Thank you so much po, Sir! Dagdag puhunan po ito, sobra.

     

    MAEY BAUTISTA: VP Leni, maikli lamang po, ano po iyong tip niyo doon sa tig-P25,000 po sila? Saan po kaya iyong suggestion niyo na paggagamitan po nila?

     

    VP LENI: Sa akin lang naman, lagi niyong—‘di ba iyong financial, laging advice, na huwag gagastos ng more than sa pangangailangan. Minsan kasi, kasi kami mayroon din kaming sustainable livelihood and training program. Iyong failure naman ng negosyo, napupunta siya kung hindi tayo marunong na mag-manage. So ang pinaka-una nating ima-manage, dapat sa umpisa ay masyado tayong tipid. Ang pagkakagastusan lang natin iyong mayroong returns. Kasi kung walang returns, huwag muna. Ipagpaliban na muna. Iyong luho, pagkakagastusan natin iyon kapag mayroon na tayong extra, ‘di ba.

     

    JOEY CONCEPCION: Very good advice. Tama, tama.

     

    BETONG SUMAYA: Ayan, tandaan niyo iyong sinabi ni VP Leni at more power sa inyong business. Congratulations pong muli sa inyo. At dahil ang susunod na part ng ating programa, masaya ito, ha. Magkakaroon po tayo ng fun games.

     

    MAEY BAUTISTA: VP, diyan lang po kayo, VP, ha. Sama-sama, all together po tayo rito. Ito na po ang inaabangan ng ating mga Go Negosyantes…

     

    [game portion]

     

    MAEY BAUTISTA: Ma’am, thank you so much! Grabe. Alam niyo po, kung kayo ang nanalo mayroon na po kayong P30,000. [laughter] Tapos tig-P10,000 tayo, Ma’am ha!

     

    BETONG SUMAYA: Pero, Maey, talagang gusto nating magpasalamat talaga kay VP Leni sa kaniyang time na binigay sa atin at mas lalong nakilala ng ating mga Go Negosyantes ang mga gagawin ni VP Leni. So VP Leni, sa ngalan po ng Go Negosyo, maraming, maraming salamat po! Baka mayroon po kayong gustong sabihin pa po, VP Leni?

     

    VP LENI: Sa akin, ano, salamat kasi na-enjoy ko iyong gabing ito. Sobrang happy ako kay Marechel at kay Marlon na mayroon silang additional na P25,000 at saka sobrang happy din ako doon sa tatlong nanalo. Ito, iyong ganitong mga regalo iyong kailangan talaga nating i-celebrate, ‘di ba, kasi ito iyong mga windfall na hindi inaasahan pero na-e-earn natin. So, maraming salamat to everyone for having me tonight. Pasensya na hindi na ako makakatagal kasi mayroon ako, actually, na 7 o’clock na susunod na engagement.

     

    BETONG SUMAYA: Opo. No problem po.

     

    VP LENI: Pero thank you! Thank you for having me.

     

    JOEY CONCEPCION: Thank you, VP! Thank you for coming.

     

    VP LENI: Thank you, Sec. Joey!

     

     

     

    - 30 -

     

     

     

    Posted in Transcripts on Nov 22, 2021