This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo on assistance for Negros farmers, proposal for mandatory vaccination, resumption of face-to-face classes, 2022 elections

    Vice President Leni Robredo on assistance for Negros farmers, proposal for mandatory vaccination, resumption of face-to-face classes, 2022 elections

    Visit to Murcia, Negros Occidental Sitio Sumbingco, Brgy. Damsite, Murcia, Negros Occidental

     

    OVP: Okay na po? Start po tayo kay Sir Rico.

    REPORTER 1: Ma’am VP, anong maitutulong mo sa mga farmer beneficiaries dito sa buong Negros Occidental?

    VP LENI: Actually, tuloy-tuloy na po iyong tulong namin since 2016. Iba-iba iyong kanilang mga requests. Mayroon pong isang farmer group na ang request nila pondo para makabili sila ng mga kalabaw. Actually, nag-attend sila kahapon noong People’s Assembly natin. Iyong iba po ang hinihingi nila farm equipment, ang iba ang hinihingi nila input. So kami po, nag-a-adjust kami sa kung ano iyong kailangan. Pero iyong pinaka-mahalaga lang na iyong binibigay natin sustainable. Ang pinaka-sadya po natin na dahil sa tulong natin, nabibigyan sila ng mas malaking opportunity para makahabol, para mapalago iyong kanilang hanapbuhay. Pero hindi ito limited sa farmers. Marami rin tayong tulong sa mga fisherfolk. Ito, mga kababaihan na, otherwise nasa bahay lang sila pero nabibigyan ng pagkakataon mag-negosyo.

    OVP: Ma’am, next po si Sir Renante—si Ms. Carla po.

    REPORTER 2: Ma’am, I know you answered this yesterday but there’s—the Department of Health continues to push for mandatory vaccination. Is this—they say we can’t reach herd immunity without it.

    VP LENI: Ako, sinagot ko na ito kahapon na okay for us to push for vaccination. In fact, kabahagi kami sa kampanya na as many people as possible, ma-vaccinate. In fact, iyong opisina namin mayroon kaming Vaccine Express na nagvo-volunteer kami to go to the farthest of places para lang mabakunahan. Nag-volunteer kami na bakunahan iyong mga OFWs. Just the other day, we were in Capas, Tarlac. Iyong binakunahan namin mga Aetas. Pero para kasi sa akin, mas mabuti na kapag may hesitance, mas mabuti na i-incentivize. I-incentivize sila para magpa-bakuna kaysa pinaparusahan iyong mga ayaw magpa-bakuna. Tingin ko, hindi effective na way iyong paparusahan mo o ifa-fine mo o hindi mo bibigyan ng pagkakataon. Nakita naman namin sa mga programs namin na when you give incentives, iyong mga tao naman pumapayag ng kusang loob and I think, it’s the more effective way.

    OVP: Next question, Ma’am, Erwin.

    REPORTER 3: Hi, Ma’am. Isinusulong po iyong resumption ng full face-to-face [classes] in January. May mga apprehensions kayo, Ma’am, regarding this?

    VP LENI: Actually, since last year—since last year, pinu-push ko na—June last year—pinu-push ko na na in areas where the risk is low or in areas where there is no community transmission, dapat talaga mag-face-to-face classes na. Ako, depende. Depende sa sitwasyon sa area. Ako, kung possible iyong full face-to-face, wala namang community transmission, iyon iyong best. Pero doon sa mga areas na may risk pa rin pero iyong risk mababa, puwede kasing mag-tweak, eh. Puwedeng mag-tweak ng model na halimbawa, students don’t have to go five days a week. Puwedeng pumupunta lang sila once or twice a week para, alam mo iyon, nagrerelyebo at hindi puno iyong classrooms. Dapat asikasuhin iyong mga ventilation ng classrooms. Dapat siguruhin na at least iyong mga teachers fully vaccinated. Pero hindi puwede na tuloy-tuloy tayong ganito iyong sitwasyon. Iyong two school years na walang pasok iyong mga bata, very damaging na iyong effects nito. So the sooner that we can do face-to-face, as long as napapangalagaan iyong mga anxieties natin over the transmission, iyon iyong pinaka-maganda.

    OVP: Next, Ma’am, si Gerard po.

    REPORTER 4: Hi, Ma’am! I know nasagot niyo na po kahapon iyong sa substitution but any thoughts po about sa iyong sinabi ni Secretary Roque that President Duterte is considering a senatorial run?

    VP LENI: Ako, hindi ko—desisyon kasi nila iyon, eh. Kami, focused kami sa amin. Hindi ko naman papakialaman iyong desisyon ng iba. Kung desisyon niya na humabol siya sa senatorial run, nasa kaniya iyon. Pero ang pinaka-punto ko lang, sana i-revisit—sana i-revisit iyong batas tungkol sa substitution para hindi ito naaabuso. Kasi mula noong nagkaroon ng major substitution noong 2016, parang uso na ngayon na naglalagay ng placeholder tapos iyong iba, iba iyong magfa-file. Kapag walang kalaban, isa-substitute ng ibang—para sa akin, panlilinlang iyon sa voters, eh. So sa akin, napapanahon na i-revisit talaga iyong batas. Iyong i-plug iyong mga loopholes bakit siya naaabuso.

    REPORTER 4: Ma’am, last from me, iyong camp naman daw po ni Senator Bongbong Marcos, umaasa na magra-run si President Duterte as VP naman sa camp nila.

    VP LENI: Nasa kanila naman iyon. Nasa kanila naman iyon. Sa amin, basta inaasikaso lang namin iyong sarili naming kampanya.

    REPORTER 4: Okay, Ma’am.

    VP LENI: Okay na?

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Nov 06, 2021