This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo and Senator Kiko Pangilinan at the Official Launch of Leni-Kiko Tandem for the 2022 National Elections

    Vice President Leni Robredo and Senator Kiko Pangilinan at the Official Launch of Leni-Kiko Tandem for the 2022 National Elections

    Quezon City Reception House

     

    VP LENI: Magandang umaga! Magandang umaga sa ating lahat!

    Kahapon po, nagdeklara tayo ng ating kandidatura sa pagka-pangulo. Dumiretso rin tayo agad sa Comelec filing venue sa Sofitel para pormal na maghain ng ating Certificate of Candidacy. Nagpapasalamat po ako sa lahat ng Pilipinong nagpakita at nagparamdam ng suporta sa anumang paraan—sa mga nagpunta dito sa labas ng opisina, sa mga nag-abang at nagpunta sa Sofitel, sa mga nagsabit ng pink ribbons sa iba’t ibang bahagi ng bansa, sa mga nag-post at nagpadala ng mensahe sa social media.

    Kaninang umaga po, bumalik tayo sa Sofitel para samahan naman ang isa pa nating kaakibat sa misyong ito. Matagal na natin siyang kilala. Subok na subok pagdating sa serbisyo publiko. Bilang senador at champion ng justice at human rights, bilang dating Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization, bilang tagapagsulong ng karapatan at kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda, talagang ibinuhos niya iyong kaniyang buong sarili para maiangat ang ordinaryong Pilipino. At wala akong duda na kayang-kaya at handang-handa na siyang tumugon sa mas malaking hamon at sa mas malakas na tawag ng paglilingkod.

    Karangalan kong ipakilala sa inyo ang magiging kasangga natin sa pagtakbo, ang ating Bise Presidente, walang iba kundi si Senator Francis “Kiko” Pangilinan. [cheers and applause]

    SEN. KIKO PANGILINAN: Magandang umaga sa ating lahat.

    Kahapon ng umaga, habang pinakikinggan ko sa telebisyon ang mensahe ni Ma’am Leni, nakakahiya man aminin ay hindi ko napigil ang mapaluha—mapaluha dahil sa dalawang bagay. [pauses] Thank you. Una, mga luha ng agam-agam at pangamba dahil habang nagsasalita si Ma’am Leni, bigla kong naramdaman ang buong bigat at magiging pasanin ng landas ng aming tatahakin tungo sa pamumuno sa isang bansang naghihikahos at gumagapang. Pangalawang dahilan, mga luha ng pag-asa sa pagdeklara ni Ma’am Leni sa kaniyang pagtakbo para sa pagka-pangulo. May pag-asang darating na ang tama, maayos at higit sa lahat ang mapagkalingang pagharap sa dalawang pinakamatinding problema natin ngayon: ang pandemya at ang gutom dala ng kawalan ng hanapbuhay o sapat na kita ng milyon-milyong pamilyang Pilipino.

    Alam ng marami sa inyo na ang plano ko ay tumakbo sa Senado. Hindi ko hinangad ang tumakbong pangalawang pangulo. Masaya na akong naghahanda sa darating na kampanya para sa Senado, at kung palarin ay maipagpapatuloy ko ang aking adbokasiya na suportahan nang husto ang ating mga magsasaka at mangingisda nang gumanda ang kanilang ani, bumaba ang presyo ng pagkain, at mawala na ang gutom sa ating mga pamilya. Aaminin ko din na isa ako sa napakarami nating mga kababayan na hiniling kay Ma’am Leni at ipinagdasal na tumakbo siya bilang pangulo. Naalala ko, April 15 nitong taong ito, six months ago, nagpadala ako ng text message kay Ma’am Leni at ang hinihiling ko sa kaniya na tumakbo muli o tumakbo bilang Pangulo. Ang sagot niya sa akin noon, kung siya lang daw ang masusunod, mas gugustuhin niya iyong serbisyong lokal at grassroots. Mas masaya siya na direktang nakakasalamuha ang mga kababayan natin. Dagdag pa niya, kung para sa kaniya talaga ang tumakbong pangulo, naniniwala siyang mangyayari iyon. Ika nga ni Ma’am Leni, “If it’s meant to happen, it will happen.” Ang sagot ko naman sa text niya na may halong biro at kaunting udyok, “Sa gawain niyo, Ma’am, kailan ba ninyo, Ma’am, inuna iyong kasiyahan ninyo?” Prayer emoji lang ang sagot niya sa akin. Matapos ang anim na buwang puno ng malalim na pagninilay, nagpasya si Ma’am Leni na ihain ang kaniyang sarili bilang kandidato sa pagka-pangulo sa Mayo 2022. Ako naman ngayon ang hiniling ni Ma’am Leni na sumabak din. Sa ganitong sitwasyon, naisip ko na dahil isa ako sa mga nag-udyok sa kaniya na tumakbo at isantabi ang kaniyang sariling kagustuhan, ngayon, siya naman ang humihingi ng tulong. Isantabi ko rin ang aking kagustuhan. Eh baka sabiihin po niya sa akin kapag sinabi kong masaya na ako sa pagtakbo sa Senado ay ibalik niya sa akin iyong sinabi ko six months ago. Kaya sabi ko nga, wala akong kawala. Wala akong—no choice, ika nga.

    Pero sa totoo lang, tinawag tayo ng tungkulin. Call of duty hindi lang kay Ma’am Leni, hindi lang sa partido, koalisyon o sa hanay ng mga supporters, pero sagradong tungkulin sa buong bansa. Kung may pagkakataong makatulong sa mas marami, kung may pagkakataong maglingkod sa mas malawak na paraan, kung tatawagin sa mataas na katungkulan, tungkulin nating tumugon lalo na sa gitna ng pinakamatinding krisis sa kalusugan at ekonomiya ng bansa. Ito ang tumakbo sa isip ko noong kinausap ko si Sharon at ang aking pamilya sa request ni Vice President Leni. Hindi madaling baguhin ang mga plano ng last-minute. Ipinagdasal naman namin nang taimtim ang linaw ng puso at pag-iisip. Mabigat na desisyon ito para sa akin at sa aking pamilya. Mabigat na tungkulin, mas malaking hamon sa kampanya. Pero ang naging conclusion ko, mabigat nga ito, pero higit na mas mabigat ang pinagdadaanan ni Ma’am Leni at ng kaniyang pamilya.

    At sa totoo lang, pinakamabigat sa lahat ang pasan-pasan ng bawat nanay at tatay na nawalan ng trabaho at napuwersang mangutang sa tindahan o manlimos para lang makabili ng ulam para sa mga anak. Mas mabigat ang dala ng bawat Pilipinong kumakalam ang sikmurang walang laman, na nauubos ang boses sa kakatawag sa lahat ng kakilala, naghahanap ng ospital na may bakante pang kama, na walang magawa kung hindi lumuha sa harap ng mga abo ng kamag-anak. Alam natin ito dahil araw-araw may lumalapit sa atin nanghihingi ng kahit anong tulong na puwedeng ibigay. Iyan ang salita nila: “Wala kaming pambayad sa ospital. Wala na kaming pinagkakakitaan.” Nanghihingi sila ng tablet pang-eskwela, ng gamot, ng bigas, ng pagkain, ng pang-ospital sa anak, kapatid, magulang, lolo, lola nilang agaw-buhay sa COVID, ng pangtubos sa mga namatay sa mga ospital, ng abuloy, ng pambili sa kabaong, pambayad sa cremation dahil namatayan sila. Araw-araw, pilit nating ginagawa ang magagawa para tumulong dahil alam natin na ang mga taong ito, wala nang pagkukunan at matatakbuhan. Dahil kapag hindi tayo tumulong, humindi tayo sa kanilang kahilingan, lalalim lang ang luha nila. Lalo lang hihilab ang sikmura. Pilipino tayo. Kung may pagkakataong makatulong, hindi natin maaatim tumanggi. Walang ibang reresbak para sa iisa’t isa kung hindi tayo ring mga kababayang Pilipino.

    Kung mayroon akong isang napakahalagang natutunan sa gitna ng pandmeyang ito, ito ang katotohanang kailangan natin ang bawat isa. Kailangan natin ang isa’t isa. Kailangan natin humugot ng tapang at lakas mula sa ating kawa. Na sa pamamagitan ng ating pagtutulungan at pagdadamayan, sama-sama nating malalagpasan ang matinding pagsubok na ito at darating din ang mas magandang bukas. Kung alam natin kung gaano kalaki ang nakataya, tungkulin natin tanggapin at harapin ang ano mang hamon. Tungkulin natin isantabi ang pangamba. Tungkulin nating maging matapang para sa ating mga anak at sa mga mahal sa buhay, at nawa’y ikalat ang katapangan na ito sa iba pa. Tungkulin kong itulong ang kaya kong itulong.

    Tinanggap ko ang hamon. At ito’y tinanggap natin hindi dahil sa katiyakan ng ating pagkapanalo, kung hindi dahil sa katiyakan ng ating paninindigan at paniniwala. Tinanggap ko at ipaglalaban ng buong lakas ang hamon bilang kandidato sa pagka-pangalawang pangulo kaagapay ni Pangulong Leni Robredo. Sa pamamagitan ng kaniyang pamumuno, at sa tulong ng mga kababayan nating handang tumaya, handang kumilos, handang makipagtulungan, maisasaayos na natin sa wakas ang palakad ng gobyerno sa pagharap sa pandemya at sa pagtugon sa laganap na sakit, gutom at kawalan. Nakita na natin ito at patuloy pa rin natin nasasaksihan ang pagtugon sa pandemya ng tanggapan ni Ma’am Leni. Tiyak na mas higit pa ang magagampanan niya bilang Pangulo ng ating pinakamamahal na republika.

    Magbabago man ang landscape, lumaki man ang laban, hindi magbabago ang ipinaglalaban ko mula pa noong ako ay student leader sa UP, hanggang sa ngayon, ganito pa rin ako at parehong mga prinsipyo at mga pangarap ang isusulong ko bilang Pangalawang Pangulo ninyo. [cheers and applause] Ang pangarap ko para sa bayan, sana all may trabaho at maayos na kita. Sana all may sapat na pagkain sa mesa. Sana all may bakuna. Sana all… [pauses] ligtas—ligtas sa sakit. Sana all may sariling tahanan. [pauses] [cheers and applause] Sana all makapagtapos ng pag-aaral.

     

    Matagal na kaming magkasangga ni Ma’am Leni sa laban. Ilang taon na rin kaming ginigipit. Hindi kami nagpatinag. Ang paniwala ko, iisa lang aming prinsipyo, hangarin at pangarap para sa ating mga pamilya at para sa bayan. Halos sampung taon na rin ako na nagsasaka. Alam ito ng bawat magsasaka. Ang itinanim, kailangan alagaan. Pero ang isa pang katotohanan sa pagtatanim, sa huli, ang pinakamahalaga ay magtiwala. Kapag nagawa mo na ang lahat na kayang gawin, kapag nagsikap ka at isinagad ang sarili para magtanim, magdilig, maglagay ng pataba, maglinis ng talahib, sa huli, ang pinakamahalagang sangkap: pananalig, tiwala. Magtiwala na habang ikaw ay nagtatanim pa lamang, magbubunga ito ng masaganang ani. Magtiwala sa panahon. Magtiwala sa kapaligiran. Magtiwala sa isa’t isa. Magtiwala sa Diyos.

     

    Nagtitiwala ako sa Diyos. Nagtitiwala ako sa sambayanang Pilipino. Lalabas ang ating tapang. Makakahanap ng lakas ng loob. Makakahugot ng liwanag ng puso para iwaksi ang baluktot na pamamahala. [applause] At kapalit nito ay magtatalaga ng mga pinunong tapat, totoo, may puso at tibay, matino at mahusay. Nagtitiwala ako at nagpapasalamat din ako kay Ma’am Leni sa tiwala na iniatang sa atin. At kung mamarapatin ng Diyos, Pangulong Leni Robredo. [applause] Salamat, Ma’am, sa iniatang niyong—hindi lamang sa akin, kung hindi sa ating mga kababyan na kayo ay tumakbo.

     

    Tatakbo ako bilang Pangalawang Pangulo para sa bayan, para sa anak ng bayan, para sa bawat Pilipino. Handang magtanim para sa mga kababayan natin na handang magtanim, handang magtanim ng makabuluhang pagbabago at ihanda, sumama sa atin para diligan, alagaan at palaguin ito. Wala akong duda sa pamamagitan ng ating pagsamsa-samang pagkilos, tayo’y magtatagumpay. [applause]

     

    Mabuhay si Leni Robredo, ang ating Pangulo—magiging Pangulo! Mabuhay ang sambayanang Pilipino! Maraming salamat!

     

    [END]

     

     

    Q&A WITH THE PRESS

     

    RAPPLER: Madami akong tanong, Ma’am. Actually, itanong ko na lahat: will the Party be adopting you as  its presidential bet? Kasi siyempre may implications iyong running for president in terms of campaign finance and iyong election returns sa pagbabantay ng boto.

     

    VP LENI: Ako—teka, Mara, nakalimutan ko lahat.

     

    RAPPLER: Ay, sige, Ma’am, why run as an independent po?

     

    VP LENI: Ayan. Ako, sa akin, hindi naman ako nag-resign from the Liberal Party. Pero running for independent is our symbolic way of showing na bukas kami sa pakikipag-alyansa sa maraming mga partido. Iyong aming sinusulong na inclusivity, iyong sinimulan namin na pakikipag-usap kahit hindi bahagi ng partido. Iyong pagkakandidato naman para sa pangulo ay hindi para sa partido pero para sa nagkakaisang lakas ng sambayanan.

     

    RAPPLER: Well, VP, does that mean also that LP will adopt you as its presidential bet?

     

    VP LENI: Siguro ibigay ko kay Sen. Kiko, because Sen. Kiko is the Party President.

     

    RAPPLER: Sige po.

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Well, we already passed a resolution in our National Executive Council that our candidate for president is Vice President Leni. So that is already set.

     

    RAPPLER: Okay.

     

    KIKO PANGILINAN: And therefore, the Party will mobilize behind her.

     

    RAPPLER: Well, VP, itong open-door policy—since connected pa rin naman—this open-door policy that you’re pursuing in your presidential campaign, does that mean that you will also be open to being adopted as standard bearer of another party in case you are able to forge an alliance with another presidential contender who will agree to be your running mate instead?

     

    VP LENI: Ako, alam mo, Mara, ito kasi continuing pa iyong pagbuo ng aming slate. Pero I will assure you na iyong slate namin is not just composed of representatives from the Liberal Party, pero representatives from many different parties. Kaya sa amin, we will announce the slate I guess early next week. We will announce it early next week. Pero makikita niyo when we announce it na ito ay pagsama-sama ng iba’t ibang pinanggalingan. Kaya nandoon kami ngayon. We continue to be open to discussions. Pero iyong pagkandidato, tuloy na tuloy bilang pangulo.

     

    RAPPLER: Final question na po for me kasi marami po silang tanong. I address this question to both of you. You seem to be distancing yourself from the yellow color of the Liberal Party. You’re wearing pink and blue. Senator Kiko, you’re wearing green and pink. So is this a deliberate decision to abandon the yellow color, and why have you chosen these colors? Ito na po ba iyong political—campaign colors ninyo for 2022?

     

    VP LENI: Ako kasi, ibabalik natin sa kasaysayan. Bakit ba naging… bakit ba iyong Liberal Party na… na ano ito, na-identify sa yellow? Kasi iyong yellow, naging simbolo siya ng protest. Naging simbolo siya ng protest against sa dictatorship. And noong naging simbolo siya ng protest, iyong yellow hindi lang dito sa Pilipinas siya simbolo ng protest. Pero siya iyong global symbol—parang global color of protest sa buong mundo. Ngayon, iba na iyong laban. Iyong nilalabanan natin ngayon, mas malaki na kaysa sa laban pa dati. Ang nilalabanan natin ngayon hindi lang iyong pagbabalik ng anak ng diktador, pero ang nilalabanan natin ngayon, masamang pamamahala na siya iyong nagiging sanhi ng mga problemang piangdadaanan natin ngayon. Iyong bulok na klase ng pulitika na paulit-ulit nangyayari sa atin ngayon. Iyong pink ngayon ay siya iyong lumalabas na global symbol [for] protest and activism. Again, global siya, hindi lang dito sa Pilipinas. Since last year, ito na iyong naging simbolo.

     

    Actually, Mara, wala kaming plano sa kulay. Hindi namin na-plano iyong kulay kasi alam niyo naman kung gaano ka-belated iyong aming desisyon. Pero ito kasi iyong naging kulay noong groundswell ng volunteers. Iyong mga nagpo-post sa Facebook, iyong kapag nakita niyo iyong sa likod ng opisina namin, iyong mga ribbons na kinakabit pati sa ibang lugar, hindi lang dito sa Metro Manila, parang ito talaga iyong naging simbolo ng activism at saka protest ng volunteers. So kami naman lagi naman naming sinasabi, kami ay nakikinig. Kami ay nakikinig sa taumbayan na kung palagay nila ito iyong kulay na magsi-symbolize ng sama-samang aspiration para mapalitan na iyong klase ng pamumuno na mayroon tayo ngayon, gagawin namin iyon.

     

    RAPPLER: Thank you. Senator Kiko?

     

    KIKO PANGILINAN: Nasabi na ni Ma’am.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Okay, thank you, Mara. Anjo, CNN.

     

    CNN PHILIPPINES: Good morning po.

     

    VP LENI: Good morning.

     

    CNN PHILIPPINES: My questions will be about the tandem. Ma’am, can you tell us the story behind your decision? Why did you choose Senator Kiko and when was the formal offer made?

     

    VP LENI: Kung maalala niyo, nagsimula lang naman akong seryosong pag-isipan iyong pagkandidato late last week. Late last week, so talagang ano siya, talagang sobrang belated. And pag-decide ko kumandidato, siyempre iyong sunod na iisipin, “sino iyong aking magiging kasangga?” Maraming mga pangalan iyong fino-float. Pero sa discussions with many different groups, lumalabas na—iyon iyong sabi ko nga kay Sen. Kiko na siya talaga iyong choice na who makes the most sense. Unang una, matagal na kaming magkasangga sa laban. Pangalawa, shared iyong aming mga paniniwala, mga prinsipyo, mga aspirations para sa bayan, papaano namin dadalhin iyong bayan sa kung saan iyong dapat na kaniyang patutunguhan. Iyong pagkakilala ko kay Sen. Kiko, bata pa. Noong siya ay student leader pa sa UP, hanggang siya ay naging politiko, kahit noong provate citizen siya, hanggang ngayon na kasama ko siya sa aming partido, napaka-stable, napaka-steadfast. Hindi nababali iyong paniniwala. In a way, pareho kami, very independent-minded. Iyong pagmamahal sa pamilya, isang katangian na pareho naming shine-share. Kaya kung tatanungin ako, siya talaga iyong kasama na kampante ako. Kampante ako na pareho iyong aming patutunguhan. Pinagpaguran ko iyong Office of the Vice President.

     

    Iyong kung nasaan na iyong Office of the Vice President, wala akong pagda-dalawang isip na kay Senator Kiko ko ito iiwan kasi alam ko na siya iyong mangangalaga. Siya iyong mangangalaga hindi lang iyong legacy na iniwan ko, pero na lalo pang parang dalhin niya a notch higher kung nasan na iyong Office of the Vice President ngayon. Alam nating lahat iyong advocacy ni Senator Kiko. Iyong advocacy niya agriculture, food security na napakalaking tema ng pagsugpo natin sa pandemya at kahirapan ngayon. So parang sobrang swak siya. Sobrang swak sa gusto nating gawin kapag tayo ay naging pangulo na.

     

    CNN PHILIPPINES: Ma’am, I’m also just curious, how did your family take the decision na sinabi niyo talaga na, “this is it. We’re running for President and Vice President.” Mayroon bang hesitation? Pressured ba sila or nagalit or whatever?

     

    VP LENI: Iyon iyong pinakamahirap sa lahat. Hindi ko alam kay Sen. Kiko kung iyon din iyong pinakamahirap sa kaniya. Pero iyong sa akin, iyon iyong pinakamahirap na desisyon na—pinakamahirap palang hinarap ko dahil from the very start, sobrang kontra talaga iyong mga anak ko. Noong kumandidato ako para VP, kontrang-kontra na sila. Iyong usapan namin noon ay last na iyon. So noong lumalabas na iyong pangalan ko na posibleng maging pangulo, parating ang pinapaalala ng mga anak ko na, “Mama, may promise ka ha na last na iyon.” So ano talaga, struggle siya. Pero iyong mga anak ko naman, despite the difficulties, iyong sense of duty mataas. Na kahit alam nila na magiging napakahirap sa kanila, alam nila na this is the right thing to do. Alam nila na kahit mabigat para sa kanila ay susuporta sila 100 percent.

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Well, sa amin nila Sharon, and alam din siguro ni Ma’am Leni iyon, eh talagang hindi madali para sa pamilya iyong sumasabak sa ganitong laban. And—pero dito sa puntong ito, well siguro rin kasi dahil mahal na mahal ni Sharon si Ma’am Leni, eh nakita niya iyong pangangailangan din ng mga nangyayari sa bansa. Nakita niya itong kahalagahan na tulungan at magtulungan para nga mahanapan ng solusyon iyong problema ng bansa. So in fact, ako nga ay na-sorpresa. Mas madali sa kaniyang tanggapin ito kaysa noong 2016 for some reason. So iyon din, Ma’am, sabi natin there is an orchestration somewhere, ganoon. But it was… it was not easy. We prayed about it. Nag-usap kami. Tumawag ako sa kaniya. She was in New York then kasama si Frankie. Tinext ko rin si KC about this. So mayroon kaming mga text messages exchange because in the end—and I know Ma’am Leni will agree with me—it’s not really as difficult—for me ha, that’s my experience—for the candidate than it is for the family kasi talagang ang laki ng sakripisyo nila at iyong pagsusuporta.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Thank you. Janvic, Philippine Star.

     

    PHILIPPINE STAR: Good morning po. Ma’am, what will happen to the unity talks after the decision to file for the presidency? You said before that it will continue, you are not giving up on the unity talks. Will it continue even after the filing? Will you continue, say, reaching out with Mayor Isko or Senator Pacquiao, among others?

     

    VP LENI: Ako, while our lines remain open, iyong focus na ngayon is uniting—hindi iyong mga principals pero uniting iyong taumbayan. Na-realize natin—lalo na kahapon—na-realize natin na nagkakaisa naman pala iyong taumbayan. Hindi lang naman kailangan iyong mga, kaming mga politiko iyong mag-unite, pero iyong pinaka-mahalaga na iyong majority ng tao ay nabibigyan ng alternative kung saan puwede silang mangarap muli, kung saan puwede silang makaramdam ng pag-asa muli. At iyon iyong aming tututukan in the next few days.

     

    PHILIPPINE STAR: Ma’am, iyong sa Senate slate natin, you mentioned that you will announce it in full in the next few days, mayroon na po ba tayong initial na kino-consider and what will be the Senate slate when it comes to decision-making doon sa Senate slate na—parehas po ba iyong magiging susuportahan ng LP doon sa ibang, say, coalition ng 1Sambayan?

     

    VP LENI: Iyong 1Sambayan noong nakausap ko sila and in fact, I’m meeting them again today, iyong nakausap ko sila ang sabi nila magno-nominate sila but they will be giving me free rein sa pagpili. But we are keeping them abreast kung ano na iyong mga discussions. As of now, iyong siguro iko-confirm ko lang muna iyong dati na naming kinonfirm. Iyong mga nominated ng Liberal Party is Senator Kiko na siyempre hindi na kasi siya na iyong running [for] VP. Si Senator Bam magpapasalamat ako sa kaniya kasi ang plano niya talaga was to run for the Senate pero noong nagdesisyon ako, I told him na hindi ako tutuloy kung wala siya sa tabi ko. Kasi alam niyo naman na halos baguhan ako sa politika and hindi ko magagawa iyong kampanya without him dahil siya na iyong kasama ko noong 2016. And si Sen. Bam, talagang iniwan niya iyong kaniyang plano to go full-time into the campaign. So doon sa mga initial na na-nominate, si Senator Risa. Si Senator Risa, si Senator Leila, si Senator Sonny Trillanes, si Chel—si Dean Chel Diokno, iyong iba—mayroon nang mga nag-confirm na iba pero hindi pa kami nakakahingi ng authority para sabihin iyong mga pangalan nila, pero ito ay ma-a-assure niyo—ma-a-assure ko na iba’t iba iyong pinanggalingan. Iyong slot na iniwan ni Senator Kiko, iyong magpapalit sa kaniya is former congressman and former governor Teddy Baguilat. Pero iyong iba ay—ang pinaka-ideya talaga natin is to come from many different groups and political parties.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Thank you. Xave Gregorio, PhilStar.com.

     

    PHILSTAR.COM: Hi, Ma’am, good morning. Hi, Sen. Kiko. Just want to follow-up on the unity talks. You said that the focus now would be the shifting to uniting people instead of politicians. But aren’t you concerned that with a vast field of politicians na not aligned with the administration, wouldn’t that split the opposition vote?

     

    VP LENI: Alam mo, to be very honest about it, iyon iyong una kong paniniwala. Pero I had a lot of talks with a number of them and iyong na-realize ko, marami kasi kaming hindi align—maraming points na hindi kami aligned na ito iyong mga basic na paniniwala. Na mahirap ipilit iyong unity kung sa mga basic na mga prinsipyo hindi kayo nagkakaisa. So iyong sa akin, hindi na ako ganoon ka-concerned ngayon than when I was first starting kasi lumalabas naman ngayon, kami talaga iyong oposisyon. Wala namang lumalabas na kapareho namin. Kapareho namin in the sense na mula umpisa, nakipaglaban talaga. Pero having said that, parating iyong paniniwala na kahit may mga basic kaming paniniwala, mahalaga pa rin na nakikinig. Mahalaga na nakikinig sa ibang iba iyong paniniwala. Pero iyong sa akin kasi, I was really exerting a lot of effort in trying to unify many different personalities. Pero may hangganan kasi siya, eh. At iyong hangganan niya, kailangang hindi kami magyu-unite for unity’s sake, pero nagyu-unite kami kasi mayroon kaming shared aspirations, mayroon kaming pagka-pareho sa mga basic na mga points na napakahalaga at nagkakaisa kami sa paniniwala kung papaano dadalhin ang bansa sa pagbabagong inaasam natin.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Thank you, Ma’am. Jacob Lazaro, One News.

     

    ONE NEWS: Actually, it’s quite similar to what—first of all, good morning—it’s quite similar to what Philippine Star asked but I guess I’ll be more specific. Now, are you concerned about the possibility of splitting votes with Isko Moreno Domagoso since you somehow share the same voting bloc?

     

    VP LENI: Ako, I don’t believe so. After all the talks that we did, ang paniniwala ko iba iyong base namin. Ang paniniwala ko iba iyong base namin. Iyong sa akin, para sa akin, klaro kung saan ako nakaposisyon na ito iyong paniniwala ko about governance, ito iyong paniniwala ko about iyong aspiration ko para sa bansa, ito iyong paniniwala ko na papaano ko dadalhin iyong bansa papunta doon sa aspiration na iyon—klaro iyon sa akin. And during the talks, and even sa mga pronouncements, mayroon kaming mga basic differences pagdating doon. So I don’t think pareho iyong aming voting bloc.

     

    ONE NEWS: Is it okay if you can share—follow-up lang on that—is it okay if you can share what are those differences?

     

    VP LENI: Ako kasi kasi ayaw kong pag-usapan iyong detalye ng unity talks in deference to them. Ako, I have great respect for all the people I talk to kasi kung wala naman hindi ko naman sila pupuntahan. Pero iyong sa akin, I think hindi rin tama na binibigay ko iyong detalye ng aming mga usapan.

     

    ONE NEWS: I just had to try. [chuckles] So second question naman more on voters naman. How do you take the surge of pink-themed videos or videos going around in social media? Does this give you assurance or is there a concern that this is an echo chamber? 

     

    VP LENI: Actually, pareho kami ni Sen. Kiko. Kanina papunta sa Comelec pinag-uusapan namin, pareho kaming nagulat. Pareho kaming nagulat sa iyong mga social media feed natin kahapon napuno ng pink. Hindi lang social media feed pero maraming mga lugar na nagkaroon talaga ng parang ano, parang pink revolution. Nagulat kami. Nagulat kami in the sense na hindi namin akalain na ganoon ka-overwhelming. Alam namin na maraming tao ang pareho iyong pakiramdam sa amin about everything that is happening pero hindi namin na-realize na ganoon karami. Na parang naghanap lang sila ng makakapitan. Naghanap lang sila ng pag-asa para ma-express nila iyong kanilang pakiramdam. And that is very encouraging for us.

     

    ONE NEWS: Super quick lang po: now, do you wish there were more blue or green na magpo-post sa social media ngayon?

     

    VP LENI: Sa akin kasi libre naman iyong tao to express kung—how they feel about things. Pero sa akin kasi hindi naman kulay iyong nagde-define sa tao, eh. ‘Di ba iyong nagde-define sa tao… May kasabihan, ‘di ba, we are defined by the choices we make. So hindi naman iyong kulay. Kahit anong kulay. Kahapon naka-blue ako, ngayon naka-pink ako. Pero iyong sa akin, importante din sa akin iyong pink kasi pakikiisa—pakikiisa doon sa mga naniniwala. Pakikiisa doon sa parang outpouring of, not support for me pero outpouring of iyong emosyon, iyong pakiramdam about how things are going dito sa bansa natin. Obvious naman na hindi kami nag-usap ni Sen. Kiko, ‘di ba. Magkalayo iyong aming kulay ngayong umaga so hindi talaga siya napagplanuhan. Iyong pink talaga galing sa groundswell.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Okay. Gerard Dela Peña, TV 5.

     

    TV 5: Hi, good morning po. First po muna kay Senator Kiko. I just want to ask—sorry medyo showbiz po [chuckles]—how is Ms. Sharon Cuneta taking your decision to run for vice president considering that you’ll be going head-to-head against Senator Tito Sotto?

     

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Well, of course it was not easy, ano. In fact, that was the first thing we discussed. But after discussing and praying about it, ang sabi niya siyempre kung nasaan ako, iyon ang—nandoon siya. So iyon ang pinag-usapan namin.

     

    TV 5: All right. And second question po, we’re just curious how will the campaign go and how will it be considering that we are still in the middle of a pandemic?

     

    VP LENI: Ako, sa akin kasi una naghihintay kami. Maghihintay kami sa Comelec guidelines kasi obviously, this campaign will be different from all the other campaigns. So maghihintay kami roon. Pero ang pinaka-priority pa rin, lalo na ng opisina namin, iyong aming pandemic response. Vice President pa naman ako hanggang June 30 so that will be the core of what we will do. Hindi pa naman campaign period ngayon. So iyong trabaho namin with the COVID response, with the Angat Buhay, tuloy-tuloy pa rin. Kapag lumabas siguro iyong Comelec guidelines, mas magiging klaro how we will conduct the campaign. But before ilabas iyon, siguro wait and see muna tayo kung ano iyong mga allowed, ano iyong mga hindi allowed. Obviously, hindi na tayo puwedeng mag-rally ngayon. Hindi tayo puwedeng magkaroon ng mga big gatherings. So ibang-iba talaga.

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Ma’am, if I may just—

     

    VP LENI: Sige.

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Well, I think this is an indication of what, you know, what going around the country might be like. Kumbaga, you know, smaller group, the media, live streaming, technology. So mukhang ganoon. Magiging hybrid, ‘di ba. Mayroong iba na based on the requirements of the protocols on health and security, ‘di ba, and then technology din.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Okay na? Allan, DZBB.

     

    DZBB: Hello po, VP. Ang unang tanong ko ay ngayon na nakapagdeklara na po kayo, nakatulog po ba kayo nang maayos at kumusta naman ang pakiramdam niyo, VP?

     

    VP LENI: [laughs] Actually, lagi naman akong nakakatulog nang maayos. Alam mo, kung mayroong isang gabi na hindi ako makatulog—sinabi ko ito kay Sen. Kiko—ito iyong evening after I asked him to be my running mate. Kasi alam ko kung gaano magiging kabigat for him kasi he has been preparing for a Senate run. Alam ko gaano magiging kabigat sa kaniyang pamilya. And sa totoo lang, nagi-guilty ako na I am putting him and his family through this. Pero si Sen. Kiko naman, patriot through and through. Si Sen. Kiko basta para sa bayan, lagi namang handang lumaban. Pero iyon iyong ano, sinabi ko kay Sen. Kiko the following day. Kasi noong nakausap na niya si Sharon and the kids that evening—pero sabi niya, “Ma’am, can you give me until tomorrow morning? I need to pray over it.” Doon iyong gabi na hindi ako nakatulog. [chuckles]

     

    DZBB: Kanina naitanong na ho, ano, bakit independent, magiging independent kayo, pero nasagot na rin kasi ni Sen. Kiko na in-adopt na rin ng LP iyong candidacy niyo. Pero ito na lang ho iyong tanong ko, ano, naniniwala ho ba kayo sa ratings? Dahil for the past few ratings ay hindi ganoon kataas iyong survey ratings niyo. Pero ngayon—kasi hindi pa kayo nagdedeklara, wala pang makapagsabi kung tatakbo nga kayo o hindi—pero ngayong nakapagdeklara na kayo, sa tingin niyo ba magkakaroon ng pagbabago sa ratings sa mga susunod na survey?

     

    VP LENI: Kung titingnan kasi natin, hindi pa ako nagdedeklara, nagkaroon na ng significant na pagbabago. Even before the declaration, nagkaroon na ng significant na pagbabago sa ratings. Pero ako kasi sanay ako sa mahirap na laban. Noong nag-run ako for Congress, I was running against a very strong political dynasty. Nag-umpisa ako sa napakababang numbers. Wala akong kakampi na local officials sa amin. Pero naitawid natin. Noong nagkandidato ako for the vice presidency, anim na kandidato, nagsimula akong pang-anim. Paunti-unti iyong pagtaas. Lagi ko itong sinasabi—ako, lagi akong power of the long game. Walang eleksyon—ang ginagawa ko may eleksyon o wala, pareho. So iyong sa akin, naniniwala naman ako na ang tao kapag nakita nila iyong totoo, alam nila kung papaano sila magdedesisyon.

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: If I may just add, Ma’am, very briefly, ano, we should also be guided doon sa, you know, historical data regarding polling. Kasi makikita niyo, in fact noong 2016, she was 1 percent in September, ano. And then 2015, tapos—so talagang it’s just a snapshot and talagang since 2004, lahat noong mga leading sa polls at about this time, hindi nanalo. So it’s really, you know, a snapshot and the battle really is, you know, from here on until May 9.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Okay. Kyle, BusinessWorld.

     

    BUSINESSWORLD: Good morning po, Ma’am. This is Kyle Atienza from BusinessWorld. Your administration—the Duterte successor I mean will inherit a nation with a battered economy due to the global health crisis, poverty, and billions of public debt. If elected, Ma’am, what economic policies will you bring to the table? And just to clarify also, what will be your main economic platform and what economic policies of Duterte administration will you scrap or reconsider?

     

    VP LENI: Iyong sa akin, I have always been very—I have expressed this many times over. Mayroon kasi tayong false dichotomy na health versus the economy—hindi ako naniniwala doon. Para sa akin, closely interconnected ang kalusugan at saka ang ekonomiya natin. Having said that, ang pinaka-unang economic policy natin, dapat mahinto ang pandemya. Kasi hanggang hindi pa natin nahihinto ang pandemya, walang pag-asang makabangon ang ating ekonomiya. So sa atin, papaano ba natin susugpuin iyon? Iyong mga pinaka-basic, ‘di ba? Ano ba iyong pinaka-basic? Test, trace, treat—kapag sinabi natin na treat, pag-equip ng mga ospital, pag-asikaso sa ating mga health workers—vaccinate, ayuda, opportunities sa trabaho. Iyon iyong pinaka-basic.

     

    BUSINESSWORLD: Ma’am, additional question to that, since the OVP has partnered with the private sector through the Angat Buhay program, private sector, small enterprises, do you—are you confident that your camp will receive the backing of the business sector?

     

    VP LENI: Mahirap iyon sabihin. Ang pinaka-mahalaga na we receive the backing of ordinary Filipinos. Kasi sa atin naman ang experience naman natin iyong negosyo nag-a-adjust siya sa kung anong gusto ng tao. Halimbawa, we were able to survive one and a half years doing COVID response operations dahil ang daming tumulong—hindi lang mga negosyo pero pati ordinaryong tao. So ito, ito na iyong ginagawa namin in the past five and a half years. So ang pinaka-powerful talaga sa amin iyong lakas ng ordinaryong mamamayang Pilipino.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Okay, thank you. Finally, Raymond, Manila Bulletin.

     

    MANILA BULLETIN: Good morning, Ma’am. Good morning, Senator Kiko. Ang hirap ng huli, naubos na iyong questions. [laughter] Naubos na iyong questions. Ma’am, ano lang, one question lang, Ma’am, I just want to ask about the readiness of both of you. We all know the fact na iyong tandem niyo nabuo lang last-minute. And then, sige na nga itanong ko na, President Duterte made a threat before na he will be your greatest nightmare if you run for president.

     

    VP LENI: Iyong number one, naniniwala ako na hindi naman siya paunahan. In fact, all of my runs, sa akin all of my runs laging last-minute ako nag-decide. So hindi iyon, para sa akin, hindi siya mahalagang factor.

     

    Iyong pangalawa, hindi ko na iyon problema. [cheers and applause] Hindi ko na iyon problema kasi maraming… mas marami namang importanteng bagay na kailangang tutukan. Ako, suggestion ko, pandemic na lang tutukan kasi iyon naman iyong pinakaproblema natin.

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Ma’am, may I just add…

     

    VP LENI: Sige po.

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: You know, conventional wisdom says that you have to declare early so that you can ensure that your voters, supporters will, you know, mobilize and prepare, but—[technical lag]—in the 2016 election at iyong 2010 election—[technical lag]— So hindi ibig sabihin dahil malapit na sa deadline lang nag-decide, eh malaking ano iyon, sabihin na nating, what do you call it, hurdle, ‘di ba. In fact, the contrary in the last two presidential elections is true. The contrary is true: iyong mga huling nagdeklara, iyon pa ang nanalo.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Okay, maraming salamat sa ating mga kaibigan sa media, Ma’am, Sen. Kiko.

     

    VP LENI: Maraming salamat sa inyo.

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Maraming salamat!

     

    VP LENI: Maraming salamat, Sen. Kiko.

     

     

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Oct 08, 2021