I always have time for Makabayan bloc. The laugh that I get reading Makabayan bloc’s hypocritical and dramatically rehashed statements — while thinking about how the Filipino people rejected the bid of Bayan Muna and two other Makabayan bloc partylist groups to once again infiltrate Congress and legitimize their existence while pretending that we do not know about their ‘love affair’ with the NPA, the NDFP and the CPP — is a way to de-stress from all the challenges the Department of Education and the government need to address without the help of Makabayan bloc, of course.
Marami na ang naloko ng Makabayan bloc. Magaling sila sa propaganda at sanay sila sa pagsisinungaling.
Sa loob ng maraming panahon, walang naglakas-loob na ilabas ang katotohanan tungkol sa kanila. Gagawin natin ito ngayon.
Ilang batang Pilipino na ang kanilang nahikayat na sumanib sa NPA para sumali sa isang gyera na hindi naman nauunawaan ng mga kabataan — isang gyera na hinding-hindi nila maipapanalo dahil isa itong gyera na laban sa kapwa nila mga Pilipino.
Ilang pangarap at magandang kinabukasan na rin ba ng mga kabataan na ba ang hinayaan ng Makabayan bloc na masira sa loob ng maraming mga taon? Ilang kabataan na ba ang namatay bilang NPA?
Ang pagsasabi ng katotohanan tungkol sa relasyon ng Makabayan bloc at sa teroristang NPA, CPP, at NDFP ay hindi red-tagging o terror-tagging — ito ay pagsasabi lamang ng katotohanan.
Opo, may panahon tayo para sa Makabayan bloc. Panahon para tuluyan nang wakasan ang kanilang panlilinlang sa sambayanan.
Sara Z. Duterte
Vice President of the Philippines
Secretary of the Department of Education
August 1, 2022