This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Speech of VP Leni Robredo At the Kaya Natin! DOSEs of Good Governance Webinar Series on “Strengthening our Public Health Systems and Enhancing Our Response to COVID-19 and Future Pandemics”

    Speech of Maria Leonor Gerona Robredo Vice President of the Philippines At the Kaya Natin! DOSEs of Good Governance Webinar Series on “Strengthening our Public Health Systems and Enhancing Our Response to COVID-19 and Future Pandemics”

     

    Maraming salamat, Harvey [Keh]. Hello at magandang hapon sa lahat ng kasama natin ngayong hapon. Maraming salamat sa Kaya Natin sa muling pag-iimbita sa akin sa webinar na ito. I hope you are all safe and well.

    Una sa lahat, Harvey, congratulations sa Kaya Natin! Ang bilis ng panahon; 12 years na. 12 years na pala. Kaya Natin has always been one of the OVP’s most reliable partners—sa mga leadership seminars to empower the youth and local leaders during and even before the pandemic, sa pag-facilitate ng ating donation drives, sa napakaraming courses at webinars to discuss the challenges of our time. Alam kong hindi ito ‘yung inaasahan ninyong anniversary celebration—pero siguro ngayong taon lalong naging malinaw ‘yung halaga ng ginagawa natin lahat to advance good governance and ethical leadership, to open spaces for collaboration, to start critical discussions like this which can help us chart a better, surer path forward.

    Kasama na diyan ‘yung napapanahong discussion na ito on strengthening our public health system para mapabuti ‘yung pagresponde natin sa pandemya, at para makapaghanda tayo sa anumang pagsubok na dala ng hinaharap. Because while COVID-19 will probably not be the last public health crisis we will have to face, we can make sure that it’s the last one we will have to face unprepared. Ang gusto kong i-share ngayon, ‘yung mga insights na napulot ko at mga personal kong nakita on the ground sa mga ginagawa namin to improve public health for constituents mula noong nasa Congress ako, at ngayon naman sa pagresponde sa COVID-19 sa OVP.

    Unang-una dito ‘yung halaga ng datos, ‘yung halaga ng data. Nitong nagdaang mga buwan, lalong naging malinaw: Data is the bedrock of sound decision-making. Sa data nakabase ang kumpas ng galaw natin; ito ‘yung nagse-set ng direksyon. This is true kahit saang policy area, pero lalo na pagdating sa public health.

    Halimbawa, noong March pa lang, base dun sa impormasyon galing sa mga bansa tulad ng South Korea, nakita natin ‘yung halaga ng testing—kasi ‘yung mga bansang marami ang tine-test, mas mabilis na napigil ‘yung pagkalat ng virus kasi nakakapag-respond sila accordingly. That same month, we called for mass testing at the community level; and to try and make that possible, nag-deliver tayo sa, initially, sa RITM ng 12,750 extraction kits, na kailangan para sa full COVID-19 test kits. Sa panahon nito na sobrang kaunti pa lang ng test kits, sa panahon na RITM pa lang ‘yung nagte-test, sa panahon na marami pang restrictions kung sino lang ‘yung puwedeng mag-test—kung maaalala niyo, nung panahon na ‘yon, ‘yung pwede lang magpa-test ay ‘yung may symptoms; ‘yung walang symptoms hindi puwedeng magpa-test, kasi sine-save natin ‘yung kakaunti na test kits available at that time. At dahil na din doon sa datos, moving forward, talagang isinama na namin sa COVID-19 Response Operations ng OVP ‘yung procurement at delivery ng extraction and detection kits para sa iba’t ibang LGUs at mga ospital—aside from RITM, talagang naglaan kami ng pera; as of our last count, we have already delivered 24,656 kits worth 31.7 million pesos. Kaya kahit kakaunti ‘yung pera ng opisina namin, talagang nag-realign kami ng budget para makapag-respond sa current demands of the situation. When we look at the data available from a policy lens, we come up with clear and strategic action points and implement them, charting the best path forward. Hindi puwedeng tsamba. Hindi puwedeng kung ano lang ‘yung maisipan. Dapat lahat ng decision, talagang nakabase sa datos.

     

    Ang naaalala ko, parang starting early Feb hanggang siguro mga hanggang August, talagang pinaglalaanan namin ng panahon ‘yung mga webinars, ‘yung mga briefings, because we wanted to learn more about the pandemic. We wanted to learn about the best practices in other countries. We want to learn about best practices in LGUs.  Kasi, palagay namin, it is only through that na makakapagdesisyon tayo nang maayos kung paano tayo tutulong. Sa sarili naming opisina, nagka-crunch kami ng data every day. Nagka-crunch kami ng data on a very granular level, tinitingnan namin ‘yung mga positivity rates per LGU, tinitingnan naming ‘yung lahat ng datos. Meron kaming classifications kung saan ‘yung high transmission, kung saan low transmission, saan no transmission. Ito every day naming itong ginagawa, para guided lang kami saan ba kami tutulong, ano bang klaseng tulong ‘yung ibibigay namin.

     

    A data-driven orientation does not just allow us to work better—it also pulls us closer together. Because data are not just collections of numbers; they provide clarity, a piece of the world that can be relied on, a way to make sense of things. Pag klaro ‘yung datos, sigurado ka sa ginagawa mo. They provide a common baseline of experience that can unite us, sending the message that here is the truth; we are in this together. This is what allows us to come together to work towards a shared horizon.

     

    And this leads me to my next point—‘yung halaga ng engagement, ng pagbabayanihan, ng pagkilala na sama-sama nating hinaharap ito, at sama-sama tayong dapat mag-ambag sa solusyon. Alam ito ng Kaya Natin—‘yung fundraising para sa frontliners, at ngayon para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo, in between nagkaroon pa tayo ng gadget donation drive, overwhelming ‘yung naging response sa lahat. And ang nakita namin sa OVP and sa kaya Natin, talagang napakaraming handang tumulong. Ang prerequisite lang ng outpouring of tulong na ito: Tiwala. Kaya parati kong sinasabi, trust is our only currency. Kasi para sa opisinang kagaya namin na wala naman masyadong resources, kung walang tiwala sa amin ‘yung tao wala talaga kaming magagawa dahil napakadami ng limitations. And we worked hard towards building that trust, parang every day that we are in office. Lahat ng COVID-19 Response initiatives namin, naging posible lang dahil sa tiwala ng private sector partners, donors, at volunteers—tiwala sa OVP, tiwala sa Kaya Natin, tiwala sa isa’t isa.

     

    Kaya nga hindi dapat natin makalimutan ‘yung papel ng mga pinuno natin. ‘Yung willingness to be held to account, hindi puwedeng ipasa natin sa iba kung may problema, dapat accountable lagi tayo; ‘yung good will na nabubuo over the years of telling the truth, showing compassion, providing proper public service—lahat ito build trust. Kasi ang trust hindi naman ‘yan overnight e. ‘Yung trust talagang pinagtatrabahuhan mo.

     

    Makikita nga natin ito sa mga best-performing LGUs natin: The ones who are able to mobilize quickly and convince people to follow protocols are the same ones who have gained the trust of their constituencies. Kasi may kumpyansa tayo sa mga plano at kakayahan natin. A good, trustworthy, service-oriented government is the most powerful point of convergence pagdating sa public health efforts.

     

    Lalong nagiging importante ‘yung convergence na ito dahil ang public health naman ay hindi lang tungkol sa sakit. Maraming patong-patong na factors ang nakatali sa kalusugan—tulad ng access to education, sapat na kabuhayan, matibay na socio-economic infrastructure—na kailangan din nating pagtuunan ng pansin kung gusto nating palakasin ‘yung public health system natin.

     

    Pag pinag-uusapan ‘yung convergence, naaalala ko lagi ‘yung—siguro nakuwento ko na ‘to sa iba sa inyo—‘yung karanasan ko sa isa sa maliliit na munisipyo in my district when I was still serving as a representative. ‘Yung town na ‘to maliit, pero mataas ‘yung kanyang malnutrition rate. Nung in-assess namin, meron naman siyang feeding program—pero obviously maraming butas ‘yung feeding programs niya kasi mukhang hindi nagme-make ng dent ‘yung ginagastos ng munisipyo. Ang naalala ko, una kong pag-ikot sa mga barangay, binisita ko ‘yung mga health centers, binisita ko ‘yung mga barangay nutrition scholars, ‘yung una kong napansin, nakita ko na ‘yung mga babies, ‘yung mga sanggol, tinitimbang gamit ‘yung bathroom scales, tapos nagso-solicit pa sa akin ng mga tape measure kasi pansukat daw ng haba ng mga bata. Alam ko noon dapat salter weighing scales sana saka height boards ‘yung ginagamit; ang sabi nila sakin, wala sila non. Pumunta ako sa DOH regional office, magtatanong lang sana ako kung saan ako puwedeng maghanap nung mga salter weighing scales saka mga height boards para sa mga barangay health centers namin. Ang sabi sa akin ng DOH, “andami namin sa bodega, wala namang humihingi.” So, ang sabi sa akin dati, nakatambak lang daw doon, wala namang nagre-request. Ang feeling ko lang, ang tagal na sanang nagamit, ang dami na sanang natulungan, pero ang kulang lang, parang—parang mayroong disconnect. Kasi ‘di ba, devolved ang health services sa LGU? Parang may mga taong hindi nag-uusap. Ang sinasabi ko nga, ang kulang siguro, someone who knows whom to call and which channels to pursue.

     

    ‘Yung pagbabayanihan at engagement, ‘yung interrelated nature ng mga hamon sa atin, all these underscore a reality that the pandemic made clear in very stark terms: That we are all interconnected. Magkakarugtong ang diwa natin. Pinakita sa atin ng pandemya: Nakatahi ang kalusugan ng isa sa kaligtasan ng lahat, sa parehong paraan na ang pagdurusa ng isa ay pagdurusa ng lahat, at ang pag-asenso ng mga nasa laylayan ay pag-asenso ng lahat. Parati ko ‘tong sinasabi, na we are only as good as our weakest link. Kasi kahit ano pang yabang natin na napakabuti ng ekonomiya natin, pag maraming naghihirap, maraming nagugutom, wala pa din. Wala pa ding saysay, wala pa ding cause to celebrate.

     

    So if we are to build a stronger public health system, we should recognize, harness, and build on this interconnectedness. Malinaw ‘yung tawag sa atin ng ganitong kaisipan. We need to address the deep inequalities that have made this pandemic so much more virulent and deadly. We need to build more caring and inclusive communities. We need to build a better normal—a world that is fairer, safer, and more humane; a world where we tend to all, even, and especially, the last, the least, and the lost.

     

    What [comes] to mind now, kahapon—kahapon ba ‘yon o kaninang umaga—kahapon yata, nagkaroon kami ng online na parang kumustahan about a particular project that we did. Gumawa kami ng parang timber footbridge sa isang napakahirap na lugar sa Sulu, sixth-class municipality. Gumawa kami ng timber footbridge papunta sa isang barangay niya na parang isla. Ang kuwento kasi doon, ang laki ng absenteeism ng mga estudyante kasi pag masama ‘yung panahon hindi na sila nag-aaral kasi mahirap mag-cross. Nung kahapon, nung nagkaroon na kami ng virtual kumustahan, nagsasalita ‘yung kapitan saka ‘yung mayor, na ‘yung mga bata daw sa kanila, nung wala pa ‘yung footbridge na pinagawa namin, pumupunta sa mga paaralan nakasakay sa palanggana. Parang hindi ko siya ma-imagine na ganoon, na ganoon kagrabe ‘yung extent ng sakripisyo just to be able to go to school. Noong nagsalita na ‘yung mayor, sabi niya, “Ma’am napaka-timing po nung paglagay natin ng footbridge.” Kasi—I think we downloaded the funds January of this year—sabi niya, kasi ‘yung mga tao don sa barangay na ‘yon, nakakapagpa-check-up na sa centers. ‘Yung mga buntis nakakapagpa-check-up, ‘yung may mga symptoms ng COVID nakakapagpa-check-up, kasi dati daw hindi. So alam mo ‘yon, parang napakasimpleng programa—napakasimpleng programa, footbridge—pero ang laki pala ng effect niya sa public health nung lugar na yon. Eto ‘yung gusto natin sabihin: Na kailangan hinahanap natin ito. Kailangan hinahanap natin ‘yung weakest link natin. Kasi ‘yun nga e—kahit ano pa ‘yung improvement o ano ‘yung progress na nararamdaman sa sentro, kung merong mga napapag-iwanan, masama pa din ‘yon.

     

    Iba-iba ‘yung maiaambag natin sa larangang ito. Halimbawa: ‘Yung kanina, isang example na yon.  Pero another example, halimbawa nasa posisyon tayo, to enhance our skills and capacities to deliver better health outcomes for the people we serve; kung experts naman tayo, hanapin natin ‘yung best and most efficient path towards the ground para maitawid sa communities ‘yung mga solusyon natin. Kung may negosyo tayo, institutionalize practices to embed minimum health standards in the culture of our offices and shops; and kung ordinaryo naman na mamamayan, keep helping where you can, keep demanding accountability from us as your leaders, and keep doing your part to combat the spread of COVID-19. Sinasabi ko ‘to kasi ang pinaka-point dito, walang maliit na contribution. Walang maliit na hakbang, lahat mahalaga; kasi ang sagot sa mga suliranin natin, hindi iisa, kundi bawat isa.

     

    Ito ‘yung mindset na dapat nating bitbitin sa pagpapalakas ng public health system natin. Parang—walang silos. Hindi puwede dito ‘yung—tingin ko ito ‘yung naging problema natin on a larger scale ngayon; parang lahat naman ng ahensiya, ginagawa ‘yung kailangan nilang gawin, pero parang kanya-kana ‘yung paggawa.  Hindi ‘yon puwede. Hindi puwede ‘yung ganon kung gusto natin palakasin ‘yung ating public health system. Dapat walang kanya-kanya. ‘Yun nga, walang silos. Lahat nag-aambagan towards a singular goal; lahat may understanding na bahagi sila ng isang bigger goal.

     

    Kaya, siguro several months ago, nagbigay ako ng statement na dapat merong konduktor. Dapat merong konduktor na hina-harmonize ‘yung ginagawa ng lahat para alam natin na iisa lang ‘yung horizon na tinitingnan natin. Hindi ‘yung ang ahensiyang ito may ginagawang sarili, ang ahensiyang ito may ginagawang sarili.  Kadalasan sayang pa sa pera; kadalasan, within the organization okay sila pero pag in-assess mo ‘yung contribution nila to the whole, parang nalulusaw kasi hindi hina-harmonize ‘yung ginagawa ng iba’t ibang mga grupo.

     

    Hamon ito, especially given the current political context: May divisiveness sa lipunan, kulang sa linaw ang strategic direction; ‘yung dapat nagiging center of gravity ng tulong, parang nagkukumpetensya pa. Ito ‘yung reality natin, pero hindi natin puwedeng sukuan ang situwasyon. Hindi tayo puwedeng magpa-paralyze, dahil buhay ang nakataya.

     

    Gaya ng lagi kong sinasabi, kapag malaki ang hamon, mas malaki ang pagkakataon—pagkakataong makilahok, pagkakataong makatulong, pagkakataong makiambag. So ano man ‘yung krisis o sakuna ang dumating sa atin, kailangang ipakita na natin na bitbit natin ‘yung isa’t isa. Basta sama-sama tayo, lahat, kaya natin.

     

    So ito siguro ‘yung pinaka-lesson na maiaambag ko sa inyo. Siguro balikan natin—‘yung data; ‘yung collaboration and convergence; ‘yung pag-aasikaso na ‘yung mahalagang factor ng collaboration ‘yung trust, pinaghihirapan natin ‘yon; ‘yung pagme-make sure na walang naiiwan sa ginagawa natin; pagme-make sure na lahat nagwo-work in harmony with each other. Pag nasunod natin ‘yon, ‘yun ‘yung pinaka-basic, ako very confident na mas madali natin maayos ‘yung ating public services delivery natin sa ating mga constituents.

     

    So maraming salamat, mag-iingat kayo lahat.

     

     

     

    Posted in Speeches on Dec 16, 2020