Search

Speech of Vice President Sara Duterte for Naval Special Operations Command 66th Founding Anniversary

Assalamualaikum. Maayong hapon sa tanan. Magandang hapon sa inyong lahat.

Daghang salamat…maraming, maraming salamat po sa inyong imbitasyon sa akin para maging tagapagsalita sa inyong selebrasyon ng inyong 66th Founding Anniversary.

I am truly honored to be part of a celebration that honors patriotism and those who embody the value of selflessness, the passion to serve their fellow Filipinos, and the respect and undying love of country.

Patriotism holds a very special place in my heart. At malaki ang respeto ko sa mga Pilipino na katulad ninyo. Sumasaludo po ako sa inyo at taos-puso po akong nagpapasalamat sa inyong kabayanihan.

Alam ninyo, ang isa sa mga pangarap ko ay sana mas maraming kabataang Pilipino ang pumasok sa Philippine Navy o anumang sangay ng Armed Forces of the Philippines o maging sa Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, at Bureau of Jail Management and Penology.

Siguro mas mainganyo silang umanib sa Naval Special Operations Command kung makita nila bakit kayo tinaguriang elite force ng Philippine Navy.

Naniniwala po kasi ako na kapag napag-alab natin sa puso ng bawat Pilipino ang pagmamahal sa bayan — ang pagiging tunay na makabansa, ang pagiging tunay na makabayan — maitatawid natin ang Pilipinas. Makakaraos tayo. Uunlad tayo.

Minsan, may nabasa ako. Ang sabi niya mahirap daw pong mahalin ang Pilipinas. Ang sabi ko, that’s not true. At isa kayo — kayong mga magigiting na kasapi ng Naval Special Operations Command ng Philippine Navy — ang makakapagpatotoo na hindi totoong mahirap mahalin ang Pilipinas.

Sa loob ng 66 years, ipinakita ninyo ang magandang halimbawa ng pagmamahal sa bayan.

Isa itong uri ng pagmamahal na hindi namamatay sa panahon na nahaharap tayo sa pagsubok.

Isa itong pagmamahal na mas nag-aalab at mas umiinit sa tuwing tayo ay nakakaranas ng kahirapan.

Isa itong uri ng pagmamahal na hindi nawawala at patuloy na nararamdaman sa hirap at ginhawa man.

Again, I am happy to be with you today. I am honored to be in the presence of soldiers from the Philippine Navy whose special training in warfare and security and anti-terrorism have earned them quite a reputation — and that reputation is nothing less than exceptionally good.

Kayo daw ang Filipino version ng US Navy Seals. Bihasa kayo sa sa sea, air, land o SEAL operations.

In recent years, the Philippines succeeded in several counter-terrorism operations, most prominently against the Abu Sayyaf Group with help from the brave soldiers from the Naval Special Operations Command.

In this highly volatile, uncertain, complex world, and the Philippines being an archipelago, the Naval Special Operations Command plays an important role in ensuring the security of the nation.

This underscores the importance of continuously training and upgrading the skills and tools of the Naval Special Operations Command soldiers.

And I personally support future joint military exercises with other nations to build the capacity of our soldiers and strengthen our defense against threats to our security.

We hope to continue to foster greater cooperation and strengthen security ties with other nations as we maintain that the Philippines is a friend to everyone.

Now, please allow me to reiterate this. Malaki ang respeto ko sa inyong lahat — katulad ng respeto ko sa lahat ng mga kasapi ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police at iba pang grupo o indibidwal na nagkakaisa sa layunin na protektahan natin ang bansa at isulong ang katatagan at kaunlaran nito.

Ibang klase kayong magmahal sa Pilipinas. Kakambal nito ay sakripisyo.

Nagpapasalamat ako sa inyong kabayanihan sa pagsisilbi sa ating bayan at pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad ng sambayanang Pilipino.

The Philippines and the Filipino people are lucky to experience your patriotism, your love — one that is without condition, one that expects nothing in return, and one that is saddled with so many sacrifices.

Congratulations po sa inyo. At sa mga susunod pang mga taon, hangad ko na magpatuloy ang inyong katatagan, katapangan, katapatan, at pagmamahal sa bayan.

Mabuhay po kayo.

Patuloy po nating mahalin ang Pilipinas.

Shukran. Maraming salamat.