This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Speech at Tampakan

    27 October 2016

    Sa inyo pong lahat magandang hapon pong muli. Alam ninyo po masayang masaya ako. First time ko pong makarating sa Tampakan. Noong panahon po ng kampanya, nadaan po ako ng South Cotabato pero hindi po ako nadaan ng Tampakan.

    Pero alam ninyo po noong nakaraang linggo, si Mayor po ay iniimbita na ng aming opisina ng Office of the Vice President kasi mayroon po kaming ni-launch na isang programa, ang pangalan po ng programa Angat Buhay.

    Ang ibg sabihin po ng programa, isa po siyang 5-point na Anti-Poverty Program, pero dahil po ang Office of the Vice President ay walang pondo para gumawa ng proyekto, ang ginawa po namin sa opisina namin, naghahanap po kami ng private partners para sa mga programa dito sa inyo.

    Tamang tama po nakatanggap po ako ng imbitasyon sa Gen San. Inimbitahan po ako ni Mayor Rivera kasi kaninang umaga po mayroon po silang Education Summit, mayroon din po silang Housing Summit.

    Sa Saranggani naman po may IP Summit kaya sabi ko nandoon na rin naman ako, bisitahin ko na rin ang Tampakan.

    Ngayong hapon po napunta ako dito pero alam niyo po ang pinili po ng aming opisina, 50 lang po na local government units out of several thousands. Kasi kayo pa lang po iyong Batch 1.

    Isa po ang Tampakan sa mga pinili namin, kasi tinitingnan po namin kung gaano ka receptive, gaano ka proactive at gaano kalinis ang ating local government unit kasi ayaw naman po naming mapahiya sa ating partners. Ayaw po naming mapahiya.

    Hindi naman kami magkakilala ni Mayor pero iyong basehan po nito hindi po pulitika at hindi ang kakilala pero kung sino iyong karapat-dapat tulungan dahil tinutulungan ang sarili.

    Ito pong pagpunta ko ngayong hapon, tinitignan po natin, nagprisinta po si Mayor sa Summit namin pero tinitingnan po namin kung papaano pa kami makakatulong.

    Kanina po galing kami doon sa gawaan ng kawayan at nakita po namin na napaka-promising nito. Marami pa puwedeng gawin at marami pang industriya at hanapbuhay na puwedeng makuha galing doon kung mabibigyan siya ng sapat na tulong.

    May presentation po si Mayor sa Summit pero mas maganda pong ito nakikita namin kasi mas lalo po kaming na-iinspire, mas lalo po kaming ginaganahan dahil nakikita namin na handa kayong tumulong sa sarili.

    Dito po mas inspirado kaming tumulong dahil nakikita po namin na kahit kayo lang, ginagawa niyo ang lahat.

    Nakikita po natin dito sa paaralan ninyo, may malaking stone building na ginagawa. Sabi ko nga po napakalinis.

    Napakalinis po ng Tampakan. Kanina po umikot kami doon, napakabait po ng mga tao kaya hindi po ako magdadalawang isip na bumalik. Hindi po ako magdadalawang isip na maghanap pa ng tulong.

    Kanina po nakita ko ang mga programa ni Mayor. Mayroon po kayong cacao, mayroon po kayong turmeric, mayroon po kayong cassava, mayroon po kaming maitutulong.

    Hahanapan po natin ng partners, iyon po ang essence at core ng ating programa sa paraan ng collaboration. Hindi po pupuwedeng kaya na, kaya ko.

    Hindi po puwedeng sabihin ni Mayor na mahusay naman ako kaya ko na. Puwede pong kaya natin pero mas marami pang matutulong ang iba at iyon po ang ginawa namin sa Angat Buhay.

    Naghanap tayo ng mga partners at pinakilala namin ang Tampakan sa mga private partners pero ngayon lalo pang paiigtingin ang mga relationships.

    Iyong sa bamboo, marami po kaming puwedeng i-link na partners, iyong turmeric po marami din kaming puwedeng i-link na partners, iyong cassava.

    Iyong cacao po nandito na ang nestle, ay iyong coffee pala nandito na ang Nestle sila iyong susi.

    Maraming salamat po at kahit na unang pagkakataon na nagawi ako dito napakainit ng inyong pagtanggap.

    Mapalad po kayo dahil ang mga opisyal ninyo nagtatrabaho nang husto.

    Maraming maraming salamat po.

    Makakaasa po kayo na bibisita po at bibisita kami dahil partner na namin kayo.

    Muli, maraming salamat po.

    Posted in Speeches on Oct 27, 2016