This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Speech at the Presidential Commission for the Urban Poor National Urban Poor Solidarity Week

    12 December 2016

    Sulu Hotel, Quezon City

    Sa inyong lahat, magandang umaga po muli. Pinapakinggan ko po iyong mga presentasyon, marami akong notes na ginawa para makwento po sa inyo iyong nangyari noong limang buwan na nasa HUDCC ako.

    Marami po sa inyo nabisita ko, kaya meron din po akong update para sa mga problemang inihrarap ninyo sa akin dati.

    Unang una, noong ako ay naupo, sinabi ko sa lahat ng shelter agencies na mula ngayon ang policy ay on-site, kung hindi kayang on-site, in-city, next priority na lang iyong near city, at last priority iyong off-city.

    Bakit po ito ang ating policy na gusto natin ipasunod? Diba marami pong relocation sites na binisita ko sa labas ng Manila. At karamihan ng relocation sites na binisita ko, isang damakmak po iyong problema.

    At iyong problema po, nangdito po ang mga representatives ng iba’t ibang shelter agencies, tuwing nagkikita-kita po kami, iyon po ang reklamo ko sa kanila. Nasa UDHA, diba?

    Hindi ko alam kung alam ninyo ang UDHA, pero bawal mag-relocate kung walang: Una, access to basic utilities gaya ng kuryente at tubig. Dapat may access sa paaralan, public transportation, saka livelihood. Pero ang tanong ko po sa mga agencies noong ako ay pumasok, bakit ang daming relocations na tila hindi naman sinunod iyong mag probisyon ng UDHA.

    Tiningnan ko po kung bakit nakalusot iyong ganoon, mukhang mali kasi iyong sukat na ginamit. Halimbawa, pag sinabing access to electricity and water, parang pag mayroong linya doon, may access na.

    Wala pang level three sa kanya-kanyang bahay. Ito po, diniscuss ko na ito sa NHA, ang sabi ko sa kanila dapat sana ang pera na gagamitin para sa kuryente at tubig, kabahagi na ng pagkwenta ng tamang cost ng house and lot. Kasi ngayon, ano nangyayari ngayon?

    Naga-advance iyong developer, minsan pag walang pera iyong developer nagpapa-advance din sa inyo. Ang iba sa inyo, nakakabigay, ang iba hindi. Parang ang daming relocation sites ngayon na walang kuryente, iba wala. Para po sa akin, grabeng diskriminasyon iyon. Hindi siya sangayon sa intensyon ng batas.

    Ang suggestion ko po ngayon, pag gumagawa ng plano iyong SHFC, iyong NHA, o kahit PAG-Ibig, dapat iyong kuwenta hindi naman kailangang–meron silang limit na 200,000 lang noh, kahit taasan ng konti, dapat ma-factor in na ang tubig at kuryente.

    Kasi otherwise, halimbawa po sa Bulacan. Mayroon akong update doon. Galing akong St. Martha, may tagaroon na nandito. Nandito ang taga-Pundi, taga-Norzagaray. Pare-parehong walang tubig. Ngayon po mayroon na tayong update, galing sa NHA sa general manager.

    Iyong Pundi po at Norzagaray mayroon na tayong pera para sa tubig, kaya ok na kayo. Ang mayroon pa pong problema, Bocaue. Ang alam kong problema sa Bocaue, iyong problema sa Bocaue kahit anong pasak pailalim, may askad na iyong tubig. Diba? Kasi pumapasok na iyong tubig dagat.

    Ngayon po galing po ako sa, noong nakaraang linggo lang, nasa Maynilad po ako, nag-usap po kami ng Maynilad. Sila po ang nagha-handle ng Bocaue. Ngayon po malapit na silang magkaroon ng solusyon. Pag sinabi kong malapit, mayroon na silang agreement, pero kailangan lang mag pirmahan.

    Iyong pinakamatipid kasing solusyon sa Bocaue, magta-tap po tayo sa Philippine Arena. Mayroon na pong pag-uusap iyong INC at Maynilad. Kailangan lang po magpirmahan. Pagnagpirmahan na iyong INC at Maynilad, ang promise po sa atin ng Maynilad, by next year, may tubig na din ang Bocaue. Kaya hindi po tayo hihinto.

    Nag-usap po kami ng Maynilad. Pumunta po ako sa Maynilad sabi ko sa Maynilad kahit resign na ko mamngungulit pa rin ako sa inyo. Ok naman daw kaya hindi po natin hihintuan hangganng matapos ito.

    Actually po may naka-schedule po tayo dapat ngayong December na mag-uusap ang mga asosasyon pero hindi lang po natuloy dahil hindi available ang ibang representatives pero first week ng January magpapatawag po ulit tayo ng meeting at kasama napo namin ang representatives ng LWUA at Maynilad para sila po ang mag-eexplain sa inyo na malapit na iyong solusyon ng problema.

    Pero iyon po ang problema hindi lang sa tatlong munisipyong iyon. Actually iyong Rizal marami ring problema sa tubig at iisa-isahin nating hhanapan ng solusyon pero ang punto ko po dito parang hindi tayo natuto.

    Ano po ang nangyayari ngayon? Dahil napakaliit ng budget na binibigay sa housing, napakarami ring nangangailangan, napipilitan po ang mga ibang ahensya ng gobyerno na maghanap ng relocation sites na malayo sa Maynila dahil iyon ang kaya ng pera pero hindi isinalangalang na lalabas mas mahal pa din nag-compute ko po dito kahit na gusmastos tayo ng mas mataas pagdating sa lupa pero ang mga kaakibat na suliranin, lalabas mas mura pa rin ang on-site at in-city pero ang problema po parati ay ang presyo ng lupa.

    Ang presyo ng lupa lalo na ng sukat parating masmababa iyong malapit sa Maynila. Pero hindi isinasaalang alang kung ano ang mga kaakibat na gastos nito.

    Pinakamalaking halimbawa po nito ang relocation site ng Yolanda sa Tacloban. Dahil nagtitipid sa pera, ang inidentify na area ng city government, 15 kilometers from the city kasi doon papayag ang presyo pero noong nirelocate doon, wala namang tubig sa ngayon gagastos ang gobyerno ng 500 milyon para lang sa tubig. Kinukuwenta po namin ni Sec. Mar Villar iyong ginastos na pera para sa lupa at pabahay, dagdag natin iyong 500 million sa patubig, mas mura pa na bumili tayo ng housing project sa loob ng Tacloban.

    Ito po ang hinaharap natin. Ngayon po bago po ako umalis, nakalagay na po ang policy doon at pagsikapan po natin na ihingi sa kung sino po ang papalit o pumalit sa atin na sana po ipagpatuloy ang polisiyang iyon.

    Na huwag nang itapon ng itapon sa labas ng Maynila. Halimbawa po nandito po ang ating AGM sa NHA, may NHA projects po tayo na tapos na pero nag-babackout ang beneficiary nag-babackout kasi maraming dahilan.

    Nag-babackout kasi malayo. Iyong iba ok na na informal settler ulit kesa pupunta sa malayo na wala namang trabaho. Pinakiusap din po natin sa NHA na ngayon po nandoon na kami sa daan na dati po kasi sa SHFC nag-uusap sila sila lang.

    NHA nag-uusap sila-sila lang. Nandoon na po tayo na nag-uusap na as one body. NHA, SHFC, Pg-IBIG mag-plano tayo nang sabay-sabay.

    Iyong SHFC people’s plan. Kung titignan natin , pag tapos na ang plano at pabahay generally mas successful pero tignan natin bakit siya mas successful? Successful siya kasi every step of the way kabahagi ang tao sa plano. Iyong lugar, klase ng bahay, arrangement ng lahat, kabahagi kayo sa pagplano.

    Mayroon lang po akong isang puna doon sinabi ko na ito sa SHFC Board meeting, alam ninyo naman po na ang people’s plan galing sa asawa ko. Iyon po ang ginawa niya sa Naga noong isya ay Mayor.

    Kaya po very effective ang mga urban development program sa Naga dahil lahat po iyon ay people’s plan. Ang puna ko lang po, ang people’s plan ninyo ngayon ay pati pakikipag-deal sa land owner kayo pa rin.

    Ang suggestion ko po sana sa SHFC ang pakikipagdeal sana sa landowner, tayo na iyon. kasi hindi ko po alam kung naexperience niyo na iyon na hirap na hirap tayong makausap ang landowner. Kung makausap man natin hindi tayo tinitignan na kapantay nila.

    Nahihirapan tayong humingi ng mga concessions. Pero sa Naga po kasi, sa People’s plan po namin, pagkatapos mag-identify ng informal settlers’ organization ng lugar, gobyerno na ang mag-tatake in sa pakikipag-build.

    So dahil gobyerno ka, parang meron kang moral ascendancy doon sa landowner. Nakakahingi ka ng mga concessions na hindi nahihingi ng ordinaryong informal settler associations.

    Iyong promise po ito ng SHFC, titingnan ito kung paano gagawin. Pero iyon po ang aking suggestion. Sinuggest ko din sa NHA, na bakit hindi na rin gawin na community driven iyong lahat ng NHA projects.

    Kasi ngayon po, parang hindi siya community driven, diba? Parang nakikipag-build ang NHA sa individual na mga either beneficiaries or individual na mga organizations, pero halos walang, ang involvement ninyo, hindi kagaya ng involvement sa People’s plan.

    Mayroon na pong kaunting kahirapan doon, kasi alam naman natin na iyong mga informal settlers na ka-deal ng NHA, ito ang mga ma-eevict na, dahil may court orders, ito ang mga nasa danger zones, ito ang mga nabiktima ng mga kalamidad.

    Pero sa akin po, kahit ganoon, hahanapan sana, pero papunta na din kami doon sa direction na iyon. Sana po makipagpatuloy lang ang usapin, pero mahanapan sana na gawin pa din na community-driven approach kahit siya negotiator.

    Hindi naman po sa kung ano, pero para din iyon sa success ng proyekto. Kasi ang nakikita natin, na pag sinangguni po sa inyo, kabahagi kayo mula umpisa hanggang katapusan, mayroon kayong ownership sa programa.

    Pakiramdam ninyo, talagang programa niyo iyon. Mayroong, ano iyon, parang, ang pangangalaga. Iyong pangangalaga sa proyekto. Maayos.

    Pag hindi kasi community driven, parang bahala na ang gobyerno kasi kayo lang naman ang nagdesisyon niyan. Kaya sana po, ipagpatuloy pa din ng NHA ganoong usapin.

    Sabi ko nga po, kahit labas na po ako ng HUDCC, patuloy pa po akong tutulong sa inyo, pero bilang advocate na lang dahil nasa labas na ako ng sistema.

    Pero ito po ang mga panaginip natin. Iyong hinahanapan din po naming paraan sa SHFC, kasi on the average, 2-3 years po ang proceso, napakatagal.

    Kaya hinahanapan po natin papaano ba natin mapapaiksi. Ang panaginip po namin ni Ma’am Anna Oliveros, iyong 2-3 years, mapababa namin to 30 days.

    Ayan na, panaginip pa lang po iyon ngayon, pero hindi imposible. Iyong una pong step doon, out of 27 documents, 9 na lang ang kailangan.

    Ang pangalawa po naming pinapanaginip doon, isa na lang ang kausap. Kung SHFC, SHFC na lang; kung NHA, NHA na lang. Tapos kung may mga kailangan mula sa ibang mga opisina, bahala na ang SHFC o ang NHA o HUDCC na mag-government to government.

    Kasi lalo na po iyong mga galing probinsya. Mas mabuti-buti po iyong iba sa inyo, kasi nasa Maynila kayo. Iyong mga nanggaling probinsya, luluwas ng Maynila para mag-follow-up, paminsan mag-aambangan yung mga members, dapat sana ang pag-ambag hulog na sa bahay, pero inaambag pamasahe lang atsaka pang-gastos ng kanilang leader para umikot-ikot.

    Tingin po natin, unfair ito, kasi lalo na yung mga tinutulungan natin mahihirap. Parang lalo pa natin pinapahirapan.

    Ito po, marami na po tayong nagawa pagdating dito, iyong 2-3 years ibababa sa 30 days, malayo pa tayo sa 30 days pero nagkaroon na po tayo ng pirmahan with BIR, kasi ang isa pong nakakatagal iyong certificate of tax exemption ng mga developers. Mayroon na po tayong joint memorandum circular na pipirmahan ng NHA, ng HUDCC, ng COA, LRA, para po mapabilis ang proseso. Hopefully po, pag 2017, gaya ng sabi ko advocate na lang po ako ngayon, pero sana maipapatuparan iyon.

    Ito po, kung tayo po ay papunta doon sa direksyon na people’s plan na lahat, doon po kailangan natin ang PCUP. Kasi kung mag-pepeople’s plan po tayo, iyong social preparation na kailangan napakalaki.

    Eh iyong PCUP po ang may mandato doon sa social preparation. Pero tinatanong ko po si Cong. Neri, sabi ko po kumusta ang budget niyo? Sabi niya po, ang liit. Kasi ngayon, halos walang budget for capacity building.

    Eh hindi naman mauusbong ang people’s plan kung walang capacity building ang mga assosasyon. Kaya isa din po iyon sa i-aaadvocate natin.

    Alam ninyo naman po na iyong, kanina po kasi nag-present ng people’s plan na council, people’s council, tungkol doon sa 47 projects na nakabinbin.

    Alam ninyo naman po diba na nabawasan po ng 19 billion ang ating budget, kung hindi po sana nabawas, malaking bagay na iyon para mapagpatuloy iyon.

    Pero ito po, tulong-tulong tayo ikampanya na bigyan ng mas malaking budget ang housing. Kung titingnan po natin historically, ang budget po ng gobyerno sa housing, less than 0.5% ng entire budget.

    Naiba lang po ito noong 2011 hanggang 2016. Alam naman na ninyo iyon di ba? Kasi noong 2011 to 2016, mayroon lang po na nilalabas na Php 10 billion a year.

    So Php 50 billion po iyon lahat. Noong 2011-2016, tumaas po tayo ng mga 1.5% ng entire budget. P

    Pero dahil po tapos na iyong budget na iyon, ngayong 2107 balik po tayo sa dating levels. Lalo pang binabaan.

    Iyon po ang inaalala din namin sa SHFC kasi kung naalala ninyo po ang SHFC, mayroon siyang budget na 2.8 billion. Iyong Php 2.8 billion po nila, naging Php 297 million nalang ngayon, parang 10% na lang ng dating budget.

    Noong ako po ay umuupo sa dating board meetings, mayroon na po kaming na-approve, hindi ko sigurado ang figures pero parang 43 na people’s plans.

    Pero ang 47 po nasa pipeline na po iyon, mayroon nang usapan at saka iyong mga donors, pero hindi po namin ma-approve sa court dahil nga walang pera.

    Bawal po kaming ma-approve nang walang pera. Kaya po tulong-tulong po tayo, itutulak pa din natin na maibalik ang budget.

    Kasi nagkaroon naman po kami ng ilang discussions with Secretary Ben Diokno of DBM. Ang sabi niya po basta maipakita naman kung gaano ito kakailangan, willing naman po silang ibalik ang budget.

    Kaya iyon po siguro ang pagtulungan natin ngayon, ipakita natin kung gaano ka-urgent na ma-approve na at least iyong 47 kasi tama po kayo, pag-umayaw po ang ating kausap dahil sa katagalan, back to zero po tayo.

    Pag nag back-to-zero po tayo, dalawa o hanggang tatlong taon na naman na trabaho iyon. Kaya iyon po ang pagtutulung-tulungan natin.

    Ano pa ba ang nakakalimutan ko. Iyong no demolition without effective resettlement. Iyon po ang polisiya natin noong tayo’y nakaupo. Tingin ko iyon din ang ipagpapatuloy, na bawal mag-demolish hanggang wala pa.

    Hindi lang po without resettlement, pero without effective resettlement. Kasi kung minsan ilalagay doon, hindi naman handa ang lugar. Mayroon po tayo ngayong proposal, hindi pa man napipiramahan ng ating pangulo, pero mayroon po tayong draft executive order, nire-request po natin ang DILG to be a part of HUDCC already. Kasi ngayon po hindi po bahagi ng HUDCC ang DILG, kaya parang medyo kalat din ang coordination. Tingin po namin napakahalagang susi sa HUDCC ay iyong DILG, para maging epektibo ito.

    Iyong nakaraan po na nagpa-meeting kami ng Metro Manila Mayors, nakita ko po na proposal ninyo iyon, na magkaroon na ng imbentaryo na lahat ng government-owned properties dito sa Metro Manila mayroon na tayo. Nasa atin na po iyon.

    Nag-meeting na po kami ng Metro Manila Mayors. Ang gusto po natin, i-present po natin sa kanila ang lahat ng government properties na available.

    Titingnan po natin kung aling government properties ang mayroon nang informal settlers. Kasi marami na po dito nasa government properties. Actively na hihingiin natin iyon madeklara iyon na reclamation sites.

    Iyong mga walang nakatirang informal settlers, pero puwedeng magamit para sa ISFs, i-rerequest din po namin iyon. Pero iyon po ang mabuti, kasi mayroon na po tayong mapa ng buong Metro Manila ng lahat ng government properties na mayroon.

    Kaya doon po sa position paper na isinubmit, nandoon po iyon sa secondary request, mayroon na po noon. I-rerequest na lang po natin sa HUDCC na susunod pong meeting, kayo naman po ang i-meet para i-present iyon.

    Kasi po na-present na po iyon. Na-present na po iyon sa mga Metro Manila Mayors at nag-usap-usap na po kami na iyong mga mayors ay magpadala ng representatives for the technical working group, gagawa po ng technical working group, pag-identify lang ng lahat ng Metro Manila properties na available for ISFs. Kasi iyon lang po ang susi para maging in-city or on-site ang ating mga relocation.

    Mahaba na po, pero sa pagtatapos lang nito, wala na po ako ngayon sa HUDCC pero kasama pa rin po ninyo ako. Ang description ko nga po nito, kasi for the past 5 months wala po akong inatupag kung hindi housing.

    Ang sabi ko po para akong nanganak na iyong sanggol ko iniwan ko sa ospital at hindi na ako magpapakita. Kaya ito po, pagka panganak kahit wala na ako diyan, patuloy po.

    Patuloy ang aking pagtulong.

    Tingin ko naman po ang mag representatives ng mga shelter agencies, hindi naman sa akin ipagdadamot na tutulong pa din ako.

    Salamat!

    Maraming problema pero pag tayo po nagkakasundo, wala pong dahilan para iyong imposible maging posible.

    Posted in Speeches on Dec 12, 2016