This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Speech of Maria Leonor Gerona Robredo Vice President of the Philippines At the Kaya Natin Academy for Young Leaders Course 2 Completion Ceremony

    Speech of Maria Leonor Gerona Robredo Vice President of the Philippines At the Kaya Natin Academy for Young Leaders Course 2 Completion Ceremony

     

    Good afternoon to everyone. Thank you for the kind introduction. Congratulations to the Course 2 graduates of the Kaya Natin Academy for Young Leaders! Parang ang bilis ng panahon; I think it was just last August that I attended the Course 1 Completion Ceremony, and then bigla na lang October na, nasa –ber months na tayo, and in less than three months, 2020 is already coming to a close.

    Pero nakakatuwa rin makita ‘yung progress ng topics sa mga kurso ng Academy. In Course 1, we bridged the personal and the political to imagine how we will reshape the future; eto naman sa Course 2, we talk about empowering civic spaces and deepening participation in a democracy. Kung sa Course 1 nangarap tayo ng mas patas, mas makatao, at mas empowering na mundo, ngayon naman sa Course 2, pinag-aaralan naman natin kung papaano ba tutuparin ‘yung mga pangarap na ito gamit ang mismong proseso ng demokrasya.

    Magandang pundasyon para dito ‘yung naging sessions ninyo on understanding civil society and participatory governance. Marami akong kuwento doon, tingnan natin kung may panahon mamaya. Pero maraming insights na mapupulot sa ginagawa ninyong pag-track ng development ng civic spaces natin, at palagay ko naging mas malinaw ang hinaharap nating trabaho sa pagtingin ninyo sa mga banta dito, hindi lang dito sa atin, kundi—parang global phenomenon siya ngayon, pero hindi puwedeng parang resigned tayo na dahil nangyayari ito sa buong mundo, wala tayong gagawin. Because tiyak ko, lumilinaw din ang papel ng kabataan sa pagbabantay at pagpapalalim ng demokrasya natin, at sa pagpapalawak ng avenues ng pakikilahok lalo na ngayong may pandemya. Actually, ang dami ngayong opportunities to be involved, lalong lalo na sa mga kabataan.

    But all of these affirm a vital insight that serves as a cornerstone of democracy: Eto ‘yung idea that we all have a stake in governance and nation-building, because policies, decisions, and strategies of government affect us all. Gaya ng lagi kong sinasabi: Magkakarugtong ang diwa natin.

    Ngayong may pandemya, lalo nating nakita kung paano na-concretize ang kaisipang ito. Nakita natin na dapat equitable ang health systems natin, dahil ang kalusugan ng isa, nakatahi sa kaligtasan ng lahat. Nakita natin na dapat may pagkakataon ang lahat na makaahon at umasenso sa buhay, dahil the energies of the economy flow through all of us. Hindi dito puwedeng dahil ako mahirap, dito lang ako; dahil sila mayaman, sila ang aasenso. Ito ay mula sa maliit na tindahan hanggang sa pinakamalaking negosyo, mula sa laylayan hanggang sa sentro. At habang lumalaki ang hamon, lalong nagiging malakas ang tawag na magtulungan, mag-ambagan, at maging bukas sa pakikipag-ugnayan—dahil kapag may isang naiwan, kapag may isang nagdusa, lahat tinatamaan.

    Eto din ang dahilan kung bakit pag nakikita natin ‘yung growth rate, ang taas-taas ng growth rate natin, pero dapat ‘yung tanong: Equitable ba ‘yung growth? Kasi baka ang taas ng growth rate kasi ‘yung mayayaman, lalong yumaman. Pero parati kasing ang pamantayan dapat natin: Meron bang naiiwan? Kasi kahit napakataas ng growth, kung marami pa ding naiiwan ay hindi natin puwedeng sabihin na umaasenso tayo.

     

    And this is precisely the leadership philosophy that we hope you will put into practice as you emerge from this course. Lalo ngayong may pandemya, hindi talaga puwedeng magkanya-kanya. Hindi puwedeng matira ang matibay. Kailangang makinig sa lahat. We listen to each other; we should be inclusive; we should seek feedback, and treat collaboration and consensus-building as the lifeblood of our processes. Lalo na sa amin sa OVP na wala kami masyadong tao, wala kami masyadong pera, talagang ‘yung lifeblood namin, collaboration and consensus-building, and also the building of networks around all of us para ma-align tayong lahat along the same bedrock of values, and towards a single horizon.

     

    Again, ang example ko dito, OVP. Kasi dahil nga wala kami masyadong mandato—our only mandate under the Constitution is succession—so pag tiningnan n’yo ‘yung budget namin, hindi lang siya maliit, pero wala talaga siyang budget for programs. That was what we attempted to change when I became Vice President, at ngayon ibang-iba na ‘yung budget namin. We tried to look for ways wherein we can save from other items so that we would have money for our programs, and talagang nagagawa, basta ginusto.

     

    And nakita din namin ang halaga nito sa COVID response operations ng aming opisina. Nakita namin: Maraming handang mag-ambag, maraming insights na mahuhugot, maraming small separate dots na pag na-connect natin, malaki ang tulong na magagawa. Halimbawa na lang, our fund drive with Kaya Natin; sa distribution ng relief packs at PPEs; sa gadget donation at pagpo-produce ng mga teaching tools—sinabi kanina ni Harvey ‘yung mga programa namin; sa pagtatayo ng Community Learning Hubs, karamihan sa mga partners namin, mga youth organizations; sa shuttle services para sa frontliners, ‘yung aming mga volunteer na mga konduktor, volunteer na mga dispatcher, lahat ito mga kabataan talaga—maraming tumugon sa tawag ng panahon.

     

    Pero kasi itong pagtugon ay maraming mukha. Unang-una, maraming gustong tumulong pero marami ‘yung cynicism—gustong sabihin, namimili ‘yung tao kung saan sila tutulong. And to a very large extent, very happy kami na maraming tumutulong sa OVP, pero it did not come without cost. ‘Pag sinabi kong it did not come without cost, pinagtrabahuhan namin. Pinagtrabahuhan namin na tumiwala samin. Pagpasok ko pa lang sa opisina, ang una kong inasikaso, magkaroon kami ng ISO certification—to show people that we have professionalized all our processes, to show people na in OVP we mean business, to show people na seryoso kami sa aming trabaho. Aside from the ISO certification, we have really worked hard on getting an unqualified opinion from COA. So ito, pangalawang taong unqualified na ‘yung opinion samin, and we are working hard to get that dahil alam namin na ‘yun ‘yung ipapakita namin, ipapakita sa mga gustong tumulong, na kami ay deserving of the trust.

     

    And gusto ko ring idagdag bilang isang takeaway, at ito ‘yung pinakamahalaga, ‘yung idea ng empathy. Empathy yields a feel for leadership, an instinct for it—‘yung empathy saka instinct, magkakabit siya; ‘yung pag-intindi sa kung ano ang dapat gawin, sa kung paano ito gawin, at sa kung paano i-mobilize ang mga nakapaligid sa atin tungo sa iisang layunin. This instinct for service, for knowing what needs to be done on the ground, is achieved through constant exposure, constant practice, constant engagement sa mga taong paglilingkuran natin. Para sa akin, itong instinct na ‘to ay parang muscle memory, na the more you do it, mas lalo mong nagagamay kung paano gagamitin. Parang sa sports—‘di ba, if any of you here are athletes, talagang may muscle memory kung papaano mo gagawin nang mahusay ‘yung sport mo. ‘Yung mga musicians, halimbawa ‘yung piano; eto ay muscle memory na ang iba kahit nakapikit, matutugtog niya kasi nasanay na ‘yung kaniyang muscles kung papaano tugtugin ang isang piyesa. Ang empathy din is a spiritual muscle. At mahirap siyang dayain—hindi siya natuturo sa mga kurso o nababasa sa mga libro. Because it demands constant vulnerability—keeping your heart open by default, so that we can really hear what is being asked of us.

     

    ‘Yung sa amin, during the pandemic, kasi mas maraming tao ‘yung nagiging aware kung ano ang ginagawa namin sa OVP, parang sinasabi nila, “papaano kayo mabilis na nakaka-respond? Papaano ninyo nakakaya na you’re doing so many things all at the same time?” ‘Yun ay muscle memory. Because this is what we have been doing since 2016. And ang staff ko, lahat bata; ako lang ‘yung matanda sa opisina, alam ‘yon ni Harvey, alam ‘yon ng Kaya Natin staff, na itong mga batang nakapaligid sa akin, alam na ‘yung gagawin. ‘Pag mayroong krisis, lahat ano na, parang naka-crisis mode na agad, alam nila kung gaano kami kabilis dapat nagre-respond. Hindi mahilig samin ‘yung mga usap lang nang usap; samin, ang sukat, parating ano ‘yung resulta. Hindi kami nagiging masaya na basta may ginagawa lang kami, pero nasanay kami na parating ano ‘yung resulta ng ginagawa natin. Kasi kahit bising-busy ka, kung wala namang resulta, sayang pa din ang effort. So sanay na, sanay na sa ganon.

     

    So ‘yung sa akin, ang advice ko talaga, make it a point to go to your communities. Hindi ito kayang inaaral mo sa bahay. Kailangan ‘yung araw-araw na nakikisalamuha ka, nakikisalo, nakikiisa. Kami mismo, even before the pandemic, we made it a point that we take two or three days every week to visit our communities. Talagang babad kami on the ground. Because this gave us a better sense not only of what they need, but of the way they think and the way they feel. Bilang lider, lalong nagiging impactful ang trabaho natin kung attuned tayo sa mga pinagsisilbihan natin. Iba ‘yung nagtatanggap ka lang ng reports sa opisina. Kasi pag nagtatanggap ka lang ng reports sa opisina, lahat ay statistics lang. Pero pag bumababa ka on the ground, ikaw mismo ‘yung nakakausap ng mga taong nagdaraan sa kahirapan, ‘yung sense of urgency alam mo. Naiintindihan mo kung anong klaseng tulong na ibibigay sa kanila. So sa akin ‘yun ‘yung number one advice ko to those of you who really want to serve. Make sure na—hindi ito transferable. Ito ay kahit maraming tao working for you, hindi mo ito mata-transfer. Ikaw mismo: Ikaw mismo ang kailangang gumawa, ikaw mismo ang kailangang bumaba. Malaki rin ang nagagawa ng ganitong pakikipag-ugnayan para mas nararamdaman ng mga kababayan natin na kasali at importanteng bahagi sila ng demokrasya natin; na sila, may stake din dito.

     

    Ako, I am not a believer ng trickle-down approach ng leadership. Hindi ako naniniwala na ‘yung mga desisyon dapat nanggagaling sa taas. Ang paniniwala ko ay talagang bottom-up, dapat bago magdesisyon ay nakikinig muna sa baba, at ‘yung desisyon dapat binabase sa kung ano ‘yung sinabi sa baba. Dahil sabi ko nga, kahit ano pang husay mo academically, hindi ito natuturo—so nalalaman mo lang ito kung ikaw mismo ‘yung magi-immerse on the ground.

     

    Dito nagiging sobrang relevant ‘yung course na tinapos n’yo ngayon. Because you need to find ways to help your communities create and nurture more democratic spaces of their own—kahit mga simpleng espasyo lang para pag-usapan ang mga issues nila, ang mga concerns, ang mga dapat pagtuonan ng pansin. Dito din nagsisimula ‘yung paglalim ng diskurso para mas engaged tayo sa national issues, at dito natututuhan ‘yung konsepto ng civic participation. Dito natututuhang iwan ‘yung nakasanayan sa pulitika. I am not familiar with the politics of the different places where you come from, pero iba-ibang lugar, iba-iba ‘yung experiences, pero ang isang common—hindi lahat ganito, pero ang isang common—’yung pulitika ng pera. Gustong sabihin, ‘yung mga pulitikong pag nakaupo, nag-iipon—kasi ‘yung iniipon nila, part of that will go to the campaign. Bakit kailangang napakalaking pera sa kampanya? Kasi may mga kinasanayan. Ano ‘yung kinasanayan? Kinasanayan na kung kailan kampanya, doon nagbubuhos ng pera; pero habang nakaupo at wala pang eleksyon ay below par ‘yung ginagawa kasi alam niya na ‘yung mga tao madadala sa last-minute, kung sino ‘yung nakatulong sa last-minute, kung sino ‘yung may naibigay. And unfortunately, it is something that is very common in many communities. ‘Yun nga ang sinasabi ko, na pera ang pinapairal, walang puwang sa kabataang tulad ninyo, na pantay lang on paper, pero in practice walang pananagutan. So young leaders like you are particularly well-positioned to do this—lalo na kasi hindi kayo nakatali sa dating gawi. Ito ‘yung nakita ko sa mga bata. Parang ‘yung mga kaedad namin, meron nang mga kinasanayan—and most of the time ‘yung kinasanayan hindi siya ‘yung pinakamabuti. Ang kabutihan ng mga bata, at least with the young people I work with, bukas na bukas pa. Wala pang mga kahon. Hindi pa nagpapa-limit sa limitations, very creative, very innovative, handang-handang sumubuok ng mga bagong pamamaraan to make the best better. Paminsan kasi, ‘yung mga kagaya namin na matatanda na, ayaw nang sumubok. Mayroong mga formulas na because it worked before, ‘yun na ‘yun na ‘yung gusto nilang sundan. And I think nasasainyo ‘yon, nasa generation n’yo ‘yung china-challenge ‘yung nakasanayan. Dahil kahit pa mabuti ‘yung kinasanayan, there will always be a better way of doing things.

     

    Ito siguro, kaunting pagkonteksto sa paraan ng mga halimbawa: Halimbawa sa sarili naming buhay, ‘pag sinabi namin sa pamilya namin, ‘yung asawa ko ‘yung pulitiko. It was my husband who has been running in elections. Mayroon siyang anim na election na sinalihan na lahat, siya panalo. Ako ibang-iba ‘yung buhay ko. While I helped him during elections, during campaigns, ibang-iba ‘yung buhay ko kasi ako human rights lawyer, and ‘yung aking exposure talaga, working with communities. I belong to an NGO called Saligan. ‘Yung paniniwala namin, NGO kami ng mga abogado, pero ‘yung paniniwala naming, ‘pag ‘yung mga marginalized, ‘pag ‘yung mahihirap alam nila ‘yung kanilang mga karapatan sa ilalim ng batas, they will be in a better position to fight for their rights. So for a very long time, that was what I was doing, working with farmers, fisherfolk, urban poor, indigenous peoples; talagang nasa communities kami, sinasalin ‘yung mga batas into the dialect para mas maintindihan, para kahit wala silang pambayad ng abogado, mapapaglaban nila ‘yung kanilang mga karapatan. And I think to a very large extent I also influenced the politics of my husband dahil nakikita namin ang ginagawa ng bawat isa. I think it was my husband who influenced me to take up public service lawyering. Pero ‘yung trabaho ko I think also influenced him to recognize na parang the best public servants are those who are attuned with the needs of the people they are serving. So sa Naga—hindi ko alam if naging bahagi ito ng usapan—pero sa Naga ang people participation is a big, big thing. Halimbawa, ang example ko dito, paggawa ng budget. Paggawa ng budget, ang tradisyonal, ‘yung gumgawa ng budget ‘yung budget department lang ng city hall o ng munisipyo, ina-approve ng mayor. Pero sa Naga hindi ganoon; sa Naga, ‘yung budget, ‘yung sektor ang gumagawa. ‘Yung sektor ‘yung gumagawa, isinasalin ng mga councilors ‘yung galing sa sektor, pero ‘pag nagawa na ‘yung draft ng budget, ipe-present ulit sa People’s Council para during the budget deliberations kasama ‘yung tao sa diskusyon. Kaya ‘yung budget process sa Naga napakatagal, kasi kabahagi ‘yung ordinaryong tao sa paghihimay nung budget. I would like to think na grabe ‘yung controversy ngayon sa House of Representatives, nakita natin ‘yung grappling for power, sinakripisyo ‘yung budget. Para lang makaisa ay handa nang hindi busisiin ‘yung budget, hininto na ‘yung mga budget hearings. Sa amin sa Naga, hindi ito puwedeng ginagawa.

     

    Isang example ko pa si Mayor Vico Sotto. We have been working with Mayor Vico in Pasig, in many of our advocacies; mayroon kami doong Community Mart, we’re opening a Community Learning Hub in Pasig, we’re doing Teacher Training with teachers in Pasig, we’re also doing ‘yung MetroLaylayan program ng aming opisina. And from what I have observed, si Mayor Vico ibang klaseng politiko in the sense na very proactive, very open sa mga pagbabago. And one of my conversations with him, kinukuwento niya na actually daw right after college graduation, inaaya na siyang mag-konsehal sa Pasig. And sinasabi niya, mabuti na lang hindi kaagad ako pumayag. Talagang nag-aral siya, nag-Master’s siya sa Ateneo, nagtrabaho siya; in fact he immersed himself in Naga to learn about our programs. So sinasabi niya, siguro kung dumiretso ako, ‘yung nakita ko lang ‘yung examples ng mga tao before me, baka naging trapo din ako. Pero dahil pinagpaguran ko ito, dahil nag-aral ako, naghanap ako ng best practices, iba ‘yung kaniyang pag-iisip. So ‘yun ‘yung aking dream for young people like you.

     

    Ako I have so much hope in younger politicians dahil sabi ko nga, dahil hindi pa nakakahon, dahil bukas na bukas na. Pero nalulungkot ako ‘pag ‘yung younger politicians nakakapasok sa kanilang katungkulan because of political dynasty. Kasi para sa akin, hindi siya nabibigyan ng pagkakataon na i-improve ‘yung mga ginagawa ng nauna sa kaniya. Nagiging kontento siya sa status quo. Parang nako-confine siya sa mga ginawa nung tatay, nung nanay. So ‘yung sa akin, while we need young people in office, mas maigi sana ‘yung galing sa baba. ‘Pag sinabi nating galing sa baba, hindi sarado ‘yung mata sa mga realities on the ground, hindi nakapasok na hindi nabigyan ng level playing field ‘yung ibang kabataan. Kasi eto ‘yung problema sa ating electoral system; parang hindi talaga pantay ‘yung playing field. Pag mahirap ka, wala kang kapit, sobrang hirap makapasok. So eto ‘yung mga dreams natin. And because this is the very reason why we’re doing a course like this, para buksan ‘yung isip ng mga kabataan na there are better alternatives, makumbinsi ‘yung mga kabataan na mas may alam kayo kaysa sa amin in the sense na you have absolutely the innovativeness, the creativity to make better what we have been doing already. So sa kontekstong ‘yon, sobrang hopeful ako sa inyo, sa generation ninyo.

     

    Sa amin naman sa OVP, ‘yung malinaw sa amin, dumarami nang dumarami ang handang makilahok sa ganitong usapan. Hindi pa siya ‘yung pinaka-popular na paraan; ‘yung iba pag sinabi mong democratic spaces, hindi ‘yun naiintindihan, marami ‘yung pag pinag-usapan ‘yung karapatan, ‘pag pinag-usapan ‘yung kalayaan, ‘pag pinag-usapan ‘yung civic engagement, parang sobrang corny for them. So sana kayo ‘yung mag-iba nung paningin sa mga tao. Kasi sabi ko nga, from where we sit, from where we stand at the Office of the Vice President, nakikita namin na mas maraming kabataan ngayon ang gustong sumubok to make things better. Dumarami ‘yung handang tumaya—kadalasan, kailangan lang ng mga bagong paraan para maabot sila; kailangan lang na may tumanggap ng risk at manguna; kailangan lang na may makinig at makipagtulungan; kailangan lang na may makakasama silang nagmamalasakit din, or may makikita sila na magandang examples na puwede nilang gayahin pero pagbutihin pa. Marami na ngayon ang mas handang mag-ambag at tumulong; kadalasan, ang iba naghihintay lang ng center of gravity to orbit around.

     

    So as young leaders, your task is to be this center of gravity. Kailangang hanapin at buohin ang mga espasyo ng pakikilahok, so that everyone can act more strategically, more efficiently, and therefore reaching farther and wider than they would if we all acted alone. Kasi ang leadership naman is multiplication, ‘di ba? Wala tayong monopoly ng kahusayan, wala tayong monopoly ng kaalaman. We all learn from each other so kailangan lang magtulungan tayo at maniwala sa capacity ng bawat isa; maging bukas na mag-collaborate para we arrive at the best solutions to our problems—multiplying our own empowerment, multiplying our own love, multiplying our own service, kasi ito ‘yung hingi ng pagkakataon.

     

    So sa araw na ito, sobrang proud ko that we have found more of us who will to rise to the moment, more of us to widen the path for others to follow. So gaya ng lagi kong sinasabi, asahan ninyo na nandito lang kami sa OVP, handang makipagtulungan.

     

    Kanina sinabi na ni Harvey ‘yung mga ginagawa naming ngayon; on Monday we will be launching another area sa aming BAYANIHANAPBUHAY. ‘yung pinakauna kasi namin, jobs-matching; right now we have 18,000 jobs available already. ‘yun ‘yung sikap.ph. ‘Yung iskaparate.com, that’s for small entrepreneurs who do not have the capacity to have their own online presence. ‘yung pangatlo na ilo-launch namin sa Monday, that’s for out-of-school youth, na magkakaroon ng parang apprenticeship program na magtratrabaho na sila after trainings. So if any of your groups would want to partner with us, kung gusto ninyo ‘yung ginagawa namin ay gawin n’yo sa mga communites n’yo, we would be very much willing to do that.

     

    ‘Yung aming Bayanihan e-Skwela ay mayroong apat na components. ‘Yung first component ay ‘yung gadget donation drive; ‘yung second component ‘yung learning hubs I told you about, most of our partners here are youth organizations. The idea of a Community Learning Hub is sa mga lugar na mahirap ‘yung mga bata, wala silang gadgets, wala silang lugar sa bahay para mag-aral, kailangan nila ng tutors dahil difficult learners sila, ‘yung mga magulang nila walang capacity turuan sila sa bahay, may mapupuntahan sila. ‘Yung mapupuntahan nila, we have tutors available, we are training them now; mayroon kaming gadgets na ilalagay, mayroong mga printers, mayroong access to online materials, mayroong books. ‘Yun ‘yung pangalawa. ‘Yung pangatlo we have produced videos; I think right now we have 17 already. Most of these videos are instructional videos designed for teachers and parents to guide them in the shift to the blended learning modality. ‘Yung fourth component ng Bayanihan e-Skwela is a training for teachers. We have two areas, Pasig and Region V. We’re training teachers for online teaching and modular teaching.

     

    So ito tuloy-tuloy, pero ‘yung pinakaginagawa lang namin sa OVP, hindi kami rigid. Gustong sabihin: Pag may nakikita kaming pangangailangan, we try to fill in the gaps. We would be very much willing to partner with anyone of you; baka mayroon kayong ideas na mas maganda sa ideas namin. We are very much willing to support you.

     

    Pero eto ‘yung tawag ng panahon: These are very, very difficult times, but I think this is your time. This is your time—kayo ‘yung may dala ng susi. Hindi kayo ‘yung future; kayo ‘yung now. So I’m pinning my hopes on all of you.

     

    So congratulations, maraming salamat, mabuhay kayong lahat!

     

     

    Posted in Speeches on Oct 10, 2020