This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Speech of Maria Leonor Gerona Robredo Vice President of the Philippines At the AgriCOOPh Virtual Partnership Forum and 2nd General Assembly

    Speech of Maria Leonor Gerona Robredo Vice President of the Philippines At the AgriCOOPh Virtual Partnership Forum  and 2nd General Assembly

     

    Magandang hapon! Magandang hapon sa inyong lahat! Maraming salamat sa imbitasyon na makasama kayo ngayong araw. Alam kong hindi ito… alam kong hindi ito iyong inaasahan niyong general assembly; siguro sanay kayong nakikipaghalubilo at nakikipagkuwentuhan sa mga kasamahan ninyo habang magkakatabi at nagsasalu-salo. Pero ngayon, para mas ligtas, dito muna tayo sa virutal space magsasama-sama. Gayumpaman, sigurado akong mahaba-haba at malalim na diskusyon pa rin ang mangyayari, dahil napakarami nating puwedeng pag-usapan about your sector.

    Kabilang na dito iyong kanya-kanyang kuwento ninyo ng tagumpay at pakikipagsapalaran. Alam ko marami ito. Kami mismo sa Office of the Vice President, marami nang nakilalang mga grupo ng mga masisipag na magsasaka’t mangingisda na buong-buo ang dedikasyon at pagpupursige na mapalago ang inyong kabuhayan.

    Isa sa mga programa ng Tanggapan namin ay ang Angat Buhay; ito ang anti-poverty program namin kung saan, sa tulong ng mga development groups at pribadong sektor, bumababa kami sa iba’t ibang mga komunidad sa bansa para makita kung paano kami makakatulong sa mga pangangailangan nila. Marami sa mga lugar na ito, nasa mga rural areas: at saka mga beneficiaries namin magsasaka, mangingisda, mga livestock farmers na inaasa ang kabuhayan ng buong pamilya nila sa araw-araw na pagkakayod sa bukid. Dito nakita namin ang iba’t ibang hirap na kanilang hinaharap: mula sa pagkuha ng kapital, pagpapatubo ng ani, hanggang sa pag-transport at pagbenta nito sa mga merkado. Kitang-kita rin kung nasaan ang mga pagkukulang: Masisipag ang mga magsasaka’t mangingisda natin, pero hindi ito nama-maximize nang husto dahil kulang sa suporta at tutok.

    Pero minsan sa aming mga pag-iikot, makakakilala kami ng mga magsasaka na talagang nakaka-inspire ang kuwento. Halimbawa na diyan iyong Kalasag farmers ng San Jose City, Nueva Ecija. Hindi ko alam kung kabahagi sila nito pero bahagi sila ng Farmer Entrepreneurship Program (FEP) ng Jollibee Group Foundation, kung saan kinontrata sila na magtanim ng mga sibuyas. Tinulungan ng Jollibee ang mga farmers na magkaroon ng kapasidad na abutin ang mga demands ng merkado, sa pamamagitan ng pag-source directly sa kanila ng mga tone-toneladang sibuyas para sa kanilang mga Jolibee branches. Noong nakausap namin iyong mga magsasaka—binisita namin sila—masayang-masaya sila, dahil laging siguradong may bibili ng tinatanim nila. Iyong kuwento nga nila, [noong] hindi pa nila nakikilala iyong Jolibee, kapag oras na marami iyong harvest talagang hinahayaan na lang nilang mabulok kasi sobrang bagsak ng presyo. Pero noong nagkaroon sila ng partnership with Jolibee, hindi na iyon nangyayari. Proud silang sabihin na hindi na lang sila magsasaka pero negosyante na rin sila, at kahit iyong mga anak nila na dati ayaw magsaka, ngayon ay naeengganyo na pumasok sa pagsasaka.

    Itong programa ng Jollibee, hindi lang sa Nueva Ecija. Mayroon din sa Cebu. Sa Cebu naman iyong Lamac Multipurpose Cooperative ang kasama sa farmers program ng Jolibee Group Foundation. Nandito yata iyong Lamac; hindi ako sigurado. Pero I believe—iyon nga, eh, gulay yata iyong dinedeliver ng mga magsasaka doon, at dahil malaki iyong volume na kailangan, nagtayo na sila ng kooperatiba at nagyayaya ng marami pang miyembro para ma-meet iyong demands. Hindi lang iyong Jolibee kundi pati na rin iyong Chowking, Greenwich, ‘yung Mang Inasal, and mga 60 institutional markets sa Cebu.

    Nakaka-inspire ‘yung ganitong kuwento dahil pinapatunayan nito na hindi tayo nag-iisa sa mga laban at adbokasiya natin. As of 2019, nasa 17 farmer groups na ang na-engage ng Jolibee—driving, I believe, more than P300 million pesos in sales already.     Tinuon nila ang kanilang atensyon sa kapwa, uplifting one farmer at a time, at pinalawak ang saklaw ng malasakit, hanggang sa isang buong komunidad na ng magsasaka ang nagkakaroon ng landas paahon sa hirap at gutom.

    The way forward will require more of us doing this, moving in lockstep with each other—sabay-sabay— towards a single direction. At alam ko, dahil kasama natin ang mga organisasyong tulad ninyo na nagsusulong ng mga inisyatiba to help the sector, mas abot-tanaw na natin ang isang better normal para sa lahat.

    We have personally seen kung paano talagang binabago ng mga ganitong pagsuporta ang buhay ng mga magsasaka natin. Sobrang inspired kami sa farmers program ng Jollibee na gusto namin siyang gayahin. We thought of replicating it in our areas as well. Dito nabuo iyong Omasenso sa Kabuhayan Program ng aming opisina.

    Ang Omasenso was launched in Camarines Sur last July 2018, with the help of a responsive local government, regional agencies from DTI, DA, DAR and DOST, and several of our partners in the private sector. Iyong Camarines Sur Multipurpose Coop yata, sila Annie [Panerio] nandito. Nandito kasama natin. Ngayon, partner natin sila and also the Metro Naga Chamber of Commerce and Industry. Ang pinaka-goal natin dito, i-organisa iyong mga magsasaka, i-train, i-capacitate bilang mga negosyante, tulungan sila sa product development, at higit sa lahat, mai-link sila sa mga malalaking merkado.

     

    Since we started the program, nag-umpisa kami maliit. We are now working together with 10 Omasenso Farmer Organizations na ngayon nagde-deliver na sa mga restaurants gaya ng Bigg’s Diner na isang malalaking fastfood chain sa Bicol. Nagde-deliver na rin sila sa mga big commercial establishments like LCC Mall at iba pang mga institutional buyers. Through several skills trainings, mentorship and consultations, we were able to empower these farmer groups and help them connect with different institutional buyers. Kapag na-connect na namin sila, alalay na lang kami. Sila na talaga ang kausap. Nahasa na talaga. Sa tulong rin ng DTI CamSur, nakapag-turnover na tayo ng mga shared service facilities equipment, na nagagamit ngayon para ma-process ang kanilang surplus produce into more innovative products, like cucumber chips, chili sauce, at kung ano-ano pa.

     

    Eventually, nakakapag-participate na rin sila sa iba’t ibang trade fair and community markets, reaching a wider consumer base. Ang kabutihan nito, sila na mismo ang nagbebenta ng mga produkto nila, kaya ‘di hamak na mas malaki ‘yung kita nila, hindi tulad noon. Hindi na kasi sila ngayon umaasa sa mga middlemen at mga ahente. Ngayon kahit may pandemya, tuloy-tuloy pa rin ang pag-arangkada nila. In fact, bahagi sila doon sa “Kadiwa ni Ani at Kita” Fair at Kadiwa on Wheels ng Department of Agriculture, kung saan nakakapag-supply sila ng iba’t ibang gulay to communities, hindi lang doon sa amin sa Camarines Sur, pero nakakarating sila dito. One time nasa Cainta, Rizal sila; another time nasa Manila. Ang iba pa nga, sumasabak na rin sa eCommerce at nagbebenta na rin online. Malayo-layo na rin iyong narating ng aming farmers na tinulungan at ang kabutihan nito, hindi na lang talaga sila farmers pero farmer-entrepreneurs na. Kapag nakakausap namin sila ngayon, ibang-iba na sila doon sa nakakausap namin dati. Dati parang mahiyain pa, kulang sa paniniwala sa sarili, pero ngayon nakikita namin mas confident na lahat. Nakakatuwang tingnan. So kaya kami, proud na proud kami makita kung paano nila pinalago ‘yung inumpisahan na kaunti na kabuhayan nila dahil sa mga aral na napulot sa programa.

     

    Limitado man ang mandato at resources, nakakapagsulong tayo ng ganitong mga efforts dahil marami tayong kahanay sa paniniwala. Mula sa private sector, mga NGO, mga LGU, hanggang sa mga mismong communities, kaisa natin sa agenda ng empowerment.

     

    Pero siyempre, hindi lahat puwedeng madaan sa pagkakawang-gawa. May mga bagay na talagang gobyerno lang ang may pondo na malaki at makinaryang magsulong. Malinaw ang next steps na kailangang gawin: Dapat mag-invest sa agrikultura para masigurong this health crisis does not turn into a food crisis. Ito iyong ating kinakatakutan. Kailangang suportahan at palakasin ang mga magsasaka, mangingisda, at mga livestock farmers. Dapat bantayan ang mga supply chain ng mga kailangan nilang input sa paggawa, at madaliin ang pagpapatayo ng mga imprastruktura na magpapataas ng kinikita nila, tulad ng mga shared service facilities, farm-to-market roads, at cold storage facilities. Makakatulong rin ang pagbibigay sa inyo ng access sa teknolohiya, para ma-modernize at ma-scale up ang inyong mga operasyon. Sana dire-diretso at direkta ang maging pakikipag-ugnayan sa mga grupo o komunidad ng mga magsasaka, kabilang man sila sa isang kooperatiba o hindi. Beyond this, communities and businesses must be encouraged to source their produce from local farmers. Kaya kami, hindi kami napapagod na talagang magkampanya na dapat i-prioritize iyong ating local farmers. Dadali ito kung magbubukas ng mga espasyo where they can do business, especially given the current situation—from putting up local community markets to launching online marketplaces.

     

    Government will need to provide a comprehensive plan that directs efforts and aid to help small farmers and fishermen get back on their feet. Patuloy ang panawagan nating maisagawa ito, dahil malinaw na dapat by now, key sector talaga dapat ang agrikultura. Nakita niyo naman during the pandemic, lahat ng sectors talagang bagsak. Iyong nag-gain lang talaga tayo, sa agriculture. Kahit maliit, pero ito lang iyong sektor na nag-gain tayo during the pandemic.

     

    Maraming hamon na dala ang pandemya, at gutom ang susunod na kalaban—kaya nga kailangan na siguruhin na may sapat na pagkain dito mismo sa atin nagmumula, hindi inaangkat. Sayang din kung hindi kayo mae-empower, dahil in the past months, ito nga iyong sinasabi ko kanina, napatunayan ninyong isa kayo sa pinaka-resilient na sektor, hindi lang siguro isa pero kayo ang pinaka-resilient na sector. Last quarter lang, sa kabila ng pagbagsak ng pambansang ekonomiya, parang, if I’m not mistaken, 1.6% iyong growth ng agriculture. Gaya ng sabi ko, kayo lang. Kayo lang ang may growth during the last quarter.

     

    Ngayong araw, as leaders in our respective communities, we are being called upon to intensify our efforts to make all this possible. So continue to have regular meetings like this, para mapag-usapan ang mga dapat pag-usapan. We need to keep moving forward, widening the path along the way, so that more people can join us in our cause. We need to engage more sectors, more organizations—forming a strong and resilient network of advocates, a community that empowers and nurtures, working together to build a future where no one is left behind.

     

    So as you meet [with] your peers today, kahit na virtual lang, sana ay ma-inspire kayo sa iba’t ibang mga successful stories ng mga kapareho nating magsasaka. Kami naman sa Office of the Vice President ay laging nandito, handang umalalay at makiisa, kung ano man ang kakailanganin.

     

    So siguro as a final word, hangad ko na you continue to find ways to create more opportunities to uplift our fellowmen, and make life better for the next generation of Filipinos.

     

    So maraming salamat, mabuhay kayong lahat!

     

    Posted in Speeches on Sep 26, 2020