This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Speech at the Groundbreaking Ceremony for the Sudapin Resettlement Project

    28 October 2016

    Purok 8, Brgy. Sudapin, Kidapawan, North Cotabato

    Magandang araw po muli sa inyong lahat. Ako po natutuwa na nakabalik muli ako dito sa Kidapawan.

    Hindi naman po ito unang pagkakataon na napunta ako, kinukwento ko nga kay Mayora na, parang, napakasaya ng pagbalik ko kasi nung huli ko pong pagpunta dito, brown na brown ang paligid kasi hindi umuulan. Ngayon po ibang iba na, green na green na ulit kaya parang buhay na buhay nanaman ang ating kabukiran.

    Pero ang sa aking pong pagpunta, sa imbitasyon po ni Mayor Joseph, kinukwento ko po, Mayor, sa first lady mo, nasabi ko, parang nakakatuwa kang kausap, kasi napaka-energetic po ni Mayor.

    Sobrang daming plano na kinukwento po sa akin. At kami po na nasa Housing, mas ganado po kaming tumulong pag nakikita namin na ang tinutulungan namin tinutulungan ang sarili. Kaya po ang mga tumutulong sa sarili mas nauuna din tulungan kasi pinapadali na po iyong aming trabaho.

    Pero iyon po ang ginagawa natin ngayon, umiikot po talaga tayo, iniikot po natin, dalawang bahagi ang ating pag-iikot.

    Iyong una po tinitingnan natin ang mga dati na mga programa, para kung may mga problema mahanapan natin ng mga solusyon. Gaya po ngayon, marami po kaming hinahanapan na mga solusyon, kasi marami po tayong mga naging relocation site dati na walang mga tubig, lalo na po ang mga nasa Metro Manila, saka mga karatig na lugar, hinahanapan po namin nang mga solusyon.

    Ang pangalawa pong sadya ng aming pag-iikot, tingnan ano pa ang mga lugar na nangangailangan ng mga pabahay. Ngayon po tuwang-tuwa ako na ang beneficiaries po ng ating mga pabahay ay mga IP community, kasi iyon po ang pinag-uusapan namin ng inyong regional director, na bigyan ng priority ang ating mga Indigenous Peoples, kasi matagal na matagal na panahon, hindi lang hindi nabibigyan ng bahay pero naaalis pa sila sa dapat na kinalalagyan nila.

    Kaya ngayon po ito po ang isa nating malaking target, na mabigyan po ng priority ang mga nasa IP community, at saka ang mga informal settlers talaga. Iyong pag-upo ko po bilang HUDCC chair, nakita ko po na, while marami tayong produkto ng mga pabahay, iyong mga produkto natin parang mahirap maabot ng pinakamahihirap.

    Gusto kong sabihin, pag mayroon tayong maayos na trabaho, may suweldo, madaling makapag-housing loan.

    Pero ang mahirap na mahirap na wala pong regular na trabaho, na iyon mas nangangailangan ng tulong, parang iyon ang mas nahihirapan na mag-access sa programa ng pabahay ng gobyerno.

    Kaya ngayon po, medyo iniiba nating ang ating direksyon, iniiba nating ang ating mindset, na dapat, iyong mas nakakaluwag sa buhay, mas magbibigay daan para doon sa mas nagnangailangan.

    Kaya ito po, natutuwa po ako dahil ang programa po ni Mayor, ang mga makikinabang iyong ating IP community.

    Narinig ko po, marami pa ding kahilingan, siguraduhin natin na may daan papunta dito, sisiguraduhin po nating may kuryente, sisiguraduhin po nating may tubig, sisiguraduhin natin na malapit pa din siya sa kaniyang pinagkakabuhayan.

    Kasi marami po tayong ni-relocate in the past na totoong may bahay na pero walang tubig, walang kuryente, napakalayo sa lugar na pinagtatrabauhan, parang walang kuwenta din.

    Kaya nag-usap usap po kami sa mga shelter agencies na hindi kami matutuwa na basta lang kami nakapagawa ng bahay, pero ang sukatan na namin ngayon, kung napabago ba namin sa mas mabuti ang buhay ng mga nabigyan ng bahay.

    Kasi iyon po ang nakikita namin ngayon, lalo na po sa Metro Manila, marami pong nalilikas sa dati nilang kinatatayuan ng mga bahay, totoong may bago na silang bahay pero iniiwan din po nila, kasi napakalayo po sa pinagtatrabauhan nila.

    Kaya ngayon po, iyon ang aasahan natin, na hindi po magkakaroon ng relocation kung hindi naman siya malapit sa pinagtatrabauhan, di po tayo magkakaroon ng relocation kung maraming problema.

    Isang bagay po iyon na pinagtutulungan po namin ng NHA, ng PCUP, ng iba’t iba pa pong ahensya ng gobyerno.

    Kahapon po pinagkukwento ko sa inyo, nandoon po kami sa Gen San, magkakasama din po kami, nandoon po kami sa Gen San, mayroon din po doong Housing Summit.

    At kasama din po namin ang Habitat, sina Mr. Charlie, Aiko, sa paniniwala na hindi po kaya ng gobyerno lamang na magresolba ng mga problema sa pabahay, pero kinakailangan po ang tulong nating lahat.

    Kapag sinabi pong tulong nating lahat, ang pinakamahalaga po rito ang Local Government Unit, kasi kung hindi po di [inaudible] ang local government unit, pinapahirapan po yung trabaho namin ng regional director.

    Dahil po dito maswerte po yung mga taga-Kidapawan, iyong inyo pong Mayor, na inyo pong mga local officials, talaga pong ginagawa ang lahat para mabigay ang kinakailangan.

    Paminsan po may mga request sa amin, pabahay, pero wala nang malilipatan na lupa, kaya po kahit pa po mayrooon perang pabahay, kung wala namang matatayuan, wala din po kaming magawa kaagad-agad.

    Kaya ngayon po iyon po ang new direction natin, napakalaki ng backlog natin sa pabahay. Pero hopefully po medyo mabawasan na iyon – mabawasan nang malaki, hindi lang pala medyo – mabawasan po nang malaki.

    Para lang po sa kaalaman ng marami, 5.6 million po ang backlog natin sa pabahay, pero ang nagagawa po natin na bahay, on the average 200,000 a year lamang.

    Kaya po babaguhin po natin ang direksyon para makahabol tayo, pero hindi po natin ito kaya kung wala yung local officials, kung wala po ang private sector.

    Kaya ngayong umaga po, nagpapasalamat po kami sa inyong lahat, dahil alam po namin na kaya ito naging posible dahil nagtulong-tulong ang lahat na kailangan tumulong.

    Hindi lang po iyon NHA, pero lalong lalo na po iyong local officials, lalong lalo na po ang IP communities, lalong lalo na ang mga urban poor associations na ka-partner po ng inyong Local Government Units sa programang ito.

    Asahan ninyo po, na sa mga darating na panahon, iyon po ang bibigyan natin ng prayoridad.

    Kaya ngayon pong umaga, congratulations po doon sa mga inaawardan, ng mga certificates, maraming salamat po sa NHA, maraming salamat po sa Local Government of Kidapawan, sa pamumuno po ni Mayor Joseph, at saka siyempre doon sa provincial government of North Cotabato, na ngayon po sa pamumuno ni [inaudible] Shirley, na nag-rerepresent po kay Governor.

    Actually po, magkasama pala kami ni Governor two weeks ago, i-napprove po namin ang Housing Plan ng probinsya ng North Cotabato.

    Napakaganda po ng Housing Plan, dinefend po iyon nila Governor sa HLURB, at ako po ang nag-preside during the meeting, kaya hopefully sunod-sunod na po ito.

    Kaya ngayon po, magandang umaga po muli at congratulations po sa inyo, at maraming maraming salamat!

    Posted in Speeches on Oct 28, 2016