This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Robredo People’s Council Townhall Meeting with Security guards

    Robredo People’s Council Townhall Meeting with Security guards

     

    [18:16]

    SEN. TRILLANES: Magandang hapon.

    HOST: Magandang hapon.

    SEN. TRILLANES: Magandang hapon.

    [Voices in the background greet Sen. Trillanes “good afternoon” and “Merry Christmas”]

    SEN. TRILLANES: Naririnig po ako? Naririnig po ako?

    [Voices in the background tell Sen. Trillanes that they can hear him]

    SEN. TRILLANES: So, pwede na po tayo mag-start? Well, ano po ‘no.

    [no audio 19:01-19:29]
    Ano po, pasensya po, nagkakaproblema lang sa ano, connection. Anyway, magandang hapon po. Salamat po ulit sa Robredo People’s Council for inviting me dito sa forum po para sa mga kasamahan natin sa security sector.

    So, magandang hapon pong muli sa inyong lahat. Anyway, nais ko pong sabihin sa mga kasama natin dito na tayo po ay kaisa ng mga security guards kasi tayo ay naniniwala na ang… na sila ay isang ano, pwersa or tinatawag namin force multiplier ng Sandatahang Lakas at PNP. And in fact, sa ating doctrine ng civil defense, by extension ho in times of emergencies ay kaakibat natin ang mga security guards. And more importantly, sila po ang nagsisigurado ng ating– ng safety ng mga kababayan natin, in their own quiet way, sa pagbabantay nila ng mga establishments na tinututukan nila kaya malaking ano po ‘yan, kumbaga, equivalent po sila ng mga medical frontliners, but they do it even during ordinary times, hindi lang during pandemic. So, importanteng sektor po sila sa ating lipunan.

    At ito pong sa akin, in the past twelve years na ako ay nanoongkulan bilang senador, isa po ‘yan sa sektor na tinututukan natin at inaalagaan natin. At ngayong kung papalarin po tayo ‘no, kasama si VP Leni, ay maitutulak natin ang interest ng mga security guards. At isa na po diyan ‘yung pag-extend po ng validity noong mga license at ‘yung kanilang mga training kasi ngayon eh three years lang po ang validity, so pwede po ‘yang i-extend, gawing five years para malaking bawas sa gastos ‘yan ng mga ano– ating mga kababayan. And at the same time, itong ‘yung pag-aaccredit po ng in-house training na ito ay hindi na lang ‘yung basta ‘yung accredited ng PNP na doon sila magte-training at malaking gastos po ang nangyayari, napapagastos sila nang malaki. So itutulak po natin ‘yan in coordination PADPAO and PNP, na ‘yung mga in-house training noong mga security agencies ay ma-accredit. Then finally, to avoid or para mabawasan ‘yung difficulties ng physical na pagkukuha ng lisensya ay pwede na dapat ‘yung mga online ‘no, para sa ganoon, malaking kabawasan sa gastos nila.

    So, ilan lang ‘yan sa mga gusto nating itulak para sa ating mga kababayan na nasa security sector, para sa ganoon ay makatulong tayo sa… sa kanilang sektor. So, and by the way, acknowledge ko lang po ang kasama pala natin dito, ang ating Vice President to be na si Sen. Kiko Pangilinan. So, kaya kailangan po natin na ‘yung buong Team Leni ay palarin, through your support, nang sa ganoon, mas matututukan ‘yung interest ng inyong sektor. So ‘yun po ang aking maikling mensahe. If there are some questions, Ms. Kakay, I’m ready to answer them.

    HOST: May gusto po bang magtanong? Or, sige po, sir. Kasi, sir, isa sa mga [choppy audio 24:26-24:29] tapos isa ‘to sa mga survey na naitanong, ‘yun. Although na-mention niyo na po na ‘yung mga plano niyo, ‘yung pagkakaroon, ma-extend ‘yung validity, accrediting of in-house, ‘yung paano naman po ‘yung pagdating sa tenure nila? Kasi karamihan po, actually security of tenure ‘yung parang mas gusto nila na sigurado na sila doon sa trabaho nila, ‘yung ganoon po na concerns.

    SEN. TRILLANES: So, ganito po ‘no. Nagkaka-problema po kasi tayo dito sa ano ‘no, sa R.A. 5487. Kailangan natin itong i-update na kasi 1969 na ito na-enact. Ito ‘yung batas tungkol sa security guards. Ang nagiging problema natin diyan sa security of tenure is karamihan po ng mga kumpanyang nag-eemploy ng security agencies ay iniikutan nila ‘yung batas at wala silang accountability. So, ang ginagawa nila, kunyari three years lang silang– three years lang silang– ‘yung kontrata ‘no? ‘Pag three years lang kasi ‘yung kontrata sa agency, tapos after noon, hindi na nila kukuhanin ‘yung agency na ‘yun, ang mangyayari, kung mabibigyan, io-automatic ‘yung security of tenure pero wala namang kontrata ‘yung agency, wala silang pambayad, ‘no. Wala silang pang bigay, kaya unique ‘yung situation ng mga security agencies. Hindi ito parang it’s a lifetime thing, ‘no. Kailangan at least bibigyan sila ng, ng mahaba-habang kontrata. Tapos ang ginagawa pa noong ibang kumpanya, ‘pagka nandiya-diyan na sila, ‘pag tapos na ‘yung kontrata, hindi nila binabayaran na ‘yung balanse, kumukuha ng ibang agency, tapos dumi-diretso sila doon sa mga security guard. Tapos sinasabi nila, o sige, bibitaw sila, magre-resign sila dating agency, lilipat sila sa bagong agency. So kumbaga, naiikutan po ‘yung batas. So, we need to update that para sa ganoon ay masisigurado natin ‘yung security of tenure ng mga– ating mga security guards. So, I understand andi-diyan na po si VP Leni, so I’ll have to cut my talk ‘no, Ms. Kakay.

    HOST: Thank you po, sir.

    SEN. TRILLANES: Maraming salamat.

    [SEN. KIKO 27:08-32:19]

    VP LENI: Magandang hapon. Magandang hapon sa inyong lahat, magandang hapon Senator Kiko. Sana nasa mabuti kayong kalagayan pasensya na kayo sa itsura ko. Iba 'yung Christmas natin ngayon di ba? 'Yung Christmas natin ngayon lahat sakuna kaya mula noong December– kailan ba tayo– December 17. Mula noong December 17 ay ikot na tayo nang ikot sa mga lugar na nasalanta ng bagyo at ako kahit maraming tayong problema, iniisip na lang natin mapalad pa din tayo. Mapalad pa din tayo kasi at least hindi tayo nawalan ng bahay, hindi tayo nasa lugar noong mga nasalanta ngayon. Nagpapasalamat ako sa lahat ng nagbigay sa atin ng tulong kasi 'yun 'yung dahilan kung bakit nakakatulong din tayo sa iba. Natutuwa ako na kasama ko po kayo ngayong hapon.

    'Yung sa kin lang siguro konting background ng pinanggalingan ko. Maraming hindi sa kin nakakakilala, kasi sa totoo lang isa ako sa pinaka– siguro sa grupo namin, isa ako sa pinakahuli din na pumasok sa pulitika. 'Yung asawa ko talaga 'yung pulitiko sa amin. 'Yung asawa ko ay mayor sa Naga nang napakatagal na panahon. Wala naman akong balak pumasok sa pulitika, noong mayor 'yung asawa ko ako ay isang abogado. 'Yung pinakauna kong trabaho bilang abogado sa PAO. Naging PAO lawyer ako, nagdedepensa sa mga nasakdal na walang pambayad ng abogado. Pagkaalis ko sa PAO lumipat ako sa isang NGO, pangalan ng NGO, SALIGAN. Parang PAO din ito dahil 'yung tinutulungan namin na mga kliyente 'yung mga mahihirap pero siguro 'yung kaibahan ng SALIGAN kasi hindi siya gobyerno, NGO siya, at saka mga tinutulungan namin mga sektor. So 'yung mga tinutulungan namin na mga sektor mga magsasaka, mga manggagawa, mga urban poor, mga IPs, mga mangingisda, mga kababaihan saka mga kabataan. So mahigit sampung taon ganoon 'yung aking trabaho sa SALIGAN. Marami 'yung hirap ang pinagdaanan pero 'yung kabutihan siguro dito, dito naramdaman 'yung halaga ng pagiging abogado dahil marami sa mga kababayan natin ay kailangan talagang ipagtanggol 'yung kanilang mga karapatan pero walang paraan para makakuha ng abogado dahil mahal, dahil lalo sa malalayong lugar, walang access. So 'yung nature ng trabaho namin kami 'yung pumupunta sa mga communities. Tinatraining namin 'yung mga sektor para kahit walang abogado alam nila kung paano nila ipagtanggol 'yung kanilang mga karapatan. 'Yung karamihan sa mga kasama natin ngayong hapon mga security guards.

    Noong ako ay nasa SALIGAN, napakaraming mga kasong hinawakan ko sa NLRC na ang kliyente ko mga security guards at maraming mga realizations dito. Ang isang realization, napakababa ng compensation. Napakababa ng suweldo ng security guards and 'yung ating batas ay dapat sana nakakiling siya para sa mga mahihirap. Dapat sana nakakiling siya doon sa mga wala pero 'yung problema 'yung proseso mismo na binibigay ng– binibigay ng batas, hindi talaga siya nakakiling, hindi siya mas nakakatulong para sa mahihirap. Halimbawa, meron akong naging kliyente na isang security guard, napakababa na ng suweldo, noong nagreklamo siya, hindi niya nakukuha 'yung benefits instead na taasan 'yung benefits, tinanggal pa siya. Kinaso namin 'yung kanyang employer. Totoo na pinanalo niya 'yung kaso dahil talagang illegal 'yung kanyang dismissal sa kanya pero 'yung problema kahit pinanalo niya 'yung kaso sa NLRC, dahil napakahaba ng proseso ng pag-appeal, pag– kung anu-anong dadaanan, ay parang 'yung katarungan ay hindi din sa kanya nabigay. So marami tayong nakita na mga kahirapan na pinagdadaanan ng lalo na ng mahihirap. Paminsan sasabihin na umaasenso 'yung bansa natin pero para kasi sa akin 'yung tunay na pag-asenso kung 'yung mga nasa baba ay umaasenso din. Pero pagtinitingnan kasi natin 'yung numero, bumuti 'yung atin ekonomiya pero parang 'yung kabutihan na nangyayari mas lalo lang siyang nakakiling doon sa dati nang maginhawa 'yung buhay.

    So 'yung sa kin 'yung pinakaprograma ko talaga, ano ba 'yung maitutulong na aasenso 'yung bansa pero pag-asenso ng bansa, aasenso lahat. Noong nasa– ang pinakauna kong pagkandidato noong 2013, kumandidato ako bilang congresswoman, kumandidato lang ako noon dahil– kahit wala kong balak pumasok sa pulitika– kumandidato lang ako kasi namatay 'yung asawa ko, namatay siya noong bumagsak 'yung eroplano niya galing siyang Cebu pauwi ng Bicol, bumagsak 'yung eroplano niya malapit sa Masbate, malapit nang mag-eleksyon, nawalan kami ng kandidato dito bigla na lang naging kandidato ako. Pero mula noong congresswoman ako, karamihan sa mga panukalang batas na finile ko ay talagang para sa mga maliliit, sa mga– pag-institutionalize ng 4Ps, pag-institutionalize ng mga barangay volunteer workers, pag-asikaso sa security of tenure ng mga manggagaw, pag-asikaso na siguraduhin na mas maraming mga pagkakataon na binibigay para sa mga napapag-iwanan.

    Pagkatapos ng three years ko sa Congress, 'yun 'yung nag-file ako bilang Vice President, nanalo tayo. Noong buong panunoongkulan ko as Vice President halos anim na tao na iyon, tinutok talaga namin sa pagtulong sa mga nasa laylayan. Alam namin na maliit 'yung aming mandato. Alam namin na konti 'yung aming budget pero siniguro namin makabuo kami ng isang programa na para talaga sa mga maliliit, para sa mga komunidad, para sa mga napapag-iwanan. Noong pagkaupo ko lang ni-launch namin 'yung Angat Buhay. 'Yung Angat Buhay ay isang programa para sa mga mahihirap kung saan nandoon kami sa mga pinakamalalayo, pinaka– pinakamahihirap na mga communities, at nabibigyan sila ng pagkakataon na kahit papaano makaangat-angat 'yung buhay. Siguro magbibigay ako ng mga halimbawa ng mga programang ginagawa ng aming opisina bago ito nag-pandemic. Kasi noong nag-pandemic na-focus sa pandemic 'yung aming response, lahat ng bagyo lahat ng sakuna, lindol,ano to– sunog, parati kaming nandiyan. 'Yung eruption sa Taal, eruption sa Mayon, nandiyan kami para mag-disaster relief operations pero 'yung mga permanenteng programa namin, halimbawa sa edukasyon, nandoon kami sa mga communities na mga malalayo. Ang ginagawa namin hinahanap namin 'yung mga communities na napakataas ng drop-out rates sa highschool at inaalam namin kung bakit.

    Sa mga communities na pinag-aralan namin, napakaraming kaso na ang dahilan kung bakit grabe– bakit hindi natatapos 'yung mga estudyante kasi ang mga estudyante kailangan maglakad nang napakalayo. Naglalakad sila mga tatlo, apat na oras papuntang eskwelahan. Araw-araw nila 'yung ginagawa. So ang ginawa namin nagpatayo kami ng mga dormitories sa loob ng mga campus ng mga public high schools. 'Yung mga dormitories puwedeng tumira doon 'yung mga estudyanteng malalayo 'yung tirahan na libre. Libre 'yung kanilang pantira para naglalakad sila weekend na lang. Pag mag-aaral, Linggong hapon o Lunes ng umaga saka sila maglalakas papunta sa eskuwelahan, sa dorm sila titira hanggang Biyernes, pagkatapos ng pasok sa Biyernes saka sila uuwi ulit sa kanila. Noong naglagay kami ng mga dormitories sa iba't ibang mga lugar, grabe 'yung improvement sa drop-out rates. So meron tayong dalawang dormitory sa Siayan sa Zamboanga del Norte, meron tayong dalawa din sa Sumilao, Bukidnon, meron tayong ilan sa Negros Oriental, meron tayo sa Balankayan, meron tayo sa Salcedo sa Eastern Samar. So doon ito sa mga lugar na mataas 'yung drop-out rates. Malaki 'yung ating Medical Assistance Program. In fact isa tayo sa pinakamalaki na binibigay na medical assistance para sa mga nagkakasakit. Ginagawa natin ito mula 2016 hanggang ngayon, tuloy-tuloy pa din ito. During the pandemic dinagdagan natin 'yung budget natin para doon.

    Nag– naglagay din tayo ng mga programa para sa negosyo, para sa trabaho. Lalo na noong nag-pandemic na napakadaming nawalan ng trabaho. Ni-launch natin 'yung TrabaHOPE na marami 'yung mga natulungan natin na mga nawalan ng trabaho ng ma-link ulit sila na magkaroon ng trabaho. 'Yung mga out-of-school youth na gusto makapagtrabaho ay pinasok natin sa mga apprenticeship programs. 'Yung mga maliliit na mga negosyanteng nawalan ng negosyo ay tinulungan nating makaahon ulit. Marami tayong mga training programs, mga skills development programs para handa 'yung ating mga manggagawa para sa mga kaalaman na kinakailangan sa kanilang trabaho. So tuloy-tuloy 'yung ating ginagawa.

    Ngayon na kandidato na ako bilang Pangulo, ni-launch natin 'yung Kabuhayan Para sa Lahat Program. Two weeks ago, three weeks ago natin ito ni-launch. Meron itong limang components, ang pinakaunang component ay sisiguraduhin na maayos 'yung pamahalaan para 'yung tiwala ng mga negosyante ay nasa atin. Marami tayong– marami tayong mga negosyo na umalis o nagsara sa Pilipinas dahil marami ibang mga reklamo, mga hindi pantay 'yung pag-asikaso sa mga negosyante, maraming korupsyon na nangyayari. Nakita naman natin with Pharmally na 'yung pera na kailangan sana na napapapunta sa tao ay napupunta pa– napupunta pa sa korupsyon. Ang pinakauna nating sisiguraduhin na maging maayos 'yung pamahalaan para marami ulit na mag-invest sa atin para 'yung mga negosyo instead na umaalis sa atin, pumapasok para maraming trabaho para sa ating mga kababayan.

    Meron ding tayong programa para buhayin 'yung mga industriya na nababagay para sa 'tin. Na-mention natin dito 'yung ating maritime na grabe 'yung opportunities. Alam natin na ang dami na nating seafarers. Marami tayo ng opportunities sa coastal, na talagang pag 'yung maritime industry natin ay mag-flourish dito sa atin ay napakaraming trabaho 'yung mabubuksan. 'Yung tinitingnan natin ngayon magkaroon ng mga strands sa senior high school na 'yung kahit hindi nagka-college 'yung mga bata ay nakakahanap na silang trabaho dahil sila ay qualified na. So nag-umpisa tayo ng isang Maritime Senior High School with our partners sa Bulan, Sorsogon. 'Yung first year of operations, marami na 'yung pumasok at ngayon ay nagte-training na sila para sa cadetship program. So ini-imagine natin na gagawin natin ito. 'Yung shipbuilding sa Pilipinas ay gagawin natin na maging open siya napakaraming bagong trabaho para sa ating mga industries. So maraming mga industriya ang kailangang buksan at kailangan lang na paghusayan natin, siguraduhin natin na malinis 'yung pamumuno dahil 'yung mga investors 'yun ang unang hinahanap.

    Ang unang hinahanap 'yung malinis na pamumuno at ito ay hindi ko na lang ito sasabihin na nangangako tayo na malinis 'yung pamumuno kasi meron tayong record noong ako ay Vice President, 'yung record natin na malinis ang pamumuno galing sa COA ay ilang taon– taon-taon natin 'yun nakukuha. Kaya 'yun ay certification galing sa isang government agency na maayos 'yung ating pamamalakad, maayos 'yung paggastos natin ng pera.

    Bubuhayin natin 'yung mga maliliit na negosyo kasi during the pandemic ang daming nagsara. Ang daming nagsara ng mga negosyo na kailangan talaga nating ayusin. Kailangan nating ayusin ito. 'Yung panghuli doon ay 'yung unemployment insurance. Ngayon kasi ang daming nawalan ng trabaho sa atin pero 'yung mga nawalan ng trabaho ay habang naghahanap sila ng bagong pagkakataon, habang naghahanap sila ng panibagong trabaho, walang wala na. Ubos 'yung savings, walang kita, walang mapapagkuhaan ng pagkakakitaan. So 'yung ating proposal gaya ng ginagawa sa ibang bansa ay magkaroon tayo ng unemployment insurance na 'yung unemployment insurance ito magsisiguro na habang naghahanap ka ng panibagong trabaho ay meron kang natatanggap galing sa pamahalaan. Hindi ito bago. Bago sa Pilipinas pero sa ibang bansa hindi ito bago at ginagawa talaga. Nakakatulong talaga ito na siguruhin na hindi magugutom 'yung pamilya ng mga nawalan ng trabaho dahil sinisiguro natin, sinisiguro natin na meron silang trabaho. Itong Hanapbuhay sa Lahat ito 'yung ating binibigyan ng pansin. Binibigyan natin ng pansin ito sa ating programa dahil tingin natin pag nabigyan ang lahat ng pagkakataon na mag-hanapbuhay nang maayos, ‘yun ‘yung susi para umangat ‘yung buhay– ng buhay hindi lang noong dati nang mga nakakataas, pero ‘yung napapag-iwanan. Maraming masosolusyunan na problema pag may hanapbuhay. Karamihan sa tao ay nabibigyan siya ng dignidad kung maayos ‘yung kabuhayan niya. Kaya ito ‘yung sentro, ito ‘yung, dito naka-angkla ‘yung buong programa na ating pino-propose pag tayo ay binigyan ng pagkakataon maging Pangulo. Marami na tayong– maganda ’yung record natin sa Office of the Vice President. ‘Yung ating mga programa’y award-winning, in fact, ‘yung opisina natin ay isa sa pinaka multi-awarded among all government agencies dahil pinapakita natin na professionalize natin ay ‘yung OVP ay ISO Certified.

    Ang gusto sabihin nito ay maayos 'yung proseso, maayos 'yung paghawak ng pera. Ang paniniwala natin, maraming mga programa 'yung magagawa natin pag naayos natin ito. So ito ako, looking forward ako na lalong makapagsilbi, gaya ng sabi ko patapos na 'yung aking anim na– anim na taon bilang Vice President. Nagpapasalamat ako sa pagkakataong binigay sa akin. Napakalaking pagkakataon na makapagsilbi sa ating mga kababayan lalong-lalo na kasi ito talaga, hindi lahat nabibigyan ng ganitong pagkakataon kaya pag binibigyan tayo ng ganitong paraan para makapagsilbi ay kailangang makapag– makapagsilbi tayo ng maayos. So ito habang tayo ay kandidato bilang Pangulo, tuloy-tuloy 'yung trabaho, tuloy-tuloy 'yung ating relief operations ngayon. Meron tayong teams sa lahat ng mga– halos lahat ng mga nasalanta ng bagyo. Nakaisang ikot na 'ko, hindi ko pa nauubos lahat pero balak nating balikan 'yung mga lugar na sobrang nagrabe. Ito ay, mula bukas ay tuloy-tuloy tayo ulit. Hindi naman– hindi dahilan 'yung Pasko saka bagong taon para huminto sa ating ginagawa, pero ako ay nagagawa ko lang itong lahat dahil maraming tao 'yung nagtitiwala na nagtutulong– kasi kung aasa lang kami sa budget ng OVP, talaga namang maliit 'yung budget ng OVP pero nagagawa namin 'yung aming ginagawa dahil sa tulong niyong lahat kaya maraming maraming salamat.

    FRANCISCO: Hi ma'am, magandang hapon po

    VP LENI: Magandang hapon!

    FRANCISCO: Ako po si ano, Francisco “Kiko” Leonor. Kung hindi niyo mamarapatin po, ako po't taga, mga lola ko po taga Dayangdang rin po.

    VP LENI: Ah, talaga! Kababayan– parehong barangay tayo.

    FRANCISCO: Opo, nagaral ako sa Mac Mariano, likod ng Basilica.

    VP LENI: Sa Balatas!

    FRANCISCO: Sa Balatas po. Taga Tapas Compound po. Cousin po ng Lolo ko.

    VP LENI: Ah Tapas alam ko 'yun. Alam ko 'yun.

    FRANCISCO: Opo. Naalala niyo po 'yung nabuwal ng Sisang? Bahay po namin nabuwal ng Sisang, kayo pong mag-asawa ang nagabot sa amin ng relief goods.

    VP LENI: Oh, kayo 'yun! Kamusta ka ngayon? Kamusta?

    FRANCISCO: Opo. Pagdumadaan po kaming papuntang Dayangdang po, kasi lolo ko po katabi ni Atty. Luna saka ni Colonel Rey?

    VP LENI: Oo alam ko 'yun, alam ko 'yun.

    FRANCISCO: Hanggang ngayon nandoon sila. Pag dumadaan kami tinuturo ni papa, yumao– patay na po kasi. Kita mo yan? Opo sabi kong ganyan. Pag dumadalaw naman ako ngayon umiikot kami ng Bulusan.

    VP LENI: Nandoon 'yung bahay namin.

    FRANCISCO: Kaya sabi ko sa tito ko, ganoon pa rin. Sabi kong ganyan, ganoon pa rin walang nagbago pero lahat po nabago sa Naga. 'Yung sa riles [inaudible 49:54] sabi ko laki, ang ganda.

    VP LENI: Maayos na 'yung mga pabahay.

    FRANCISCO: Opo, opo.

    VP LENI: Naayos na natin 'yung mga pabahay, naayos na natin 'yung kabuhay.

    FRANCISCO: Opo, ang ganda. Ang ganda na po. Halos gusto ko maglakad nang maglakad sa Naga from Peñafrancia, Magsaysay, pag Basilica doon po sa may– ma'am may tanong lang po ako. Anong suportang maibibigay niyo po sa mga security kapag ikaw na po ang naging Pangulo?

    VP LENI: Unang-una gaya ng sabi ko kanina, marami akong kasong hinawakan para sa mga security guards. Ang isang realization talaga, ang baba ng compensation kaya kailangan nating i-upgrade. Kailangan nating i-upgrade– kailangan nating i-upgrade 'yung magkaroon ng standard– magkaroon ng standard 'yung compensation para sa mga security guards at maayos talaga 'yung mga benefits. Maayos 'yung benefits, maayos 'yung working conditions, maayos 'yung security of tenure. Kasi ngayon ang daming– 'yung mga kasong hinawakan ko noong nasa SALIGAN pa ko para sa mga security guards, laging ganoon na ginigipit pagdating sa benefits, hindi nakukuha 'yung benefits, pag nagrereklamo ay tatanggalin. Parang napakadali lang noong pagtanggal. Napakadali lang na hindi ibigay 'yung nararapat para sa kanya. So 'yung sa akin talagang dapat unahin natin, kailangan nating ma-standardize 'yung compensation package para sa mga security guards. Kasi isa kayo sa mga pinakamahirap 'yung trabaho– pinakamahirap 'yung trabaho 'yung threat sa buhay ay nandiyan. Napakalungkot– napakalungkot ng trabaho lalo na pag ang nabigay sayong assignment ay wala kang ka-interact na tao. Pero kahit ganoon kahirap 'yung trabaho, sobrang baba ng compensation. So kailangan talaga nating ayusin 'yun. Kailangan nating palakasin 'yung sektor– kailangan nating palakasin 'yung sektor para mataas 'yung antas ng compensation. Kailangan tayong mag-organize, 'yung mga security guards kailangang mag-organize, kailangangang palakasin natin 'yung leadership para maka-bargain tayo na makapasa ng batas nagtataas ng antas ng kabuhayan ng mga security guards.

    FRANCISCO: [inaudible 52:09-52:12] Panalo po. [inaudible 52:14] para matuloy lahat po ng panukala niyo para sa amin po.

    VP LENI: Salamat, salamat.

    HOST: Thank you po, VP Leni and Kuya Kiko. Para lang po sa mga, hindi ko po kasi in-explain earlier kung bakit may ganitong pagtitipon. ‘Yung pagtitipon na po ‘to, ang layunin nito ay nito para makilala– townhall na ‘to–makilala ng ating mga kasamahan sa security guards, ang ating mga kandidato– sina, magsisimula ako kina Senator Sonny Trillanes, kay soon-to-be VP Kiko Pangilinan, and soon-to-be President Leni Robredo. May– ma’ams and sir, ay hindi mali, sirs and ma’am, may isa po akong magtatanong, si Tony Mangi po. Ay, yes, Sir Kiko?

    [SEN. KIKO 53:09 to 54:03]

    HOST: Thank you po, Sir Kiko. ‘Yun, tandaan natin lahat ang i-push natin is to amend ‘yung RA 5487. Sirs and ma’ams, may tanong po dito. May gustong magtanong, sir Tony, puwede–Tony Mangi, puwede po?

    TONY: Yes po, magandang hapon po, VP Leni, Senator Kiko, and Senator Trillanes. Ako po si Tony, isa rin po ako sa nag-aadvocate para sa security guard which is actually meron po akong isang grupo na itinatag, ‘yung S GUARD kung tawagin, Security Guards United in Action for Reform and Development. So, layunin po nito ay pag-isahin nga yung mga guwardiya para sa security of tenure para sa ikabubuti ng kabuhayan para sa mga guwardiya. So tama po ‘yung sinasabi ni Senator Trillanes na dapat ma-revise na po ‘yung 5487, ‘yung RA 5487 which is talagang pasong-paso na or hindi na applicable sa panahon ngayon. Isa po sa nagiging suliranin ng mga kasama namin, ang aming mga [inaudible 55:09] ay ‘yun pong regional wage which is hindi, ito po’y lubos na nakakaapekto sa kabuhayan ng mga guwardiya. Bakit po?

    Ang karamihan po, almost 80 percent ng agency ay nandito po sa ka-Maynilaan kung hindi po ako nagkakamali. At karamihan siyempre, andito po ang pamilya ng mga guwardiya. Ang nagiging problema po, si guard po dito naninirahan, dito nag-aaral ‘yung mga anak, ipapadala po like example, sa Laguna, or sa Quezon, sa Mindanao, whatever, saan mang area. At dun po nagbabase, dahil ‘yan pong regional base na ‘yan, ‘yan po ang nagpapahirap sa amin. Kung saan po ‘yung lugar, kung sa Bataan pa man ‘yan, dun po magbe-base ‘yung region, ay, ‘yung wage. Halimbawa, ang Laguna po ay sabihin natin na 400 lang po ang minimum wage, dito po sa Maynila ay 537, so ‘yun po ‘yung ipapasweldo nila, which is hindi po na lumaki ‘yung kanilang– lumiit na po ‘yung kanilang sahod, lumaki po ang gastusin. Bakit po? Siyempre hindi naman po, like example, huwag natin ilayo, Laguna na lang. Andyan ‘yung mga techno park, andiyan ‘yung mga industrial, usually nandyan karamihan ng mga guwardiya, huwag na po tayong lumayo.

    Magkano po ang rate dyan? Dito po sa Maynila, galing sila dito bigla po silang malilipat doon dahil wala nang area, sabihin natin na nawalan ng puwesto dito, naubusan, siksik na dito sa NCR. So, lumiit po ‘yung kanilang kita pero ang katotohanan po lumaki po ‘yung gastos. Bakit po? Siyempre dun po ‘yan ma-aassign, kuha po ‘yan, magbo-board, mag-bebed space po ‘yan or magbo-board, o kukuha ng tirahan kasi hindi naman po puwedeng daily mag-uwian po ‘yan. Tama po ba? Gumagastos siya doon, ang masakit po niyan ay kung nangungupahan pa rin ‘yung pamilya dito. Hindi naman po puwedeng bitbitin niya ‘yun dahil nag-aaral nga ang mga anak. So nadodoble, dalawa na ‘yung inuupahan niyang bahay, dalawa na silang gumagastos, dalawang kusina na ang gumagana, kusina niya doon, kusina niya dito, pero ang sahod po ay lalong lumiit. ‘Yan po ‘yung unang-unang nagpapahirap sa aming mga guwardiya, ‘yung regional wage na ‘yan. Bakit hindi natin gawing nationwide ay isang wage lang ‘yung gamitin natin, ‘yung NCR wage, ‘yung NCR rate? Tanggalin na natin ‘yung mga regional wage na ‘yan. Hindi po applicable ‘yan sa guwardiya.

    Pangalawa po, kami pong mga guwardiya, example, na-terminate kami sa unang agency namin, five years kami, wala po kaming matatanggap na separation pay doon. Lumipat po kami sa kabilang agency, nagtagal po kami ng 10 years, hanggang sa palipat-lipat po kami pagdating ng age of 60, wala po kaming matatanggap na retirements from our service maliban sa SSS. Kasi nga po nagpalipat-lipat na kami, pero sa aming pagkakaalam, example sa akin, ang pagkakaalam ko meron po ang kumpanya– ang agency at ang agency at ang client, mayroon po 'yang kasamang kontrata. Alam ko alam ng lahat 'to, na may - every payday, every payroll, may kasama pong retirement benefits or retirement fee na 'yun po 'yung napupunta sa agency pero hindi po 'yun napupunta sa amin once na kami po ay umalis doon ng wala pa kami sa tamang edad.

    So siguro po, kung papalarin po at kami po, nangangako ako, bukod sa namumuno ako sa mga– nag-advocacy ako sa guwardya ay namumuno rin ako sa multi-sector na organization– talagang tutulong po kami dahil kayo po 'yung, yung na– nakikita namin na mag-aangat sa aming kabuhayan.

    So sana po, isa pa po'ng suliranin ng mga gwardiyang nagkaka-edad na. Alam naman po natin ang retirement age dito sa Pilipinas sa atin ay 60 years old. Kami pong mga guwardiya, pag dating po ng mga 50, 55, medyo may kahinaan na. Alam niyo naman po ang guwardiya, hindi naman po puwedeng– tawag dito– babalubaluktot o 'yung ika nga eh 'yung gagapang-gapang na, 'yung pag nagkaroon ka na, um-edad ka nang ganoon, medyo aminin man natin, humihina na ang katawan. Siyempre competition iyan, sinong client ang kukuha sa iyo kung ikaw ay medyo may edad na.

    So pagka ikaw na guwardiya ay nalipat sa ibang puwesto, mahihirapan ka nang makakuha ng puwesto kung ikaw ay nasa ganyang edad. Ito po ay matagal ko nang– matagal ko na po itong ina– tawag dito, inilalaban. Kung hindi ako nagkakamali, noong panahon pa ni PNoy, ni President PNoy, dito sa COMFRE, naging bahagi rin ako niyan at isa iyan sa aking idinulog na sana at the age of 55, si guard ay retire na. Na nakakatanggap na ng retirement na, ng benepisyo na kahalintulad ng nasa edad na sisenta. Dahil talagang mahihirapan na siyang kumuha ng kliyente.

    'Yun nga lang po, medyo may problema 'yan pag dating sa SSS kasi siyempre medyo tatagal 'yung kanilang pagbibigay ng– kaya nga ay– pension at napapaaga. So puwede naman pong magawan ng paraan iyan eh, kung saan kukunin.

    At isa pa po, ‘yun nga nabanggit ko na alam ko merong mga retirement benefits na kasama sa mga contract. Baka po puwede tayong mag-create ng isang agency na imbis na sa agency mapunta ‘yan, ilagak po ‘yan sa isang ahensya na ang gobyerno at mga guwardiya ang magpapatakbo para may kahalintulad na aside sa SSS na aming binabayaran ay, dun sa mga guwardiyang magreretiro– ay meron po silang ibang retirement benefits na matatanggap maliban dun sa SSS, dahilan po dun siguro natin ilagak ‘yung ibinibigay ng kliyente sa mga agency na retirement fees o retirement benefits na hindi po ‘yun talaga nakukuha ng mga guwardiya unless si guard po ay magretiro dun sa agency na ‘yun nang 60 years old.
    ‘Yun lamang po. Sana po mabigyang pansin at ‘yun pong RA 5487 napapanahon na po para talagang ‘yan ay ma-revise na. Maraming salamat po.

    VP LENI: Okay, sige, Tony. Tatlo– tatlo bale ‘yung tanong ‘di ba? ‘Yung pinaka una, ‘yung tungkol sa regionalization ng wages. Actually marami na tayo nitong mga pagpupulong with the different labor groups, isa na dito ‘yung Federation of Free Workers nina Atty. Sonny Matula, yung SENTRO matagal na nating partner, at ito talaga paulit-ulit itong concern ng labor sector. At nagcommit na ko dito Tony, nagcommit na ako, nagkaroon kami ng pirmahan, nagkaroon kami ng commitment na isa ito sa mga unang isasaalang-alang natin pag tayo ay umupo bilang Pangulo. So ‘yung regionalization ng wages nakapagpirma na tayo dito with the different labor groups kasi ano talaga ito, ‘yung kinikuwento mo na pag na-aassign sa labas mas tataas pa ‘yung gastos, totoong totoo ito. Hindi lang nga tumataas ‘yung gastos pero marami talagang nagiging problema.

    Maraming nagiging problema kasi nawawalay sa pamilya, ‘yung dating isang household lang nagiging dalawa ‘yung gastos mo. Talagang ano, talagang malaki ‘yung basehan. ‘Yung pangalawa mong sinabi, alam mo marami akong kaso noong nasa SALIGAN ako, marami akong labor cases na ganito, na nagpapalit ng agency pero hindi naka-count ‘yung mga dating service agency dahil ‘yung mga hinulog nila nandun sa, nandun sa agency hindi sa, hindi sa dapat, hindi sa isang parang trust fund. At ito talaga kailangan itong baguhin. Kasi napakaraming mga kaso na halos all their lives, security guard sila. Pero halimbawa ‘yung pinakahuling, halimbawa nag-limang taon ka dito, sampung taon ka dito, tatlong taon ka dito, pag nag–pag natapos ka, nag-retire ka dun sa tatlong taon mo lang parang ‘yun lang ‘yung service na counted. Na dapat sana, ‘yung lahat ng serbisyo mo, dapat sana nakalagay ‘yung lahat na binawas sa–binabawasan kayo ‘di ba? Binabawasan kayo ay dapat sana naka-trust fund ito. Na hindi siya-

    TONY: Sorry po, aside po dun sa binabawas sa amin, ‘yun po naman ay natatanggap namin, naibalik po ‘yun sa amin. Ang sinasabi ko po kung lilinangin po natin ‘yung kontrata po between agency and client, meron po ‘yan kasama na retirement benefits. So ‘yun po ‘yung every payroll ay, sorry if I’m wrong pero ‘yan po ay matagal na naming inaaral ng mga kasama namin sa S GUARD, ‘yan po talaga ay ‘yung mga matatandang guwardiya na aking mga iniidolo, ‘yan po ay totoo na may retirement benefits na binibigay si client and then ‘yun po ay napupunta sa agency. So ‘yun nga ‘yung sinasabi ko after five years at hindi ka pa naman retired, umalis ka hindi po ‘yun mapupunta sa’yo kasi [inaudible 1:05:05] kasi hindi ka pa naman retiree. So ‘yun po-

    VP LENI: Actually Tony, marami akong hinawakan na kaso na ganyan na ang nakukuha lang nila ‘yung portion, nakukuha lang nila ‘yung portion tapos ‘yung mga nauna ay hindi siya na-count. Hindi siya na-count dahil ibang agency na. Kailangan talaga ‘tong baguhin. Kailangan ‘tong baguhin Tony, at ito gawa na tayo ng proposal. Ngayon pa lang gawa na tayo ng proposal kung papano ‘yung pagbuo ng isang trust fund na magbebenefit siya sa lahat ng mga security guards kahit anong agency ‘yung pinasukan. Kasi uso din sa inyo na lumilipat ng agency, ‘di ba? Uso sa inyo na nag-lilipat ng agency, kailangan itong asikasuhin tapos ‘yung, ‘yung pangatlo, ano nga ‘yung pangatlo Tony? Nakalimutan ko.

    TONY: ‘Yung retirement age po.

    VP LENI: Ah, retirement. Ako siguro si Senator Sonny, makaka– makaka-share sa atin nito kasi alam naman natin ‘di ba, ‘yung uniformed– uniformed men iba ‘yung retirement age. ‘Yung uniformed men ay 56, tama Senator Sonny, ‘di ba? ‘Yung AFP, ‘yung PNP ay 56 ang retirement age. So parang ‘yung sinasabi mo Tony ngayon na similar eh, similar ‘di ba? Similar kasi ‘yung nature ng trabaho hindi din makaka– hindi din makaka function as efficiently ‘yung security guard pag mas mataas– pag mas matanda na siya. Kaya ‘yung proposal mo ay– ‘yung proposal mo ay sana mas bata na recognized under the law na pag ganito kang edad ay puwede mo nang makuha ‘yung benefits mo.

    Ito Tony kailangan ito ng legislation, pero siguro ibalik natin kay Senator Sonny saka kay Senator Kiko. Hindi ko kasi alam kung sa Senate meron nang na-pass before na panukalang batas tungkol dito pero agree ako sa’yo. Agree ako sa’yo Tony tungkol dito kasi ‘yung nature nga ng trabaho niyo mas efficient kung kayo ay mas, mas bata pa para pag– pag older na ‘yung edad, mas naeenjoy mo na ‘yung retirement mo.

    TONY: Dagdag ko lang po VP, Ma’am, ‘yung sinasabi ko po na ‘yung dapat na napupunta sa mga retirement benefits from client to agency na hindi napupunta sa guard, ‘yun po sana ‘yung silipin natin at kagaya po ‘yung sabi niyo, tama po ‘yun, I suggest magcreate tayo ng isang insurance, ay Senator, isang insurance agency, na particular para sa mga guwardiya na dun ilalagak ‘yung sinasabi kong retirement benefits.

    SEN. TRILLANES: Bale Tony ano ‘no, Ma’am, VP, i-ano ko lang, interject lang ako. Nakuha ko naman ‘yung propo–sina-cite mo na problema at ‘yung pinopropose ni VP, puwede nating ma-reconcile ‘yan. Puwede kasing magkaroon ng special trust fund under the SSS na sila ‘yung magmamanage similar to what they’re doing right now sa AFP, ‘yung under GSIS ‘yun, pero hiwalay siya sa regular GSIS na pension fund. So, puwedeng gawin ‘yan at ‘yun nga kailangan natin i-incorporate ‘yan sa batas nang sa ganun macocompel ‘yung mga employers to give directly sa SSS at ang ginagawa kasi nila hindi nila binabayaran ‘yung mga security agencies tapos pagka natapos na ‘yung kontrata ay ano na, kukuha na sila ng bagong security agency na hindi rin naman nila ulit babayaran kaya naiipit dito ultimately ‘yung mga security guards.

    But ‘yun na nga ‘no, to make this brief, kung sakaling papalarin tayong lahat ‘no, ‘yung Team Leni-Kiko ay we will coordinate with you ano and the PADPAO at sa PNP para ma-reconcile natin lahat ‘yung mga pangangailan ng security guards particularly dito sa pension funding niyo. Ayun po.

    TONY: Salamat po.

    HOST: Hello po. Ma’am babasahin ko lang po ito. Galing po ‘yung question na ‘to kay Dennis Bryan Gabuat. I think naman, may mga ibang parts na po dun sa tanong na nasagot na rin.

    “Hello po, concern lang po sana namin bilang isang security ay ang mga sumusunod: Sana po magkaron kami ng early retirement in the age of 55,” which was mentioned earlier, and then “ma-extend ng five years ang expiration ng aming security license,” na nahapyawan na po ni SenTri, at “magkaron kami ng hazard pay at taasan ang aming sweldo. Thank you po nang marami.”

    May gusto pa po ba kayong idagdag dun bago po ako magtawag ng mga nagtatanong pa? Magtatanong pa.

    VP LENI: Ako Kakay agree ako dun sa hazard pay dahil sa nature ng trabaho. Agree ako sa hazard pay pero siguro ulitin ko lang ‘yung parehong proposal namin ni Senator Sonny na magkaron siya ng trust fund. Magkaroon siya ng trust fund– magkaroon siya ng trust fund na separate, naka-set aside for security guards para sigurong– siguraduhin na kahit nagpapalit sila ng mga agencies ay ‘yung kapalit ng serbisyo nila ay makukuha pa din nila at the end of their term as security guards.

    HOST: Thank you po, Ma’am. Kanina pa po siya nagre-raise ng hands, Sir Alan Llamado? Sir? Naka-mute po kayo.

    [muted 1:10:57-1:11:15]

    ALAN: Good morning po, Madam.

    VP LENI: Hi, Alan.

    ALAN: SenTri, my idol, and Sen. Kiko, good morning. And sa mga participants dito. I didn’t have an idea na ano ito, townhall ito ng mga guards. Taga-Bicol din po ako, nag-graduate ako sa Ateneo de Naga University.

    VP LENI: Ah, kababayan

    ALAN: And I am based in Baguio City right now together with my family. Hindi po ako guard. Isa– kasali po ako sa BPO industry, call center industry. And I know that it was, if I am correct, it was I think, [inaudible 1:12:11-1:12:16], sino na nga ba ito? Ninenerbyos ako. But my question is not related to ano, to the security guard. Kasi BPO industry when, when– when Duterte started his ano, his management, I think may three months palang inatake na niya 'yung mga, mga BPO agency sa Pilipinas, lalo na 'yung ano, 'yung mga investors from the United States. Mayroon po ba tayong ano, mayroon po ba tayong programa for the BPO industry? Parang business continuity program.

    And at the same time, para mag-evolve din po 'yung, like 'yung salary. Kasi 'di ba, way back, ano, medyo stagnant 'yung salary ng mga, ng mga BPO, mga call center agency. Nagtaas 'yung mga, mga ano, mga sahod ng mga sundalo, ng– I dunno kung nagtaas na 'yung ano, sahod ng mga teachers– pero 'yung sahod ng mga call center agents parang ganoon parin from five years ago.

    So my question is kung mayroon tayong mailalatag for the call center agents and the– those who are in the BPO industry employees po.

    VP LENI: Actually Alan siguro mga early December, nameet ko 'yung representatives ng iba't ibang mga BPO– BPO call centers sa Cebu at pinag-usapan namin ano - papano ba makakatulong, ano bang mga government programs ang kinakailangan ngayon ng industry para siguruhin na mag-flourish pa siya. Maraming diniscuss.

    Ang isa sa mga discussions, kung anu-ano 'yung matutulong ng pamahalaan para mas maging, ano 'to, para mas maging maayos 'yung - kasi 'di ba 'yung, 'yung oras niyo iba. 'Yung oras niyo, karamihan sa inyo ang oras iba. Sinasabi nila sana may mga services din na binibigay sa mga BPO industry na considering na baliktad nga 'yung oras.

    Halimbawa 'yun ang pinaka-example nila dito, Alan, 'yung pag-access sa medical saka dental services, pag-access sa maraming mga government programs, na hindi, hindi ito available sa oras na gising sila. So kailangan talagang– kailangan magsasakripisyo sila one whole day para gawin 'yung mga errands. So 'yung pinag-usapan namin, papano ba, papaano– papaano ba natin mabibigay 'yung mga services na otherwise ngayon ang hin - ay hindi masyadong accessible sa kanila. Isa 'yun.

    Pangalawa, papaano ba makaka-access ng government programs 'yung mga BPO workers na napaka-tedious ng mga requirements and 'yun nga, gising kayo sa gabi, karamihan sa inyo gising sa gabi at tulog pag umaga. Papano ba madigitize 'yung kanilang pag-access? 'Yun yung pangalawa.

    Pero 'yung pinaka– pangatlo na pinaka– may nakalimutan pa pala ako Alan, bago ako pumunta sa pinaka. 'Yung, 'yung pangatlo 'yung pagsiguro ng safety saka security ng mga BPO workers considering na 'yung oras nila grabe. Oras nyo palang, grabe. Kasali na dito 'yung transportation, kasali 'yung housing para sa mga BPO workers. Pinag-usapan nga doon halimbawa 'yung mga single parents, na hindi sila nakakatrabaho kasi walang available na mapapag-iwanan ng mga anak. So ito 'yung mas ano, mas pangangailangan sa pang-araw– pag-tugon sa mga pangangailangan sa pang araw-araw ng mga BPO workers.

    Pero 'yung napag-usapan namin doon, na kailangang paghandaan na natin, 'yung pag-retool, pag-reskill, saka pag-upskill ng BPO workers. Halimbawa: 'yung isa sa sinabi doon, ang isa sa sinabi noong may nag-attend kasing parang HR head, hirap na hirap daw silang mag-recruit. Hirap na hirap silang nag-re– mag-recruit. Ang sinasabi niya ngang ratio na for every fifty na iinterview-hin nila, isa lang 'yung pumapasa.

    So, so tinatanong namin, bakit ganoon? Ang sinasabi niya, maraming trabahong available, maraming trabahong available pero kulang 'yung nagka-qualify. Ewan ko, Alan, kung alam mo 'to, pero 'yun yung parang common. So ang tinatanong namin, papaano ba makakatulong ang pamahalaan? Ang sinabi ng mga - ang, ang sinabi ng mga BP industry workers na kameeting namin, dapat ayusin 'yung preparation sa education.

    Halimbawa, kaya maraming nakakapasa dahil sa English skills. Ang kaya maraming hindi nakakapasa, dahil sa facility pagsalita. Kaya maraming hindi nakakapasa kasi ang, ang kinukuwento nila kahit– kahit 'yung kinakailangan ng IT, kahit kinakailangan ng IT ng kaalaman, 'yung tinuturo sa mga schools natin ay ibang-iba sa ginagamit nila.

    So gusto kong sabihin, parang hindi na tayo updated. Ang, ang sinasabi nila kahit, kahit IT courses, ang tinuturo nila sa schools ay hindi naman 'yun 'yung ginagamit ng industry. So pwede bang baguhin na 'yun para naman - para, para mas maraming Pilipino 'yung makakapag– makaka-qualify makapasok sa BPO industry.

    Tapos 'yung threat ng AI, 'yung threat ng AI kasi, marami nang mga– marami ng mga ginagawa ngayon ng BPO workers na pwedeng makain na siya dahil ng– dahil sa AI. So kailangan talagang mag-upskill na tayo. Kailangan mag-invest ang pamahalaan para, para i-upgrade na 'yung mga skills ng ating workers para hindi sila mapag-iwanan.

    So malaking– malaking programa 'yung kailangang gawin. 'Yung, 'yung isa ngang sinasabi namin, halimbawa, yung TESDA, kailangan yung TESDA nagpo-provide na ng mga libreng mga training para 'yung mga kababayan natin na interesadong pumasok sa BPO industry ay matrain. Kasi 'yung trabaho available pero 'yung skill hindi.

    So dapat 'yung education natin, 'yung education natin– at IT– isa ito sa mga prinesent namin na programa early on, noong November na sinasabi natin na para 'yung - 'yung education in– ano 'to, maka– makatulong talaga siya, kailangan siyang i-align with the industry. At ito yata 'yung kulang ngayon with the BPO industry, papaano natin - 'yung tanong mong papaano mae-elevate. And I think 'yung pag-elevate hindi lang sweldo, 'di ba? Hindi lang 'to sweldo pero 'yung uri ng kakayahan. Kasi 'yung sweldo tataas depende sa uri ng kakayahan. So ito kailangan ta– talaga natin pag-investan ito.

    Kasi isa siyang malaking opportunity, lalo na kasi trabaho 'yung kinakailangan natin ngayon. Isa siyang napakalaking opportunity na pag– pag nag-invest tayo ng enough para i-train 'yung ating mga kababayan, lalo 'yung mga– 'yung mga fresh out of school - hindi naman niya daw kailangan na college graduate. Pwede ngang senior high school graduate pero mayroon siyang skills, pwede siyang maka-pasok sa industry.

    So ito, ito Alan, na– nakagawa na akong statement about this after noong meeting namin with the BPO industry sa Cebu. Pero isa itong patuloy na gagawin natin all over the Philippines.

    ALAN: Maraming salamat po, madame President. Very complete po ang plano natin. Thank you-

    HOST: Nakataas ang kamay si–

    HOST: Sen. Kiko, yes po.

    [SEN. KIKO 1:19:52-1:21:13]

    HOST: Thank you po Sen. Kiko. Sa ngayon, gusto po namin bigyan ng chance 'yung mga security– mga kuya guards and ate guards [inaudible 1:21:25 to 1:21:34].

    HOST: Sorry, I'm so sorry. Ayun, bigyan po natin ng chance 'yung mga kuya guards and ate guards na magtanong. Baka po may gusto pang magtanong mula sa mga kuyas and ates natin na security guards. Bago po ako magtawag ng isa? Kung ano? Yeah, sige po. I'll go na lang. Ah sige ma'am. Si Ms. Norma.

    NORMA: Hello. Magandang tanghali sa lahat. Naririnig niyo po ba ako? Baka hindi ako naririnig.

    HOST: Naririnig ma'am.

    NORMA: Okay, thank you so much. 'Yung tanong ko ay gusto ko i-direct ang - itutuloy ko nalang siya para masagot ng lahat, directly to VP Leni, Sen. Trillanes, and then Sen. Kiko. First na question ko ay, ito na naman kasi, here comes campaign period. At for the past six years, or how many years, ang Zambales ay talagang nakikita niyo naman kami dito, and in terms sa campaign, especially kay VP Leni, ay talagang we try our best para [Inaudible due to crosstalk 1:23:07 to 1:23:09] six years ago. Siguro makikita nila how, how we campaign para sa kay VP.

    Sorry VP ah, I just want to express my feelings until now ba, gusto ko– kasi I don't have time, we were not given time and opportunity to visit your office. I don't know why. I requested how many times para mag-bisita, but nirereject palagi ang aking request. And for that na ang sakit ng loob namin dahil I'm sorry ah, convenor po ako ng PPVR ng Zambales, and then during that time, talagang nakikita ng mga staff mo kung paano kaming mag-campaign. Ulan, init, ang sakit lang po dahil after ng election, walang binigay ng chance na makabisita sa inyo ng kahit isang beses. Always walang - walang time, wala kayo, walang opportunity.

    VP LENI: Ma'am Norma, Ma'am Norma. Tanoongin ko lang po kung sino 'yung kausap niyo sa office kasi wala po kaming ganiyan na hinaharang. So kailangan po namin malaman kung sino 'yung kausap niyo kasi kailangan po naming matanong kung bakit ganoon 'yung sagot sa inyo.

    NORMA: Nakalimutan ko na eh.

    VP LENI: Baka po pwede namin makuha 'yung pangalan noong kausap niyo? Kasi kailangan po nating i-correct 'yun.

    NORMA: Yes ma'am. 'Yung isa, isang babae, I cannot remember her name pero 'yung pangalawa, parang kamukha niya ni Gio, na nakasalamin. Gio I know Gio very well. Kamukha siya ni Gio. Pero mas maliit lang siya kay Gio, na nakasalamin.

    VP LENI: Parang wala po kami sa opisinang kamukha ni Gio. [laughter] Pero ma'am baka–

    HOST: Hi ma'am! Ma'am, baka [inaudible 1:25:18] po kami kay ano, kay ma'am Norma.

    VP LENI: Oo, kasi, kasi nagugulat po kami ma'am Norma. Lahat naman welcome sa office. So kailangan po namin malaman kung sino 'yung kausap niyo. Kasi baka po hindi siya taga-office.

    [inaudible 1:25:35-1:25:36]

    NORMA: Pero anyway ganito po yan, ano, VP, talagang sakit ng loob namin kasi for that period, six years na po, ay hindi kami binigyan ng pagkakataon. We visit Sen. Trillanes, myself, and then nagkikita kami ni Sen. Kiko sa meeting, but actually naging ninang ka ng kasal ng aking anak. Yes.

    VP LENI: Ano po ma'am?

    NORMA: Naging ninang ka ng kasal ng aking anak dito sa Zambales. I sent you the invitation and then tinanggap ng VP Office, but hindi ka naka-visit. But anyway it's a matter of siguro, hindi lang siguro nabigyan ng pagkakataon. That's my first question na sana during campaign time ba, VP, we're very much willing to campaign and then we try hard, ginagawa namin lahat para talagang ma– mapanalo ang aming minamahal na mga kandidato. At sana mabalikan man lang kami kahit papaano ma– makikita ba, ng kahit na konting pagkakataon lang ay ma-appreciate naman ng kinakampanyahan namin 'yung mga binigay naming mga hardship.

    VP LENI: Pero ma'am– ma'am Norma. Importante po kasi ma'am, importante ma'am sa amin malaman kung sino 'yung kausap niyo kasi ang dami po naming natatanggap every day, so nagugulat po kami na kayo hindi. So kailangan po namin malaman sino 'yung kausap kasi para po hindi po namin mareresolve kung hindi po namin alam kung sino 'yung kausap niyo.

    NORMA: I think I still remember that sa mga copy ko ma'am. I will send it to you.

    VP LENI: Sige po. Pahanap po. Pahanap kasi bawal po 'yun na harangin–

    NORMA: Yes po. Ang second question ko po ma'am, dahil nasa Zambales po kami, 2010 pa po nag-rarally na kami when it comes sa West Philippine Sea natin. Kami talaga eh, unang una po kaming lumalaban sa ating Scarborough Shoal. At nakikita po namin kung gaano kahirap ang ating mga fishermen dito when it comes sa tag-ulan, tapos minsan binibigyan po sila ng mga ayuda, hindi natatanggap ng ating mga fishermen. Mayroon pa nga po akong as of now, mayroon po akong fishermen na, na meeting sa Iba na napirmahan na ang ayuda, pero wala po siyang natanggap na pera dahil hindi pala signatory niya. Paano kaya ma'am natin maireresolve na directly sa kanila mismo makukuha na hindi dadaan sa LGU? Na sila mismong makakatanggap ng kanilang ayuda?

    And at the same time, sa mga pumapalaot at lumalaban sa West Philippine Sea, during our time noong magmimeetting ang PPVR together with the senators, palagi kong sinasabi sa kanila na lalaban ang mga fishermen natin kung may mga ayuda silang natatanggap para manananatiling mayroong ihahain ang kanilang pamilya sa hapag-kainan. Pero kung hindi sila matutulungan, tiklop bibig sila palagi kahit na binubully sila, nasasaktan sila, wala silang magagawa. Tiklop bibig sila dahil natatakot sila. Hindi sila mabigyan ng tulong ng mga LGU dahil pag pumupunta dito 'yung gobyerno natin, ito tulong namin sa inyo. Pag hindi kayo - pag lumalaban pa kayo, hindi namin kayo bibigyan ng tulong. So 'yan 'yung mga nakikita po naming dahilan kung bakit gustuhin man nilang lumaban, at mag-rally together with us, hindi nila kayang magawa. 'Yun po. Paano kaya natin sila matutulungan VP 'no, pag nasa puwesto na po kayo ma'am?

    VP LENI: Ma'am alam mo hindi na kailangan na nasa pwesto tayo para makatulong kasi ha– halimbawa– kami naman po kahit wala pa ako sa pwesto tumutulong na kami ngayon pong VP ako marami po kaming– marami po kaming tinulungan na mga– mga mangigisda sa Zambales. In fact marami po kaming– marami po kaming beses na pumunta yung team namin dun para tulungan ‘yung mga mangingisda so ako– ako lang kailangan ko ng detalye kasi hindi ko po alam yun- hindi ko po alam yung detail ng sinasabi nyo. Halimbawa po yung ayuda na sinabi nyong sa LGU napunta hindi nakarating sa fisherfolk, hindi po ata yun galing sa amin. Kasi 'pag namimigay po kami maam ay diretso kami sa mga mangingisda. Nagko-coordinate po kami sa LGU pero 'pag nagbibigay po tayo ng ayuda yung team po natin mismo yung nagbibigay sa mga mangigisda. So hindi ko po masagot talaga yung sinasabi nyo kasi hindi ko po alam yung detalye.

    NORMA: Yeah, I think pinadala ng gobyerno sa BFAR at ang BFAR mismo ang nagbibigay sa mga tao supposed to be pero ang nangyayari kasi instead of yung mga tao nabubulsa yata. Ang point ko lang dito VP is sana makitaan ng ano ba kaukulang detalye always 'pag mamigay tayo ng tulong 'pag darating na panahon na sana sila mismo ang makakuha at hindi iba at mabubulsa yung pera. Kawawa na po sila talaga dito sa Zambales. Nakikita nyo po yan VP dahil galing na po kayo dito alam kong galing po kayo dahil ang mga fishermen natin ay sinasabi din sa akin dahil ako po ang provincial president ng different sectors ng buong Zambales VP.

    HOST: Thank you Ms. Norma for that [inaudible 1:31:46-1:31:52] Sige po, ayan po sila maam nasa isang ano– sa isang room yung isang security guard group. Inaanyayahan ko po si ms Cleofe Llamas para sa ating closing. Bago po mag– pagkatapos po nito sana po may konting minutes lang– minute lang po para sa picture taking. Ma’am Cleofe?

    CLEOFE: Okay, can you hear me? na– napakinggan mo kami? Ok good. Gusto ko sana magpasalamat kay VP Leni, kay Senator Kiko at saka Senator Trillanes na binigay nila yung kanilang panahon na masyadong mahigpit ang mga kanilang kompromiso. Binigyan kami ng panahon pa– para mapakinggan namin ang mga problema ng mga security guards at ng iba pang mga sektor ng ating pamilya marami pong salamat sa inyo, sana magkaroon pa tayo maraming panahon pero alam natin na limitiado ang ating panahon. Hindi natin lahat matugunan ang malawak na mga problema na– na nabigay sa atin ng bayan ng hindi magagaling na administrasyon. Yun ang ating kailangan ngayon, administrasyon na merong kawang– merong ka– yung ano sa mga- sa mga pamilya na nangangailangan ng tulong. At yan ay– sa palagay ko ay matutugunan ng administrasyon ni VP Leni at ni Kiko Pangilinan at ng mga senador natin [inaudible 1:33:29-1:33:32 inaudible] ni Senator Trillanes. Salamat sa inyong lahat at sana magpatuloy ulit tayo ng pagtutulong sa ating mga kababayan. [1:33:39-1:33:49] -baka lumawak masyado wala na tayong panahon [laughter].

    HOST: Thank you ma'am, o magpicture taking lang po tayo. ano lang bilang souvenir para sa page din natin follow us on Facebook. Okay po, sige po kung sino po ang may camera ngayon turn on your camera po para may souvenir po tayo sa ano na to sa event na ito. Medyo madami-dami po ito mga 7 pages po sige po, 1, 2, 3, smile. Okay, isa pa po [laughter] pasensya na po. 1,2,3 smile. [crowd cheers: LENI!, LENI!, LENI!] smile...

    CRYSTAL: Ma’am may question pa po kasi ako–

    HOST: Ay ma’am ano, picture taking po muna tayo. Tapos ma’am yung question ma’am pwede po natin padala sa email address. Sa [email protected] okay po ba yun? Ma’am Leni [no audio 1:35:03 - 1:35:12].

    SEN. KIKO: Naka-mute.

    [overlapping audio 1:35:15-1:35:17]

    CRYSTAL: Ang tagal ko nag-antay ng schedule na ito..

    HOST: Sige m’aam, ano ma’am tawag dito ma’am kung sana– ma’am papadala nyo na lang po sa email or sa chat po...

    VP LENI: Baka pwede natin pagbigyan isang question kasi…

    [overlapping audio 1:35:34]

    HOST: Sige maam, sige ma'am ayan ha, si ma’am Leni na ang nag-ano, go po.. saan siya? hello ma’am?

    [Inaudible 1:35:49-1:36:02]

    SEN. KIKO: Ayan Crystal, Crystal.

    CRYSTAL: Yes, good afternoon sir. [inaudible 1:36:05] ang tagal ko po kasi talaga nitong hinantay na hindi naman regarding po sa security regarding lang po sa may sa ano lang po– sorry kinakabahan ako– yung meron po kasing nagtakas ng motor ko tapos parang ako yung hinahabol ng bangko kasi ako yung nakapangalan tapos po ang tanong ko lang po kung sakali po bang magre-renew ako ng mga requirements ko pwede po ba akong makapagrenew baka po kasi iblotter nila ako sa NBI..

    VP LENI: Na– nareport nyo maam?

    SEN. TRILLANES: Police report.

    SEN. KIKO: Na stolen.

    VPLENI: Dapat po ireport po na yan.

    CRYSTAL: Nareport ko po sa ano sa police kaya lang magbabayad ang problema po kasi Ma’am Leni ano- wala po kaming kasulatan kung baga po kasi nagtiwala lang po ako kasi sa isang tao–

    [SEN KIKO and CRYSTAL discussion 1:37:04-1:38:14]

    VP LENI: Ingat ka.

    CRYSTAL: Taga-Bicol din po ako

    VP LENI: Ah maraming Bicolano dito.

    CRYSTAL: Maraming salamat po kinakampanya po kita kahit ano mangyari. Atty Leni number 1 po kayo sa RTU Pasig.

    VP LENI: Woah, salamat salamat Crystal.

    [END 1:38:33]

    Posted in Transcripts on Dec 27, 2021