This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Remembering Jesse: Commemorating the Life and Leadership of Jesse Robredo

    Office of the Vice President

    15 August 2017

    Marikina Elementary School, Marikina , 14 August 2017

    Bago po ako magpatuloy, pagbigay-galang lang po muna sa mga opisyal na kasama natin ngayon.

    Siyempre po sa pangunguna ng ama ng Lungsod ng Marikina, palakpakan po natin Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro. Meron rin po tayong kasama na mga city officials, nandito po si Councilor Jojo Banzon; Councilor Bodjie Bernardino; Barangay Captain Bernard Bernado; Ms. Helen Go, SDS ng DepEd dito sa Marikina; dati pong DepEd Usec. Lino Rivera na tubong Marikina rin; mga minamahal po nating principal, Mr. Regie Pagtama; mga guro ng Marikina Elementary School; non-teaching staff at mga mag-aaral, both sa elementary at sa high school; sa inyo pong lahat: Magandang, maulan na hapon po sa ating lahat.

    Unang-una, nagpapasalamat po tayo kay Mayor sa pagtulong sa atin na magkaroon ng ganitong okasyon, pati na rin po kay Usec. Lino Rivera. Nagpapasalamat po tayo kay Ms. Helen, Sir Regie, sa pagbigay ng pagkakataon sa Jesse Robredo Foundation na makadaan dito para kahit papaano, ipakilala kung sino si Jesse Robredo.

    Alam niyo po, sa Biyernes, i-ko-commemorate na natin ang fifth death anniversary niya. Pero kagaya ng sabi ni Mayor kanina, siguro ang mga Grade 6 ngayon, hindi na maaalala kung sino si Jesse Robredo, kasi noong namatay siya, five years ago na ‘yon. Grade 1 pa lang kayo. Pero hayaan po ninyo ako, bilang asawa, na i-kuwento sa inyo kung sino ba si Jesse Robredo.

    Alam niyo po, siya ay tubong Naga, at noong 29 years old siya, na-elect siya bilang Mayor ng Naga. Nang ma-elect siya bilang mayor ng Naga, bagong mag-asawa pa lang kami. Wala pa kaming anak. After one year, nagkaroon na po kami ng anak. Ang anak namin, tatlong babae. Kinikuwento ko kay Mayor Marcy, Usec. Lino, na dahil lahat ng anak namin pinanganak habang mayor na ang tatay nila, lumaki sila sa City Hall. Kasi ang mayor, ‘di ba, sobrang busy. Nakikita niyo naman si Mayor Marcy, walang pahinga. Kasi ang lahat ng trabaho, at siguro lalo na si Kapitan, parang barangay captain rin ang mayor, eh. Lahat ng problema ng community, nilulugod sa mayor, sa kapitan, sa councilors.

    At dahil busy na busy siya, na-gi-guilty siya sa mga anak namin. Hindi ko alam kung ang mga tatay ninyo, busy rin. Busy rin ba ang mga tatay? Palaging na sa work, hindi ba? Kasi kailangan maghanapbuhay para mapag-aral tayo. Ang asawa ko po, ganoon rin. Pero mapalad kami, kasi puwede niyang dalhin ang mga anak namin sa trabaho. Kasi ako, nagtatrabaho rin ako. Pero dahil hindi ako ang boss, hindi ko puwedeng dalhin ang aking mga anak ko sa opisina. Pero ang asawa ko, dahil siya ang boss, nadadala niya ang mga anak namin. Kaya ang mga anak namin, doon na sa City Hall lumaki. Dala-dala lang ng asawa ko ang mga dede, laruan, tulugan at bihisan, tsaka may kasama lang na tumutulong sa kaniya. Pero ganoon siya: kahit busy sa trabaho, naging ulirang ama pa rin. Hindi siya nagkulang ng panahon sa mga anak.

    Kahit mayor siya, naging ulirang asawa siya at ulirang ama. Pero nakilala siya nang grabe sa amin, dahil kinukumpara siya sa mga dating mayor. Ang asawa ko kasi, ang klase ng pamumuno niya, ang tawag ay “tsinelas leadership,” kasi araw-araw, naka-tsinelas siya. Kahit nag-o-office siya sa City Hall, araw-araw naka-tsinelas siya. Hindi siya sanay magsapatos. Kaya dahil araw-araw siyang naka-tsinelas, parang na-associate sa kaniya iyon. Kapag nakakakita ng tsinelas, ang naaalala nila, si Mayor Jesse.

    Pero hindi lang ‘yon ang dahilan kung bakit na-relate sa kaniya ang “tsinelas leadership.” Na-relate rin sa kaniya ang “tsinelas leadership” kasi ang klase ng pamumuno niya, malapit sa mga mahihirap. Halimbawa, kapag naglilinis sa buong lungsod namin, hindi lang siya nag-oorder na maglinis, pero siya rin mismo, kasama sa paglinis. Nakapaa rin siya at nakahawak sa mga panglinis, pumuputol rin siya ng mga sanga ng kahoy, sumasama sa garbage truck para kumuha ng mga basura. ‘Yon, regular niya ‘yon ginagawa. Kaya ang pagtingin sa kaniya, hindi isang mayor na mahirap maabot. Ang pagtingin sa kaniya, mayor na kapareho lang ng ordinaryong tao.

    Matagal siyang nag-mayor ng Naga: almost 20 years, six terms. Pero pagkatapos ng three terms, kasi ang batas natin, three terms lang tapos kailangang magpahinga. Kaya pagkatapos niya mag-three terms, nagpahinga siya, tapos bumalik ulit for another three terms. Mayor siya ng Naga ng halos 20 years so maraming taga-Naga na lumaking nakilala lang na mayor si Jesse Robredo.

    Pero noong 2010, natapos ang kaniyang panunungkulan. Sabi niya, magpapahinga siya, kasi sabi niya, napakatagal na niyang naging mayor. Tapos, tamang-tama, nanalong pangulo noon si Pangulong PNoy. Noong naging presidente siya, inappoint niya ang asawa ko bilang Secretary ng DILG. Narinig niyo na ba kung ano ang DILG? Ang DILG, ang inaasikaso niya, ‘yong lahat ng mga bayan, city, provinces, barangay, at siya rin ang nag-aasikaso ng mga pulis.

    Noong na-appoint ang asawa ko bilang DILG, ‘yong dalawa naming anak, nandito na sa Maynila at nag-aaral ng college. Ang naiwan sa amin sa Naga, ang aming bunso, si Jillian, na grade school pa lamang, pareho niyo. Noong na-appoint ang tatay nila, si Jillian ay Grade 6. Naiwan siya sa Naga kasama ako.

    Ako naman, hindi ako kabahagi ng pulitika. Nag-aabogado ako noon para sa mahihirap. Kaya noong DILG na ang asawa ko, nandito siya sa Maynila kasama ang dalawang ate ni Jillian, si Aika at Tricia. Ako naman at si Jillian, naiwan sa Naga. Pero bawat weekend, Saturday at Sunday, umuuwi sa Naga si Jesse para bisitahin kami. Ganoon for two years, 2010 hanggang 2012. Bawat Sabado at Linggo, umuuwi siya sa amin. Kapag Monday to Friday, nandito siya at inaasikaso ang trabaho niya bilang DILG.

    In fact, bago siya namatay, nandito siya sa Marikina. One week before siya namatay, nagkaroon ng Habagat. Naalala niyo ba ‘yong Habagat noon? Mga bata pa siguro kayo noon. Pero noong 2012 ng August, nagkaroon ng Habagat at grabe ang baha. Pumunta siya dito. Siya sana ang mauuna kay PNoy, kasi bibisita siya noon dito, kaso hindi yata siya nakalusot hanggang dito, kaya ang asawa ko na lang ang pumunta.

    Tapos August 18, Saturday. Alam niyo si Jesse, hindi niya na-mi-miss ang mga activities ng kaniyang anak. Si Jillian ay swimmer, at sumasali sa mga swimming competition. Pumupunta nga kami sa Marikina dati, kasi minsan ‘yong mga swimming competition, dito sa Marikina. Kaya alam na alam ko ‘yong covered swimming pool ninyo, kasi nagbabantay ako.

    Noong August 18, mayroong competition si Jillian. Dati-rati, ‘yong papa niya, hindi na-mi-miss ang kaniyang mga swimming competitions. Parati siyang nanonood. Pero ‘yong August 18 na Saturday na dapat sana umuwi na siya sa Naga para mag-cheer sa competition ni Jillian, meron siyang official na lakad sa Cebu. Magsasalita siya, i-re-represent niya ang ating Pangulo sa isang malaking event sa Cebu. So sabi niya, “Ma-le-late ako sa competition ni Jillian. Pero pagkatapos ko magsalita, uuwi na ako sa Naga para mahabol ko pa.”

    So na sa Cebu siya, tapos kami, na sa isang swimming competition sa Naga. Habang nangyayari ang swimming competition ni Jillian, tawag siya nang tawag sa akin, kasi kinukumusta niya kung pang-ilan nang place, ano na ang nangyayari sa event, kumusta ang performance ng anak niya, at gusto niyang habulin.

    Dapat sana, uuwi siya noong gabi pa, pero gusto niyang habulin ang event ng anak niya, kaya sumakay siya sa isang maliit na eroplano galing Cebu. Hindi siya nag-commercial flight. ‘Di ba ang mga Cebu Pacific pati Philippine Airlines, malalaki ang eroplano nila? Sino na ba ang nakasakay sa inyo ng eroplano? Marami na. ‘Di ba ang sinasakyan ninyo, malalaki siyang eroplano? Pero wala kasing flight na Cebu hanggang Naga. Nagmamadali ang asawa ko, kaya sumakay siya sa maliit na eroplano. Apat lang sila na nakasakay. Dalawang piloto, saka dalawang pasahero. Siya tsaka ang kaniyang aide, si Jun, na isang pulis. Sumakay sila sa isang maliit na eroplano pauwi ng Naga.

    At noong nakasakay na sila ng eroplano, ako kasi ang sumusundo sa kanila sa airport. Noong sabi niyang nakasakay na siya, nag-drive na ako. Ako ang driver ng asawa ko. Nag-drive na ako papuntang airport, kasi sasalubungin ko siya. Pero hindi pa ako nakakarating ng airport, nag-text ang asawa ko. Sabi niya, babalik ang eroplano nila sa Cebu.

    Tinatawagan ko siya kasi itatanong ko sana kung bakit babalik ang eroplano sa Cebu, eh pabalik na siya ng Naga. Pero hindi ko na siya natatawagan, kasi ‘di ba kapag lumilipad ang eroplano, mahirap ang signal. Hindi ko na siya natatawagan, kaya umuwi muna ako sa amin para maghintay ng instructions niya. Ang akala ko, babalik ang plane niya sa Cebu, tapos sasakay sa mas malaking eroplano para makauwi.

    Pero hindi na siya nakauwi. ‘Yon pala, nagkaroon ng diperensiya ‘yong kaniyang eroplano papuntang Masbate. Alam niyo ba kung nasaan ang Masbate? ‘Di ba ‘yon ‘yong nasa pinaka -dulo ng Luzon, parang naka-usli doon, ‘yon ang Masbate. Unang madadaanan ang Masbate galing Cebu papuntang Naga. ‘Yon pala, noong malapit na sa Masbate, nagkaroon ng diperensiya ang eroplano. Sinubukan sana nilang mag-emergency landing sa Masbate, pero hindi sila pinalad. Bumagsak ang eroplano sa dagat ng Masbate, malapit sa airport.

    Pero hindi ‘yon ang mas nakakapanlumo. Noong tinawagan kami na naaksidente ang eroplano, hindi mahahanap ang eroplano sa loob ng tatlong araw. Maraming-marami nang government officials ang nandoon na sa Masbate, kasama na si Pangulong Aquino. ‘Yong ating Navy at Coast Guard, nandoon na. Tulong-tulong na hinahanap ang eroplano sa ilalim ng dagat. Hindi siya nahahanap.

    Noong patapos na ang pangalawang araw, kaming mag-iina, nawawalan na kami ng pag-asa na mahahanap pa siya, kasi napakarami nang kuwento ng eroplanong nahulog sa dagat na hindi na mahanap.

    Pinagdasal namin na kahit mahanap na lang ang eroplano. At pinakinggan ang aming dasal. Pangatlong araw after August 18, noong August 21, ‘di ba may ginugunita rin tayo noon? August 21, ginugunita natin na namatay si Ninoy Aquino. August 21 rin nahanap ang eroplano.

    Napakasakit na pangyayari, kasi ‘yong inaasahan namin na darating siya sa amin na buhay na buhay, masaya kami kasi magkakasama kami ng weekend. Pero ito, dumating siya sa amin na nasa body bag. Nakasakay siya sa eroplano, at hinatid siya ni Pangulong Aquino sa amin.

    Isa siya sa pinakamalaking trahedya sa amin. Si Jillian noon, 12 years old. Sino dito ang 12 years old? Kapareho ninyo si Jillian. Bata pa noong nawalan ng tatay.

    Pero noong namatay siya, nagulat kaming lahat kasi parang hindi lang kami na pamilya niya ang nagdadalamhati. Sobrang dami ng tao na nakiramay sa amin, at sobrang dami ng tao na nakiiyak rin sa amin. Kaya kami nagulat: “Bakit ganoon? Bakit marami ang kumikilala sa kaniya?”

    ‘Yon pala, kinikilala siya dahil pambihira siyang public official. Siya ang sobrang tagal na nanungkulan sa bayan na hindi yumaman. Dati noong binibisita kami ng mga tao noong namatay na siya, pumupunta ‘yong mga tao sa Naga, nakikita ang bahay namin, nagugulat, kasi nakatira kami sa isang apartment. Hanggang ngayon. Sabi nila, “Ang tagal-tagal ni Mayor Jesse na naging mayor, dito lang ba kayo nakatira?” Maliit lang na bahay, isang apartment.

    ‘Yon pala ang mahalaga sa tao, na magkaroon ng public official na hindi pinayaman ang sarili. Kaya ngayon, naghahanap tayo ng mga ganoong opisyal. Mayroon naman. Marami namang public officials na kahit matagal nang nanungkulan, hindi yumaman, na kahit matagal nang nanungkulan, simple pa rin ang pamumuhay.

    Kaya ngayong wala na siya, almost five years na siyang wala, kinikuwento natin parati ang kaniyang kuwento – para magbigay ng inspirasyon, hindi lang sa mga kabataan tulad ninyo, pero para magbigay inspirasyon sa mga public officials na pareho niya din. Puwede naman palang manungkulan na natatapos na malinis pa rin. Puwede naman palang manungkulan na hindi nagpapayaman sa sarili. Dahil marami ang nagmamahal sa asawa ko, ang lesson noon: ang hinahanap pala ng tao ay ‘yong mga public officials na ganito.

    Kaya ngayon, five years na. ‘Yong kaniyang bunso na 12 years old, 17 years old na ngayon. Grade 12 na sa Senior High. Noong namatay ang tatay niya, ang liit-liit pa ni Jillian. Pero ngayon, dalaga na rin, tulad ng iba nating kasama. Wala na ang tatay nila, at siyempre malungkot dahil wala na siya, pero nakakataba ng puso kasi bawat nakakausap ng aking anak na nakilala ang tatay nila, pinupuri ang kanilang tatay.

    At ‘yon ang parati naming sinasabi: Ang responsibility namin bilang pamilya niya ay ingatan namin ang kaniyang pamana. Gagayahin namin ang halimbawa na ibinigay niya sa amin. Kaya ngayon na ako ay public servant na rin, parating nag-e-exert ng effort na kahit papaano, maging kagaya niya.

    Kaya ngayong hapon, nagpapasalamat kami kay Mayor, kay Ma’am Helen, kay Sir Regie, at sa inyong lahat, sa pagbibigay sa amin ng panahon, na kahit sa maiksing panahon, ay naipakilala namin kung sino si Jesse Robredo.

    Maraming salamat at magandang hapon muli sa inyong lahat.

    Posted in Speeches on Aug 15, 2017