This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Q&A at the Townhall Meeting with Marikina Shoe Exchange

    Q&A at the Townhall Meeting with Marikina Shoe Exchange

    INTERVIEWER: Salamat sa pag papa unlak ng invitation VP Leni! Inarrange natin tong ang event na ito para makilala kayo ng ating mga kasama sa Marikina Shoe Exchange. Kanina pinalabas po namin sa video yung kwento ninyo mula sa pag graduate sa UP BA Economics, ‘yung pagtulog po ninyo sa bangka, hanggang sa naging Congresswoman po kayo. Maam, can you share with us kung ano po yung personal belief o mantra ninyo para makayanan ‘yung mga gabundok na pagsubok?

    VP LENI: Ako kasi, siguro maraming magulang dito o maraming nanay na andito. ‘Yung sa akin, ‘yung lakas kasi hindi naman ‘yun mula sa umpisa, sobrang lakas mo na. Pero ‘yung lakas, isang bagay na nade-develop mo all the years lalo na kung marami kang kahirapan na pinagdaanan. Pag madali sayo lahat, ibang klaseng pagkatao mo diba?

    I’m sure makakarelate kayong lahat pero ‘yung, halimbawa, sa akin, naging mahirap ‘yung journey ko kasi nag-asawa akong maaga. Nag-asawa akong maaga right after college. Nagtrabaho ako for a year sa isang government office. ‘Yung una kong trabaho, doon ko nakilala ‘yung asawa ko kasi siya ‘yung boss ko. So at 22, nag-asawa na ako. Nag-asawa ako ako 22, pero kasi pangarap ng magulang ko sa akin, lalo na ‘yung tatay ko, mag-abogado ako. So nung namanhikan ‘yung magiging asawa ko, isa sa mga hiningi sa kanya ng tatay ko na kailangan niyang maipangako na kahit mag-asawa na kami, magiging abogado pa din ako. So alam mo ‘yun, parang pinagtulungan ako ng magulang ko saka ng asawa ko na kahit mahirap, kailangan mag-abogado ako. Pero ang problema ko nun, hindi naman ako puwedeng huminto magtrabaho kasi kailangan may kita ako. Kailangan may trabaho ako so nagtrabaho ako. Teacher ako ng Economics during the day – nagtatrabaho ako from 8 to 5. Tapos 5:30-8:30 ng gabi, nag-aaral ako. Nung wala pa kaming anak, manageable siya. Pero nung nagkaroon na kami ng anak, pinanganak ko na si Aika, doon siya naging mahirap. Naging mahirap siya kasi siyempre, nagpe-prepare ako para sa klase, tapos pagkatapos nun, magpe-prepare ako para sa recitation sa law school. Tapos pag-uwi ko ng 8:30, mag-aalaga ko ng anak. ‘Yung asawa ko nun, mayor na pero kahit hindi naman ako very active na first lady, kailangan pa ring tumutulong pa din ako. So ang dami kong roles na piniplay. Napakahirap niya na ilang beses pinagplanuhan kong huminto ng pag-aaral ng law. Pero each time nagpa-plano akong hihinto, nireremind ako ng asawa ko ng promise niya sa tatay ko na mag-a-abogado ako. So naging mahirap siya. Ang ginawa ko na lang, nagde-deload ako. Hindi na ako full-time student. Paunti-onti na lang ‘yung kinukuha kong subjects para magampanan ko ‘yung lahat na roles.

    Natapos din pero nung natapos ako, dalawa na ‘yung anak ko. Dalawa na ‘yung anak ko nung naging abogado ako. ‘Yung pinakauna kong trabaho as a lawyer sa PAO. I’m sure naririnig n’yo na ‘yung PAO. ‘Yung trabaho ng PAO, kami ‘yung nag-a-abogado sa mga kliyente na nasasakdal pero walang pambayad ng abogado. So ‘yun ‘yung trabaho ko [noong] first years ko bilang abogado. Ang naging problema ko lang doon – happy na sana ako sa trabaho – pero ang naging problema ko doon, ‘yung asawa ko, mayor eh. ‘Yung asawa ko, mayor, siya ‘yung nagpapahuli ng mga drug addict, tapos ako ‘yung magdedepensa. So parang nagkaroon ng conflict ‘yung aming trabaho. So naghanap ako ng ibang trabaho na walang conflict sa asawa ko.

    ‘Yung nahanap ko, isang NGO. Ang pangalan niya, SALIGAN. ‘Yung trabaho sa SALIGAN, NGO siya ng mga abogado pero ito ‘yung mga abogado na hindi magara ‘yung mga damit. Ito ‘yung mga abogado na, ‘yung trabaho namin, nasa communities. Nandoon kami sa mga pinakamahihirap na communities – sa mga magsasaka, mga mangingisda, mga urban poor, mga manggagawa, mga IPs, women, and children. Ang ginagawa namin, parang community organizing. Ino-organize namin sila tapos tinuturuan sila ng mga karapatan nila sa ilalim ng batas sa paniniwala na pag alam nila ‘yung karapatan nila, in a better position sila para depensahan ‘yung sarili nila – lalo na sa mga lugar na walang available na abogado. So ganun ‘yung trabaho ko for more than ten years.

    Siguro ‘yung sabi nga ni Tiff na nakwento na ano ‘yun, buntis na buntis ako sa pangatlo kong anak. Dahil nasa fishing community kami, wala namang matutulugan na iba, bangka lang ‘yung matutulugan. Ano ‘yun talaga, ang baon lang namin, Off lotion para hindi kami papakin ng lamok. Pag nasa farming community kami, ang mga tinutulugan namin, ‘yung mga bubong pero walang dingding. Pero ganun ‘yung buhay na nagpasaya sa akin. More than ten years, ganoon ‘yung trabaho ko. Nabago lang ‘yung mundo ko kasi naaksidente ‘yung asawa ko.

    Noong 2012, habang ‘yung asawa ko, DILG Secretary, pauwi siya sa amin galling sa Cebu – mayroon siyang official function sa Cebu – pauwi siya sa amin sa Naga, nag-crash ‘yung kanyang eroplano sa may Masbate. So namatay ‘yung asawa ko. Three days na hindi namin mahanap ‘yung katawan kasi nasa ilalim ng dagat. Three days namin hindi mahanap ‘yung katawan. Tatlo ‘yung anak kong babae, ‘yung pinakabunso, 12 years old pa lang. Noong nangyari ‘yung aksidente, ‘yung asawa ko, 5 years old so bata pa. Ako, 47 yata ako noon. Napakahirap. Ewan ko kung meron ditong mga single parents pero napakahirap diba? Napakahirap itaguyod ‘yung tatlong anak na mag-isa ka.

    Naalala ko ‘yung pinakaproblema ko noon kasi ‘yung pangalawa ko, nag-aaral sa Ateneo. Eh ang mahal ng tuition sa Ateneo so iniisip ko, “Naku! Paano ko na kaya maipapagpatuloy kasi tatlo ‘yung aasikasuhin ko.” Tamang-tama, nasa wake pa ng asawa ko, sumulat ‘yung Ateneo sa anak ko na nalaman nila, namatay ‘yung asawa ko, sinoscholar nila. Naging scholar si Tricia hanggang matapos siya. Si Tricia, ‘yung doktor ngayon. So si Jillian, scholar din. Nag-high school siya sa Philippine Science High School. Si Aika, ‘yung panganay at that time, nagtatrabaho na. Kauumpisa pa lang magtrabaho. So ganoon yung naging buhay namin. Itinaguyod. Mahirap pero kinaya.

    Tapos malapit na kasi mag-eleksyon, 2013 elections. Nagkaroon ng problema ‘yung mga kapartido ng asawa ko sa amin sa Naga. Hindi nagkasundo-sundo. Sinubukan ko sana ayusin, hindi naayos. Noong hindi naayos, ako na ‘yung nagkandidato. Natulak ako para hindi na magkagulo pa. Pero ang usapan namin, one term lang ako. So nagkandidato akong Congresswoman, wala akong kakampi, wala akong – yung lugar kasi namin, one city and eight towns, - yung kakampi ko lang isang mayor, ‘yung mayor ng Naga City. Pero ‘yung seven towns, sa kalaban ko kasi ‘yung kalaban ko, nanggaling sa napakalakas na political dynasty sa amin na matagal nang nakaupo. Naalala ko sobrang hirap kasi ‘yung mga kapitan, 186 barangays, 25 lang na kapitan ‘yung kakampi ko. Lahat, sa kalaban kong kumampi. Wala akong kapera-pera. Wala ako ni isang rally kasi wala akong pambayad ng sound system. Talagang dinaan ko lang sa sipag. Pero nung nag-eleksyon, landslide ‘yung panalo ko. So sa akin, nung nanalo ako ng landslide, akala ko hindi ako mananalo kasi talagang sobrang kawawa nung aking kampanya. Akala ko hindi ako mananalo kasi grabe ‘yung bilihan ng boto. Pero nung nanalo ako na landslide, naniwala ako. Naniwala ako na totoo talaga ang pera, pero hindi siya ‘yung nagpapapanalo sa eleksyon dahil ‘yung tao, kapag nakikita ka na kilala ka, mas pipiliin niya pa rin ‘yung makakabuti sa kanya.

    So noong Congresswoman na ako, dapat three years lang ako, one term lang. Sinipagan ko talaga. Napakasipag ko sa legislative work. Marami akong panukalang batas na inihain; maraming naging batas. Pero karamihan sa mga sektor na tinutulungan namin tapos marami ‘yung mga anti-corruption measures pero noong panahon na ‘yun, sigurado ako na hindi na ako magkakandidato kasi ‘yun ‘yung promise ko sa mga anak ko. Na in fact kausap ko na ‘yung susunod sa akin, sabi ko, sa lahat na lakad ko, sumama ka na kasi ikaw na ‘yung susunod so kasama ko na siya sa lahat na lakad.

    Noong mag-e-eleksyon ng 2016, biglang walang Vice Presidential candidate ‘yung partido namin. ‘Yung mga inaya namin, umayaw. So biglang ako na ‘yung natulak. Wala naman akong paghahanda. Naalala ko ‘yung mga kalaban ko, anim kaming magkakalaban. Ako lang ‘yung babae, ako lang ‘yung bagong salta. Yung iba kong kalaban, mga incumbent senators. So nagsimula ako sa surveys, ako ‘yung pang-anim sa aming anim pero sinipagan namin. Talagang ako talaga, masipag talaga akong gumalaw. Alam iyon ni Tiff kasi si Tiff nakasama ko na noong 2019. Nakaya naman. ‘Yung panalo ko noong 2013, naulit ko ‘yun noong 2016 pero ‘yung hindi ko inaasahan, naging sobrang hirap noong pag-upo ko bilang Vice President.

    Ang pinakauna dahil merong protest case laban sa akin. So dahil sa protest case, naniniwala ‘yung maraming mga tao na nandaya ako sa eleksyon na hindi talaga totoo. Pero ‘yung kabutihan lang, after so long, nagdesisyon na ‘yung Supreme Court: Talagang walang pandaraya na nangyari. Pero after ‘yun ng limang taon; parang last year lang nadecide finally. Nagkaroon pa ng revision. Nagbilangan ulit. ‘Yung pinagdaanan kong pangungutya, grabe. Hindi lang ‘yun. ‘Yung opisina naman namin, napakaliit ng mandato, napakaliit ng pera tapos hindi pa ako welcome sa karamihan ng mga government agencies. So talagang ano, super kayod kami.

    Na naghahanap kami ng mga puwedeng makatulong sa amin para makapagsilbi kami sa karamihan pero naging very successful kami dito. Nilaunch namin ‘yung Angat Buhay, ‘yung aming anti-poverty program. 2016 pa ‘yun. Inasikaso namin na maging mahusay ‘yung aming opisina. Pag-upo ko pa lang, nag-apply kami ng ISO and since 2017 until the present, ISO-certified ‘yung aming opisina. Inasikaso namin na malinis ‘yung lahat ng aming proseso so from 2018 until the present, nakuha namin ‘yung highest COA rating and dahil naprove namin na malinis ‘yung pamamalakad sa aming opisina, maraming private organizations ang tumitiwala sa opisina namin. So nabuhay kami ng dahil sa tulong from the private sector. Nakakatulong kami sa mga communities dahil sa private sector. Ang ginagawa namin: Naghahanap kami ng mga communities na kailangan ng tulong, pinipresent namin sa mga private sector. Para kaming namamalimos para makadala sila ng tulong sa mga communities and after five and a half years, ang dami naming natulungan na communities.

    Tapos nangyari ‘yung pandemic. Noong nangyari ‘yung pandemic, maraming nagulat kung bakit marami kaming nagagawa. Maraming nagulat kung bakit mabilis kami gumalaw. ‘Yung parati naming sinasabi, ganito kami lagi since 2016, nahighlight lang siguro because of the pandemic kasi noong 2016 until 2020, wala namang nakakaalam ng mga ginagawa namin. Pero all of a sudden because of the pandemic, na-highlight iyong ginagawa natin, nagugulat iyong tao. Nagugulat iyong tao na bakit namin nakakaya? Bakit ang dami naming nagagawa? And ang dahilan ko nga noon, praktisado na kami, eh. Kasi since 2016, ito na iyong ginagawa namin. Halimbawa, may bagyo. Parating pa lang iyong bagyo nakahanda na kami. Parating pa lang iyong bagyo mayroon na kaming pagkain na naka-preposition doon sa mga lugar na tatamaan ng bagyo. So kapag may nangyayaring sakuna, ready na kaagad kami. Kami iyong kadalasan—kadalasan kami iyong una na nasa ground. So lahat na baha, lindol, sunog, nandoon kami. Noong pandemic naman, ang alam ng lahat iyong shuttle services. Nawala iyong public transportation today, bukas mayroon na kaming shuttle services. Nagawa namin iyon dahil marami na kaming partners. And iyong pag-desisyon namin, talagang mabilis lang. Noong nawalan ng PPE sets, kami iyong nakakabigay ng napakarami. Bakit namin iyon nagawa? Kasi hindi pa tumatama iyong pandemic dito, handa na kami. Pinaghandaan na namin, mayroon na kaming nabili na mga PPE sets. Tapos noong kuma-kaunti na iyong supply na pumapasok dahil buong mundo naghahanap na ng PPE sets, nakahanap na kami ng mga communites na magtatahi noong mga PPE sets. Mayroon na kaming mga partner na mga doktor. So ang daming mga lugar sa Pilipinas na talagang kami iyong nagsu-supply ng PPE sets—from Batanes to Tawi-Tawi iyon. Marami—halimbawa nakapagbukas kami ng mga dormitories doon sa mga lugar na—kasi ang tagal walang pasok iyong mga bata, ‘di ba. Nakapagbukas kami ng mga community learning hubs, nakapagbigay kami ng mga gadgets, nakapagbigay kami ng mga trainings sa mga teachers at saka sa mga magulang. Halimbawa, noong kasagsagan ng lockdown, mayroon kaming community marts na mayroon kaming shoppers na sila iyong mga nasa palengke, na sila iyong namamalengke para doon sa mga mamamalengkeng hindi nakakalabas ng bahay. Ang nagde-deliver mga tricycle drivers. Mayroon kami nito sa Quezon City, sa Pasig, at saka sa Muntinlupa. Mayroon kami hanggang ngayon noong jobs matching platform sa mga nawalan ng trabaho para hindi ikot nang ikot, puwede kang mag-apply online. At one point, 29,000 na trabaho iyong available. Ngayon, mayroon kaming mga skills training kasi ang daming available na jobs na walang—kulang iyong qualified na mga kababayan natin kasi may special skills na required.

    So iyong—sinasabi ko lang sa inyo ito kasi minsan ang tinggin sa pulitika hindi maganda. Minsan ang tingin sa pulitika bulok. Minsan ang tingin sa pulitika masama. Pero na-prove namin noong kami iyong nagtatrabaho, na ang pulitika, puwede naman siyang maging mabuti. Puwede siyang magamit para makabigay ng maraming kabutihan sa mga tao. Marami kaming mga partners na hindi lang naman iyong mayayaman iyong partners namin pero marami kaming partners na mga ordinaryong tao—mga ordinaryong tao na gustong makatulong. Iyong mga dino-donate dito sa amin, hindi naman malalaking pera. Actually, karamihan sa mga donations P50, P100 galing sa mga tao na hirap na sa sariling buhay nila, pero gusto pa nilang makatulong. Kaya kailangan lang na ang tao may tiwala sa gobyerno. Kasi kapag ang tao may tiwala sa gobyerno, ang dami niyang magagawa kasi cooperative iyong tao. At iyon iyong na-experience namin dito sa Office of the Vice President.

    Ang balak ko talaga hindi na ako magkakandidato. In fact, in the last two months, ang ginagawa ko sana kinakausap ko iyong mga presidential contenders para mag-unite. Kinakausap ko para mag-unite kasi sabi ko hindi na ako kakandidato, susuporta na lang ako. Pero nag-fail—nag-fail iyong aking mga efforts to unite the candidates hanggang na-nominate ako ng 1Sambayan, naging kandidato na ako.

    Pero noong naging kandidato na ako, wala akong masyadong expectations kasi mababa ako sa survey, kinukutya nga ako ng mga tao. Alam ko na grabe iyong disinformation in the last six years. Talagang maraming mga fake news na hindi mo ma-blame ang tao na pinapaniwalaan nila ito kasi magbukas ka ng Facebook, magbukas ka ng YouTube, magbukas ka ng TikTok, maraming kasinungalingan na hindi mo na alam alin iyong totoo, alin iyong hindi. And talagang maraming mga tao iyong naniniwala. Halimbawa, maraming tao na gusto itong kandidato na ito dahil sa nakita nila, dahil sa nakita nila sa Facebook o sa YouTube o maraming mga tao na ayaw sa kandidatong ito dahil din sa paninira na nakikita nila. So ang iniisip ko, masyado na akong na-demonize over the past five years na no chance ako dito, so hindi ako magkakandidato.

    Pero noong nag-announce ako noong October 7, gulat na gulat kami. Gulat na gulat kami sa klase ng volunteerism na nakita. I am sure si Tess at saka si Abi nakikita rin ito na hindi natin inaasahan. Ang dami ko nang eleksyon na dinaanan. First time ito ngayon na iyong tao, iyong volunteers, talagang grabe iyong passion. Grabe iyong commitment na tumulong. In fact, hindi pa kami handa kasi nga late akong nag-decide. Hindi pa kami handa, iyong mga volunteers handa na. Every time na bababa kami sa ground, ang dami nang mga tarpaulin, ang daming mga stickers. May mga lugar na ang daming headquarters. Lahat galing sa volunteers. Iyong mga t-shirts, iyong mga kung ano-anong merchandise. Ngayon nga—ito, ipapakita ko—ngayon nga may nagbigay sa akin… pink na Christmas tree, o ‘di ba. [laughs] Ngayon lang ito binigay kaya nandito sa akin. Parang ang dami naiisip, ang daming creative minds na hindi ko inaasahan na ganito. Marami na akong lugar na napuntahan. Galing na akong Cagayan de Oro, Bukidnon, Iligan, Marawi, Bacolod, Tarlac. Kahapon, nasa Nueva Ecija ako galing na kaming Batangas, galing na kaming Cebu, pare-pareho iyong nakikita namin na grabe iyong… grabe iyong volunteers ngayon. Nagpapalugaw, nagtu-tutor iyong iba. Ang daming ginagawa ng iba para makatulong sa kampanya. And I think what makes this campaign special is iyong supporters, hindi lang simpleng supporters ko. Pero iyong supporters ngayon are acting as if this is the fight of their lives, ‘di ba, Tess and Abi. Nakikita niyo ito sa supporters natin, sobra-sobra. Sobra-sobra. And alam ko na maraming ground na kailangang i-cover kaya sobrang sipag ko ngayon at paos na paos na rin ako kasi from morning ’til night, talagang nasa lakad kasi maghahabol nga. Kasi siyempre iyong iba nakapaghanda na for many years tapos tayo ngayon lang nakapag-decide.

    Pero iyong sa akin, iyong worry ko lang, okay nga iyon, ang daming desididong gumalaw. Wala pa kaming sinasabi, nagse-self-organize talaga iyong iba. Nalalaman na lang namin kung ano iyong mga initiatives. Pero iyong worry lang namin iyong disinformation kasi laganap pa rin—laganap pa rin iyong disinformation, grabe iyong propaganda online. Marami iyong mga nababasa na hindi totoo na baka maka-affect ito sa pag-desisyon ng tao. Halimbawa, example lang, ano ba iyong number one na fake news laban sa akin? Ang number one na fake news na bobo ako. Tapos kapag tinanong mo, “papaano mo nasabi na bobo ako?” Sasabihin niya, “kasi hindi ka nga marunong mag-multiply ng 4x40—napanood niyo na ba iyon?

    TLR: Yes, Ma’am. Iyong sa bigas, oo.

    VP LENI: “Hindi ka marunong mag-multiply ng 4x40 kasi ng computation ng 4x40 is 1,600.” Mali naman, ‘di ba. Mali nga naman kasi talagang ang 4x40 hindi naman talaga iyong 1,600. Pero kapag tiningnan niyo iyong video, pinutol nila iyong video kasi iyong video ang sinasabi ko, 10x4x40 = 1,600. And iyon, iyong discussion na iyon—just to give you context—tungkol iyon sa bigas. Kasi may mga kausap ako na media na kino-compute namin kung magkano ba talaga dapat iyong assistance ng pamahalaan sa isang pamilyang Pilipino dahil sa taas ng presyo ng bigas. At the time na kino-compute ko, iyong 10 iyon iyong average number of kilos na kino-consume ng isang family a week. Iyong four kasi four weeks in a month. Tapos iyong 40, iyon iyong presyo dati noong per kilo of rice. So 10x4x40, ang 1,600 iyon sana iyong assistance na kailangan. Pero dahil tinanggal nila iyong 10, ang nakikita lang ng tao 4x40 = 1,600 pero ang lakas ng chorus—ang lakas ng chorus na, “ay ang bobo talaga niyan.”

    Mayroon pang isa. Iyong isa pa sabi ko raw, “I have three daughters and they are all girls.” ‘Di ba? Kung iyon lang iyong papakinggan mo talaga namang, “ang bobo naman nito kasi dapat siyempre, daughters, girls. Pero, actually, iyong context noon, ang sinasabi ko “All daughters are Papa’s girls.” Meaning to say, na very close sila sa kanilang papa noong nabubuhay pa. So dahil tinanggal iyong “Papa’s girls,” iyong nakakanood, “Ah, talaga naman, talaga naman, sobrang bobo niya.”

    So ang gusto ko lang sabihin, mayroon namang iba-ibang choices, ‘di ba? May mga tao na hindi tayo type. Pag nakita tayo, naiinis na sa mukha natin, okay lang iyon. Pero iyong wino-worry lang natin, na iyong choice naka-base sa maling information. So iyon iyong kailangan labanan ngayon. Halimbawa, marami iyong sinasabi– Halimbawa, iyong lugaw. Saan ba nanggaling iyong lugaw? Nanggaling iyong lugaw sa effort ng volunteers natin noong 2016 na mag-fundraise para itulong sa atin. So marami tayong volunteers na nagluluto sila ng lugaw, tapos binebenta nila ito na sa during fundraising dinners, or fundraising breakfast or lunch. So nauso noon iyong “Lugaw for Leni”. So ang tawag nila sa akin, “Lugaw Queen.” Pero para sa akin, ano naman ngayon, ‘di ba? Inembrace na nga natin iyon. In fact, marami tayong volunteers na inuulit na iyong ginagawa dati. Pero kaya the reason why gusto ko ito i-discuss ngayon, kasi iyong wish lang sana natin, na sana iyong disinformation, nalalabanan. Maraming nababasa sa Facebook, sa YouTube, sa Internet o napapanood na hindi talaga totoo. And iyong worry natin, magde-decide iyong tao based doon. So ang panawagan lang natin ngayon, hindi naman—hindi naman natin hina-hard sell na dapat ako ang iboto. Pero sana lang, iyong magiging basehan ng choices natin, based on correct information. Ako, malaki iyong respeto ko sa maraming mga kababayan natin na—maraming kababayan natin na, iyong sabi ko nga, na hindi naman kailangan mayaman para tumulong. Halimbawa, noong pagpunta ko sa Tarlac, may isang nanay na naglagay ng—hindi ko nga alam na pera pala iyon sa palad ko—pagtingin ko P200 na nakakunot. Sabi ko, “Ano po ito?’” Sabi niya, “Ma’am, nag-promise po ako sa anak ko na talagang ibibigay iyan sa iyo, kasi sinave po ng anak ko iyong kaniyang allowance na ibibigay niya sa iyo. Tapos pagpunta naman namin sa Cebu, mayroong isang pari. Mayroon isang pari nagbigay sa akin ng envelope. So ang point ko niyan, iyong envelope na iyon, kabibigay lang sa kaniya ng simbahan. Mayroon silang monthly allowance, hindi niya kukunin iyong monthly allowance kasi itutulong niya sa akin. Tapos mayroon tayong OFWs na supporters na mayroon silang clothing allowance, hindi nila– Iyong clothing allowance nila dapat sana para sa kanila na iyon, itutulong pa.

    So para sa akin, grabe iyong spirit ng compassion at saka pagmamahal sa puso ng bawat Pilipino, na kilangan lang natin ma-harness para makadala ng kabutihan. So ako, lagi din ako nakikipag-usap sa ating mga supporters na pag minsan nagkakapikunan online, ‘di ba? Kadedepensa sa mga kandidato natin, nagkakapikunan online. Pero sino kaya? Sino ang lugi pag nag-away-away tayo? Ang lugi din, tayo. So ang aking pakiusap, na mayroong mas mabuting paraan para mag-depensa. Kung may kasinungalingan, kailangan talagang i-correct. Pero sana sa mas mahinahon na paraan, na hindi tayo nagne-name calling. Grabe na kasi ang kantiyawan, ‘di ba? Grabe na ang kantiyawan online. Sana… sana ginagawa siya sa mas mahinahon na paraan kasi isang pamilya lang naman tayo. Isang pamilya lang naman tayo, isa iyong paniniwala. Lahat naman tayo naghahangad maging mabuti iyong bansa natin. Na sa prosesong pinagdadaanan natin ngayon, na tinutulungan natin iyong mga kandidatong gusto natin, sana hindi nagkakasakitan. Sana hindi nagkakasakitan. Sana ang pino-promote pa rin natin iyong mga paniniwala na pinapaniwalaan natin. Parang magulang din. Parang magulang tayo ng mga anak natin. Alam natin na kung nadedehado natin iyong mga anak natin, huwag natin turuan na lumaban in the manner na ginagawa ng iba. Turuan natin silang depensahan iyong sarili nila sa isang bagay na hindi nila ikakasama.

    So iyong sa akin, everyday, iyon iyong aking pakiusap. Kasi marami sa aming supporters nangkukuwento, “Marami na kaming in-unfriend, marami na kaming inaway.” so sa akin, nato-touch naman ako na may mga ganiyan, pero I think kailangan na natin mag-simula na maghawaan ng mahabang pasensya, ng mas pag-iintindi, mas mahinahon na pag-uusap. Kung hindi natin nakumbinse, ‘di bale na. Basta sumubok tayo. Pero alam ko napapahaba naiyong kuwento ko. Gusto ko lang magpasalamat. Gusto kong magpasalamat sa inyong lahat sa pagbibigay sa akin ng panahon ngayon, ngayong hapon. Ibang-iba na iyong lakad ngayon kasi marami, on Zoom dahil sa mga physical distancing protocols. Pero nagpapasalamat ako sa lahat na sakripisyo na pinagdaanan ninyo lalo na noong pandemic. Alam ko na hindi ito naging madali sa ating lahat, pero iyong opisina po namin, nandito lang. Kung maroong mga nangangailangan ng assistance, livelihood assistance, mayroon po kaming mga programa sa Office of the Vice President. Since 2016 pa po itong programang ito na handa kaming tumulong to anyone. So maraming salamat po ulit. Mag-iingat po kayo lagi. Mabuhay po kayo lahat.

    INTERVIEWER: Ma’am, puwedeng pasingint ng isang question lang? Very light question lang.

    VP LENI: Okay po.

    INTERVIEWER: Ano po iyong routine ninyo pag umaga as VP?

    VP LENINTERVIEWER: Ako, umiba siya after the announcement. Kasi before the announcement, mas—parang hindi pa—paggising ko kasi, nagsisimba ako sa Youtube. Nagsisimba ako sa YouTube, pero habang nagsisimba ako, iyon na din iyong oras ko mag-kape. So nagkakape, nagsisimba, pagkatapos noon, at saka ako maliligo, mag-oopisina. Pero ngayon, naiba na. Hindi na ako nakakapag-simba araw-araw kasi may mga araw na sobrang nagmamadali. Sobrang nagmamadali kasi kailangan na makapunta sa pupuntahan. Halimbawa, kahapon, sa Nueva Ecija. Parang alas-singko pa lang, kailangan na gumalaw kasi male-late na sa pupuntahan kasi bibiyahe pa. So iba-iba siya. Dati, nakakauwi ako, ako ng maaga. Ngayong pandemic, nakakauwi ako ng maaga, ako iyong nagluluto ng dinner namin everyday. Pero since the announcement, iyong anak ko ng panganay kasi lagi na akong late na umuuwi. So ang ano ko lang sa kanila, ang dami ko ng utang sa inyo, babawi ako after the campaign. So iba-iba siya. Pero mas—iyong mga nanay naman ganoon. I’m sure. Kahit na ang daming pinagkakaabalahan, priority pa din iyong pag-asikaso sa needs ng mga anak, ‘di ba?

    [58:00]

    • 30 -

    Posted in Transcripts on Nov 16, 2021