This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Puso at Husay

    Message of VP Leni Robredo at the Centennial Celebration of Muntinlupa City

    Muntinlupa Sports Complex, Brgy. Tunasan, Muntinlupa City

    delivered 19 December 2017

    Maraming salamat po. Maupo po tayong lahat.

    Congressman Ruffy Biazon at ang inyo pong maybahay; Mayor Jaime Fresnedi at saka iyong [inyong] buong pamilya; Vice Mayor Celso Dioko; iyong mga miyembro po ng ating Sangguniang Panlungsod; ang matalik pong kaibigan ng aking yumaong asawa, Mayor Toting Bunye; former Vice Mayor Alcaraz; Justice Andy Reyes; PCGG Commissioner Rey Bulay; Engr. Allan Cachuela, ang ating pong City Administrator and the members of the Muntinlupa Centennial Commission; iyong ating pong mga department heads; iyong ating mga barangay captains at saka mga barangay officials; iyong mga kinatawan po ng iba’t ibang mga organisasyon dito sa Muntinlupa; representatives from the Philippine Chamber of Commerce and Industry; iyong mga business partners; ang Lungsod ng Muntinlupa Artists Society; all the other former officials of Muntinlupa; my fellow workers in government; ladies and gentlemen: Magandang, magandang hapon po sa inyong lahat!

    Maraming, maraming salamat po sa pag-iimbitang muli sa akin dito sa Muntinlupa. Isa pong napakalaking karangalan na makasama kayo sa inyong napaka-espesyal na okasyon. Kung hindi po ako nagkakamali, pangatlong pagkakataon—tama ba, Mayor?—pangatlong pagkakataon na [ito] na nakasama ko po kayo sa mahahalagang okasyon ninyo.

    Iyong pinakaunang foundation anniversary na napuntahan ko ay noong 2015. At naaalala ko, Mayor, nahuli rin ako noon dahil sa traffic gaya po ngayong hapon. Hindi naman po ako madalas nale-late, pero noong una kong punta, na-late ako dahil sa traffic. Ngayong hapon, na-late din ako dahil sa traffic. Isang beses lang po ako, Mayor, hindi na-late. Iyong pumunta po ako dito last year, during the Women’s Month Celebration.

    Binalitaan po ako ng aking bunsong anak na si Jillian, na siya po ay nakapunta rito noong campaign season. Hindi ko po iyon makalimutan, kasi pinakaunang kampanya po iyon na dinaluhan ng aking bunsong anak, at iyon pa yata ang pinakamalaki.

    Noong umuwi po siya, ang sabi niya po, pinag-uusapan daw po sa partido na iyon na ang pinakamalaking crowd na dumalo sa kampanya. Sabi niya, “Mama, dapat ikaw ang pumunta roon, hindi ako, dahil halos hindi ako makapagsalita, kasi hiyang-hiya ako.” Pero maraming, maraming salamat po sa lahat ng pagkakataon na napakainit ng pagtanggap ng Lungsod ng Marikina sa akin at saka po sa aking… [laughter] ay, Lungsod ng Muntinlupa—nasa Marikina po kasi ako noong nakaraan—ng Lungsod ng Muntinlupa sa akin po saka sa aking pamilya.

    Masayang-masaya po ako na nakabalik ako sa inyo ngayon. Kitang-kita ninyo po naman, sa nakaraang isandaang taon, napakalayo na po ng narating ng inyong lungsod. Kanina po, ikinuwento ni Mayor ang kasaysayan ng Marikina… [laughter] Naku, kapag napangatluhan iyon, hindi na ako makakauwi. [laughter] Kanina po, ikinikuwento ni Mayor Jimmy, iyong kasaysayan ng Muntinlupa, at ikinukuwento niya po, iyong lahat ng pinagdaanan ng inyong lungsod. At iyong inyong pinagdaanan ay kuwento ng sipag at determinasyon.

    Sa nakaraan pong isandaang taon, ipinamalas ninyo ang maraming kapuri-puring ugaling Pilipino: ang pagtitiyaga, ang pagmamalasakit, at ang pagkakaisa. Mula po sa isang payak at simpleng agrikultural na pamayanan, kilalang-kilala na po ngayon ang inyong lungsod bilang isa sa pinakamahusay na lungsod sa buong Pilipinas.

    Kasabay po nito ang pag-usbong ng industriya at negosyo. Napalago rin po ninyo ang komersiyo at imprastruktura dito sa inyong lugar. Nariyan din po ang pagbuo ng isang napakatatag na LGU na sumusunod sa prinsipyo ng good governance. Kaya po, hindi nakakagulat iyong lahat ng karangalan na natamo ng inyong lungsod.

    Kanina po, nabanggit ni Mayor, kayo po ang 2017 Most Business-Friendly Local Government Unit, at ito po ay iginawad ng Philippine Chamber of Commerce and Industry. At iyong Seal of Good Financial Housekeeping, at Seal of Good Local Governance mula po sa DILG noong 2015.

    Alam ko po kung gaano kahirap makamtan ito. Iyong asawa ko po ang nagsimula nitong Seal of Good Housekeeping na naging Seal of Good Local Governance, at hindi po biro iyong pagkamit ng ganito. Pero ang Lungsod ng Muntinlupa, nakuha ninyo ang karangalan na ito.

    Sa ilalim din po ng pamumuno ni Mayor Fresnedi at ng [city officials] ng Muntinlupa, itinanghal din po ang inyong lungsod bilang 3rd Most Competitive City in the Philippines, as far as government efficiency is concerned. Ito po, nito lang siyang nakaraang Agosto, at ito po ay talagang ikinararangal natin. Noong nakaraan pong [Hulyo], ginawaran din po kayo ng parangal na Most Improved LGU in Nutrition Program Management. Kaya po, talagang kahanga-hanga ang pamamalakad ng inyong lungsod.

    Ngayong Disyembre naman po, ginawaran po ang Muntinlupa ng DOH ng Jose Rizal Award para sa inyong outstanding blood donation services. Ito po—sana tama ang aking datos—ang sabi po sa akin, nagbigay ang mahigit 200 na regular donors ng 3,856 blood units para sa mga nangangailangan. Kaya congratulations po, hindi lang po kay Mayor, pero sa buong pamayanan ng Muntinlupa. [laughter] Siniguro ko na, para hindi mapangatluhan.

    Patunay lamang po ito na sa kabila ng mga tagumpay at karangalan na inyong nakamit — ito po ang hindi nabanggit ni Mayor – alam po nating lahat na napakahusay ng Muntinlupa, pero ang hindi po binanggit ni Mayor, hindi po nakakalimutan ng Muntinlupa na magmalasakit at tumulong sa kapwa.

    Alam ninyo po, tuwing may sakuna, ang Muntinlupa po ang laging isa sa mga pinakaunang sumasaklolo sa mga nangangailangan. Ito po, personal na saksi po ako nito. Noong nakaraan pong Pasko, noong Disyembre 2016, sinalanta po ng bagyo ang aming lalawigan, iyong Camarines Sur. Pinakauna pong sumaklolo sa amin ang Lungsod ng Marikina… [laughter] Hindi na talaga ako makakauwi, Mayor! [laughter] …ang Lungsod ng Muntinlupa. Naku, papaano pa kaya ako uuwi? Uuwi pa naman ako ngayon sa Naga.

    Ito po, alam ninyo po, noong sinalanta kami ng Typhoon Nina, unang-una po ang Lungsod ng Muntinlupa na sumaklolo sa amin. Alam ninyo po, napakalawak po ng extent ng damages noong bagyong iyon. Pero kasama po ang inyong lungsod, gaya ng sabi ko kanina, sa pinakaunang sumagot ng aming mga panawagan upang matulungan po iyong mga kababayan naming nangangailangan.

    Nagbigay po ang Muntinlupa ng financial assistance sa mga heavily damaged na mga municipalities. Kung inyo pong maaalala, Mayor, nagbigay po kayo ng kalahating milyong piso sa mga bayan ng Sagñay, Buhi at Tinambac, doon po sa lalawigan namin ng Camarines Sur. Nagbigay din po kayo – kalahating milyong piso rin po – sa Bato, Catanduanes.

    Nagbigay din po kayo ng tulong sa MIMAROPA region. Nag-donate po kayo, again, ng kalahating milyong piso sa Pola, Oriental Mindoro, at isang milyong piso sa Sta. Cruz, Marinduque, na talaga naman po ang pagkakasalanta ay grabeng-grabe. Ako po, saksi po ako noon, dahil hindi lang po tulong pinansiyal ang ibinigay ng Muntinlupa sa amin, pero nagpadala rin po kayo ng mga tauhan at volunteers, upang tulungan po kami sa pag-aayos, pagbubuhat, at paglilinis ng mga kalsadang punong-puno ng mga debris na iniwan ng bagyo.

    Kaya ito po, hindi lang husay kundi napakalaking puso, ang nandito po sa inyo sa Lungsod ng Muntinlupa. Para po sa akin, iyong pagpapatunay na puso at husay ang pinapairal ng mga taga-Muntinlupa, ito po ay katangian na sana ay maipasa rin po natin sa mga susunod na henerasyon.

    Ipinakita ninyo po na sa harap ng anumang trahedya o sakuna, iisa tayong bansa at wala tayong masasandigan kundi ang bawat isa. Pinatunayan po ninyo na walang iwanan dahil tayo ay magkakakampi. Iyan po ang pinakamahalaga. At kung hindi po ako nagkakamali, Mayor, tumutulong din po kayo sa Lungsod ng Marawi ngayon.

    Bilang pong mga Pilipino, ito rin po siguro ang hamon sa ating lahat. Sa panahon na maraming banta sa ating paligid, sa panahon na tila tayo ay nagkakawatak-watak, tinatawag po tayong lahat na magtulong-tulong at magkaisa. Hindi po ito panahon upang tayo ay magkampi-kampihan. Hindi po kapwa Pilipino ang ating kalaban, kundi ang mga suliranin ng kahirapan sa ating bayan.

    Paano po natin mabibigyang solusyon ang gutom at kahirapan? Paano po natin pupuksain ang korupsiyon? Paano natin masisiguro at maipapaabot ang tulong ng gobyerno sa malalayong lugar? Kayo po rito sa Lungsod ng Muntinlupa ang nagpapakita sa buong bansa kung paano iyon gagawin. Ang isa pong pamumuno na hindi lang husay kundi puso.

    Sa nagdaan pong isandaan na taon, ipinakita ng inyong lungsod na kung tayo po ay nagbabayanihan at mangangarap nang sama-sama, ang lahat ng imposible ay maaaring maging posible.

    Kaya po sa buong Lungsod ng Muntinlupa, happy centennial anniversary po sa inyo.

    At ito po – idadagdag ko lang – alam ninyo po, nagbalak po kami ng isang okasyon dito po sa Muntinlupa para ipakita po namin iyong aming pasasalamat sa inyo.

    Mayroon po kaming programa sa Office of the Vice President na ang tawag po, Angat Buhay. Pinupuntahan po namin iyong mga mahihirap na lugar sa buong Pilipinas para po magdala ng tulong sa ating mga kababayan. Iyong Angat Buhay po noong kami ay nag-anniversary noong October 17, sabi po namin, i-eexpand na namin iyon.

    Dito po sa Metro Manila, gagawa naman kami [ng] Angat Kabuhayan. At para po sana ipakita sa Lungsod ng Muntinlupa na kami po ay nagpapasalamat, dito po ang isa sa mga pinakauna sanang Angat Kabuhayan na gagawin namin noong nakaraan pong linggo. Kaya lang nagkasakit ako bigla. Galing po ako sa Nueva Ecija, nagkasakit po ako roon, [kaya] hindi kami natuloy dito sa Muntinlupa. Pero nag-uusap po kami ni Engineer, ang atin pong City Administrator, at itutuloy po natin iyan ngayong Enero.

    Sabi po sana namin, ipo-postpone lang namin ng ilang araw. Kaya lang po, Mayor, sabi po ni Engineer, busy na kayo para rito sa Foundation Day, kaya po sa Enero, gagawin natin iyan.

    Gusto ko rin po kunin ang pagkakataon habang nandito po ang ating mga kababayan dito sa Muntinlupa. Marami pong mga trabahong available na dadalhin [dito]. Mga trabahong pang-security guard, karpintero, mason, tile-setters, electrician, mga beautician, mga trabaho po sa mga hotel at saka mga restaurants, at iba-iba pa. Ito po ang programa namin dito sa Metro Manila, at gaya po ng sabi ko, isa po sa mga unang pupuntahan namin ang Muntinlupa – pagpapakita lamang na kami po ay tunay na nagpapasalamat sa napakalaking puso ng inyong lungsod.

    Ngayon po, sa inyong ika-100 na taon, inaalala po natin ang lahat ng hirap, tagumpay at sakripisyo na inyo pong pinagdaanan para marating kung nasaan na kayo ngayon. Sana po, hindi matapos sa paglingon sa nakaraan ng pagdiriwang na ito. Pagkunan po sana natin ng lakas at inspirasyon ang mga aral ng kahapon, upang buoin ang isang mas magandang bukas.

    Kanina po, sabi ni Congressman, pagkatapos ng araw na ito, magka-countdown ulit tayo para sa susunod na 100 years. Iyon po, napakalaking inspirasyon para sa ating lahat.

    Kaya po sa inyo, Mayor, sa inyo po Vice Mayor, sa inyo po Congressman, sa buong City Council, sa buong pamayanan po ng Muntinlupa: Happy, happy 100 years! Happy centennial anniversary po sa inyong lahat!

    Maraming, maraming salamat po, at magandang hapon muli sa inyo!

    Posted in Speeches on Dec 20, 2017