This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Press Conference with VP Leni Robredo

    Press Conference with VP Leni Robredo

    Iloilo Provincial Capitol

    Iloilo City, Iloilo

     

    [START - 00:34]

    REPORTER 1: Ano po ‘yung reaction ninyo sa mainit na pagtanggap ng mga Ilonggo at buong Region 6 nang pumunta ka dito ngayon sa Iloilo? At ano po ‘yung reaction niyo sa hayagang pagsuporta ng mga malalaking lider dito sa Iloilo, like Gov. Arthur Defensor, Jr., Mayor Jerry Treñas, Sen. Franklin Drilon, and former Gov. Arthur Defensor, Sr.? Thank you.

    VP LENI: Sa amin po, sobrang overwhelmed kami. Sobrang overwhelmed kami kasi while alam po namin na may mga preparations sa pagdating namin ngayong araw, hindi namin ine-expect na ganito ka-grabe. Kaya nagpapasalamat po kami sa lahat ng nag-abang sa kalsada, lahat pong nag-abang sa mga pinuntahan namin. Iyon po ‘yung nagbibigay sa amin ng lakas. Sa pangalawang tanong, ano ‘yung reaction namin sa hayagang pagsuporta ng mga malalaking mga public officials dito? Sobrang… sobrang… sobrang pasalamat po kami kasi alam po namin, alam po namin na hindi siya madali. Hindi siya madali given the current political realities, so ‘yung hayagang pagsuporta spelled a lot of difference para po sa amin ni Sen. Kiko and the entire slate kaya nagpapasalamat po kami.

    HOST: Next one is Elyrose Naorbe of Iloilo Metropolitan Times.

    ILOILO METROPOLITAN TIMES: Good afternoon po, mam VP. If you become the next President, will you push through the construction of the Guimaras bridge?

    VP LENI: Actually, actually this morning, I was discussing it with Sen. Frank, and Sen. Frank updated me na dapat sana ay tuluy-tuloy na iyon pero ‘yung Chinese contractor ay nag-backout, so mayroon siyang mga… Mayroon siyang mga, ano ‘to, mga delays na ma-iincur. Pero ito po, I’ve always been consistent with my stand, na ‘yung infrastructure that can spell rural development, spur rural development, talagang dapat sinusuportahan. Magiging life-changing po ito, pag-interconnect ng Guimaras, Iloilo, and Negros. So this project is something that everyone should look forward to and support. Sabi po ni Sen. Frank, because of the delays, ang bagong timetable nito would be 2028 pa. So, mahaba-haba pa ‘yung hihintayin natin, pero kung kami po ni Sen. Kiko ay palarin, we will wholeheartedly support this project because we know how advantageous it would be to the people of Guimaras, Negros, and Panay Island.

    HOST: Thank you, Vice President. Next one is Lala Moreno of UNTV.

    UNVTV: Hello, maayong hapon, Vice President Leni Robredo. I’m Lalaine Moreno from UNTV. Vice, ano pong magiging effect sa inyo ngayong officially na po na nag-withdraw si Sen. Christopher Bong Go sa candidacy? At papano po ang gagawin niyong strategy or pu-pwede po ‘yung gagawin ngayong or pag posible pong magsanib puwersa itong BBM-Sara at mga previous administration pati ang Duterte administration. Mayroon ba kayong mga inilatag na plano? Thank you po.

    VP LENI: Bago naman po kami nag-decide ni Sen. Kiko, handa na kami. Bago kami nag-decide, handa kami sa kahit anong kombinasyon, and iyong mga kandidatong iba, hindi nakakaapekto sa lakad namin. Kami po, we are very focused on the strategy that we are following, regardless kung sino ‘yung kalaban. So sa amin po, hindi talaga siya nagma-matter kung may nag-substitute. Hindi nagma-matter kung may nag-withdraw kasi kami po ay tuluy-tuloy lang.

    HOST: Thank you po. Next question is from Joseph Marzan of Daily Guardian.

    DAILY GUARDIAN: Good afternoon po, VP Leni and Sen. Kiko. Noong huli po kayong pumunta nung March, ‘no, tinanong ko po kayo kung tatakbo po kayo bilang Presidente. Sinabi niyo po talaga na parang kasalanan pang isipin yon at that time. So ano po ‘yung nagbago sa isip ninyo at napagdesisyonan niyo po ito?

     VP LENI: Noong pagpunta ko dito nang March, wala pang pag-uusap tungkol sa preparations for the 2022 elections dahil nasa gitna tayo noon ng matinding surge. Actually, I started preparing for the 2022 elections only in July. Noong July, doon lang nagsimula ‘yung meetings, pero ‘yung direksyon noon ay iba pa. ‘Yung direksyon noon ay pagsubok na pag-isahin ‘yung iba’t-ibang mga kandidato na hindi kaalyado ng administrasyon. Iyon ‘yung aking trinabaho July, August, September. Pero end of September, just before the filing ay nag-fail ‘yung aming talks. Noong nag-fail ‘yung talks, ninominate ako 1Sambayan, doon lang nag-umpisa ‘yung usapin na ka-kandidato ako. So for both Sen. Kiko and I, it was a last minute thing, tapos ang start talaga niyan, just answering a call to duty. Pero, pero sa amin, we were pleasantly surprised after we filed, with the deluge of volunteers that we have been getting, and it’s where we are getting all our energy from. So nagpapasalamat talaga kami sa lahat ng mga volunteers na very passionate, very committed, kitang-kita natin iyon dito sa Iloilo.

    SEN. KIKO: [03:56 to 04:39]

    HOST: Next question is from TV5, Gerard.

    TV5: Good afternoon po, VP. Hingan ko lang po kayo ng inyong komento tungkol sa iba’t-ibang isyu. First po doon, na-quote po kasi si Pres. Duterte saying na natupad po lahat ng mga ipinangako niya. Ano po ang take niyo on that?

    VP LENI: Para naman sa aming mga, lahat kami, hindi lang si Pres. Duterte, lahat kaming mga public officials, parati naman kaming magre-report ng accomplishments namin. Pero ultimately kasi taumbayan ‘yung magja-judge kung na-accomplish namin ‘yung aming mga commitments o hindi.

    TV5: Next isyu po, may lumabas po na survey ng SWS saying na majority of the Filipinos are looking for a candidate with a firm stand on the West Philippine Sea issue. Now, if you get elected as President, ano po ba ang aasahan ng mga Pilipino tungkol sa stand po ninyo sa gulo sa West Philippine Sea?

    VP LENI: Ako alam mo pag eleksyon, lahat ng kandidato may tendency na sabihin kung ano ang gustong marinig ng botante. Pero para sa akin, kailangan ‘yung mga botante mas maging discerning. Gaano ba ka-consistent ‘yung kandidatong ito as far as his or her stand on the West Philippine Sea is concerned? Kasi baka naman bumoboses lang dahil kandidato na. Pero yung sa akin naman, pag tinignan mo iyong record, from Day One, from the time that we received our, the favorable ruling of the Arbitral Tribunal, I have been very, very consistent about my stand on the West Philippine Sea, and we should not expect any less than that sa susunod na Presidente.

    HOST: Thank you Ma'am. The next question will be -

    SENATOR KIKO: [06:40 to 07:31]

    REPORTER: Last one po, VP. May we hear from you regarding po doon sa reports na pagtatanggal ng mga pink ribbons and mga tarpaulin doon sa iba't ibang lugar na pinanggalingan niyo? I think there was one instance in Masbate and also in Zamboanga. May we hear from you po?

    VP LENI: Pagpunta po namin sa Masbate, iyon iyong umiiyak pa. Umiiyak iyong mga supporters namin kasi apparently the night before we arrived, iyong mga pinag-puyatan nilang ilagay na mga tarpaulin namin ay tinanggal. Iyong sa akin, Don, hindi lang siya nakakalungkot pero nakakagalit din for our volunteers. Kasi iyong tarpaulin na iyon, mga tarpaulins na ‘yon, hindi galing sa amin, pero karamihan sa mga tarpaulins na nakikitang nakalagay ngayon, pinagkakagastusan talaga ng volunteers. Lalo sa Masbate, hard-earned money nila. Ang kuwento nila, halos wala silang natanggap na support from their leaders, so talagang nag ambag-ambagan sila. Kaya grabe iyong heartbreak na naramdaman nila noong pinagtatanggal iyong mga tarpaulin namin. So sa akin, iyong pakiusap ko lang, magrespetuhan sana. Magrespetuhan sa pagkakaiba ng mga paniniwala. Hindi naman tayo, hindi naman posible na pare-pareho tayo lahat, pero sana sa panahon ngayon, lalo pa dahil hard-earned money nga iyong ginagastos, sana wala namang ganyan.

    REPORTER: Thank you po.

    HOST: Next is Adrian Ayalin of ABS-CBN.

    ABS-CBN: Good afternoon Ma'am, Sirs. Ma'am, on the December 1 incident sa Miag-ao, ano, for the military was a successful military operation, but for Karapatan Panay, it's carnage. Ano pong masasabi niyo rito, and ano ‘yung mga plano on the insurgency issue?

    VP LENI: Ako isa din ako sa very consistent, very consistent sa aking stand na iyong insurgency hindi siya mareresolba with purely military solutions. And the AFP agrees with us. In fact, noong prinesent nila sa atin ‘yung kanilang plano sa insurgency, 100% ay ano tayo, fully supportive na kailangan whole of nation approach, na matatanggal mo lang iyong insurgency pag ang inaddress mo iyong core issues, iyong core issues na pinagmumulan noon. Pagkatapos mo maaddress iyong core issues, kailangan mong ma-address iyong peripheral issues. Kaya para sa akin, hindi – kahit ano pang patayan, labanan, iyong mangyayari, kung hindi naa-address iyong pinaka-root of the problem, hindi naman siya matatanggal. Kanina nagku-kuwentuhan nina Senator Frank, and Senator Frank was telling us about the Jalaur Dam. Iyong Jalaur Dam, na it is expected to be completed in two years, na ito iyong magbe-benefit dito ay napakaraming mga small farmers. Ang magbe-benefit dito hindi lang siya irrigation for the farmers, pero source of power din siya, source of water supply for the whole of Iloilo province. Itong mga ganitong klaseng programa ang dapat pinaglalaanan natin ng pansin dahil iaaddress nito iyong pinakabuod ng mga issues na pinagmumulan na ganitong mga programa. And nakita natin ‘yan in many other places. Halimbawa, in Basilan, in many other parts of the Philippines, na pag na-aaddress iyong rural development, doon nag-uumpisa iyong pangmatagalan na solusyon sa insurgency.

    ABS-CBN: Ma'am, follow-up lang on the incident. Sinasabi din ng Karapatan na violation of international human rights law. Ano po ang masasabi niyo doon?

    VP LENI: Ako kasi, ang para lang sa akin, kailangan kasing mayroong platform para iyong mga reklamong ganyan ay pinapakinggan. Hindi puwedeng bina-brush aside, kasi kung iba-brush aside natin iyong ganung mga, iba-brush aside natin ‘yung ganun na mga complaints, baka lalong ma-fan, lalong ma-fan ‘yong mga dahilan ng poot sa [inaudible]. So para sa akin, kailangan mayroong mechanism para kung mayroong human rights abuses, kung mayroong mga ibang klaseng pang-aabuso na nangyayari, kung merong, merong, kung nag-exceed sa necessary means, kailangan, kailangan maparusahan kung sino ‘yung nagkamali. Kasi pag hindi siya maging accountable ay magiging pamantayan siya para sa susunod na mga engagement.

    ABS-CBN: Thank you, Ma'am.

    SENATOR KIKO: [12:49 to 14:28]

    ABS-CBN: Thank you Sir, Ma'am.

    HOST: Thank you very much, Vice President Leni, with Senator Kiko, and Governor Defensor, former Governor Defensor, Senator Drilon, and Mayor Treñas. That's all Ma'am for the questions from the Iloilo media.

    [14:49 - END]

     

    Posted in Transcripts on Dec 03, 2021