This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Press Conference with VP Leni Robredo Hanapbuhay para sa Lahat

    Press Conference with VP Leni Robredo
    Hanapbuhay para sa Lahat

    [START 26:27]

    ATTY. BARRY: Una si Gerard mula sa TV5.

    TV5: Good morning, VP. Ang unang tanong ko po, may napabalita po kasi na mineet ni Mayor Sara Duterte ‘yung mga Metro Manila mayors. I just want to get your thoughts on that. How will this affect your campaign or your candidacy?

    VP LENI: Unang-una kasi karapatan naman ng kahit sinong kandidato kung sinong imi-meet nila. Pero hindi siya makakaapekto sa kampanya namin, kasi, actually, hindi namin ‘to kino-consider na conventional campaign because it has– it has transformed into a crusade, into a people’s movement, na ‘yung nagpapatakbo talaga ng lahat ‘yung mga tao. ‘Yung nangyayari ngayon sa ginagawa natin parang nabaliktad. Nabaliktad, dati ‘yung mga kandidato ‘yung nag-oorganize, ‘yung mga kandidato ‘yung nagpapa-print ng materials, ‘yung mga kandidato ‘yung nagpaplano lahat, ngayon parang kami ‘yung sumusunod. Kami ‘yung sumusunod sa mga ginagawa ng mga different volunteer groups, ano siya, complicated in the sense na siyempre iba-iba ‘yung pinanggalingan. Pero tingin ko ‘yung, ‘yung complication na ‘yun ‘yung nagpapa– lalong nagpapaganda sa movement na ‘to. So hindi kami apektado.

    ATTY. BARRY: Anjo ng CNN.

    CNN: Good morning, Ma’am.

    VP LENI: Good morning.

    CNN: About your labor agenda. Ma’am, I’m curious about the–you said, you want a climate–[inaudible 27:53] about the climate agenda for the labor sector. Ma’am, can you discuss this in detail, and also ‘yung discrimination in the labor work force. Where did it come from na, bakit close sa puso niyo po ‘yung pag-resolve sa ganoong diskriminasyon?

    VP LENI: Ako unang-una, unahin ko ‘yung diskriminasyon. When I was a member of the 16th Congress, I was one of the authors of the Anti-Discrimination Law, and hanggang ngayon hindi pa ‘yun napapasa. ‘Yun ay diskriminasyon sa– caused by maraming bagay: age, sex, race, gender, lahat. Lahat ng forms of discrimination, so pag, pag tayo ay pinalad at umupo tayo, isa ‘yun sa pinaka-unang itutulak natin na maisulong sa Kongreso. ‘Yun number one.

    Number two, naipasa na sana ‘yung Anti-Age Discrimination Law, pero hindi siya nai-implement in the manner na ‘yun ‘yung intent ng law. Kasi ngayon sobrang dami ng nakukuha namin na mga reklamo na pag umabot ka na ng ganitong edad, napakahirap na para sa’yo kumuha ng– maghanap ng trabaho. Malapit siya sa puso ko dahil in all the years that I wasn’t a politician yet, abogado ako ng Saligan, at ‘yung labor sector isa sa mga sektor na tinutulungan namin. Mas, mas ano– kaya nga kasama si ATTY. SONNY Matula sa ating Senate lineup, especially because of that. Na ‘yung sektor ng manggagawa ay isa- isa sa mga sektor na kailangan tutukan kasi sila talaga ‘yung nagda-drive sa ating economy, pero marami ‘yung pangangailangan nila na hindi pa natin na-aasikaso.

    So ‘yung pagbigay ng tutok sa diskriminasyon ay, ay isang issue na very close to our hearts, kasi regular ang aming pakikipag-usap. Meron ditong– merong representative dito ‘yung ALL4LENI, ‘yung ALL4LENI, ito ‘yung mga different labor groups na sumusuporta sa ‘tin. And marami tayo nang– hindi pa tayo kandidato, kandidato na tayo, marami na tayong listening session sa kanila and ‘yung diskriminasyon isa siya sa mga pinaka– pinaka issue para sa kanila.

    ‘Yung pag-link ng, ng trabaho sa climate change, napakahalagang bahagi ito sa atin dahil unang-una, hindi dapat ihiwalay sa diskusyon ng napakaraming issue ‘yung diskusyon ng climate change. Para kasi sa ‘tin isang bagay siya na hindi, hindi masyadong binibigyan ng pansin, pero isang bagay din na parang paglabas mo ng pinto, andyan na ‘yung problema. So kami, makikita niyo ito sa lenirobredo.com, ‘yung– ’yung ano ‘to, ‘yung detalye ng aming programa. Pero ‘yung number one, kailangan na nating harapin, papaano ba tayo magshi-shift from fossil fuel to renewables? Meron na ba tayong road map ngayon? Hindi pa klaro ‘yung road map kung papaano tayo magshift, especially because looming ‘yung problema natin sa supply, sa supply ng kuryente.

    So ‘yung sa akin, kailangan tutukan, kailangan tutukan ‘yung road map. Ano ba ‘yun mga gains na kailangan nating ma-achieve every year para masiguro natin na ‘yung shift ay tuluy-tuloy? Hindi siya madali, hindi siya madali kasi siyempre ‘yung rising cost ng renewables, ‘yung problema sa energy supply, na kailangan– kailangan tutukan na natin ngayon–

    I-recognize ko muna ‘yung presence ni Senator Kiko Pangilinan.

    Tapos ‘yung ano nga, ‘yung sa ‘kin dahil marami tayong problema sa supply ng enerhiya, masyado pang centralized ngayon ‘yung pag-asikaso, para sa ‘min kailangan i-localize na ‘yun. I-localize na ‘yun, ‘yung from production to demand– demand side, ‘yung pag-rationalize ng regulatory policy for existing plants. Kasi ngayon hindi pa klaro kung saan ba tayo papunta. Marami tayong existing, ‘yung mga existing natin hanggang kailan ba ‘yun? Halimbawa, kung magshi-shift tayo to renewables from fossil fuel, hindi ‘yun puwedeng bigla dahil, dahil magsa-suffer ‘yung supply natin. Pero meron na ba tayong programa, alin ba ‘yung unang, unang ire-retire natin? Ano ba ‘yung phasing ng pag-retire? So ‘yun importante ‘yun.

    ‘Yung pangalawa, ‘yung pagpasa natin ng NALUA, ‘yung National Land Use– Land Use Act. Ito ay, kami ni Atty. Barry we were among the authors nung magkasama kami sa 16th Congress. Bakit siya mahalaga sa usapin ng climate change? Dahil ‘yung proteksyon ng ancestral domain ng mga IPs, ‘yung proteksyon ng ating mga kabundukan ay kailangan ine-empower natin ‘yung mga IPs, ‘yung pag-provide sa kanila ng mga free legal and other services, ‘yung pag-make sure ng kanilang shares sa ating resources, at pag-empower sa kanila para maging katuwang natin sila sa pagsulong ng, sa pagsulong ng ating– ‘yung ating mga programa for climate change.

    ‘Yung pangatlo ‘yung incentivizing environmental private sector cost, kasi kulang ‘yung pera ng gobyerno. Kulang ‘yung pera ng gobyerno, kailangan natin ng tulong. Parang ‘yung ginagawa namin dito sa opisina, sa OVP, kahit kaunti ‘yung pera namin, marami kaming nagagawa, kasi ‘yung, ‘yung onboarded ‘yung private sectors. So sa usapin ng climate change, kailangan magbigay ng maraming incentives ‘yung pamahalaan para katuwang niya ‘yung private sector sa pagsiguro ng infrastructure para sa shift natin ay nandiyan, pero kailangan natin ‘yun i-incentivize.

    Tapos ‘yung pang-apat, ‘yung pagconnect ng National Greening Program sa DSWD to ensure na ‘yung mga ginagawa natin towards that, maging– maging vehicle for poverty alleviation. Kanina sinabi ko sa speech ko, na ang isa sa mga titingnan natin na mga opportunities, halimbawa ‘yung pag, pag-gawa ng mga e-vehicles na puwede siyang hanapbuhay para dun sa mga madidisplace. Puwede siyang hanapbuhay sa mga na-displace during the pandemic. So para sa ‘kin, totoo na, totoo na magiging krisis ‘yung–o krisis na nga ‘yung climate change, pero puwede natin siyang i-turn into opportunities.

    ATTY. BARRY: ATTY. SONNY, meron ba kayong gustong idagdag?

    ATTY. SONNY: Nagpapasalamat kami sa ipinahayag ni Vice President Leni kasi nakikita namin ‘yung klarong direksyon kung si Vice President na ang ating pinuno ng bansa. Napaka-importante po ng hanapbuhay. Pinag-usapan namin ni Vice President Leni dun sa labor agenda ‘yung covenant na pinirmahan noong November 29, ano. At matutuwa dito si Mr. Garganera sa ating green job na agenda, ‘no, na dapat siyempre in particular nakatutok dun sa reforestation, ‘no. Nakita dun sa ating agenda na kasali ‘yan, ‘yung rehabilitation ng ating mga coastal at river areas, nakatutok din dun. Ang pagtutok sa mga resilient housing, alam mo palagi tayong binabagyo sa Pilipinas, kaya siguro napaka-importante ‘yung mga bagay na ‘yan at doon ay isa ‘yan sa paraan na makapaglikha ng trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.

    Tungkol naman dun sa diskriminasyon, alam mo tuwang-tuwa ako pag naririnig ko si Toots Ople eh. Sa pagkat sinasabi ‘yan, hindi ‘yan sa edad kung ‘di sa abilidad. Thank you.

    ATTY. BARRY: Adrian, ABS.

    ABSCBN: Hi, Ma’am. Good morning. Nabanggit niyo po ‘yung, nabanggit niyo po ‘yung ano, manufacturing, correlated issue din po kasi ‘yung endo. And ang comment ng ibang labor sectors, hindi lang daw dapat ‘yung endo ‘yung buwagin, kung ‘di ‘yung third party manpower system. Ano po ba ‘yung posisyon niyo dito sa third party system?

    VP LENI: Ako, unang-una gaya ng sinabi ni ATTY. SONNY nung nakaraang linggo, a little over a week ago, pumirma kami ng covenant with ALL4LENI. ‘Yung ALL4LENI represented ngayon, isa siyang koalisyon ng mga samahang manggagawa at kasama dito ‘yung malinaw na commitment natin sa pagwakas ng endo at pagpasa ng Security of Tenure Bill.

    ‘Yung third party contracting malinaw kasi ‘to, lahat pala kami abogado dito. Malinaw kasi sa Labor Code of the Philippines kung ano ‘yung puwede, ano ‘yung hindi. Puwede ‘yung job contracting, pero bawal ‘yung labor-only contracting. So sisiguraduhin natin na malinaw na sinusunod ito. Kasi ‘yung– ’yung labor-only contracting kaya siya bawal kasi ‘di ba ‘yung labor-only contracting, nagre-recruit ka lang mga empleyado, nagre-recruit ka lang ng mga empleyado wala ka ngang kapital para asikasuhin sila, parang ahente ka lang, so hindi nagiging malinaw ‘yung employer-employee relationship. Kaya siya binabawal kasi pag, pag merong empleyado na, merong empleyado na nagtatrabaho, dapat malinaw kung saan niya, kanino niya ide-demand ‘yung pag– idedemand ‘yung kanyang mga karapatan. Pag hindi klaro kung sino ‘yung kanyang employer, kanino siya magde-demand?

    So kaya binabawal, malinaw ‘yun para sa ‘tin na bawal ang labor-only contracting, ang–ang inaallow lang ng ating Labor Code ay job, job-contracting.

    ATTY. BARRY: Sige, ATTY. SONNY. Baka may [idadagdag pa kayo].

    ATTY. SONNY: Tama ‘yung sinabi ni Vice President na ‘yung labor-only contracting ay bawal. Pero sa Article 106 ng Labor Code, hindi sinasabi na bawal eh. Ang sinasabi lang ay “The Secretary of Labor may regulate or prohibit contracting or a certain contracting or subcontracting.” It is only in the implementing rules– ‘yung sa Department Order 174, ‘yung noong Department Order number 10 na categorically prohibited ‘yung labor-only contracting. Kaya isa sa mga proposal ng security of tenure bill natin ay dapat i-categorical ‘yung prohibition ng labor-only contracting on the face of the provisions of the law. Maliban diyan, syempre, ay bibigyan din natin ng diin ‘yung penalty kasi napaka-importante ng penalty. Sabi nga ni senatorial candidate Chel Diokno, dapat ang batas ay may ngipin– o may ngipin dapat ang batas, ‘di ba? Pero sa kasalukuyan ay parang walang ngipin ang ating Labor Code on the violation of the provision– of any provisions of the Labor Code, because when you look at Article 303 of the Labor Code, you will find that the penalty of those persons who violate any of the provision of the Labor Code is only PhP1000 to PhP10,000. Probably, noong 1974 ay mabigat ’yan. Pero sa kasalukuyan ay–

    VP LENI: Wala na siya.

    ATTY. SONNY: –wala na ‘yang ngipin. Wala na ‘yang ngipin sabi ni Chel Diokno. So, dapat siguro titignan natin. May proposal noon sa Senado na gagawin ‘yang, sina Sen. Pangilinan, PhP 30,000, pero hindi aabot ng five million. Thirty thousand sa bawat indibidwal na biktima ng labor-only contracting, halimbawa. Pumasa ‘yan sa Senado, pero, unfortunately, ay na-veto ni Presidente Duterte. So nalulungkot kami at hindi naituloy iyon.

    VP LENI: Saka idagdag ko din siguro, Attorney, na flawed din talaga ‘yung proseso. Kasi pag tinignan natin ‘yung Labor Code, although hindi siya perpekto, kampi naman siya sa mga manggagawa. Pero ‘yung mga proseso niya– Halimbawa, ang tagal kong naging labor lawyer. Ipapanalo namin ‘yung mga kaso sa NLRC, pero pag inappeal namin siya sa higher bodies ay sobrang tagal ng proseso; na kung ikaw ay ang manggagawa, paminsan pinanalo mo na ‘yung kaso, papayag ka pang mag-settle sa hindi maayos na terms para lang may makuha ka kahit konti. Dahil ‘yung appeal talaga takes so many years na namumuti na ‘yung mata mo, hindi mo pa nakukuha ‘yung dapat na– ‘yung judgment sa’yo ng NLRC. So marami talagang puwedeng tignan, maraming puwedeng tignan to amend the existing provisions. So, aside from penalties, pati ‘yung proseso– Paano ba siya magiging mas magaan para sa empleyado? Kasi ‘yun nga, kahit ipanalo niya pa by appeal; ang iba, kapag nag-offer ‘yung employer ay kukunin nila kahit dehado siya masyado para lang matapos na.

    ATTY. BARRY: Okay. Chino Gaston, GMA.

    GMA: Hello. Hi, good morning, VP. Ngayon lang ako magko-cover sa’yo, pero– I guess everyone here knows ‘yung old saying that,”The proof of the pudding is in the eating.” So, going back to your agenda or your plan to weed out corruption, restoring people’s trust in the government; should Filipinos expect those officials at-present being dragged into corruption and graft under the present admin to be charged, and possibly jailed, should you become President? And, to include violators of the environmental laws that seem corollaries sa Green Agenda po na pine-present ninyo.

    VP LENI: Ako, ang ieexpect nila na ‘yung mga nagkasala ay mapaparusahan. Hindi tayo mamimili na dahil kalaban sa pulitika, hindi na tayo magse-spend ng oras at political capital para balikan ‘yung mga kalaban sa pulitika. Pero ang sisiguraduhin natin na patas ‘yung pagpapatupad. ‘Yung nakikita natin ngayon, dapat dagdagan natin. Dagdagan natin ‘yung mga mechanisms para mahirap, mahirap mailusot ‘yung korapsyon. Halimbawa, tignan natin ‘yung iba’t ibang opisina. Saan ba maraming mga butas na doon pumapasok ‘yung korapsyon at dapat i-plug natin iyon. ‘Yun ‘yung number one.

    Number two, kailangan talagang i-promote natin ‘yung transparency. Kailangang i-promote natin ‘yung transparency, kasi ‘yung transparency deterrent siya, eh. ‘Yung transparency deterrent. Dapat lahat ng public transactions ay– ‘yung records non ay public. In fact, ‘yung pinaka-unang bill na finile ko when I was in Congress in 2013, ‘yung pinakaunang finile ko ‘yung Full Disclosure bill. Unfortunately, hindi siya naipasa. Pero mahalaga ‘yon kasi alam natin na pag may nanonood, pag may nanonood, mas– mas ‘yung effort natin na siguraduhin na maayos lahat ay nandiyan.

    Pangatlo, ayusin ‘yung accountability. Pag sinabi nating accountability, kailangang very clear ‘yung parameters. Kailangang very clear ‘yung parameters. So parati ko ditong example ‘yung pagtutulak na may citizen’s charter ‘yung bawat LGU, ‘yung bawat– bawat ahensya, para alam ng tao kung ano ‘yung dapat niyang i-demand. Alam ng tao kung ano ‘yung dapat niyang i-demand. Pag maglalakad ako ng permit, sino lang ‘yung makakausap ko; ano lang yung dapat na ibayad ko? Kung hindi ‘yun nasunod ay dapat may feedback mechanism. Siguraduhin din– Ito, continuing na struggle sa atin, ay ‘yung justice system natin, mine-make certain niya ‘yung penalties. Kasi, kasi marami talagang butas, maraming butas ‘yung justice system natin na nakakalusot ‘yung mga may panglusot. Dapat hindi na ganoon, dapat hindi na ganoon.

    Pero ‘yung sa akin, ‘yung pinaka-last siguro na pinaka-importante na magbibigay tayo ng environment na ang tao, empowered. Kapag sinabi natin na ang tao ay empowered, mayroong mechanisms para ‘yung– ‘yung feedback mechanism ng tao ay malakas. Kasi pag empowered and tao, nakakareklamo siya na hindi siya natatakot magreklamo. Pag nakakareklamo ang tao na hindi siya natatakot magreklamo, ‘yung mga public officials napipilitan na mag-perform in the manner na kinakailangan nilang mag-perform.

    GMA: Follow up lang, VP. So, do I– do we get na you’ll push for a stronger FOI bill din pagka–

    VP LENI: Oo naman. Kami ni Atty. Barry, we were both authors of the Freedom of Information bill when we were both in Congress. Ang freedom of information,ano ‘yun eh, napakalaking transparency mechanism; pero hindi lang ang freedom of information. Para sa akin, ‘yung full disclosure kasi is a little different. It’s the same– the intent is the same, pero it’s a little different in the sense na kahit walang request, kahit walang request ay mayroong mga datos na kailangang available anytime. Ang parati ko ditong example kasi ito ‘yung nakita sa Naga before when my husband was still mayor… Pag gusto mong tignan kung ano ‘yung presyo ng Biogesic na binili ng barangay health center, makikita mo. Pag gusto mong tignan kung magkano ‘yung binili na pako ng engineering office, makikita mo. Bakit siya mahalaga? Para napipilitan ‘yung opisina na sisiguraduhin niya na ‘yung binibili niya ay hindi overpriced. Napa-plug mo na agad ‘yung mga pinapasukan ng korapsyon.

    Ano din pala, yung last ko na hindi ko nasabi kanina… ‘yung bawasan din ‘yung person-to-person na, ano to, person-to-person na transactions. So, ipu-push talaga natin ‘yung digitization na maraming mga proseso sa pamahalaan. Ang isa diyan Customs, ‘yung BIR. Sisiguraduhin natin na ‘yung mga, ano to, ‘yung– ‘yung mga opisina na breeding ground, o mala– ‘yung vulnerability na may mapasok na mga korapsyon, dapat ‘yun ‘yung bawasan ‘yung person-to-person engagement.

    ATTY. BARRY: Okay. Tricia, PDI.

    PDI: Good morning po. Take advantage ko na kasi nandito po si Sir Matula po. Klaro naman po ‘yung stance niyo po on ENDO and contractualization, pero as you can remember, part rin po ‘yung ng platform ni President Duterte when he first ran for president. So, ano po ‘yung assurance na this will be different under your administration po?

    VP LENI: Ito– ito hindi lang sa isyu na ‘to… hindi lang sa isyung ito, pero lahat ng issues. Ang parating assurance kasi ay track record, eh. Ang parating assurance ay track record. Lahat kami ay magsasabi na kontra kami dito; lahat kami magsasabi na kontra kami korapsyon; lahat kami magsasabi mahal namin ‘yung mga mahihirap; lahat kami magsasabi, aasikasuhin namin ‘yung mga magsasaka. Pero ang pinaka-assurance noong hindi pa kami kandidato, ano ‘yung ginagawa namin? Nung hindi pa kami kandidato, asan kami nakatayo? Kasi madali lang, madali lang kasi mag-promise, eh. At tingin ko, hindi nagkakaiba– hindi nagkakalayo pala, hindi nagkakalayo ‘yung mga promises namin. Pero ‘yung assurance doon papaano mo ito pinaglaban noong hindi ka pa kandidato?

    SEN. KIKO: [00:48:17-00:48:41]

    ATTY. SONNY: ‘Yung isa sigurong napaka-importante din ‘yung suporta ng mamamayan, kasi kinakailangan talaga sa proseso, aa mga diskusyon ay may mga compromise, eh, may mga iba’t ibang ideya. So dapat ‘yung advocacy ng trade union ay malakas, para ‘yung gusto nila na maging batas ay siyempre ‘yun ang patutunguhan. Kasi kung walang suporta ang trade unions, o ‘yung mga people’s organization natin sa kanilang advocacy ay hihina ‘yung pagpapa– paggawa na maging batas ‘yung mga proposal nila. So, napaka-importante po ng People’s Participation. Kaya doon sa agenda na pinirmahan ni Vice President Leni, ‘yung konsultasyon ay napaka-importante. Gaano man kaganda ang proposal kung walang partisipasyon ang mga mamamayan ay walang epekto din. So, people’s consultation, people’s participation, napaka-importante.

    VP LENI: Idagdag ko lang ‘yung sinabi ni ATTY. SONNY na siguro napapansin nyo, yung mga nagco-cover sa’min, napapansin niyo na everytime we visit provinces or towns, lagi tayong may People’s Council. Again, again noong nasa Congress ako, nag-file ako ng Empowerment Bill na hindi din naipasa, pero ang pinaka-konsepto ng Empowerment Bill is requiring all, all government offices to make space for a People’s Council. Ang worry ko lang kasi ‘pag hindi natin siya ginawang mechanism, baka compliance lang ‘yung consultation. At nangyayari ‘to sa mga projects natin, lalo ‘pag involved ‘yung ancestral domain. ‘Di ba required ‘yung– ‘yung full, ano nga yon, full, ay free, prior, informed consent. Minsan, magpapa-meeting ng isa, yung pa-meeting hindi naman naintindihan ng mga kausap kung anong pinag-usapan. Tapos yung minutes ng meeting, ‘yun na ang kanilang ebidensya na nagkaroon ng free, prior, and informed consent. Pero kung may mechanism tayo for People’s Participation, whether may issue o wala, involved ang tao every step of the way. So akin, ‘yung bina-bat ko talaga is ‘yung mechanism siya. Hindi lang siya requirement na magkaroon ng consultation pero mechanism siya na ‘yung lahat ng government offices meron talagang parang parallel na People’s Council. Kasi ito naman dapat hindi natin tinitignan na ‘yung gobyerno saka ‘yung constituents magkalaban eh. Dapat tinitignan natin na partners. At tingin ko, wala masyadong opposition ‘pag sa umpisa pa lang, pinag-usapan na, binigyan na ng boses, binigyan na ng pagkakataon na makilahok. Mas– mas mabuti mga policies na lalabas, ‘pag ‘yung tao kabahagi siya. Hindi ‘yung nag-rereport lang.

    Kaya- kaya dito sa opisina lagi kong in-e-emphasize sa staff na hindi natin ico-consider ang ating partners na beneficiaries. Hindi sila beneficiaries na binibigyan lang. Pero ang consideration natin sa kanila, partners, na sa binibigay natin merong kaakibat na responsibility sila. So, ganun din ‘yung na-i-imagine ko na mechanism na gagawin sa lahat ng antas ng pamahalaan.

    ATTY. BARRY: [inaudible 52:24] PhilStar.

    PHILSTAR: Hi, good morning po. I’m not sure if meron na po kayong estimate, pero, like, how do you– much do you estimate your jobs program will cost?

    VP LENI: Actually, meron na kaming estimate, meron na kaming estimate. Ito ‘yung na-identify. ‘Yung na-identify natin na budget sources para sa programa, nasa 192 billion siya initially. Nasa 192 billion siya galing sa iba’t-ibang mga, iba’t ibang mga departments ng ating pamahalaan. Naka-base sa current budget nila. So, ito, it’s not as if merong bagong pera na ilalaan, pero nag i-identify lang tayo kung paano natin gagamitin ‘yung perang meron tayo sa mga programang mas makakadulot nang mas malaking ginhawa sa ating mamamayan. Meron tayong na-identify from DPWH, from DoTr, from the Office of the President, from PNP. So, iba-ibang sangay ng pamahalaan, pero yung initial na na-identify natin is 192 billion pesos.

    PHILSTAR: Okay, ma’am. And then I just want to go back po doon sa anti-discrimination bill, especially ‘yung Comprehensive Anti-Discrimination Bill, this has faced rather stiff opposition especially from conservatives in Congress. How do you plan to address this, especially that you– you said that you will be pushing for this when you become the president.

    VP LENI: Actually, marami na kaming pakikibaka. Marami na kaming pakikibaka na ginawa. Pero crucial kasi sa pagsulong ng budget ‘yung participation ng mga sektor. ‘Yung participation ng mga sektor, kasi kung mga taga-Congress lang ang magde-debate, mahirap. Pero kung yung participation ng sector, ‘yung pag lobby ng mga different interest groups, na mapapakita sa mga members of Congress kung bakit mahalaga ito, ‘yun ‘yung pinaka– ‘yun ‘yung pinaka-key doon. ‘Yun ‘yung pinaka-key doon, dahil kadalasan naman ‘yung opposition comes from misinterpretation of why a particular provision is there.

    ATTY. BARRY: Ok, Noemi ng Blogwatch.

    BLOGWATCH: Hi, I would also like to address this question to Kiko. This is about the small business farmers. When I’m not blogging, I am in Benguet and I’m in touch with the farmers. I’m glad that you’re having the digital economy and all that. But digitalization is more than digital solutions for agriculture because the continuing problem with our vegetable farmers is overproduction of vegetables. And it all goes to waste. Why can’t we connect them to the food processors? So digitization of market demand needs to be gathered before production even starts so it could be shared to vegetable growers. And what about the smuggling? A lot of our farmers just leave their vegetables in the plot because they told me the prices are really so low from the smuggled vegetables. I really want to help them bring their produce to the market for their– fair price. So I would like to know what would be the solution to the smuggling, although I know that there is a Senate hearing coming?

    SEN. KIKO: [55:48- 1:00:29]

    VP LENI: Siguro ano din, i-share ko din ‘yung experience namin in dealing with small farmers. ‘Yung napapansin namin sa communities, ‘yung pinaka-maliliit na farmers, sila ‘yung walang access sa tulong. Sila ‘yung walang access sa tulong kasi unang-una, hindi sila organized. Pangalawa, kahit sabihan mong mag-organize sila, wala silang capacity to organize on their own. Kasi maraming kailangan lakarin, merong may mga membership dues na kailangang sagutin, so ang natutulungan hindi talaga yung pinaka-maliit. ‘Yan yung number one.

    Number two, grabe talaga ‘yung handholding na kailangan, na kailangan hindi lang gobyerno ‘yung gumalaw, pati private sector din. Meron kaming ni-launch– noong nasa Congress pa ako ‘yung distrito ko ‘yung naging pilot dahil– again kami ni Atty. Barry [laughter] magkaibang bill namin pero similar, ‘yung Food Security Bill, na pareho ‘yung intent. ‘Yung intent ng Food Security Bill parang ‘yung gobyerno ‘yung magiging pinakamalaking market for the agricultural produce of our small farmers.

    Pumunta kami sa Brazil tiningnan namin ‘yung model sa Brazil, pagbalik dito ay nag-launch ng isang programa, pilot ‘yung distrito ko pero partner namin ‘yung DSWD, ‘yung LGUs, ‘yung DAR, at saka ‘yung DA. Ang tawag sa programa Partnership Against Poverty and Hunger. ‘Yung pinaka konsepto niya, may feeding programs kasi ‘yung DSWD sa mga schools. ‘Yung binibila nila, before ‘yung binibili nila ito sa mga nagkokontrata sa gobyerno. Pero because of the PAHP program, binibili na nila ito sa mga maliliit na farmers. ‘Yung yung pinaka unang programa.

    Noong VP na ko nag-launch kami ng isang programa, ‘yung pilot namin dito Camarines Sur small farmers, ang pangalan ng programa Umasenso sa Kabuhayan. Nakuwento ko na to several times, in fact ‘yung ibang nagko-cover sa akin napuntahan na ‘yung mga farmers na inaasikaso namin, pero marami kaming lessons. Marami kaming lessons parang, hindi nag-uusap. Hindi nag-uusap ‘yung market at saka ‘yung suppliers.

    Halimbawa ‘yung pinaka-unang step namin, nag– partner namin dito yung Metro Naga Chamber of Commerce and Industry, ang pakiusap namin sa Metro Naga Chamber of Commerce and Industry, pwede ba na ‘yung mga members niyo na mga hotels, restaurants, hospitals, groceries, puwede bang bumili sa small farmers namin? Marami silang reklamo. Maraming silang reklamo kasi mas mahal, hindi maganda ang quality, ‘yung quantity, ‘yung quantity hindi enough, so nag-survey kami. Nag-survey kami, ano ‘yung top five products na binibili niyo? Tapos sinurvey namin ‘yung mga farmers. Ano ‘yung top five products na tinatanim ninyo? Isang locality lang sila pero walang nagtugma.

    Gustong sabihin na hindi naga-guide ‘yung mga farmers, na ito ‘yung itanim niyo kasi ito ‘yung bibilhin. Tapos lahat kasi subsistence, karamihan sa mga small farmers subsistence sila, parang ang pinaka-target nila na sa maliit nilang lupain ang dami nilang tinatanim doon na iba-ibang klase. Eh pag ganoon hindi ka makakabenta ng scale, di ba? So, kami karamihan ang sukat nila, oh kumpleto ko ng pinakbet, kumpleto ako ng chopsuey, happy na sila noon. Pero hindi sila nakakabenta ng mataas na presyo kasi pakonti-konti ‘yung lahat.

    So nung ine-encourage namin sila na, kasi may na-identify kaming limang products na kailangang-kailangan ng mga negosyo: calamansi, luya, pipino, lettuce, saka sili. So ang sabi namin sa mga part– farmers, magko-concentrate tayo dito, ifi-finance namin kayo, aasikasuhin namin kayo basta dito tayo mag-concentrate. Grabe ‘yung resistance at first kasi ang ano nila, kung ano ang nakasanayan, ang number one na tinatanim nila ay eggplant pero wala naman siya sa top five na binibili. Pero ayaw nilang umalis doon kasi ‘yun yung kinasanayan nila. So it was so difficult para ikumbinse sila pero ika-third year na namin ngayon at asensado na. Asensado na ang aming mga farmers, nakabili na sila ng sarili nilang truck, marami na silang kontrata with the businesses na partner namin pero the only point I’m driving at is madali siyang asikasuhin kung may focus lang, kung may focus lang na aasikasuhin. Maraming mas complicated na problema pero gusto kong sabihin, habang sinosolve natin ‘yung mas complicated na problema, pwede nang ‘yung maliliit on the ground ay i-resolve.

    Kabibisita ko lang sa calamansi farmers sa Cabanatuan. Sa Cabanatuan ang laki ng calamansi farmers. Very proud nga ‘yung calamansi farmers sinasabi nila na ma’am, ‘yung calamansi pickers namin kailangan mag-construction work, hindi kailangan mag-menial jobs, kasi dito lang sa amin calamansi pickers lang sila, ang dami na nila makukuha.

    Pero, ang problema din nila, market. While– while grabe ‘yung demand sa market, wala masyadong assistance sa kanila pag– pag ano to, pag-align, ano ‘yung kailangan. Halimbawa, meron silang kausap na isang malaking market, pero bawal silang magbili nung sinusumpit and so ang gusto kong sabihin, na dapat tinututukan lang na ‘yung products nila aligned sa standards ng binibili. So there are a lot of things that we can do, lalo na sa Benguet. Kasi ‘yung Benguet grabe ‘yung production. Ang number one sanang– Ang number one sana dapat na customer niya gobyerno eh, gobyerno para ‘yung private sector, gaya nung sinabi ni Senator Kiko, para ‘yung private sector mag follow suit.

    SEN. KIKO: [01:06:32 - 01:09:35]

    VP LENI: Ano din ito ma’am, when I was in Congress I also authored a bill, ‘yung Sustainable Public Procurement, para sana ito doon sa maliliit na hindi makapagkumpitensya doon sa makakali ‘yung kapital. Kailangan ito maipasa eh. Kailangan siya maipasa na makita na ‘yung pamantayan ng pagbibigay ng mga public na kontrata ay dapat kino-consider kung sino ‘yung natutulungan noon. So pag tayo ay nakaupo ay isusulong natin ‘yun.

    SEN. KIKO: [01:10:13 - 01:10:44]

    ATTY. BARRY: Okay, last si Alan ng DZBB.

    DZBB: VP, good morning po. A few days ago, I think three days ago, si Leody de Guzman ay may statement na– ng Bukluran ng Manggagawa na willing siya na mag-give way o magbigay-daan sa inyo kung sakaling magkakaroon kayo ng mga pag-uusap at magkakasundo sa ilang mga kondisyon. Si Walden Bello sinabi niya na nasa iisang side kayo pero hindi nasa iisang page. Pero kung magkakasundo raw sa mga pag-uusap, magbibigay sila ng suporta sa inyo. Sa ngayon ho ba, meron na bang pag-uusap para sa ganoon ma-consolidate o mapag-isa ‘yung mga ibang grupo na ang binabanggit naman nila ay pare-parehas kayo ng adhikain dahil nga sa unang-una, eh laban din sila sa– sa pagbabalik ng Marcos at Duterte sa puwesto.

    VP LENI: Ako hindi naman kami, hindi naman kami huminto. Hindi kami huminto sa pakikipag-usap sa napakaraming grupo, in fact everyday ‘yun yung ginagawa namin kahit nung hindi pa ako kandidato hanggang ngayon. Ito, ang pakikipag-usap na ‘to hindi lang pakikipag-usap sa mga grupong kapareho namin ng paniniwala, pero kahit sa mga grupong iba sa amin ‘yung paniniwala, sa attempt na maghanap ng mga commonalities. Parati ko naman itong inuulit na despite the differences, siguradong merong mga pagkakapareho sa paniniwala na ‘yun ‘yung pwedeng pag-ugatan ng aming relationship. So kami tuloy-tuloy lang, bukas kami kahit kanino.

    ATTY. BARRY: Okay, maraming salamat. Diyan nagtatapos ang ating Q and A, magandang tanghali sa inyong lahat. Paalala ko lang para sa detalye ng programa, lenirobredo.com.

    [END 1:12:57]

    Posted in Transcripts on Dec 10, 2021