This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Press Conference of VP Leni Robredo

    Quezon City Reception House

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Magbibigay lang ng isang maiksing pahayag si Vice President Leni Robredo, tapos magbubukas tayo ng floor for questions.

    VP LENI: Magandang hapon.

    Una sa lahat, mabuti iyong balita na nag-order na iyong Presidential Electoral Tribunal na isapubliko na iyong committee report. Iyon naman iyong hinihingi natin last week pa, para malaman ng publiko kung ano talaga iyong nag-transpire doon sa recount, ano talaga iyong botong lumabas, at sino talaga iyong nagsasabi ng katotohanan. Dahil napakaraming balita nitong mga nakaraang linggo, na marami dito sa mga balita, hindi totoo. Mayroong mga reports sa Manila Times, mayroong mga lumabas sa social media—mayroong campaign sa social media na Proclaim the Real VP. Mayroong sinabi today na nanalo si Marcos sa Round 1. Last week, sinabi na ija-junk ng Supreme Court iyong committee report. At napatunayan na lahat na ito ay hindi totoo.

    So iyong pag-order ng Supreme Court today na isapubliko na iyong report, napakagandang balita nito kasi una, malalaman ng publiko kung ano talaga iyong tunay na nangyari during the recount.

    Iyong pangalawa, despite that, nananatili kami sa aming paniniwala na walang ibang acceptable na desisyon kundi i-dismiss iyong protest, in accordance with Rule 65 ng PET, and in accordance with the results of the recount. Iyon naman iyong nakasaad sa sariling delianations ng PET at iyong iyong nakasaad sa batas. Makikita kapag inilabas na iyong report kung ano iyong lumabas sa recount, at makikita na walang substantial recovery si Marcos.

    Pero gayunpaman, kami ay susunod—parati naman kaming sumusunod. Parati naming nirerespeto iyong Supreme Court. Parati kaming sumusunod sa order, iyong order na mag-file ng memorandum, susundin namin within 20 days of receipt.

    Kaya gusto ko lang gamitin iyong pagkakataon na ito na magpasalamat—magpasalamat sa maraming supporters na kusang-loob na pumunta, hindi lang ngayong linggo, pero noong mga nakaraang linggo. Nagpapasalamat kami, hindi lang doon sa mga pumupunta sa Supreme Court linggo-linggo para mag-vigil, pero iyong supporters sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas: sa Naga, sa Cebu, sa Baguio, sa Cagayan de Oro, sa Maguindanao, Lanao del Sur, Negros, at iba pang bahagi ng Pilipinas na nagkaniya-kaniyang vigil para ipakita iyong suporta. Para kasi sa kanila, hindi lang ito suporta sa akin, pero proteksyon sa sarili nilang boto, proteksyon na hindi nakawin iyong kanilang boto. Kaya sa kanila, nagpapasalamat kami. Nagpapasalamat din kami sa lahat na post sa social media na nagpapakita ng suporta. Again, kahit sa social media, hindi lang iyon suporta sa akin, pero pagsigurado na iyong boto nila noong nakaraang eleksyon, hindi manakaw.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Okay. Mara daw muna.

    RAPPLER: Hi, Ma’am. Medyo wala pong boses… So earlier, we saw some reports from the Supreme Court beat that Justice Carpio dissented and said there’s no other reason for the case to go on, because there’s no substantial recovery. And he said that the ruling today actually supposedly paves the way to a possible ballot recount—ballot revision—for the three ARMM provinces. Mayroon po ba tayong ganoong apprehension?

    VP LENI: Iyon naman iyong posisyon namin mula sa umpisa: na walang ibang acceptable na desisyon, based sa Rule 65 and based sa results ng recount, kundi i-dismiss iyong petisyon. Paalala lang na nagkaroon ng preliminary conference. And during the preliminary conference, in accordance with the rules of the Presidential Electoral Tribunal, si Marcos iyong pinapili. Siya iyong pinapili ng tatlong probinsya which best exemplify the fraud that he is alleging. Hindi kami iyong pumili, pero siya. At pinili niya: Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental. In accordance with the rules of the PET, ito iyong magiging basehan kung magpapatuloy itong protest o idi-dismiss. And in accordance with the rules, magpapatuloy lang iyong protest kung mayroon siyang substantial recovery. Kapag nilabas na ng committee iyong kanilang report, makikita niyo na walang substantial recovery. So talagang the only way to go is to dismiss the protest. Ngayon, ang gusto na naman ni Marcos, magkaroon na naman ng additional provinces sa ARMM. If I am not mistaken, Lanao del Sur, Maguindanao, and Basilan. Eh dapat sana iyon na iyong pinili niya, ‘di ba? Dapat sana iyon na iyong pinili niya noong umpisa. Bakit hindi niya iyon pinili? Bakit iyong pinili niya iyong CamSur, Iloilo, saka Negros Oriental, na wala kaming say sa pinili niya. Ngayong wala siya doong nakuha, gusto na naman niyang maghanap sa iba. Sa akin lang, alam naman namin na kahit saan siya maghanap, wala pa din siyang mahahanap. Pero the mere fact na nagda-drag on ito for so long, nagkakaroon lang siya ng plataporma na mag-propaganda ng mga kasinungalingan. Nagkakaroon siya ng propaganda na magsinungaling na siya iyong totoong nahirang na VP. Parang—

    Tapos na iyong eleksyon. Pinroclaim tayo ng Kongreso. Iyong resulta na galing sa Comelec, pinroclaim tayo ng Kongreso na panalo tayo. Nagkaroon ng recount, panalo ulit tayo. So ilang panalo pa ang kailangan para maniwala siya na hindi siya iyong nanalo?

    RAPPLER: Ma’am, just a follow-up: How are you feeling today, Ma’am? Are you relieved by the decision, given all the speculations in the past weeks?

    VP LENI: Siguro half relieved. Relieved because isasapubliko iyong committee report. Tingin ko napakahalagang maging transparent lahat, para alam ng tao sino ba sa amin iyong nagsisinungaling? Ano ba talaga iyong nangyari during the recount? Iyon naman iyong hinihingi namin, ‘di ba? Na isapubliko. Relieved ako because of that.

    Pero frustrated na hindi pa din na-dismiss. Kasi ang paniniwala talaga namin, there is no other way but to dismiss this, considering their own rules, and considering the results of the recount.

    GMA NEWS ONLINE: Good afternoon, Ma’am. Well, ang medyo surprising kasi iyong suddenly parties are being made to comment on BBM’s motion to nullify results in Basilan, Lanao del Sur, and Maguindanao. Would you say that by asking the parties to comment on these motions and to nullify the results in these provinces, SC is already defying Rule 65? Because Rule 65 states that there should be a substantial recovery before the protest can proceed.

    VP LENI: Ako, I don’t know how much I can divulge, considering the orders of the Supreme Court. Pero siguro, to simplify… to simplify the issues, as I have said earlier, nagkaroon ng preliminary conference. Kung tiitingnan iyong petition ni Marcos, mayroon siyang dalawang causes of action. Iyong una, wala na iyon. Iyong pangalawa, iyon iyong naging object ng preliminary conference. Naging object ng preliminary conference, na pagdating sa revision, pipili nga siya ng tatlo. Ewan ko kung mayroon kayong kopya noong aming manifestation yesterday, pero doon sa manifestation namin yesterday, kinoute namin from the stenographic notes of the preliminary conference ano exactly iyong nag-transpire and ano iyong statements ng abogado ni Marcos. At makikita doon sa statements ng abogado ni Marcos, na ito, ito talagang tatlo, ito na iyong pinipili nila. At kung wala silang makuhang substantial recovery out of this, nag-a-agree sila na kailangan na talagang i-dismiss ang case in accordance with Rule 65. So ngayon, iyon iyong kanilang statements. We can give you a copy of our manifestation, kasi quoted doon in toto kung ano iyong sinabi. Dapat sana i-dismiss na. Again, kung ang gusto niya sana nullification ng votes sa ARMM, dapat iyon na… iyon na sana iyong track niya from the preliminary conference. Pero ngayon, iba na iyong kaniyang sinasabi. Ang sinasabi niya lang ngayon, parang, “wala akong substantial recovery doon sa tatlo, pero puwede bang tingnan ulit itong… itong another three?” Na ito, it will go against Rule 65. Kasi sa Rule 65, talagang no more than three pilot provinces iyong pipiliin.

    ABS-CBN NEWS: Tungkol sana sa PET, pero natanong na rin… Iyong sa sinabi ni Mr. Marcos na na-rob daw siya ng term. Sabi niya, he was robbed of— “The proper vice president” was robbed daw, siya iyon. Ano pong masasabi niyo?

    VP LENI: Parang nakakatawa naman na siya iyong nagsasabi noon. Kasi between the two of us, parang hindi yata ako ang may ugaling mag-rob. Between the two of us, lahat ng na-achieve ko pinagpaguran ko. Wala akong fake diplomas, wala akong anything. Hindi ako naglalabas ng fake news. Parang… Parang dapat… dapat hindi niya kaya iyon sabihin kasi between the two of us, alam ko hindi ako iyong robber.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Okay? Mayroon pa?

    VP LENI: Okay?

    REPORTERS: Thank you!

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Thank you!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Oct 14, 2019