This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Press Conference of Vice President Leni Robredo and Senator Francis “Kiko” Pangilinan with Former Health Secretaries and Sectoral Representatives

    Press Conference of Vice President Leni Robredo and Senator Francis “Kiko” Pangilinan with Former Health Secretaries and Sectoral Representatives

    Quezon City Reception House

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Joining the Vice President for this morning’s media briefing is of course, her running mate Senator Kiko Pangilinan. [applause] And also joining her for the media briefing is former DOH Secretary Ezperanza Cabral and former DOH Secretary Manuel Dayrit. [applause] Also with us today are the following members of the senatorial slate, Senator Sonny Trillanes [applause], Congressman Teddy Baguilat [applause], and Atty. Sonny Matula. And with us representing various stakeholder groups are the following: Dr. RJ Naguit, Co-Convener of Youth for Leni and Chairperson, Akbayan Youth [applause]; Ms. Christine Haya, Momshies for Leni [applause]; Jeorgie Tenolete, President of the Kabalikat sa Kaunlaran ng Baseco, Inc. [applause]; Ka Rene Ireneo Cerilla of PAKISAMA (Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka [applause]; Ms. Jheodelyn Pangilinan, a Grade 3 Teacher at Bagong Silangan Elementary School in Quezon City [applause]; Mr. Elmer Carrascal, National Confederation of Transport Workers Union-Mandaluyong [applause]; Ms. Maristela Abenojar, National President of the Filipino Nurses United [applause]; Ms. Susan Wong, Barangay Health Worker (BHW) from Brgy. 599 Sta. Mesa, Manila [applause]; Mr. JJ Soriano [applause]; and Ms. Girlie Lorenzo, Philippine Alliance of Patient Organizations [applause]. Good morning to everyone. So, we will be taking questions from the media. Let’s start with Gerard of TV5.

    TV5: Good morning. Ma'am ang question ko po is tungkol po doon sa proposal ng DILG na hindi bibigyan ng subsidies ng 4Ps iyong mga beneficiaries kung hindi po sila nagpapabakuna. Ano po ang take natin on that?

    VP LENI: Hindi ako naniniwalang tama iyon. Hindi puwedeng i-withhold iyong nararapat na nilang matanggap. Kapag tinignan natin iyong 4Ps na batas, hindi naman kondisyon iyong pagpapabakuna doon. Iyong kondisyon no’n, very specific: iyong pag-aral ng mga estudyante, iyong pag-participate nila sa mga family development seminars, iyong pagpapa-check up ng mga buntis, iyong pagpapabakuna ng mga maliliit na mga bata. Kapag tinignan natin, wala doon anything about COVID vaccines. So hindi puwedeng i-withhold iyon based on non-vaccination dito sa COVID.

    Ako, parati kong sinasuggest, na iyong incentivizing—pagbibigay ng incentives. Halimbawa, kapag gusto mong i-incentivize iyong 4Ps, ano ba iyong mga puwede mong gawin? Puwede mong gawin, sasabihin natin na bibigyan natin ng gadgets iyong mga bawat pamilya na vaccinated na. O sabihin natin na bibigyan natin ng Christmas gift iyong mga pamilyang vaccinated na. Iyon iyong examples ng incentives. Pero iyong para na sa kanila, hindi mo iyon puwede i-withhold.

    TV5: Sorry, pangalawang question lang po.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Please go ahead.

    TV5: Okay. Since COVID response po iyong pinag-uusapan natin ngayon, isa rin sa mga pinaka-pinaguusapan ngayon is iyong sa paggamit ng face shields. Ano po ang take niyo po on that?

    VP LENI: Ako, sa totoo lang, medyo naasiwa ako na at this point, issue padin sa atin iyong face shield. Imbes sana na pagkakagastusan natin iyon, idagdag nalang natin sa pondo sa bakuna. Pero baka nandito si Dr. Dayrit at saka si Dr. Cabral, baka mayroon silang gustong idagdag patungkol sa paggamit ng face shields. Sorry to put you on the spot, Doc. [laughter]

    DR. MANUEL DAYRIT: Para sa akin, puwede nang walang face shield. Gumamit lang ng mask.

    DR. ESPERANZA CABRAL: Ganoon din sa akin.

    TV5: Thank you.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Thank you. Jacob Lazaro from One News.

    ONE NEWS: Good morning po. Ang tanong ko po, tungkol sa unemployment po natin ngayon. Mataas po iyong unemployment rate natin, and one of the things that you talked about is the unemployment insurance. Now, can we expect this to be like on a monthly basis? Parang ginagawa ng Biden administration? Or how do you see this unemployment insurance going?

    VP LENI: Iyong proposal natin, i-integrate siya sa SSS at saka sa GSIS. Pero iyong proposal natin, similiar sa ibang ginagawa sa ibang bansa, na iyong mga nawalan ng trabaho during the pandemic, makakatanggap ng 80% of the salary that they have been receiving for the first three months—first three months from unemployment to give them enough time to look for another, either employment or another source of income.

    ONE NEWS: Ah sige po. [to Sen. Kiko Pangilinan] You want to add po?

    SEN. KIKO PANGILINAN: Nabanggit kanina ni Vice President iyong cash-for-work as another opportunity na magkaroon ng pera [na] direkta sa bulsa ng ating mga manggagawa iyong pagbibigay ng trabaho. Halimbawa, sa National Irrigation Administration, mayroon iyang budget for repair and rehab ng mga water systems, irrigation systems, na dapat ang priority diyan ay iyong mga magsasaka. Iyong mga makakapag-benepisyo o magbe-benefit doon sa mga rehabilitation and infrastructure projects. So number one iyan, cash-for-work. May budget iyan. Doon din sa usapin halimbawa noong iba pang mga insentiba, may mga budget for emergency repairs, etc., cash-for-work din iyon. Maraming ahensya ng gobyerno mayroong ganyang klaseng budget na i-prioritize iyong mga manggagawa sa emergency repairs and other cash-for-work programs.

    ONE NEWS: I guess follow up lang po, health-related pa rin. Kay former Health secretary Cabral po, tanong ko lang po, ano sa tingin niyo iyong dapat maging standard natin in looking for the next Health secretary, if ever?

    DR. ESPERANZA CABRAL: Ah, mayroon kaming ginawang attributes ng isang mahusay na Secretary of Health. Ang una siyempre ay commitment doon sa kaniyang ginagawa na para sa tao at hindi para sa kaniya. Susunod ay competence. Kailangan naman na ang ating bagong Secretary of Health ay nakakaintindi ng mga problema at alam kung ano ang mga posibleng solusyon doon. At finally, compassion and all other attributes of a good human being, such as integrity, honesty, love for country and so forth.

    ONE NEWS: Thank you.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Thank you. Adrian? ABS-CBN.

    ABS-CBN: Hi, good morning, Ma’am. May running total ba iyong COVID sa Kalayaan sa COVID plan ninyo and ano ang masasabi niyo doon sa sinasabi ng ilan na medyo ambitious iyong plano?

    VP LENI: Pero kailangan talaga kasi maging ambitious tayo, eh. Kailangan maging ambitious kasi ang laki ng problema natin ngayon. Mayroon na kaming kwenta. Iyong kwenta namin, tinitingnan namin kung saan mahuhugot iyong mga pondo, kasi it is not as if kailangan, kailangan natin bago lahat iyong—ang gusto kong sabihin iyong kailangan nating mag-infuse ng panibagong… panibagong pera. Kasi maraming mga departments ang puwede nating i-reorient ang kanilang budget para ang focus, COVID response. Iyong kwenta namin ngayon na nahanap na namin sa budget somewhere in the area na mga 500 billion pesos. Pero simulan na natin, halimbawa, ilan ba iyong discretionary funds na nakikita natin ngayon? Iyong Office of the President, if I’m not mistaken, mayroon siyang P4.5 billion. Iyong special purpose fund galing sa iba’t ibang—para sa iba’t ibang opisina, parang iyong total noon P54 billion. May tintingnan kami ngayon na mga puwedeng mahugot from DPWH, DOH, from the Office of the President, from all the other agencies, iyon nga, naku-kuwenta na namin parang P500 billion.

    Pero iyong sa akin kasi, Adrian, nagawa na namin iyan dito sa opisina, na mayroon kaming kakarampot na pera pero siniguro namin na i-shift muna siya sa COVID response. Possible siya, eh. Kailangan lang talagang all hands on deck tayo, na lahat ng mga agencies committed, na iyong kanilang mga pondo na hindi pa very urgent gamitin for other items, magamit muna for COVID response.

    ABS-CBN: So may enough funds, Ma’am, na mahuhugot na nandiyan na if ever kung umupo kayo?

    VP LENI: Oo, oo. Saka iyong model na sinimulan namin sa Office of the Vice President, na iyong mga gawain para sa COVID response operations, hindi siya kinakailangan na lahat siya gobyerno. Iyong pag-harness ng private sector to help, napakalaking bagay. In fact, sa aming COVID response operations, mas malaki pa iyong contributions ng private sector kumpara sa pondo namin. So sa akin, mahalaga lang na may confidence, mahalaga na may confidence iyong private sector. Mahalaga na mayroon silang buy-in sa gagawin. So iyong sa akin talaga, eh i-engage ang all sectors of the Philippine society sa pag-rebuild ng ating bansa.

    ABS-CBN: Thank you, Ma’am.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Thank you. DK Zarate ng RMN.

    RMN MANILA: Good morning po. DK Zarate po ng DZXL RMN Manila. Tanong ko lang po, Vice President, nitong nakaraang weekend po kasi, unang weekend na nasa Alert Level 2 tayo. Sobrang dami po sa parke, sa mall, sobrang dami pong bata na may mga guardian. Sa tingin niyo ho ba, eh napaaga iyong pagde-desisyon na payagang makalabas iyong mga bata? Handa na po ba tayo rito gaiyong kaunti pa lang sa populasyon nila iyong bakunado?

    VP LENI: Ako, sasagutin ko iyan pero request ko lang, humingi tayo ng opinyon ni Dr. Dayrit at saka ni Dr. Cabral. Pero sa akin lagi ko namang inuulit ‘di ba—lagi kong inuulit na laging balancing act iyon, eh, na parating iisipin natin, hindi gustong sabihin, bumaba na iyong kaso, na hindi na tayo nag-aasikaso. Kailangan kahit binaba na iyong alert level, kailangan iyong operationalization nito, hindi iyong opposite side of the spectrum. Pero having said that, siguro hingiin natin iyong opinyon ni Secretary Dayrit at saka Secretary Cabral.

    RMN MANILA: Sige po.

    DR. MANUEL DAYRIT: Para sa akin, puwede nang lumabas ang mga bata. Pero kailangan lang mag-ingat. Kung nagma-mask sila, makatutulong ito sa pag-iingat. Kasi kung iisipin natin, halos dalawang—halos dalawang taon silang naka-ano eh, nakabinbin, eh. Kailangan mo rin asikasuhin iyong kanilang emotional at saka social development eh. Eh kung patatagalin pa iyan alam nating talagang mapipinsala sila. So, ika nga ni Vice President, bina-balanse. Puwedeng lumabas, pero hindi dapat magpabaya, at kailangan pa ring mag-mask.

    DR. ESPERANZA CABRAL: Sang-ayon ako kay VP Leni at kay Dr. Dayrit. Pero dito ngayon nakikita natin kung papaano natin ipa-practice iyong ating responsibilidad para sa sarili natin at saka sa mga minamahal nating mga anak. Kasi, alam naman natin na hindi pa safe. Nandiyan pa rin ang COVID. Eh, wala naming makakapagsabi sa iyo na, “huwag mo dalhin ang mga anak mo sa mga lugar na masyadong maraming tao kung hindi ikaw na lang.” So, ang aking appeal ay doon sa mga nanay at tatay na i-exercise nila iyong kanilang responsibility at huwag nilang gawin iyong palagay nila na ay magiging mapanganib para sa kanila at saka mga anak nila.

    VP LENI: Saka, dagdag ko din lang, kung mapapansin niyo, doon sa COVID—sa Kalayaan sa COVID Plan natin, nagbibigay tayong emphasis na pag nag-build back better tayo, kailangan taken into consideration na iyong klase ng infrastructure o klase ng public spaces na pinagkakagastusan ng pamahalaan natin. Ngayon, nakita natin kailangan natin mas maraming open spaces, kailangan natin ng mas maraming parks. In fact, very emphatic tayo na dapat pagkagastusan na natin iyong mga bike lanes. So, ito lesson sa atin iyong past one year and eight months—na kapag pabalik tayo sa normal, kailangan taken into consideration na iyong lahat ng mga pangangailangan. Ngayon kasi, ang karamihan na pasyalan, mall. Karamihan na pasyalan mall kasi kulang na kulang iyong ating public open spaces. So dapat paghandaan natin iyon.

    RMN MANILA: Maraming salamat…

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Okay, Saleema, GMA.

    GMA NEWS: Hi, Ma’am, good morning. Senator, good morning din po at ang atin pong mga Secretaries. I’d like to address po muna the question to the former secretaries. Kayo po, noong panahon ninyo, if I’m not mistaken, na-experience niyo rin po iyong may sakit na kumakalat at naabatan po ito bago po makapasok sa bansa. What could we have done better po sa pagharap dito po sa COVID? And then, Ma’am, sa inyo po, ano po sa tingin niyo po iyong parang, saan tayo nagkulang? Secretaries?

    DR. MANUEL DAYRIT: Para sa akin, medyo mabagal iyong pagkilos. Kasi alam na na nagkaroon ng outbreak sa China as early as December. Sa pagtantiya ko, obserbasyon ko, kumilos lang bandang ano, eh, bandang March. Although noong February, nagkakaroon ng press conferences, operationally, hindi pa talaga kumikilos, eh. So unang-una, mabagal kumilos. At saka, ang pagkilos kasi talaga kailangan operational, organizational. Ibig sabihin niyan, handa talaga lahat ng mga ospital, lahat ng mga offices ng DOH. Number two, para magawa iyon, kailangan mayroon ka ng planning, eh. So, mayroon naman tayong experience before with other epidemics. Ang nangyari lang, hindi talaga sila—itong mga epidemics na ito, hindi talaga kumalat. Iyong Bird Flu, halimbawa, iyong MERS-CoV. So, palagay ko, ang naging psychology, “baka hindi naman kumalat iyan, eh” so medyo nag-dilly-dally. So iyon iyong palagay kong malaking miscalculation.

    If maybe we had sat down and—katulad ng Taiwan, pumunta sila sa China, pinag-aralan nila iyong situation doon. Kaya by December, January, ang ginawa ng Taiwan, bawal na mag-export ng mga masks. War footing na sila, ika nga, kasi nakita nila na kakalat, eh. So iyon ang unang-una palagay ko, mabagal. Kasi mabagal, nakapasok na iyong virus tapos nag-community spread. Ang problema dito sa virus na ito, itong COVID-19, kaiba doon sa SARS. Doble, triple iyong transmissibility. Noong sa SARS, kumilos kaagad tayo doon. Pero ito, mabagal na tayo kumilos, mas transmissible pa, kaya nakapasok kaagad iyong virus. Tapos noong nakapasok na, community spread, nahirapan na tayo kasi panic na, eh. So it was early response and really, early organization—that’s what we could have done better.

    DR. ESPERANZA CABRAL: Noong unang panahon ng COVID ay naiimbitahan naman kami para magbigay ng payo kung ano ang gagawin. At palagi sinasabi namin is, lahat naman iyan ay alam natin kung ano iyong gagawin. Kailangan lang gawin natin at scale, ibig sabihin malawakan, at mabilis. Ibig sabihin, katulad ng sinasabi ni Dr. Dayrit. Hindi puwede na bukas na o sa isang linggo na. Kailangan kahapon nagawa na natin. At hindi lang iyon ang pagkakamali o puwedeng nadagdagan sana ay iyong communication sa mga tao para makuha natin ang kanilang kooperasyon sa pag-iwas doon sa mga dapat gawin, hindi dapat gawin para doon sa COVID. Palagay ko iyong communication strategy natin ay medyo hindi sapat kaya hindi lahat ng tao ay workling together para masugpo itong COVID na ito. So noong unang panahon, siguro puwede pa natin mapatawad na mayroong mga pagkakamali, ganiyan. Pero after a few months, siguro naman alam na natin kung ano iyong dapat gawin at ginawa na iyon nang mas mabilis pa at mas malawak pa.

    VP LENI: Ako, few points. In addition to what Secretary Dayrit and Secretary Cabral already said. Ako, number one, leadership. Iyong sa akin kasi, dapat noong pumutok siya noong December, dapat ano na tayong lahat, dapat naka-alerto na lahat, again, ulit-ulit ko itong sinasabi, all hands on deck. Dapat hindi na natin hinayaan na iyong mga puwedeng maging daanan ng COVID papasok sa bansa ay hindi natin naharangan. Dapat hinanda na natin iyong healthcare system natin considering na at that time, grabe na iyong China at saka Italy, ‘di ba. Grabe na iyong China at saka Italy na dapat natuto na tayo.

    Pangalawa, noong nakapasok na nga iyong COVID na iyong economy natin nag-halt, noong nag-halt iyong economy natin, iyong paniniwala ko roon dapat sana iyong gobyerno gumastos. Gumastos ng pera pero iyong pagkakagastusan ng pera tama. Parang ang nangyari kasi sa atin tinitipid natin for the rainy days na hindi natin nalaanan ng pondo iyong dapat paglaanan ng pondo. Tapos noong kinakailangan na, umutang tayo nang umutang tapos hindi naman natin nagamit sa tama. Para sa akin, crucial siya during crisis situations—na kailangan mo ng pera, kailangan mong gastusin para maampat iyong virus, pero dapat kapag ginastos mo ito, directed sa dapat pagka-gastusan. Nakikita natin ngayon na during the pandemic, mayroon pang korapsyon na nangyayari.

    So para sa akin talaga, iyon iyong pinaka-mali nating ginawa. Of course, agree ako. Agree ako sa mga secretaries na sobrang bagal natin. Marami tayong mga push-pull. Kung naaalala niyo, nag-iingay na tayo noon na ihinto na iyong mga flights papasok dito. Mayroon pang debate. Halimbawa, iyong sa mga bakuna. Sinabi na natin—hindi pa dumarating iyong bakuna—sinabi na natin na sana mag-train na tayo ng mga vaccinators. Dapat planuhin na natin iyong logistical support sa pagdala sa mga probinsya. Ngayon na mayroon na tayo ng supply, iyong sinasabi natin na magiging problema noong December, problema ngayon. So ang dami sanang nagawan ng paraan na mabilisan. Kasi kami, nakikita ko ito sa OVP, wala naman kaming masyadong pera, wala naman kaming masyadong makinarya pero ang dami naming nagawa na immediate. Halimbawa, iyong nawalan ng public transportation, the following day mayroon na kaming shuttle buses. Noong nawalan ng mga PPE sets, hindi naman sa amin naging problema iyong logistics. Hanggang sa Tawi-Tawi nakakapadala kami ng mga PPE sets. So para sa akin ano siya, eh, kung on top ka sa nangyayari, ang daming puwedeng magawa na mabilisan.

    GMA NEWS: Senator Kiko?

    SEN. KIKO PANGILINAN: Thank you. Actually, nakita na natin dito sa hearing ng Blue Ribbon Committee kung saan nagkulang ang gobyerno. We agree with Vice President’s leadership dahil sa halip na, nakita natin na ang layunin ng gobyerno at masugpo ang COVID, ang naging layunin ng ilan sa gobyerno ay pagkakitaan ang COVID—so number one iyon, iyong corruption. Doon tayo nagkulang at dapat talagang managot iyong mga involved dito.

    Pangalawa, iyong kakulangan ulit ng leadership. April 2020 pa lang sinabi na ng Senado, labinlimang senador, na dapat magbitiw na sa tungkulin iyong secretary. Kung pinakinggan sana ito ng liderato sa Executive Department na April 2020 pa lang—kung nag-desisyon na na dapat ngayong mag-let go na, eh baka iba ang naging resulta noong ating COVID response. So dalawa iyon, iyong incompetence at iyong corruption. And one last, parang illustration lang, iyong lack of sense of urgency at competence nabanggit ni Secretary Dayrit—former Secretary Dayrit—na parang mayroong complacency. Noong February 4 hearing ng Senate Committee on Health, tinanong natin si Secretary Duque. Sabi nila, 90 ang persons under investigation. Ang definition noong under investigation noon may sintomas na—may sintomas. Ninety daw. Tinanong natin ilan ang taga-Wuhan, hindi niya alam. Tinanong niya sa staff niya at doon laman niya nalaman na 31 pala doon sa 90 exhibiting symptoms, galing Wuhan. Noong tinanong natin, “may contact tracing ba?” Sabi hindi na raw nagawa dahil na-discharge na sa mga ospital. So doon pa lang, kitang-kita iyong kakulangan ng liderato sa pag—at seryosong pagtugon sa COVID. And one last point, hindi rin nila alam sa contact tracing, ‘di ba. Tinanong siya, “na-contact trace ba iyong isang Wuhan passenger na namatay?” At doon din niya lang nalaman na 17% pa lang noong mga pasahero doon sa eroplano ang na-contact trace. Eh talagang kapag ganiyan iyong patakbo… Kaya nga Abril pa lamang, one month o one and a half month after, hinihiling na namin sa Senado na siya ay palitan pero hindi ito dininggin.

    GMA NEWS: Salamat po.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Okay, thank you very much for attending this morning’s media briefing. Oh, may hahabol daw, Ma’am.

    CNN PHILIPPINES: Sorry po, pahabol lang. Good morning po. Of course, very striking na present iyong dalawang former Health secretaries. May I know the specific roles of the two of you? Were you part of the advisory team?

    VP LENI: Actually, since—kailan tayo, Sec., unang… February ba o March?—I think since February or March last year, we have been doing very regular briefings with them already. Kabahagi siya sa preparation ng ano ba iyong puwedeng magawa ng aming opisina. Kapag nakita natin, mayroon tayong mga sectoral representatives. It’s not just the doctors iyong tinatanong natin, pati mga epidemiologists. Hindi lang makapunta ngayon iyong iba. Pati public health consultants. Halimbawa, si Dr. RJ has been with us since April. He’s very much a part of our Bayanihan E-Konsulta. Iyong mga representatives ng nurses, ng urban poor, ng business, ng agri, ng education, BHW, kailangan kinokonsulta sila kasi kailangan iyong natatanong iyong lahat na stakeholders na affected. Kaya kapag tiningnan niyo iyong programa namin, mayroong education, mayroong—in fact, mayroong transport, mayroong negosyo, mayroong employment. Nandito si Atty. Sonny Matula, very much involved in the advocacy for labor. So iyong opisina naman namin, very regularly nagkakaroon kami ng briefings. And iyong COVID plan, hindi ito galing sa akin pero galing ito sa consultation with the many different sectors.

    CNN PHILIPPINES: Last na lang po to the two former Health secretaries. What made you decide to join VP Robredo’s team among other presidential aspirants?

    DR. ESPERANZA CABRAL: Ako, ang sagot ko diyan is we are only too happy to join VP Robredo in crafting a good health agenda. But we are also open to other people who want a good health agenda and may need our help. So we are not exclusive to VP. We are working for a good health agenda.

    DR. MANUEL DAYRIT: For me, it’s leadership. So ako personally, I think si VP Robredo, you know, has the qualities for leadership in pushing the agenda forward. And I say that because ano siya, eh, tinitingnan niya iyong lahat na mga detalye. So a leader really has to understand iyong mga details, eh. Even if there are people that are working on the details, kailangan tinatanong niya iyong mga detalye na iyon. I think ang situation ngayon is that marami sa mga tao sa taas, hindi nila naiiintindihan iyong mga detalye. And importante iyon lalo na kung Secretary ka of Health. Kailangan naiintindihan mo iyong detalye. Kailangan alam mo kung papaano kumikilos iyong mga tao mo. Tapos kailangan, nakaka-work across ka, eh, sa ibang mga sectors. So talagang mabigat iyong trabaho ng isang lider sa isang gobyerno. So for me, nag-uumpisa iyan sa pinaka-mataas.

    Although sang-ayon din ako sa sinabi ni ano, ni Secretary Cabral na we give our advice maski sino, okay. Pero ako personally, I will support VP Leni.

    VP LENI: At saka ano naman ito ha, parang to clarify, iyong mga tinatanong namin, mga sinasanggunian namin na mga tao, hindi naman namin muna tinatanong kung, “Ako ba iyong tutulungan niyong pangulo?” [chuckles] Sa amin, hindi iyon kuwestiyon. Wala sa kulay. Kapag expert ka sa field na palagay namin we will benefit from your expertise, talagang tatanungin ka namin kahit wala kayong commitment o iba iyong tinutulungan.

    CNN PHILIPPINES: Thank you po.

    VANGUARD RADIO NETWORK: One last po, promise po. Jenn Galvez, Basta Batas Vanguard Radio Network. Just one question, kasi po we’ve been getting a lot of—medyo mataas ho iyong mic. I’m vertically challenged. [laughter] Marami po kasi kaming nare-receive from private groups po representing different members of the society. Sabi po nila, they’re questioning, actually—at pinapakalat po nila ito like wildfire—they’re questioning your capacity to lead by limiting you na iyong response niyo raw po sa COVID-19 at the height of the pandemic, kung ano mang success daw po iyon, is limited basically here in the OVP. Ano pong take niyo doon? Is your office trying to reach out to these people or move on na lang po?

    VP LENI: Ako, actually, hindi ko kailangang depensahan iyong sarili namin. Kasi wherever we go now, now na campaign season, alam mo iyong pinaka-active na mga kumakampanya sa akin? Iyong pinaka-active na kumakampanya sa akin iyong mga nasa health sector, eh. Halimbawa, galing pa lang ako sa Bacolod. Na-amaze ako sobrang active noong Doctors for Leni doon. And noong nakausap ko sila, ang sinasabi nila, “Ma’am, noong nangangailangan kami ng tulong, ikaw lang iyong pinaka-unang tumulong sa amin. So I don’t think it was limited to just the OVP kasi iyong OVP was just a platform. Actually, kami platform lang para iyong mga many different groups who wanted to help, magkaroon ng access para mapuntahan iyong lahat na lugar on the ground. Hindi ko nakikita na may ibang opisinang nagawa iyong nagawa namin. And hindi kami naging limited lang sa Metro Manila. Actually, sabi ko iyong aming mga assistance, from Batanes to Tawi-Tawi. So sa akin, iyong mga nagsasabi niyan siguro hindi aware [sa] ginagawa namin.

    SEN. KIKO PANGILINAN: Ma’am, if I may add, mag-iingat din tayo doon sa mga ganiyang klaseng paratang kasi maaaring fake news. Nasa Tarlac kami, ganoon din. Tumayo iyong isang frontliner, isang doktor at sinabi sa Tarlac, ang unang magbigay ng PPEs at tulong sa kanila ay ang tanggapan ng Vice President. So, I’m sure mayroong mga maglalabas ng paratang pero I strongly urge, you know, our citizens to cross-check the facts. Because baka nga fake news ang mga paratang na self-serving at hindi totoo.

    VP LENI: At saka ano rin siguro, iyong sinasabi ni Dr. Dayrit kanina na naiintindihan ko iyong lahat na detalye kasi I was on top of everything. Hindi ako armchair na leader. Si Dr. RJ alam iyon kasi si Dr. RJ, paminsan nagkakasabay kami ng duty, eh. Dis oras ng gabi, mga alas-dos ng umaga, alas-tres ng umaga, alas-kuwatro ng umaga, naka-duty pa ako. Kaya hindi ako makukuwentahan ng nangyayari on the ground. Iyong nangyayari sa Metro Manila, ibang-iba iyong nangyayari sa provinces. So iyong sa akin, iyong understanding ng iba’t ibang mga dimensions ng problema, dito sa opisina namin hindi lang ako pero lahat kami dito sa opisina—lahat kami dito sa opisina naiintindihan namin kasi iba-ibang lugar iyong pinuntahan namin. Halimbawa, nagkaroon kami ng operations sa Cebu, nagkaroon kami ng operations sa Palawan, noong weekend lang nasa Capas, Tarlac kami. Tapos iyong mga binakunahan namin doon mga Aeta communit[ies]. So kami, iyong paratang na iyan is not at all true.

    SEN. KIKO PANGILINAN: And one more, Ma’am, pasensya na po, Ma’am, at kung nagawa na ni Vice President Leni iyan sa karampot na budget ng OVP, you can imagine anong puwede niya pang gawin kapag siya na ang pangulo. Talagang masusing pagtugon sa problema ng COVID [ang] maaasahan. That is our final point on the matter. Thank you.

    VP LENI: Thank you! Salamat sa inyong lahat. [applause]

    • 30 -

    Posted in Transcripts on Nov 08, 2021