This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Press conference of Vice President Leni Robredo on the allegations made by ‘Bikoy’

    Quezon City Reception House

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Good morning. The Vice President will deliver a brief statement, then we’ll take three questions.

    VP LENI [ opening statement ]: Magandang umaga.

    Iyong sa akin lang, katatapos lang noong press conference noong ‘Bikoy’, at it was brought to my attention na may accusation na nagkita kami. Gusto ko lang sabihin dito na hindi ko siya kilala—never ko siyang nakausap, never ko siyang naka-text, never ko siyang… never na nagkaroon ng communication between us. In fact, first time ko siyang nakita noong nag-presscon siya sa IBP.

    Kaya iyong sa akin, iyong accusations na iyon, dahil hindi totoo, handa akong humarap sa kahit anong forum, handa akong humarap sa kahit anong imbestigasyon, kasi panatag iyong kalooban ko sa katotohanan.

    Iyong sa akin lang, napakaraming mga pangalan na nasambit. Iyong Liberal Party, once again, nahila dito sa controversy. Gusto ko lang sabihin na I can speak for the party: Wala kaming kinalaman dito sa ‘Bikoy’ issue. Natanong ko na si Senator Kiko, na siya iyong party president, wala din siyang alam, hindi niya kilala, hindi pa niya nakausap. Kaya tingin ko unfair na isali ulit iyong LP dito.

    Iyong sa akin, kung ito ay harassment, kung ito ay ginagawang paraan para lalong yurakan at tapakan iyong Liberal Party o kaming nasa oposisyon, gusto ko lang sabihin sa ating mga kasama na hindi ito magiging dahilan para magpapatinag tayo. Hindi ito dahilan para huminto tayo sa pagpupuna kung may kailangan punahin.

    OVP: All right, Ma’am, first question po is from Ms. Sandra Aguinaldo.

    GMA-7: Ma’am, iyong nabanggit po iyong sinasabi ni ‘Bikoy’ na para nga daw pabagsakin ang Pangulo, at kayo ang magiging Pangulo, at iyong Vice President daw po ay si Senator Trillanes. So we want to get your reaction on that, Ma’am. And also, if you can, like, characterize, maybe, your relations—political relationship—with Senator Trillanes, kung puwede ho ba iyon na siya iyong maging vice president?

    VP LENI: Iyong sa akin lang, una, iyong pagpapabagsak sa gobyerno, parang 2016 inaakusahan na ako noon. Kung naaalala niyo, iyong pinakaunang matrix na inilabas, kasama ako—kasama ko si Jollibee, kami iyong mga destabilizers ng gobyerno.

    Si Senator Trillanes is not part of the Liberal Party. Magdalo sila. Kasama namin sa coalition iyong Magdalo dahil kay Congressman Gary Alejano. I met Senator Trillanes a few times during the campaign dahil sa ilang mga meetings patungkol sa kampanya. In fact, pumunta siya dito sa office—I don’t recall kung two or three times—pero ang purpose niya ng pagpunta is to present the internal survey of Magdalo. Kaya niya pine-present sa akin iyong internal survey sa Magdalo, para gamitin iyong survey para sa pag-strategize for the campaign. Pero other than that, in all of our meetings, walang mention about destabilization, walang mention ng pagpapabagsak sa gobyerno, walang mention tungkol kay ‘Bikoy’. Lahat ng pinag-usapan tungkol sa kampanya.

    GMA-7: And you will never be part of—

    VP LENI: I will never be part of any destabilization. Parati ko naman itong sinasabi, na iyong pagpasok ko sa pulitika, aksidente. Parati kong sinasabi na iyong presidency, destiny iyon—hindi siya napaplano, hindi siya napa-plot, kasi kung para sa iyo iyon, ibibigay iyon. Waste of time iyong pagpaplano para pabagsakin iyong administrasyon. Saka tingin ko subversion iyon ng will ng mamamayan.

    CNN PHILIPPINES: Hi, Ma’am. Ma’am, any legal action po you’re planning against ‘Bikoy’? Because his allegations are quite serious?

    VP LENI: Ako, papaaral natin sa mga abogado. Pero ito kasi, kung naaalala natin, lumabas na siya— Hindi ko nakita iyong lahat na videos, nakita ko lang yata iyong umpisa. Noong lumabas iyong mga videos na iyon, parang, shinoot-down na kaagad iyong credibility. So ang hindi ko maintindihan, shinoot-down na iyong credibility, pero ngayon na oposisyon naman iyong inaakusahan niya, parang, all of a sudden credible siya ulit. So nakakapagduda. Nakakapagduda na kayo iyong nagsasabi na sinungaling iyong taong ito, hindi mapapagkatiwalaan, tapos ngayon dahil hindi na kayo iyong itinuturo, iyong oposisyon na, all of a sudden kailangan pakinggan.

    CNN PHILIPPINES: Do you think he’s credible? Because initially you said that his allegations should be looked into?

    VP LENI: Ako, sigurado ako na hindi siya credible, kasi noong sinabi niya ngang nag-meet kami sa Ateneo, never ko pa siyang na-meet sa aking buhay. Iyong sa akin— Tiningnan ko na nga iyong mga meetings. Ang sabi niya, parang, Otso Diretso meeting, eh, na nag-drop-by daw ako. Hindi daw ako humarap sa meeting pero nag-drop-by ako. Tiningnan ko iyong lahat na pagpunta ko sa Ateneo. Una, wala namang Otso Diretso meeting na ginawa sa Ateneo. Karamihan sa mga meetings ng Otso na na-attend-an ko, either dito o… Pumupunta sila dito o sa Balay, na iyon iyong aming campaign headquarters. Tiningnan ko nga— Nagsisimba ako sa Ateneo, pero tinitingnan ko, sino ba iyong nakita ko sa simbahan? Parang wala naman yatang kakaiba, iyong mga dati lang na churchgoers. Iyong pinakahuling punta ko doon, December. December iyong pinakahuling punta ko doon, at nag-attend ako ng Christmas party noong dati kong opisina, kasi iyong dati kong opisina nasa loob ng Ateneo iyong kaniyang… iyong kaniyang lugar. Iyon iyong huli kong event. Walang any political meeting or event na nangyari sa Ateneo. Kaya kapag sinabi niya na nagkita kami, talagang sinungaling siya—kasi never iyong nangyari.

    GMA NEWS ONLINE: Good afternoon po. Ma’am, considering how fast he changed his narrative, do you think that it’s also possible na itong ‘Bikoy’ is a, kumbaga, creation or ally also of the administration?

    VP LENI: Ako, we can only speculate. Pero may sinasabi siya— Gaya ng sinasabi niya dapat daw pang-finale siya doon sa kasinungalingan laban kay Senator Leila. Parang, pagpapakita na iyon kung ano iyong tunay niyang pagkatao: na siya ay bayaran, siya ay ginagamit para maghasik ng kasinungalingan. Siya dapat hindi paniwalaan. Nakita ko iyong portion ng kaniyang statement, sinasabi niya na gawa-gawa lang iyong mga statements laban kay Senator Leila. Pati daw siya ay kinausap ng mga pro-administration na mga members ng BuCor na galit kay Senator Leila. Dapat daw siya sana iyong pang-finale. Pero hindi daw totoo iyong statements laban kay Senator Leila. So siya din iyong nagsabi na talagang marami siyang ginagawa na gawa-gawa lang, so hindi ko alam kung bakit kailangang pakinggan iyong sinasabi niya.

    REPORTER 4: On his own kaya niya ito or baka under threat siya?

    VP LENI: Actually, hindi ko masabi kasi first time ko nga siyang nakita noong lumabas siya sa IBP. Iyong lumabas siya sa IBP, ang tinitira niya iyong miyembro ng pamilya ni Pangulo saka iyong ibang miyembro ng official family. Parang, in a matter of days, ang tinitira niya na naman iyong oposisyon. Hindi natin masabi.

    Pero ang sigurado ko lang, na nagsisinungaling siya. Ang sigurado ko nagsisinungaling siya kasi dinamay niya iyong LP, na walang kinalaman. Sinabi niya iyong pangalan ko, na nagkita kami, na ni anino niya hindi ko talaga nakita. So sigurado ako sinungaling siya.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Okay. Thank you.

    VP LENI: Maraming salamat!

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on May 23, 2019