This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Press Conference at the Office of the Vice President, Quezon City

    5 December 2016

    Q: Can you tell us po, paano po ba talaga nangyari yung mga events leading to your resignation? Noon pa po ba, may naranasan na po ba tayong or naramdaman na medyo hindi po tayo welcome? O, ito po ba ay naranasan nalang natin eventually, yung pagkagulong nalang po ng mga Cabinet?

    VP Leni: Alam ninyo, iyong pinakaunang indication na hindi na ako welcome, noong Friday afternoon. Galing ako sa Pasay, pauwi ako dito sa Opisina, nag-attend ako ng isang forum sa panlupa at pabahay sa Pasay, pabalik ako, tumawag si USec Boyet Dy, iyong aking Chief of Staff.Sabi daw niya nakatanggap daw siya ng isang tawag mula sa opisina ni Cabinet Secretary Jun Evasco. Ang sinasabi daw ay pinapasabi daw ni CabSec na hindi na daw ako pwedeng mag-attend ng Cabinet meeting sa Lunes.So ang tanong ko sa kanya, aside from the tawag, ano ba ang ibang natanggap natin. Ang sabi niya, wala na po, yun lang, yung tawag. Sabi ko, yung invitation ba sa Cabinet meeting, nakatanggap ba tayo ng written invitation? Sabi niya opo, twice nga tayo nakatanggap, kasi kanina lang ng umaga may natanggap pa tayong revised na agenda.

    So ang sabi ko sa kanya, sabihin mo na kung hindi ako ipapa-attend ng Cabinet meeting sa Monday, baka puwede namang isulat nila. Kasi sulat, formal na sulat yung natanggap namin na mag-attend, tapos itatawag lang nila yung bawal na pala akong mag-attend.

    And then dumiretso ako sa opisina, medyo gabi na iyon, sabi ni USec Dy, kausap niya daw ulit, sabi daw iyong pagsulat daw sa akin is out of the question yata, out of the question ang pagsulat sa akin.

    So ang sabi ko sa kanya, sabihin mo na pag wala tayong natanggap na sulat, mag-aattend pa din ako. Kasi one item in the agenda was a discussion of the Yolanda updates.

    Ano iyon eh, nasa resettlement cluster ako, in fact, the whole of Thursday afternoon I was in Malacañang because I attended the Yolanda rehabilitation Cabinet cluster meeting, ako nga ang pinakamahabang presentation doon, maayos lahat.

    Tapos all of a sudden, less than a day later, mayroon nang ganito. Kausap, parang may palitan ng pag-uusap sina USec Boyet at saka iyong Office ni CabSec. Ang sabi daw, hindi daw talaga ako puwedeng mag-attend.

    So ako, initially I was insisting that I will attend. Kasi sabi ko, baka sabihin na remiss ako sa aking duties. Sabi niya, nakikiusap po, Ma’am, na huwag ka na talagang pumunta so as not to aggravate the situation.

    So ang sabi ko, what situation? Hindi naman po sinabi. So ako naman, sabi ko pasiguro lang tayo, pero ang lahat ng report ko sa Yolanda, iyong dapat sanang dala ko on Monday, i-submit natin first thing on Monday.

    So natapos ang marami-raming trabaho dito, pumasok ako on Saturday. Saturday morning mayroon akong event in Alabang, after the event in Alabang pumasok ako dito kasi nagpirma nga ako ng napakaraming mga certificate of land awards for San Fernando Pampanga. Meron akong 660 na pinirmahan. Right after ako nagpirma, I received a text message from CabSec Jun Evasco. I think every one of you saw the message already. Medyo stronger na iyong words diyan, ang sabi to desist.

    To desist from attending Cabinet meetings starting Monday.

    So ako naman, medyo iba na iyon. Medyo iba na iyon but I was still discussing with my staff, pupunta pa ba ako o hindi. Ako, iyong initial reaction ko, kung text message lang, pupunta pa din ako.

    The following day, I texted Bong Go, SAP Bong Go, I texted him. Ang sabi ko lang sa kanya, I just need confirmation from the President, kasi wala akong direct line kay Presidente. Well, when I need to speak to him, I always go to Bong Go. Tinetext ko siya, I sent him, I think, three or four text messages asking for a confirmation from the President. Dati naman, sinasagot ako, pero nang the whole of Sunday, hindi ako sinagot.

    So I texted CabSec Jun Evasco, iyong first text ko pa nga, sabi ko, naghihintay ako ng confirmation from the President through Bong Go pero hindi pa ako sinasagot. Hindi din ako sinasagot, until nag-discuss kami what we

    should do. So sinabi ko naman na kung ang instruction, from Monday until hindi natin alam hindi na ako puwedeng mag-attend ng Cabinet meetings, parang finafire na ako.

    Kasi, how will I be able to function na hindi ako mag-aattend ng Cabinet meeting, na ang housing, alam niyo naman, is not a department. Iyong HUDCC is just a coordinating council of many agencies. Anim ang shelter agencies sa Department namin. Doon sa amin, iyong lahat ng recommendations namin, ano na ngayon, five months after, wala pang naa-appoint. Ang may head lang doon sa anim, NHA, kasi iyong NHA head was appointed before me. Iyong NHA head ngayon was the former planning officer yata of Davao. But he was appointed before me so siya pa lang ang nandoon.

    But all the other shelter agencies, wala pa siyang head. Ito, ilang Cabinet meetings ata ito finollow up, pabalik-balik din kami following up the appointments kasi, paano makakafunction yung shelter agencies kung wala siyang mga head? Iyong nandoon pina-resign, so hold over capacity, pero kahit nga wala ang mga heads, nagpa-board meeting na ako sa lahat. Para lang umusad na yung trabaho.

    Pero I think the handwriting on the wall was already very clear. So yesterday afternoon noong hindi ako nakakatanggap ng confirmation from SAP Bong Go, and from CabSec Jun Evasco, I decided to issue the statement and submit my letter of resignation this morning.

    Parang medyo naguluhan lang ako kasi, I think, ang statement yata was hindi naman ako pinapa-attend, pero hindi naman ako tinatanggal. For me, not being able to attend the Cabinet meetings makes my prolonged stay as a member of the Cabinet already untenable.

    Kasi marami kaming functions na hindi na namin magagawa without the other government agencies. Kaya parang, ayaw ko naman isakripisyo ang housing. Sobrang dami nang problema. Sobrang grabeng tabahong kailangan gawin. Pag ganito iyong relationship namin, mahirap. Yung magsasakripisyo, yung tao.

    Ako, I want to hold on to it sana. Kasi ako naman, ang paniniwala ko, despite the differences between me and the President, makakapagtrabaho naman ako ng maayos, basta suportahan lang. Pero with this treatment, I don’t think I would be able to get the support that the HUDCC will need. Kaya I decided to resign.

    Q: Ma’am, you mentioned na rin kanina, and sinabi na rin po ni speaker Alvarez, you were fired? Ganoon po ba talaga?

    VP Leni: Iyong dating sa akin kasi noong una, I was already being eased out. Kasi if you are not being allowed to attend the Cabinet meetings anymore, ano ang gustong sabihin noon? Siguro kung iyong sinabi sa akin, baka puwedeng hindi ka muna mag-attend ng Cabinet meeting on Monday, kasi may pag-uusapan kaming sensitive, I would have understood.

    Pero the first message, yung phone call, was ‘until further notice.’ I cannot attend Cabinet meetings from Monday until further notice. Iyon ang una, iyong text message sa akin, ‘to desist from attending all Cabinet meetings starting Monday.’

    So what does it mean?

    So ang sa akin, ang dating nga, they are trying to ease me out. Wala na ding sense. Kasi if they don’t want me there anymore, chances are I won’t get the support.

    They cleared it this morning, ay last night pa yata, parang the statement was I was not being fired, but I was just being asked not to attend Cabinet Meetings-

    Q: Do you believe that?

    VP Leni: Naguguluhan ako eh, hindi ko maintindihan.

    Q: Ma’am, sa tingin niyo, isa sa reason nito ay dahil doon sa pagiging LP ninyo, and then nakausap na ninyo po ba ang kapartido ninyo sa decision?

    VP Leni: Ako I can only speculate. Pero iyong once I decided already na mag-reresign ako, nagpaalam ako. Nagpaalam ako sa party leaders.

    Kasi ayoko namang malaman pa nila galing sa iba. Ayoko malaman nila from other people so nagpaalam ako sa party leaders. Lahat din nagulat. Kasi, they thought naman na maraming kahirapan, marami ding mga hinihingi na hindi nasusuportahan, pero sa akin kasi, ang limitasyon, parang kayang, parang I can still work despite the limitations. So nagulat sila na ganoon.

    They knew that I was so p

    assionate about my work in housing, halos lahat ng waking hours ko, housing na ang inaasikaso ko.

    Ano ako, 24/7 halos nagtatrabaho.

    Kaya when I informed them of my decision, lahat naman nagulat.

    Q: Iyong mga events pong sinabi ninyo, pati na rin ang language na ginamit, tells a different story tungkol diyan sa sinabi ni Secretary Martin Andanar kanina. He told the public that the President accepted your resignation ‘with a heavy heart.’ How do you take that?

    VP Leni: Again, I’m confused. Kasi if you say heavy heart, parang malungkot siya na nag-reresign ako. Pero diba ang hindi sa aking pag-paattend ng Cabinet meeting, parang, ang writing on the wall nga, ayaw na nila akong nandoon.

    Alam naman natin ang Cabinet position, kami ang alter ego ng Presidente pagdating sa Housing. I should have his full trust and confidence. So if you are not trusted enough to let you in sa Cabinet meetings. Lalong lalo na sa Cabinet meeting this afternoon kasi one item in the agenda is my department.

    Q: Noong nagkaroon po kayo ng pagkikita kay Pangulong Duterte, wala pong communication or any feelers for you to talk?

    VP Leni: Wala po. Gaya ng sabi ko since yesterday I was trying to get in touch with him through SAP Bong. Sabi ko sa kanya I am just waiting a confirmation from the president pero hindi sinagot ang aking mensahe.

    Q: Expound on your statement yesterday on the attempts on stealing the vice presidency…

    VP Leni: It was a confluence of many events already. Nmber 1 maraming nag-wawarn na there are people around the President especially people in the Cabinet who do not want me there and wanted Bongbong Marcos instead.

    Maraming series of events. Kasama ni Presidente sa China si Bongbong Marcos at siya ang pinakilalang vice president pero iyong sa akin lahat ko iyon binuno kasi sa akin may trabaho akong kailangang gampanan at hindi ako dapat magpadistorbo sa ibang mga bagay.

    Lalo na noong nag-issue ako ng strong statement on the burial of former president Ferdinand Marcos. Ang pinakanagbigay sa akin ng idea na bahagi ito ng plot, we receieved a text message Saturday and no one knew about it except a few people in my staff.

    Siguro hindi sampu ang nakakaalam pati nanay ko hindi nakakaalam. Pero may mga tweets na sa Bongbong Marcos group na nag-gogoodbye na sa akin. So anong ibig sabihin noon? Hindi pa nga alam, ang nakakaalam lang ako, mga anak ko pero may lumalabas na sa Twitter so ano ang gustong sabihin non?

    It only confirms what we warned about for so long.

    Q: Allies from LP say VPLR will be Opposition Leader now. Are you ready to embrace this?

    VP Leni: Ako kasi depende how we define what an opposition leader is. Magooppose ako sa lahat ng policies na detrimental to the Filipino people. Iyong aking pag-oppose sa death penalty masmalakas na boses.

    Iyong aking pag-oppose sa lowering ng age of criminal liability ganoon pa din. Iyong sa extra judicial killing ay malakas pa rin. Sa masamang pag-treat sa kababaihan very vocal pa din pero sa akin paniniwala ko pa din na ang success ng administrasyon na ito ay para din ng ating bansa.

    Kaya ang magagandang bagay na sinasang-ayunan natin still deserves support kahit pa ganito ang treatment sa akin. Ang obligasyon ko hindi na para sa akin.

    Ang obligasyon ko hindi na sa sarili ko kundi sa para sa pinaninidigan namin. Mayroon akong mandato at ang responsibility na iyon kailangan mag-transcend sa kahit na anong pulitika at kahit ano pang hindi pagkakaintindihan sa paniniwala.

    Pero parati pa ring kokontra sa mga hindi ko pinapaniwalaan. Iyong sa akin naman if being an opposition leader entails that, magiging opposition leader ako.

    Pero para sa akin lahat ng programa ng administrasyon na to na kailangang suportahan, susuportahan ko.

    Q: CHED Chair was also prevented from joining meetings, what do you think is the reason why?

    VP Leni: Ako kasi wala din akong idea kung bakit pero ang situwasyon ni CHED chairperson is different from mine dahil ang kanyang posisyon as CHED chairperson is time bound. Mayroon siyang fixed term hindi gaya ng akin.

    Ako I really serve at the pleasure of the president at kapag nagpakita ang presidente ng indikasyon na wala na siyang trust and confidence sa akin tingin ko obligasyon kong umalis kahit ayoko pang umalis kasi kung tatanungin ninyo ako ayoko sanang bitawan ang posisyon ko ngayon pa na nakita ko kung gaano kalala ang problema at nakita ko na kung ano ang kaya kong gawin sa housing.

    Again hindi ko hawak ito. Kung nabigyan sana ako ng pagkakataon na magawa man lang ang aking gagawin, iyon sana ang makakabuti.

    Q: The Malacanang talked about ireconcilable differences, kung mas specific dun sa housing portfolio ninyo Ma’am, is there any policy differences between sainyo ni President Duterte?

    VP Leni: Mukhang hindi. Before I went down at tinitingnan ko palang iyong statements, pinakita sa akin ng staff ko iyong statement ni Sec. Martin Andanar.

    Nakita [din] namin ang statements ni Spokesperson Abella. Pareho sila nagsasabi na they recognize the good things that I did with housing.

    Mukhang wala silang problema doon, in fact, in-extol nila ang lahat kong ginawa kasi, I think everyone in the Cabinet, kahit siguro yung may ayaw sa akin would say na pinakita ko kung gaano ako kagrabe magtrabaho.

    Pinakita ko kung gaano ko ipinaglaban yung lahat ng issues patungkol sa housing. So ako, I don’t think the President nor anyone in the cabinet can say na nagkulang ako.

    Kahit siguro tanungin yung lahat na housing agencies. Ako lang siguro yung HUDCC chairman na personal na nag-aatend ng lahat na board meetings.

    Ako siguro yung HUDCC chair na halos maraming araw sa isang linggo na doon ako nag-oopisina.

    So, their statements naman do not in anyway imply na ang pagtanggal sa akin ay housing related.

    Q: Dalawang tanong po, una: sa pagbibitiw ninyo po bilang tagapangasiwa ng HUDCC, magiging Vice President na lang kayo, ibig sabihin wala na ho kayong gagawin?

    Pangalawa, nagparinig na ho si Presidente Duterte noong nandodoon siya sa Tsina, na pag lumabas iyong desisyon ng korte suprema ay maaring magkaroon na tayo ng bagong bise presidente, ano ho ang mga plano niyo? Mayroon na ho ba kayong team na gumagawa ng mga plano kung saka-sakaling mangyari yung sinabi niya?

    VP Leni: Iyong una po, sasalungatin ko lang, hindi siguro na hindi na ako HUDCC wala na akong gagawin. In fact, if you recall, I was appointed late.

    Kahit hindi pa nai-aappoint sa HUDCC marami na po kaming ginagawa sa Office of the Vice President. Mayroon po kaming flagship program, iyong Angat Buhay.

    Ito po iyong five point Anti-Poverty Program na nakakasa na. Umaandar na siya ngayon and iyong sa akin po, iyong pagtanggal sa akin sa housing hindi ko ata maiiwan yung adbokasiya pagdating sa pabahay.

    Kaya mineet ko po iyong staff ko kaninang umaga, kanina lang po nalaman nang marami from myself iyong aking desisyon na pagbibitiw. Sinabi ko po sa kanila na idadagdag namin na adbokasiya yung housing. So we will still be working.

    Siyempre mas mahirap na ngayon dahil hindi na kami ang pinuno, pero dahil naiintindihan na po namin ang buong problema magiging very active pa din kami sa housing.

    Iyon namang pong pagdating sa kaso, ‘yon po ay nasa PET na ngayon. Mayroon naman po tayong team of volunteer lawyers na inaasikaso ang kaso. Bawal po sa amin na i-discuss ang merits ng kaso.

    Pero ang masasabi ko lang, kami naman basta magiging maayos lang ang proseso kami po papanalunin namin ang protest case. Iyong sa akin lang, pakiusap ko lang sa taumbayan na ‘wag tayong magpabaya.

    ‘Wag po tayong magpabaya na manakaw ang posisyon sa atin. Kasi pag ninakaw po ito, hindi lang naman ako ang ninakawan pero yung buong taumbayan kasi ito ng boses ng taumbayan. Iyong mandato ko po ay hindi naman nanggagaling sa pangulo, ang mandato ko nanggagaling sa mga tao. Pag ito po ay ninakaw sa atin, hindi lang ako ang apektado pero ang buong bayan.

    Q: Ma’am nabanggit niyo kanina na kahit Saturday nagtatrabaho kayo.

    VP Leni: Kahit po Sunday.

    Q: So, Ano kaya sa tingin ninyo maam ang implication noong mga umaasa – iyong nakararami, lalo na ang Yolanda victims. Papaano niyo sasabihin sa kanila – maraming mga kamag-anak ito eh. Na ito ang nangyari? At iyong silakbo – hindi natin maiiwasan – iyong silakbo ng damdamin nila, umaasa sila doon sa tulong ninyo. But then, all of a sudden, hindi niyo naiwasan – nawala na. Papaano, ano po ang pakiusap niyo doon sa kanila?

    VP Leni: Siguro ipapakiusap ko sa ating Pangulo, kanina po bago ako bumaba naatasan na yata si CabSec na siya na ang mag-ha-HUDCC Chair. Ako po ipapakiusap ko sa kanila na iyong mga naumpisahan, ituloy.Halimbawa po. Ngayon, mayroon po tayong inaasikaso – ilang beses ko rin po itong nai-discuss sa kanila sa Cabinet Meeting na ang dahilan kung bakit napakabagal ng pag-usad ng pabahay sa Yolanda ay dahil din sa government regulations.Marami na po tayo ditong nabago. Nagkaroon na po tayo dito ng Memorandum of Agreement with BIR na maiksian yung proseso. Kinokontra po natin ang moratorium para po ma-unlock na po iyong mga lupa para sa pabahay. Ngayon po may iniikot po tayong joint memorandum circular sa mga agencies na pag ito po napirmahan lamang, 17,000 houses na po kaagad ang katumbas nito.

    Napakalaki pong mga polisiya ang mga inumpisahan natin.

    Iyong mga proseso po dati, halimbawa po yung sa SHFC, 27 documents yung mga dating kailangan. Ngayon po 9 na lang.

    Dati po it takes 2-3 years para sa isang housing project to come into fruition pero ngayon sinusubukan po natin na 30 days na lang. Sana po ituloy lang.

    Kasi sayang naman po yung pagod na iginugol natin. Saka kawawa naman po ang mga umaasa. Ngayon po nagbigay po tayo ng policy na bawal yung demolisyon hanggang wala pang relokasyon.

    Naggawa po tayo ngayon ng policy na bawal na itapon sa napakalayong lugar ang mga informal settlers. Iyong atin pong policy, ang ating priority, on-site.

    Kung hindi puwedeng on-site, in-city. Kung hindi puwedeng in-city, near-city. Marami po tayong ina-identify na dito po sa Metro Manila, iyong direksyon natin mga MRBs na – mga Mid-Rise Buildings.

    Natapos na po natin ang inventory ng mga government lands that may be available for housing. Talaga pong matching na lang.

    Last week po nagpa-meeting ako sa Manila mayors at mayroon na po kaming parang mga program of work na gagawin para maasikaso na ang problema ng pabahay sa buong Metro Manila.

    Sana, sana po matuloy lang iyong aming naumpisahan.

    Q: Ma’am, there are comments din po na if you’re… We understand po that Bong Bong Marcos is seeking recount in certain provinces. These are the provinces that you won. Malaki ang winning margin. May nagsasabi po na if you’re really confident that you won the election, kahit daw po magka-recount eh ikaw pa rin ang lalabas na panalo. Do you share that sentiment? Kasi may nagsasabi na if you have nothing to fear, then why are you – you seem, at least to them, may fears daw po kayo nung recount.

    VP Leni: Pero iyong fears kasi na iyon, ano propaganda ni Bong Bong Marcos. Actually ang sinasabi lang namin, kasi iyong basis niya ng recount, marami daw mga lugar na zero siya. Maraming mga lugar na zero siya.

    Pero kung titingnan mo, ilan bang mga lugar iyong zero siya tsaka ilan ba ang lugar na zero ako? Sobrang daming lugar ang zero ako.

    So ang sinasabi lang namin, kung ang basis mo ng recount iyon, edi i-recount din natin ang mga lugar na zero ako. Iyon lang ang sinasabi natin.

    Hindi na dahil gusto natin harangin ang recount pero sinasabi lang natin na yung basis niya yata, parang hindi naman…

    Diba? Parang hindi naman dapat na basehan kung bakit dapat magkaroon ng recount. So kung ang ang basehan dahil zero ka sa mga lugar, kung titingnan natin, ihilera natin sa x3, x5 ang mga lugar siguro na zero ako kumpara sa kanya.

    Q: Maam, several members of the Cabinet cited your “irreconcilable differences” with President Duterte and also Spokesperson Abella said that a Cabinet member may express his or her views discreetly and not be adversarial publicly.

    What do you think this message sends to people like you and other critics – and maybe other Cabinet members who have opposing views?

    VP Leni: Iyong sa akin kasi, in a way, tama din. Kasi, alam ninyo ang Cabinet members are supposed to be alter-egos of the President, diba.

    Lalo na doon sa mga departamentong hawak nila. So, ang inaasahan na nag-sheshare sila ng, o sinusuportahan nila ang polisiya ng Presidente.Iyong sa akin, from the very start, it was already clear between the President and myself na marami talaga kaming mga bagay na hindi pinagkaiintindihan.

    Actually, if you recall when it was first offered to me, when the post was first offered to me – hindi lang kasi naririnig ang boses ko from the other end – but when the President was offering the position to me, I told him, “I’m interested in the position, but puwede bang pag-usapan muna namin ang parameters?”

    Kasi sasabihin ko sa kaniya, mayroon akong mga views na hindi puwedeng I will keep my – diba? I will keep silent about. Ang sinasabi ni Presidente, “hindi na yon importante”.

    There have been many times that I have expressed my views: on Extra Judicial Killings, on the death penalty, Marcos burial… And always, during Cabinet meetings, I will tell the President that “Thank you Mr. President, kahit po um, I’m very vocal about the opposition to certain policies, you have not taken it against me.”

    Naalala ko, sinabi ko iyon sa kaniya one time when we were about to discuss the Marcos burial issue.

    Parang I was even assured by the President na “Huwag kang mag-alala niyan, huwag mong alalahanin”. Eh tingin ko naman, beyond… parang, aside from those differences in opinions on some things, ang paniniwala ko we could have worked well together, especially as far as housing is concerned.

    Maraming mga limitasyon iyong housing pero those limitations, kayang sanggain kasi desidido kang ayusin.

    Kaya noong sinabing “irreconcilable differences”, parang nagulat din ako. Nagulat ako na iyon ang ci-nite.

    Because during the last… I was there, I think 2 weeks ago. We had a NEDA board meeting. The President was there, I was there. Maayos naman. Trabaho ang pinag-uusapan. ‘Pag trabaho ang pinag-uusapan, wala naman kaming disagreement.

    May disagreement kami sa mga pananaw, may mga disagreement kami sa opinion, pero sa trabaho, wala namang ganoon.

    Q: Sinabi ninyo, Ma’am dati na it was definitely not housing-related, what happened – so it is related to the Vice-Presidency, is the long and short of it?

    VP Leni: Parang sinabi na kasi nila na “irreconcilable differences”, so I would presume kasi ang hindi lang naman namin pinag-aagreehan, iyong pinakamatindi ito talagang Marcos burial.

    Ito talaga yung pinakamatindi. Ito ang pinakahuling statement na binigay ko.

    And after I issued that statement, hindi pa kami ulit nagkakausap.

    Q: So this is to pave the way for Bong Bong? This is laying the ground..?

    VP Leni: Parang we can only speculate, but I think it would also be unfair to the President if we say that this is the truth.

    At least, ako ang iyong nakikita ko. Kasi iyon ang last public statement that I issued. Iyon ang pinaka-immediate na dahilan siguro. Kasi if you listen to the statements of Sec. Andanar, Sec. Abella, sila mismo ang nagsasabi it is not housing-related.

    Posted in Transcripts on Dec 05, 2016