This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Press Briefing with VP Leni at HUDCC Office, Makati

    Interviewed on 19 September 2016

    Q: Visit to Batanes.

    VP Leni: Maayos naman kanina kasi nakatanggap tayo ng parang SOS sa local officials, sa pamumuno ni Governor Marilou Cayco.

    Kaya nagkaroon ng opportunity na makalipad kaninang early morning, lumipad tayo.

    Hardest hit talaga doon ang Itbayat, ang pinaka-northernmost na island. Nakalipad kami papunta doon, talagang grabe ang pinsala. Siguro suwerte lang tayo nang kaunti kasi hindi iyon heavily populated, pero madaming bahay na napinsala.

    Nagreport ang PAG-ASA noong nandoon kami na parang recorded nilang pinakamalakas na hangin 298 kmh, so halos Yolanda levels siya.

    Siguro ang mas nakabuti lang doon kasi maraming mga bundok, maraming harang, marami ding mga bahay na bato. Kaya ang mga bahay na bato iyong mga pinsala niya sa bubong lang.

    Pero marami ding mga bahay na made of light materials na talagang nakadapa talaga sa ground. Ang mga testimony ng mga tao doon first time in so long, mayroon kaming nakausap 82 years old, sabi niya sa buong buhay niya doon, doon lang siya nakaranas ng ganoon kalakas.

    First time din nagkaroon ng evacuees sa Basco, never pa daw na nagkaroon sila ng evacuees in the past. Medyo iba talaga ito.

    Iyong ospital sa Itbayat heavily damaged. Mabuti naman na nakapunta tayo kasi mukhang ang isa sa pinaka mahirap doon talaga ay housing. So iyon din ang, kumuha tayo ng initial na reports, hindi pa kumpleto ang reports nila. Pero ang initial nila na reports, iyong totally damaged 510 houses, heavily damaged 400, partially damaged 1,545.

    Ito napakalaki na nito considering na 70,000 lang ang population ng Batanes. Talagang kahit from the air makikitang dapa talaga ang buong probinsya, nangangailangan ng tulong.

    Ang mahirap doon kasi mahirap magdala ng goods. Kahit may gusto nang tumulong ng financial aid sa mga nabagsak na mga bahay, wala daw silang mabibilhan. So ang pinaka-request talaga nila may isang navy boat na pumunta para magdala ng mga materials.

    May dala rin kami nang kaunti, tubig, pagkain pero tingin namin it can only last a few days. Mukhang iyong kuryente matatagalan, ang phone signal nakabalik na as of yesterday afternoon.

    Nagkakaroon lang sila ng tubig kapag umaandaar iyong gensets. Medyo malaki talaga ang pangangailangan. Kailangan tulungan lalung-lalo na kasi napaka layo nila.

    Q: Ano po ang pinakakailangan nila ngayon?

    VP Leni: Tubig. Kailangan talaga nila kuryente. Kasi marami silang, parang magkakaroon lang sila ng tubig kapag magkaroon na sila ng kuryente.

    So ngayon na wala pa silang kuryente, parang iyong mga private doon na may mga generator sets nag-pool na ng resources pinapahiram na sa parang community para doon makakuha ng tubig.

    Nangangailangan sila ng drinking water, may dala tayo na kaunti pero iyong nagkasya lang talaga, nagkasya lang sa eruplano.

    Kailangan nila ng kerosene, iyon ang nire-request nila. Kailangan nila ng fuel. Tapos iyon, sa mga bahay talaga construction materials.

    Wala sa kanilang mabibilhan. Pag punta namin, mayroon na ding nagre-rebuild. Ito ang mga houses na made of wood. Pero may mga kailangan ng GI sheets walang mabibilhan, may kailangan ng pako walang mabibilhan. Talagang hirap sila as far as supplies are concerned.

    Mayroon nang mga nandoon para tumulong, pero ang problema talaga pagtransport. Kaya ang pinaka panawagan talaga doon ni Governor at Congressman, baka puwedeng makabiyahe ang Philippine Navy na ship para magdala lang supplies sa kanila.

    Q: Anong gagawin ng HUDCC and NHA

    VP Leni: Actually ngayon, nandiyan sa kabilang room ang key shelter agencies nagpatawag ako ng emergency meeting. Talagang hinintay namin na makita ko. Kasi iyong tingin ko mas madaling makatulong sa Batanes kaysa sa Samar at Leyte noong Yolanda.

    Kasi sa Batanes parang walang masyadong problema sa lupa. Kasi karamihan sa nasiraan ng bahay, kanila ang lupa. So ang pinakaproblema lang talaga natin ang rebuilding.

    Hindi tulad sa Yolanda, talagang ang naka-antala talaga sa lahat iyong proseso sa pag-acquire ng lupa. Ngayon isasangguni natin sa shelter agencies kung ano ang pinaka-immediate na tulong.

    Sana hindi na matulad sa dati na napaka [unintelligible] ‘nong procedure. Iyon ang dahilan ko din na pinatawag na sila ngayon kasi ang akin lang, ‘yong kaya naming gawin ngayon, gawin na.

    Pero nag-meeting ako sa Basco at sa Itbayat, sinabi ko sa mga tao doon na kung magre-rebuild sila with our help, mas mabuti, mas long-term na ang titingnan kaysa ang mga temporary shelters na after a while hindi na magagamit. Tingin ko kasi maganda ang kultura nila sa pag-gawa ng bahay.

    Tinitingnan namin ang mga bubong made of wood, hindi talaga siya nagliparan. Talagang pag nahuhulog siya, bagsak ang buong bubong. So kinausap ko si Congressman at Governor, sabi ko baka puwede namin ipunin ang mga architects doon sa kanila, mga locals.

    Mag-volunteer, mag-design ng mga sturdy na mga bahay. Kasi kung titingnan natin ang mga patterns ng typhoons ngayon parati nang north ang daan.

    Sabi ko dapat siguro isipin na natin hindi lang para lang makabangon sa typhoon Ferdie, pero ma-anticipate na ‘yong mga susunod pang typhoon. Nakita namin na ang mga stone houses iyon ang natira, ang natanggal lang talaga sa kanila ang mga bubong.

    yong mga nagiba talaga ‘yong mga light materials, kaya sabi ko baka kailangan magbigay ng incentives ang local government na ma-incentivize ang mga tao na bumalik doon sa dating kinasanayan na stone houses ang ire-rebuild.

    Q: Clarification, Basco daw po ang maraming pangangailangan compared to the others.

    VP Leni: Siguro dahil ang pinsala, ang mga negosyo kasi doon at saka mga government offices ang concentration Basco. Pero sa Itbayat, mas marami in terms of percentage.

    Halimbawa iyong sa Itbayat 900 house ang damage. Halo na doon ang partial at total.

    Iyong Basco, 395 ang total, 693 ang partial.

    Mas malaki ang numbers ng Basco kasi mas marami din ang bahay doon. Iyong Basco may mga ilang mga nasiraan ng bahay na hindi kanila ang lupa hindi gaya ng Itbayat, na halos lahat kanila ang lupa.

    Sa Basco kasi dahil siya ang center, marami na ang dayo na parang nag-add lang doon sa mga bahay ng mga pinatitirahan nila. So siguro in terms of total amount ng pangangailangan, mas malaki ang Basco.

    Sa Batan Island where Basco is plus the other municipalities, ang estimated na total damage is P445 million.

    Ang Itbayat, P 68.7 million.

    Talagang sa total mas malaki ang Basco, although ang reports doon mas malakas talaga ang tama ng hangin sa Itbayat. Ang pakiramdam nila noong dumaan sa Itbayat, category 5 na dahil sa lakas ng hangin.

    Iyong nakakalungkot lang doon kasi ang mga farmers, pa-harvest na ng rice at corn in a few days tapos nasira lahat walang na-save. Iyon ang nakakasayang.

    Marami ding reports na livestock na nasira. Halimbawa doon sa Itbayat, mayroon silang mga animal centers kasi ang grazing doon malaki, maraming mga livestock na namatay dahil nabagsakan ng center mismo, noong building.

    Marami ding reported na nasira sa fishing, mga bangka na mga nasira. Ang problema hindi pa kumpleto ang kanilang datos. Ang nabigay sa atin ay partial pa lang.

    Pero ang sa akin naman ang NDRRMC naman is on top of that. Ang pinaka-concern ko ang pabahay dahil HUDCC kasi ang chairman sa current na chairman.

    Sa current na set-up, HUDCC ang chairman pagdating sa shelter, sa pabahay. So iyon siguro ang bibigyan namin ng concentration.

    Q: May timeline na ba po kayo para sa pagkumpleto ng shelter assistance?

    VP Leni: Iyong timeline kasi depende kung kailan sila makaka-submit ng requirements pero nagbigay na kami ng pasunod-sunod na kailangan nilang sundin. Kasi nakakatagal talaga iyong documentation.

    That is one of the things I discussed with the key shelter agencies. Ako, nakita ko mismo, sabi ng DSWD na nandoon, sabi ng mga shelter agencies na nandoon, na before ma-process lahat, kailang ng case study report, etc.

    Parang ako tumulong ako ng matagal sa lokal, kailangan nila ng tulong ngayon eh. Parang, kung papatapusin pagcomply ng requirements, napakahirap. So ako, yung tatanongin ko with my meeting with the key shelter agencies, is there a way na maibababa iyong tulong ngayon?

    Kasi ito talaga iyong mga tao na nangangailangan ng tulong, tapos, and then, iyon na lang, with the undertaking na kino-comply yung requirements.

    Sinabihan ko na sila kanina na kailangan nila picturan yung bahay nila, bawal pa nila ayusin, para makakuha sila ng tulong. Parang mahirap yun kasi paano kung may ulan nanaman, o bagyo.

    Kaya sabi ko puwede nilang ayusin kung mayroon na silang makukuhang indigenous materials pero mag picture muna sila para matulungan sila ng mga agencies.

    Last week nagka-meeting kami with World Bank, humingi kami ng tulong para mag-edit ng parang, i-reconstitute yung protocols kasi ngayon tingin namin sa current protocols sa pabahay post-disaster hindi siya to the advantage ng nabibiktima dahil sa sobrang haba.

    Pero ngayon kasi nag-promise iyong World Bank na tutulungan kami at ang timeline namin ay by the end of the year may bagong protocols.

    Pero hindi naman kasi natin puwedeng pahintayin yung patulong sa mga nabiktima sa mga bagong protocols. So ngayon, ano yung magiging sense ng meeting namin ngayon? How do you work around yung mahabang proceso para madala kaagad yung tulong.

    Q: Sorry, new topic. Sen. APC delivered a privileged speech today and he said hindi ka naman involved dun sa plot kumbaga. Your reaction?

    VP Leni: Ako, hindi naman ako updated kasi nasa Batanes ako, siyempre, walang signal. Pero kung sinabi niya iyon, salamat naman. Kasi noong investigation last week, medyo na-offend ako na may, parang nadadawit ako sa supposed “plot,” eh hindi naman ako kasali.

    So salamat kung kinlarify niya ang statement.

    Q: Ok last. Ano po, may update po tayo sa water supply sa Bulacan? Parang may nangyari na namatay dahil sa ininom

    VP Leni: Wala pa tayong update doon sa water supply. Iyong pinakahuling update doon, iyong local government officials, they were being advised na kakabit na muna sila doon sa connection ng Philippine Arena.

    Sinasabi naman ng local government doon na kahit na doon sila kakabit—dahil sila ata din ang may kabit sa Angat dam, masyadong mahal pa rin for the local government units.

    Pero gaya ng sinabi ko in the several meetings that we’ve had, kaya gusto ko magkaroon ng moratorium. Kasi ito, this was bound to happen.

    Pag pinilit natin yung relocation sa isang lugar na hindi naman handa sa mga basic facilities, talagang napakalaking threat sa mga titira doon. Kaya tayo’y nalulungkot na may nangyaring ganito, lalong lalo na kasi puwede naman sanang maiwasan yun.

    Nakuwento ko sa inyo last week noong nagbisita kami, yung mga tao, may dala dala silang water sample. Napakadumi talaga ng tubig doon. Mineeting ko talaga yung mga local officials, kaya ayun, talagang wala pang—may mga solutions inside pero hindi pa talaga doable yung solution.

    Kaya I took this up already during the cluster meeting sa cabinet, anti-poverty cluster, na ito talaga ang problema sa mga relocation site. Sana mahanapan na as soon as possible ng solusyon.

    Ang problema talaga ay ang solusyon ay hindi kayang yung ahensya lang namin, ang daming kakabit na ahensya. In fact, nagpapaset ako ng meeting with Meralco, iyong Meralco ata may date na.

    Pero wala pang date iyong pinapa-set kung meeting with LWUA. Kasi this is something na mas permanenteng solusyon ang hanapan. Diniscuss ko na rin ito with NHA nung kami’y nag usap-usap.

    Iyon nga, ang wish ko ay at the soonest possible time maayos na natin. Kaya ni-rerequest ko muna na hinto muna ang relocations na problematic iyong lugar, habang hindi pa natin nababalikan yung mga nagawa ng previous relocations.

    Q: Ma’am nag-abot na ba kayo ni Presidente?

    VP Leni: Noong Tuesday po. The last time I talked to him was Tuesday. Actually noong Tuesday na cabinet meeting, hapon ang cabinet meeting, that morning I was in Hernani, Eastern Samar.

    Noong cabinet meeting ni-report ko sa kanya ang nakita ko sa Hernani, Eastern Samar.

    Maganda naman ang response ni Presidente, kasi sabi ko, magpapatulong na ako presidente, na magpapatawag po ng iisang meeting lang ng mga ahensya na kailangan sa housing.

    Q: Ano po yung reaction niya, kasi diba may hindi namamatay na issue about impeachment

    VP Leni: Ako, tingin ko si Presidente hindi naniniwala kung mayroon man na involved ako.

    Tingin ko hindi siya naniniwala, hindi din naniniwala iyong mga nasa team ni Presidente kasi nakikita nila that I’ve been very cooperative, I’ve been very vocal of my support of him, parati ko inuulit na iyong success ng Pangulong Duterte, kailangan din natin iyon kasi iyon ang success natin.

    Actually, after the cabinet meeting I was hoping to talk to him but lumipat pa ako in the same room to a NEDA board meeting tapos si President lumipat na sa Heroes’ Hall kasi mayroong meeting with congressmen.

    Pero kinausap ko si CabSec. Evasco saka si ES Medialdea. Kasi, that same day yata or the same day yata lumabas sa senado yung alleged plan, sinasabi ko sa kanila, sabi ko, “Kakausapin ko sana si Presidente kaso may meeting na, pero gusto ko ipasabi sa kanya na walang plan B, hindi ako involved.”

    In fact, tumatawa iyong dalawa, sabi nila, alam naman nila na wala akong involvment sa kahit ano.

    Sabi ko na mahalaga na malaman ni Presidente straight from me. Ano naman, every chance I get, sa lahat ng cabinet meetings, parati ko ni-rereiterate sa kanya ang aking suporta.

    Q: […]

    VP Leni: Oo naman. Actually several times may mga issues na magkaiba kami magtingin, at sa isang cabinet meeting sabi ko sa kanya na nagpapasalamat ako sa kanya, naging very vocal ako.

    Halimbawa, sa isyu sa Libingan ng mga Bayani, naging very vocal ako sa aking posisyon na against sa posisyon niya. He never took it against me.

    Ako nga, natuwa nga ako, at nagpasalamat ako sa kanya sa cabinet meeting. Iyong sagot niya sa akin, mas importante naman ang aming pagtutulungan, iyong aming partnership, kaysa sa mga issues na ganyan.

    So ako naman, natuwa kasi at least ni-rerecognize niya na kahit hindi ako nag-aaggree sa lahat, yung suporta ko sa kanya, buo. Hindi naapektuhan yung suporta.

    Parati ko sinasabi, pag mayroon akong disagreement, sasabihin ko. Pero ang mahalaga doon, kaming dalawa, walang problema.

    Feel ko hindi naman ako pinagdududahan ni Pangulo, feel ko tingin niya na very sincere ako sa offer of support.

    At siya naman, very supportive din. Iyong mga problema lalo na sa housing, kasi sobrang daming probelma, very supportive siya.

    In fact, may patawag na siyang meeting on Thursday na uupuan namin, with HUDCC, NHA, ng COA, ng BIR, ng LWUA kasi ito yung mga ahensya ng gobyerno na kailangan namin para mapolish namin yung mga procedures sa housing.

    Posted in Transcripts on Sep 20, 2016