This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Press Briefing for the Partnerships Against Poverty Summit

    05 October 2016

    Office of the Vice President, Quezon City Reception House

    Q: Iyong mga international organizations puwedeng makisali dito?

    VP Leni: Tingin ko kasali sila. They participated already in the pre-summit. Marami na po kaming discussions na ginawa dito sa OVP.

    Hindi ko lang alam kung may listahan si Geo Ann (Ed – Georgina, the spokesperson) but they already confirmed attendance. In fact during the several… halos tatlong buwan namin iyong ginawa iyong round table discussion.

    Kabahagi sila sa pag-frame noong ating programa. Kaya marami po iyong UNICEF, World Food Program, UNDP, European Union, World Bank and they will still be participating sa October 10.

    Q: Di kaya tayo masita ni Pangulong Digong na very vocal against UN?

    VP Leni: Actually we were inviting the President to attend on October 10 pero hindi ata siya puwede kaya he will be represented by somebody from the… parang si Asec. Gloria Jumamil-Mercado will represent him (Ed – Usec).

    She is I think the one in charge of the anti-poverty cluster kasi si Cab Sec, parang he is in charge ng lahat ng anti-poverty programs so the president will participate but will be represented by…

    I think welcome itong development na ito dahil hindi naman ito salungat sa programa ng gobyerno na it is supposed to be complientary to the government’s efforts.

    Q: I think the question is itong mga recent events, statements of the President, would it actually affect your own programs especially itong anti-poverty program mo?

    VP Leni: Sana hindi. Kahit maraming nangyari, hindi pa naman kami nakakaramdam ng pag-withdraw ng support. The kind of support that they promised us from the start is still there in fact iyong nararamdaman, siguro Rapa and Geo Ann will agree with me.

    Iyong nararamdaman nga namin sa kanila parang excitement to partner with us. Iyong naririnig namin na comment from the… is in fact, sabi nila very helpful ang ginagawa ng aming opisina kasi marami silang programa pero wala masyadong source of information ng lahat ng pangangailangan so we are sort of providing them with the data they need.

    Siyempre parati din tayong nagiging anxious kung may epekto iyong mga recent events sa commitments na ibibigay sa atin or sa promise ng international community pero right now wala namang ganoon.

    In fact we have received several ambassadors already for courtesy visits and whenever we present our anti poverty programs, all of them barring none have signified their commitment to help.

    Q: Are you not worried na if this keeps up iyong ganitong stance ni Presidente, hindi ba mag-didrive ito ng potential donors and contributors sa ating anti-poverty advocacy?

    VP Leni: Nandoon ang pangamba dahil sa atin naman napakahalaga ng good relations natin with the international community.

    Marami tayong inaasahan na tulong galing sa kanila and bawat insidente na puwede magdulot ng strain sa relations nakakabahala. Parati rin natin siyempre… I am one with everyone also wishing na sana hindi lumala ang sitwasyon.

    Sana mag-improve siya for the better kasi tayo naman hindi tayo nabubuhay na parang isla. Marami tayong pangangailangan na hindi natin kailangn by ourselves.

    Umaasa tayo sa tulong ng iba at in fact marami tayong programa na nakaasa talaga sa tulong ng international community kaya kung sa pagkabahala, nandoon ang pagkabahala pero parating nananalangin na sana hindi siya maging dahilan para iwithdraw ang commitment of support sa atin.

    Q: The House Speaker actually said that he really doesn’t care. Do not give us conditions, we live within our means at kakayanin ng government to sustain the development programs we have. Since you are very engaged, can you explain how OVP’s work…

    VP Leni: Malaki na iyong i-nimprove ng ating relations with the international community. Marami sa ating binibigay na grants pero iyong conditions noon dependent on their trust and confidence in us.

    So sa akin, hindi iyon, it is not something we can do away with just like that. Pinagtrabahuhan natin nang napakatagal para marating ang level of comfort sa atin ng international community.

    Iyong tulong na binibigay nila have sustained us through these years. Kung maaalala natin iyong mga trust ratings na nakuha natin from different agencies malaking tulong iyon sa conditionalities na binibigay sa atin.

    Malaking tulong iyon sa interest rates na pinapatong nila sa ating mga loans. Iyong bawat pagbaba ng paniniwala sa atin, malaki ang impact nito at malaki ang tama sa resources na pumapasok sa atin kaya ako hindi ako nag-aagree doon sa wala tayong pakialam.

    Kasi hindi iyon dumating lang na hindi natin hiningi, it was something we worked on for so many years to gain that level of trust na mas marami ang lumalapit sa atin dahil pinagtitiwalan tayo na magagamit natin ng tama ang tulong sa atin. Kaya sa akin mahalaga iyon.

    Siguro totoo naman na puwede nating pagsumikapan na mabuhay nang sarili pero hindi naman ganoon ang parameters as a nation. As a nation kinikilala natin na miyembro tayo ng international community na kung saan nakakakua tayo ng tulong at nakikipagtulungan din.

    Para sa akin sana hindi lang iyon ma-continue pero sana lalo pang ma-enhance. Iyong mga ganito blow ito sa current setup at nagdadala ng pangamba rin lalo na siguro sa maraming mga organisasyon sa atin na matagal ng pinagtrabahuhan ito.

    Georgina: Clarification lang kasi the questions are centered around the possible support of international aid agencies. Actually in our preliminary discussions with international aid agencies, most of their support are mostly knowledge sharing, small grants for research studies, technical assistance.

    We are not talking about any sort of loan with them. In fact, most of the funds for the projects that LGUs will receive and the actual projects talaga on livelihood and feeding will come from local NGOs, private companies and individuals talaga kasi sila iyong may available funds talaga that they are willing to focus on the 60 OVP priority areas.

    So as to the quality of partnership with the international aid agencies so far it is more on research, knowledge sharing, technical assistance, small grants for capacity building and the like.

    Q: On first 100 days of President

    VP Leni: Tingin ko very obvious din kung ano ang focus ng Presidente. Ang focus niya crime, ang ating war on drugs, ang pag-aasikaso ng mga government processes. He gave a lot of emphasis, even in the first cabinet meetings, parati niyang ini-emphasize sa akin ang streamlining of processes.

    Mukhang we have achieved so much in fact kahit sa mga ahensiyang nasa ilalim ng HUDCC. We have also come up with streamlining of government processes to cater to the, iyong pinaka-concern ng Presidente.

    Ayaw niyang pinapapila ang mga tao, ayaw niyang babalik-balik ang mga tao, iyon ang focus.

    Obviously ang war on drugs is talagang up there, ang efforts niya naka-focus talaga doon. Criminality, making sure na..

    Parang if you look at the, how this whole war on drugs things is framed, parang pinapakita sa atin ni Presidente na malaki ang epekto nito hindi lang sa mga drug addicts, pero malaki ang epekto sa crime incidence sa bansa.

    Parang sa 100 days iyon ang focus. Sa amin namang mga usapin, parating ginagawa niya is streamlining of processes, war on drugs, war on criminality.

    Parating hinges on protection of the common Filipino, iyon ang parati niya sa amin sinasabi na ginagawa ko ito dahil sa pag protect ko. Of course maraming mga kaakibat na kumplikasyon at implikasyon, pero parang ang 100 days niya kuntento ako.

    Q: On drug rehabilitation update

    VP Leni: Actually ang meeting na iyon it was actually a request from our office to meet DILG and all the other agencies. Gusto lang namin malaman kung ano ang plano para alam din ng OVP kung saan kami papasok.

    And during that briefing what we learned was 700,000 ang nag-surrender. Of the 700,000 surrenderees, only 10% are eligible for institutional rehab.

    So tinitingnan na din namin, kasi mayroon na ding programa ang DOH sa institutional rehab. Gusto namin pumasok doon sa 90% na nangangailangan ng community rehab.

    So because of that, and we told this to Sec. Mike Sueno, gusto namin tumulong. Pero dahil marami ding limitasyon ang aming opisina, what we’re doing now is we want to pilot several LGUs na mag-come-up kami with a template kung papano gagawin ang community rehab. In fact, the day after our Anti-Poverty Summit, we’re also holding a mini-summit para din sa community rehabilitation program that we are crafting.

    We invited the academe, faith-based organizations, siyempre other organizations, which have been involved in the fight against drug addiction.

    Gusto namin, parang iyong best practices all over, gusto namin siyang i-kumpol and come up with a model which we can replicate in our pilot areas. Iyon ang sa October 11 here in OVP.

    I think the plan is after the workshop, we will invite you also to present the model. We will be meeting the entire team pero I think at the end of the day, when we have come up with a model already, we will present the model to.

    Ang pinaka-idea lang nito, we also invited 10 or 11 LGUs who are willing to partner with us, and who are willing to be with the pilot areas for this.

    Ang pinaka-iniisip lang namin, pag na-pilot namin ang isang magandang programa, puwede itong gawin sa iba. We’re really starting small.

    Parang ang gobyerno nakatutok naman dito. Ang sa amin lang kung ano lang mai-aambag namin, kung ano ang makakaya namin. So ang mai-aambag namin is to craft a program kasi ang pinakaproblema ko lang kasi doon sa programa ngayon ng gobyero, parang ang programa niya for the entire country, general siya.

    Ang iniisip lang namin, baka kasi ang LGUs iba-iba din ang sitwasyon, ang pangangailangan. Kaya gusto namin gumawa ng programa na nag-fifit specifically sa particular LGU. So that’s what we’ll be doing on October 11, dito iyan sa OVP.

    Q: […] VP Leni: Actually naging maganda ang usapan, just to give everyone a background. Pumunta kasi ako sa Yolanda area, I visited several housing programs. Ang report kasing binigay sa akin 205,000 houses ang kailangan, nag-wowonder ako kung bakit ganoon ang figures.

    205,000 houses ang kailangan, 25,000 daw ang nagawa na, sabi ko parang napaka-eksakto naman ata ng mga figures. So ayaw kong maniwala lang doon sa papel na binigay sa akin so I visited several already.

    I visited several in Eastern Samar, in Palo, one area in Tacloban, pero medyo uniform ang problemang binibigay.

    Ang problemang binibigay ang nakatagal talaga hindi iyong kawalan ng pera. Nandiyan ang pera, pero ang nakakatagal ang proseso sa pag-devote ng lupa to housing.

    So nakikita namin ang mga prosesong iyon hindi lang under sa housing agencies pero would also involve land registration authority, kasi ang pagpapatitulo lang ng lupa, takes 2-3 years, iyon ang report sa amin.

    Iyong BIR mayroon siyang mga requirements regarding exceptions etc etc, problema iyon. Iyong COA mayroon din kasi mayroong mga requirements ang COA, which makes it more difficult. Ito ang mga chokepoints na nakita natin.

    So during the 6th cabinet meeting, kasi noong Monday 7th cabinet meeting, I raised the issue to the President and ni-request ko kay Presidente kung puwedeng magpatawag siya ng meeting on the different agencies.

    And true enough, nagpatawag din si Presidente. The week after nagpatawag na siya. Although he didn’t attend, iyong meeting was in Malacanang, I was the one who attended it. Nandoon ang LRA, NHA, COA at BIR.

    We agreed to look at all the choke points and nakahanap na kami ng mga solusyon. Ngayon nasa proseso na kami. Kasi, ang problema kasi namin, mayroong mga mandato yung mga mandato ang kanya-kanya.

    We need to get through those mandates to be able to, halimbawa, example ko lang ito. Halimbawa, iyong BIR, one of the reasons kung bakit sobrang tagal ng BIR kasi masyadong centralized. Masyadong centralized ang proseso. Ang report nga namin, walong tao lang ang nagtatrabaho noong lahat ng mga kailangan namin – capital gains tax exemption.

    Sabi nga noong BIR, “Maam, hindi na iyan walo ngayon, anim na lang.”

    So mas matatagalan pa. We requested BIR if they can decentralize it to the regional offices para mas mabilis, and BIR agreed.

    So ayun, ma-dedecentralize na ng BIR. Iyong one other thing na reklamo namin na bakit kinakailangan, titled na ang property bago pa man makapag-umpisa ng housing project when in fact, karamihan sa mga properties sa probinsya, wala talagang mga titulo.

    LRA promised to also, parang streamline the procedures para ang mga urgent, lalo na ang mga disaster-related maasikaso na.

    COA also. Iyong COA, sabi niya puwede naman na to explore different, other modalities or different, other evidences of ownership other than title. So hopefully, in the next…

    Within the month, magkaroon na ng parang, ma-finalize na ang commitments na nangyari doon sa usapan na ito. Kasi kung mangyari iyon, ang gusto namin ilagay na sa aming Citizen’s Charter. Sa streamlining of services, maasikaso na.

    I also requested BIR if I may be given the power to issue certifications for socialized housing, and for housing requirements na urgent, lalo na ang mga nasa bagyo, ang mga nasa may danger zones.

    Iyong mga i-eeject na dahil meron nang mga court order. And BIR agreed na they would give me that authority to issue certifications if a particular project is urgent.

    So hopefully, ang pag-asikaso nito, hindi lang iyong Yolanda ang matututukan na mapabilis pero pati ang mga tira pa noong Sendong kasi nagbisita din ako sa Cagayan de Oro, marami ding mga problem ang mga problema iyong Sendong.

    May mga reported pa sa akin na problema ng mga illegal, pero… I haven’t been there yet to visit.

    Pero, alam niyo iyon, parang napakatagal na noong bagyo, hanggang ngayon hindi pa rin naaasikaso, only because of bureaucratic red tape. So ayun ang tinututukan naming ngayon.

    Q: Good morning po, Ma’am, I have 2 questions po. One Summit-related, for expectations lang sa storya namin. Maam, what are these participating LGUs? Kahit name a few – and what are their needs? Then second question, Ma’am, si Presidente twice na po bumabiyahe. Supposedly, kayo ang next in command tapos po ang nagiging Acting (President) po natin, si ES po. Okay lang po ba kayo sa ganoong set-up and what’s your take on that Ma’am?

    VP Leni: Sagutin ko muna kasi, nakay Divine yata ang listahan ng LGUs. Sagutin ko muna ang pangalawa. Ako okay lang ako doon sa set-up na iyon kasi diba, even in the past…

    Di ba traditionally talagang ang naiiwan – ang iniiwan talaga iyong reigns of government sa Executive Secretary. I think ang pinakadahilan lang naman dito, ang kailangan asikasuhin, ay ang day-to-day.

    Wala naman kaming, wala naman akong problema sa set-up na iyon. It has worked well. Sa tingin ko naman, kay ES naman very capable of taking the reigns of government while the President is not here.

    Iyong mga ano lang, puwede paayos na lang ng listahan. Hindi na siguro iyong isa-isa pero iyong listahan na lang. Ay, siguro i-send na lang namin so we do not take up a lot of time.

    As Geo-Ann said, hindi lang kami nag….. Medyo scientific din ang pagpili ng mga lugar, based on the poverty incidence and poverty background.

    Q: Going back to the first 100 days of President Duterte. Are you satisfied that it seems that the administration is solely focusing on the anti-drugs campaign, or doon pinaka-nag-revolve ang first 100 days?

    VP Leni: I think kasi, tayo naman lahat, lahat tayo dapat hindi ma-satisfy diba? Dahil sa dami ng problema ng Pilipinas, dapat ang satisfaction natin as – kami as public officials…

    Tingin ko kahit si Presidente hindi rin satisfied kasi ang 100 days talaga is too short a time. Kahit kami sa OVP, marami din kaming panaginip na gagawin in 100 days.

    While marami naman kaming nagawa, talagang hindi kaya lahat. Halimbawa ako, sa Housing din, ganoon din. Halos more than half of my time, nasa HUDCC na ako ngayon kasi ang level talaga ng problema mas malaki doon. Palagay ko, kahit si Presidente, hindi din… Parang hindi enough ang 100 days.

    Ako din, hindi enough pero tingin ko, okay naman ang level of dissatisfaction na iyon, para hindi tayo din kumakampante kasi sobrang dami talagang aasikasuhin.

    Diba si Presidente, parang humingi nga siya ng extension doon sa kaniyang inaasikaso ngayon… Kasi talagang, sa traffic, sa drugs, parang ang 100 days parang dumaan lang na parang hangin na hindi natin namalayan kaya kung siguro, kung satisfied ba tayo?

    Parating… ah, parati tayong may hinahanap na, “Sana mas maraming oras”, “Sana mas marami kaming natrabaho”

    Iyong mga ganoon. Hindi lang kay Presidente pero lalo siguro sa Housing, lalo siguro sa akin.

    Q: Being Vice-President, at sa inyo po humingi ng advice ang ating Pangulo, ano ho yung advice na mabibigay niyo sa kaniya, especially yung dealings niya with foreign government – sa US, sa EU, UN.

    VP Leni: Sa ngayon, hindi pa naman humihingi ng advice. Pero kung saka-sakaling dumating iyong oras na iyon, ganoon din sasabihin ko – na sana hindi ganoon ang pananalita.

    Kasi parati na sigurong ipapaalala sa kaniya, at saka sa amin – sa mga public officials na ang sinasabi kasi namin, lalo na sa Presidente. Lahat ng sinasabi namin hindi na iyon personal sa amin. Lahat ng sinasabi namin is policy.

    So, marami kaming mga personal na pakiramdam na hindi dapat sinasabi sa publiko dahil sa aming posisyon.

    Ganoon siguro sa Presidente, ipapaalala lang natin sa kaniya na siya ang ating Pangulo, that what he says is policy – kaya mas maging, mas maging careful din.

    Siguro doon sa dealings with other countries, hindi naman nakaka…. Okay naman na nakikipagkaibigan tayo sa China at tsaka sa Russia but it also doesn’t mean that we have to remove some friends to pave the way for others.

    Tingin ko naman, parating may room for more friends. Kaya sana, ano na lang. Ang direksyon, mas mag-reach out to as many countries as possible.

    Kasi tingin ko hindi naman mutually-exclusive ang friendship with the US at saka friendship with China.

    Puwede namang kaibigan natin ang China at kaibigan din natin ang US who has always been there for us all these years.

    Puwede namang kaibigan natin ang Russia at kaibigan din natin iyong… Sabihin na natin, ang European Union o sabihin na natin iyong United States.

    Iyon nga. As far as diplomacy is concerned, baka makakatulong na mas deliberate… Mas pinag-iisipan bago nagsasalita

    Posted in Transcripts on Oct 05, 2016