This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Press Briefing at the Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Office, Makati

    16 September 2016

    Q: On Cabinet Meeting VP Leni: Maraming items in the agenda, medyo matagal iyong Cabinet meeting. Actually na-late nga ako, kasi I was in Hernani, Eastern Samar noong umaga dahil nag-inspect ako ng housing.

    Pero ‘nong humabol ako, pagdating ko doon, nag-report ako tungkol doon sa mga nakita kong problema sa housing ng Yolanda areas. ‘Yong mabuti lang doon, kasi parang na-identify namin kung saan ‘yong choke points.

    Kasi parang nadismaya ako doon kasi ang pangalan niya parang emergency shelter response something, sabi ko, 3 years after Yolanda na, wala pa din. Nagco-construct pa lang ng units, ang ibang mga lugar hindi pa natatayuan. Apparently ang problema hindi pera kasi ang pera nandiyan na, naghihintay.

    ‘Yong problema talaga ‘yong mga bureaucratic red tape talaga ‘yong mga proseso, mga requirements ng BIR, requirements ng ganito, etc etc. So ‘nong ni-report ko iyon, ni-request ko sa Pangulo na baka puwedeng magpatawag ng meeting na nandoon na ‘yong lahat ng ahensya na kailangan mag-usap-usap.

    Si Pangulo naman right away nag-order na magpatawag ng meeting next week. So ngayon, tentatively scheduled na siya for Thursday. Ano naman ito, could be after the meeting na iyon, ma-iron-out na.

    Kasi ang pinaka-purpose sana dito sa opisina, is i-streamline namin ang processes. Kasi ngayon, una on the average, 2-3 years pa bago maproseso ang isang housing project.

    Ang isa sa pinakaproblema dito, ‘yong mga requirements, hindi clear ‘yong isang property for housing, hindi siya titled. Ang problema natin lalo na sa probinsya, sobrang daming properties ang tax declaration [unintelligible]. So pag-uusapan iyon, nandoon si, hindi ko alam kung makakaupo si Pangulo pero ang meeting tatawagin sa Malacanang. Most probably si Cab. Sec., si ES, ako, tapos iyong mga heads ng concerned agencies.

    Gusto namin mababa ‘yong processing time to 15 days, from 3 years. Sa banda sa amin kaya namin iyon, pero dahil may ibang ahensiyang kasama, iyon ang problema.

    Pero very hopeful kami kasi si Pangulo naman very supportive. Sinabi niya nga na kung ano ang kailangan gawin from his end, sabihin lang namin.

    Q: Reaction on the Senate hearing, statements by APC. VP Leni: Sa akin kasi, bits and pieces ang aking nahabol kasi sobrang dami ng okasyon kahapon. Nag-umpisa ako sa isang training ng mga local officials ng Region 4A, lumipat ako sa Health summit, nakarating ako dito sa HUDCC office, lunch time.

    Iyon ang portion na nakita ko, problema 1:30PM ka-meeting ko na din ang COA auditors dito sa may World Bank. Pero nasundan ko siya sa Twitter.

    Ang sa akin lang, masyado seryoso kasi ang paratang. Ang sa akin, sana i-take natin iyon with a grain of salt.

    Kasi hindi din natin alam kung totoo ang sinasabi o hindi. Kaya sinabi ko doon sa statement na inilabas kahapon na kailangan maging vigilant tayo.

    Maging very discerning, siyempre mahalaga na makalabas ang katotohanan. Hindi tatanggapin ang sinasabi as a base, kasi hindi din natin alam kung totoo ang sinasabi niya o hindi.

    Ang medyo offensive lang sa akin doon, kasi ang portion na nakita ko, ang ini-implicate ni Sen. Cayetano ang Liberal Party at ako mismo.

    Sa tingin ko very unfair iyon.

    Unang-una hindi naman kami nag-uusap-usap. Hindi ko nga alam na may lalabas na witness, hindi ko naman kilala ang witness na iyon. Hindi naman ako kasali sa pagplano na ilalabas iyon.

    Ang Liberal Party since the elections hindi pa nagmi-meet as a party. Ang natatandaan ko na several times nag-meet ‘yong mga LP members sa House, ‘nong nagdedecide kung magma-majority o minority.

    Iyon lang ang instances na nag-meeet as a party pero never pa kami nag-meet to discuss the present administration, walang ganoon.

    Tingin ko very unfair ‘yon, kasi ang pagkasabi parang ino-operate na matanggal ang ating pangulo para ako ‘yong pumalit. Kami ni Pangulong Duterte very good ang aming working relationship.

    Sana hindi naman masira ‘yong ganoon. Iyong mga pangangailangan ng assignment ko, nandiyan iyon whole heart and support ng ating Pangulo.

    Every chance na I could get, sinasabi ko sa kanya na makakaasa siya sa aking suporta. Sinasabi ko kung may gusto siya sa aking ipagawa, huwag mag-aatubiling sabihan lang ako.

    In fact in one of the Cabinet meetings, sinabi ko na nagpapasalamat ako sa kanya na kahit na may differences in opinion kami, mayroon siyang mga desisyon na hindi ako sang-ayon, pero he never took it against me.

    Ako naman, ito parati ko itong inuulit-ulit, tingin ko obligasyon natin lahat na suportahan ang Pangulo.

    By support, hindi naman nangangahulugan na lahat naman ng desisyon niya nagsa-sang-ayon tayo, pero kung may differences man ang ating paniniwala sa Pangulo, hindi iyon dahilan para hindi natin siya suportahan. Kasi iyon nga, ang success ng Duterte Administration, success iyon para sa ating bansa.

    Sana walang impeachment na mangyayari. Feeling ko naman hindi iyon magpo-prosper. Pero kapag dumaan na naman kasi tayo sa ganoong proseso, lalong gugulo ang sitwasyon.

    Mas mabuti siguro ang energies natin i-channel nalang natin sa napakaraming gagawin.

    Q: Given the chance, would you explain sa Cabinet meeting? VP Leni: Ito kasi lumabas wala pa iyong, nag-cabinet meeting kasi kami hindi pa lumalabas ang issue. Pero right after the Cabinet meeting, doon din where the Cabinet meeting was, nakaalis na si Pangulo kasi may meeting siya doon sa Heroes’ Hall, pero in-approach ko si Cab. Sec., saka si E.S., ang sinabi ko lang sa kanya na ‘yong lumalabas na mayroong operasyon ‘yong partido para i-demolish ang Pangulo hindi totoo.

    At sinasabi ko na tawagan lang nila ako kapag may gustong i-clarify, sabi ko gusto ko sanang kausapin si Pangulo, pero sabi nila lumipat na kasi mayroong naghihintay sa kanya sa Heroes’ Hall.

    Pero during that meeting itself, I said over the mic sa ating Pangulo na makakaasa siya sa aking suporta.

    Q: Update sa appointees sa ibang agencies. VP Leni: Wala pang appointees, ang mayroon pa lang NHA. Iyong head ng NHA was appointed before I was. So siya pa lang, ‘yong si General Manager Escalada, in fact we met na.

    Nndito yata siya mamaya, may meeting kami 1:30PM. Iyong din ang fina-follow-up namin sa Malacanang, kasi gusto ko din sana magpatawag ng board meeting sa lahat ng key shelter agencies kasi sobrang daming aasikasuhin.

    Pero iniintindi din natin ang Malacanang kasi sobrang dami talaga ng pino-process nila na appointments. The other day during the Cabinet meeting, nag-follow-up kami, ang sabi nila na-process na daw ang for OVP and HUDCC.

    So kung na-process na sana soon as possible ay lumabas na ang appointments para all systems go na. Although kahit walang appointments, sige naman kami. Iyong mga natira, ‘yon ang kausap namin.

    Q: Recommendations sa mga tao. VP Leni: Mayroon din kaming recommendations hindi lang iisa, kung hindi iilan din ang recommendations kasi proseso naman dahil GOCC sila, ang recommendations namin ipapadala sa, finorward sa GCG, kasi sila ang magpo-process tapos si Pangulo ang mag-appoint.

    Sa akin, kahit sino naman ang i-appoint as long as nagkakaisa din ang aming paniniwala kung ano ang direksyon na patutunguhan ng Housing.

    Kasi mahirap kasi amin, hindi kami department, coordinating coucil lang kami so very limited talaga ang mandate. Dahil very limited ang mandate, ‘yong nakikita namin sobra ang overlapping ang functions ‘nong anim na shelter agencies. Wala sa mandate namin na ayusin iyon.

    So hopefully, habang hinihintay natin mapasa ‘yong bill sa Department of housing, parang we make do with what is there. Feeling ko naman marami pa ding magagawa, kahit maraming pagkukulang institutionally, marami pa ding magagawa.

    Q: Recommendations follow-up VP Leni: Makakatulong iyon kasi kasi ‘yong recommend naman natin na mga tao, ‘yong sigurado natin ‘yong sigurado na pareho ‘yong pagtingin sa housing gaya ng pagtingin natin.

    Pero kasi parang band-aid solution pa din iyon. Ang pinakamaganda talagang solusyon sa housing, gawin siyang departamento.

    Kasi ngayon, lahat ng gusto naming gawin, ipapadaan muna namin sa Office of the President kasi wala kaming mandato. So kahit ‘yong pagpatawag ng mga ahensiya, hihingi pa kami ng tulong.

    Parang nagiging circuituous na ang proseso pero kapag naging department na siya, magiging established na iyong mandato. Mas-direct ang command at magkakaroon ang HUDCC, o Department of Housing ng mandate na streamline ang proseso ng mga housing agencies etc etc.

    Q: Relocation na dinadala sa walang kuryente, ano po ang action ng HUDCC? VP Leni: Ako ngayon ang sabi ko mag-moratorium muna kasi sa relocation, pero case to case. Ang gusto lang natin makita na hindi sila maglilipat na hindi natin na-inspect ang lilipatan.

    Kasi sobrang dami ko nang napuntahan na mga relocation sites. Ito ‘yong mga matatagal nang na-relocate na until now walang utilities, walang maayos. Against the law iyon.

    Kasi under UDHA – Urband Development Housing Act – bago ka maglipat, sigurado munang mayroong kuryente, tubig, accesst to livelihood, maayos ang transportation, marami kaming tiningnan.

    Gaya ‘nong relocation sites sa Bulacan. Wala talagang tubig at hindi kaya ng local government ibigay iyon.

    Kasi kahit wala pa iyong relocation sites, may problema na ang Bulacan sa water supply. Sa akin lang, before sana iyon ginawa, tiningnan muna kung kaya ba ng receiving LGU ‘yong lahat ng facilities na kailangan doon. Kasi ngayon sabi ng Bulacan, hindi namin kaya kasi kami mismo may problema.

    Paano natin iyon ma-reresolve? So ang sa amin lang, ang ginagawa namin ngayon nag-auaudit ng relocation sites, tapos isa-isa naming pinupuntahan. Mayroon na akong deadline sa staff.

    Gaya ng sa Yolanda, humingi na ako ng audit ng lahat, kasi napuntahan ko isa pa lang, sa Tuesday pupunta ako. Mag-inspect ako ng mga relocation sites sa Palo, hopefully may oras pa din hanggang sa Tanauan kasi marami doon.

    Pero gusto ko kasi 217 shelter boot camps ang nandoon. Halimbawa sa Hernani, 900 units dapat siya, pero 200 pa lang at ginagawa pa lang, parang nagsa-start pa lang, next year pa magagawa.

    Iyong pangangailangan natin sa Yolanda areas, 205,000. Ang report sa amin ngayon, 25,000 pa lang ang completed. Pero sabi ko sa office, gusto ko makita with my own eyes ‘yong 25,000 na iyon.

    Kasi hindi ko din sigurado kung ano na talaga. Tapos ‘yong 25,000 na completed ang report sa akin, 2,500 ang occupied.

    So, di ba parang 205,000 ang kailangan, ang occupied 2,500 – sobrang layo pa natin sa target.

    Kahapon nandito ang World Bank nag-meeting kami. Sinabi ko sa kanila na kailangan talaga namin magkaroon ng comprehensive housing roadmap. Ngayon ang mayroon lang kaming resulta ng Housing Summit last year, pero aside from that wala kaming kahit na anong data.

    Nag-promise ang World Bank na tutulong, ang gusto ko sa kanilang hilingin, tulungan kami na magkaroon ng parnag post-disaster shelter response policy at program.

    Q: Hindi lang po for Yolanda? VP Leni: Hindi lang for Yolanda, but nationwide. Ang worry ko ngayon, marami sa mga naging homeless dito sa Yolanda ay nasa temporary shelter. Maraming mga temporary shelter na coco lumber, ‘yong hindi makaka-stand sa another typhoon.

    Sa delay na ito, paano kung bumagyo uli nang malakas? Parang na-doble disaster sila. So ‘yong nabisita kong site, ang promise sa akin 200 daw by first quarter of next year. Wala naman tayong choice nagyon ba.

    Pero ang mas na-bother ako, halimbawa ‘yong Balangiga, it’s a town also in Eastern Samar, nandoon ang mayor ang sabi niya buti nga po sila mayroon nang 200, ang sa amin po hindi pa nabubuo.

    Ang tanong ko, bakit wala pang pera? Ang sagot mayroon pong pera, nandiyan na. Pero ang requirements kasi ng COA, NHA… parang it doesn’t make sense.

    Kaya nga emergency response, sana ma-provide agad na solusyon. So, iyon talaga ang problema sa housing talaga, hindi pera, ‘yong proseso.

    Kaya iyon din ang ni-raise ko during the Cabinet meeting. Hopefully, by next week mas klaro na ang usapan. Kahapon kausap ko ang COA, nag-meeting kami sa kabila, humihingi ako ng tulong.

    Problema lang kasi [unintelligible] naka-assign sa HUDCC, because she has a COA auditor na naka-assign sa shelter agencies. Parang ang nasasagot niya lang HUDCC.

    Sabi ko, parang ang gulo. So gusto namin i-remedy ito. Ang lahat na data o papel na kailangan namin, binigyan ko ang office ng deadline, na by the end of the year, dapat andoon na lahat pati ang housing roadmap.

    Pero nagsabi kasi ang World Bank, baka hindi kaya ang end of the year, humihingi sila until first quarter of next year. Pero iyong post-disaster na proposal, nag-promise na by the end of the year nandiyan na.

    Ang sa amin lang, okay lang sa amin na maghintay pa nang kaunti, basta maayos lahat. Kasi parang gumagawa tayo ng walang roadmap, so hindi talaga maayos. Kaya ito, halos mas nag-oopisina ako dito kaysa sa OVP kasi nandito talaga ang bulk ng trabaho.

    At least sa OVP naka-kasa na lahat, ang lahat ng team leaders namin sa advocacy, naka-kasa na kasi nauna doon. So more than half of the week nandito ako para asikasuhin lahat. Like today, may briefing ako with key shelter agencies also, hinahanap namin ang problema.

    Q: Opinion on Mary Jane Veloso VP Leni: Ako kasi, sa akin, iyong pakiusap ko diyan sana hindi mawalan ng pag-asa ang gobyerno. Kasi we’re also in the same situation last year. Pero tayo lahat nag-kaisa para makiusap sa Indonesian government na isantabi muna.

    Anga sa akin lang, nirerespeto naman natin ang batas ng Indonesia. Pero ang sa atin, mas pakiusap, mas nag-a-appeal tayo sa puso nila. Na kahit na mayroon silang ganoong batas, baka puwedeng ipaubaya sa atin.

    Tayo na ang bigyan ng pagkakataon na kung anomang kaparusahan na ibigay, basta huwag naman kamatayan. Sa atin nga wala naman tayong death penalty.

    Naiintindihan natin na they need to do what they have to do, but ‘yong sa atin appeal, na sana hindi tayo mawalan ng pag-asa. Nakita naman natin last year na ang pakiusap naman may patutunguhan. Sana ipilit pa din natin until the very end na bigyan tayo ng reprieve.

    Q: [Follow-up] VP Leni: Mahirap kasi for us to say kasi parang ngayon, kung naalala natin, mayroong against sa recruiters ni Mary Jane Veloso. Pero sa akin, it is because of that very fact na kailangan huwag sana munang kamatayan ‘yong hatol.

    Kasi itong kasong na-file doon sa recruiter niya, will also shed light ano ‘yong participation ni Mary Jane.

    Totoo na drug mule siya, base sa findings ng Indonesian Government.

    Pero kaya tayo nag-a-appeal sa Indonesian government, wala tayong karapatan na makialam sa batas nila. Pero ‘yong sa atin appeal iyon, na sana huwag naman muna habang mayroong kaso ditong nakabinbin.

    In fact, nasa balita the other day I think na ‘yong judge na nag-he-hear ng kaso pupunta sa Indonesia para kunin ang testimony ni Mary Jane Veloso.

    So sana bigyan pa tayo ng konting oras, kung hindi kaya ng reprieve, sana bigyan pa tayo ng kaunting oras to get to the bottom of it.

    Q: Salamat!

    Posted in Transcripts on Sep 16, 2016