This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    "Patigasan po ito ng sikmura": VP Leni pinaalalahanan ang mga taga-suporta na maghanda sa mapaghamong kampanya

    "Patigasan po ito ng sikmura": VP Leni pinaalalahanan ang mga taga-suporta na maghanda sa mapaghamong kampanya

    Hinikayat ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo, Miyerkules, ika-19 ng Enero, ang kanyang mga taga-suporta tungo sa isang kampanyang nailalarawan ng pagiging kalmado at determinado.

    Sa isang online meeting kasama ng kanyang mga taga-suporta mula sa National Capital Region (NCR), sinabi ni Robredo na dapat paghandaan ng lahat ang isang mapaghamong kampanya.

    “In the days to come, patigasan po ito ng sikmura kasi marami tayong masamang maririnig laban sa atin. Pero basta alam po natin na tama lang yung ating pinaglalaban, walang dahilan para humina yung ating kalooban,” ani Robredo sa virtual townhall meeting na inorganisa ng Robredo People’s Council (RPC).

    Dinaluhan ito ng mga lokal na opisyal mula sa Metro Manila at libo-libong taga-suporta ni Robredo, kung saan may ilang nagbahahi ng kanila personal na kwento kung paano sila natulungan ni Robredo at ng Office of the Vice President (OVP) na mapaunlad ang kanilang buhay.

    Sabi ni Robredo na mas naging mahirap ang kampanya dahil sa mga kasinungalingan, misinformation, at mga propaganda laban sa kanya sa social media, na nakapanlinlang sa maraming Pilipino.

    Inulit din ni Robredo ang kanyang pakiusap sa mga taga-suporta na manatiling mahinahon, kausapin ang mga naniniwala sa fake news, at matiyagang ipaliwanag sa kanila ang katotohanan hanggang sila ay maliwanagan.

    “Ito po 'yung next four months magiging busy tayo lahat. Kausapin natin hindi lang 'yung mga kasama na natin pero bawat isa sa atin na nandito, mag-target po tayo ng mga kakilala natin na hindi pa sa atin kumbinsido. Bigyan lang natin ng pagkakataon na maipahayag sa kanila 'yung katotohanan,” sabi ni Robredo.

    Nanatili namang optimistic si Robredo kahit pa pumapangalawa siya sa mga presidential surveys kamakailan. Malaking bagay raw ito dahil noong 2016, nagsimula siya bilang pinakamababa sa lahat ng kandidato sa pagka-Bise Presidente.

    Natuwa rin siya sa resulta ng mock elections ng iba't-ibang unibersidad, na nagpapakita na siya ang pinili ng mga batang botante bilang pangulo. Hiling niya sa kanila, ikampanya siya, ang kanyang running mate na si Senador Kiko Pangilinan, at ang kanilang senatorial slate sa kanilang mga magulang at sa mga kilala nilang naniniwala sa misinformation na ipinapakalat laban sa oposisyon.

    Para kay Robredo, ang track record niya ang magpapakita sa publiko kung paano siya patuloy na nagtatrabaho para sa tao, lalo na sa marginalized sectors, kahit noong siya ay pribadong mamamayan pa.

    Ang Bise Presidente ay naging abogado sa Public Attorney's Office (PAO) at isang boluntaryong abogado nang isang dekada bago siya pumasok sa pulitika matapos ang biglaang pagkamatay ng kanyang asawa na si Interior Secretary at Naga City Mayor Jesse Robredo.

    Pinaalalahanan din niya ang mga botante na ang mga kandidato ay laging “best foot forward” tuwing eleksyon at sinasabi sa mga tao na nararamdaman nila ang kanilang paghihirap.

    Aniya, ang totoong sukatan ng isang sinserong kandidato ay kapag tumutulong sila sa tao, panahon man ng halalan o hindi, kung nasa posisyon man sila o hindi.

    “Ang sa akin po, yung puso napapakita hindi sa sinasabi. Pero yung puso pinapakita hindi yung ginagawa lang ngayon dahil kandidato kami, pero yung consistency ng aming ginagawa. May posisyon kami o wala kami posisyon, ano ba ang ginagawa namin para makatulong sa taumbayan? Ano man ang panahon, kandidato ka man o hindi, may eleksyon man o wala, pareho yung pinapakita mo ng klase ng paninilbihan dahil yun ang nasa puso mo," ani Robredo. [End]

     

     

    Posted in Press Releases on Jan 19, 2022