This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    [PARTIAL TRANSCRIPT: National issues] Press conference of Vice President Leni Robredo

    Museo ni Jesse Robredo, Naga City

    Q: Second, Ma’am: SONA na po sa Monday. SONA… sa SONA po, Ma’am. What are we expecting to hear, ano sing insights ta with this upcoming third SONA of the President? Maski, Ma’am, Tagalog na lang po.

    VP LENI: Uhm, ano naman, ‘di ba kapag mayroong bagong administrasyon, ang pinaka-unang SONA aspirational—sinasabi ng bagong pangulo na, “Ito iyong gusto kong mangyari, ito iyong aking mga plano, in the next six years.” Pero iyong mga succeeding SONA kasi, parang… parang report card ito na, “During my first year, ito na iyong ginawa ko towards reaching the aspirations for the country.” “Iyong second year…”, ganoon din. So ngayon, ang inaasahan natin parang ganoon, nagre-render ng report. Parang nagre-render ng report na ito na iyong mga nangyari: alin ba iyong mga na-achieve, alin iyong mga hindi na-achieve at bakit hindi ito na-achieve. So parating dapat lahat naman na mga mamamayan interesado sa kung ano iyong sasabihin ng Pangulo sa SONA.

    Q: You will attend, Ma’am? You will be there?

    VP LENI: Oo. Mag-a-attend ako kahit iyong iba ayaw akong pa-attend-in. Iyong iba natatakot daw at baka insultuhin ako, baka hiyain ako. Iyong sa akin naman, una obligasyon ko na nandoon [ako]. Sunod, sanay naman ako’ng iniinsulto. Tingin ko hindi naman ako mababawasan. Kapag ako ininsulto… tingin ko hindi ko iyon kasalanan, ‘di ba? Marami siyang… maraming masasabi tungkol sa nang-insulto, pero ako mismo… ano tayo… handang… handang harapin kahit ano.

    Q: What are we most interested to hear for the SONA?

    VP LENI: Iyon nga, what… ang pinaka-interesado tayo, halimbawa, ngayon iyong pinaka-malaking usapin iyong inflation, iyong taas ng mga bilihin ng halos lahat. So gusto nating pakinggan ano iyong balak ng pamahalaan para ma-arrest itong rising prices. Iyong latest survey, sinasabing iyong unemployment tumaas ng 2 percentage points, interesado tayong malaman bakit. Growing iyong ating economy pero tumaas iyong unemployment, bakit, at ano iyong plano para dito? Iyong inaasahan natin, iyong lahat na issues na bumabagabag sa bansa natin, sana masabi sa SONA.

    Q: Ma’am, good morning po. Ma’am, isa sa mga litaw at lutang sa mga SONA ng Pangulo ay iyong anti-illegal drug campaign. Ma’am, kung kayo ang tatanungin, ano iyong mekanismo na dapat baguhin upang mas mapaganda at mas maging katanggap-tanggap sa publiko iyong anti-drug campaign? Since iyong mga tokhang, may nanlaban, may namatay po. Salamat po.

    VP LENI: Iyong pinaka-hindi talaga magandang nangyari, ako, I think, lahat naman tayo sang-ayon na kailangan talagang may anti-illegal drugs campaign. Lahat tayo sang-ayon na malaki talaga iyong suliranin natin pagdating sa bawal na gamot. Pero iyong pinaka-ayaw natin doon sa kampanya, kasi ang daming namamatay. Halimbawa kagabi lang, kagabi nabasa ko iyong statement ni Bishop David, iyong statement ni Bishop David na namatay na naman sa Caloocan. Sinasabi niya na, “Ito, tinulungan na namin ito kasi iyong asawa iyong pinatay.” At iyong pagpatay sa asawa, hindi talaga—talagang nakaka… nakakasuka iyong pagpatay: hinati-hati iyong iba’t ibang bahagi ng katawan. Iyong asawang naiwan, humihingi ng saklolo sa simbahan. Tapos kahapon pinatay din iyong asawa.

    Iyong sa atin lang, kailan ba matatapos iyong ganito? Maraming nagrereklamo, marami nang pamilya iyong nawalan ng family member, kahit ang daming patayan ganoon pa din kalala iyong problema sa illegal drugs. Ano ba iyong balak nating gawin? Saan patutungo ang kampanyang ito?

    Q: Ma’am, kumbinsido ba kayo na iyong kampanya kontra ilegal na droga ay magkaroon ng timeframe? Gaya ng sa administrasyon na nagbigay ng timeframe na susugpuin. Kung kayo ang tatanungin, kailangan bang may timeframe ang ganitong kampanya laban sa ilegal na droga?

    VP LENI: Ako, lahat naman kailangan ng timeframe. Lahat kailangan ng timeframe. Pero kung ano iyong timeframe na, una, realistic, ang makakasabi noon kung sino iyong may kumpletong datos. Mahirap magsabi tayo na kailangan in three to six months tapos na, kasi wala… wala sa kamay natin iyong datos, at hindi natin alam kung realistic iyon. Iyong sa atin lang, kailangan iyong tinatakdang timeframe, parating… parating dependent kung ano iyong tunay na sitwasyon. Kasi kung hindi siya dependent sa kung anong tunay na sitwasyon, baka… baka mali iyong expectations na binibigay natin sa tao.

    OVP: Ma’am, last question na po.

    Q: Good morning, Ma’am… Ma’am, bilang leader ng oposisyon, ano ang inaasahan ng mga tao sa inyo in the coming days?

    VP LENI: Ako, actually, wala namang nagbago. Parati kong sinasabi na ganoon pa din iyong gagawin: kapag kailangang magreklamo, magrereklamo; kapag kailangang iparinig iyong boses, ipaparinig iyong boses. Pero iyong oposisyon kasing aktibo, hindi gustong sabihin na lahat mo kinokontra. Kasi kung lahat mong kinokontra, hindi ka na epektibo kasi wala na sa iyong makikinig. Iyong sa akin, sa mga bagay na we feel strongly about, sa mga bagay na kontrang kontra tayo, doon palalakasin iyong boses.

    Kaya iyong role na nakikita natin, susubukan na iyong mga… iyong mga.. iyong mga iba’t ibang boses pag-isahin. Dahil ngayon napakaraming grupo, napakaraming grupo…

    Halimbawa, ito, iyong pinaka-urgent na mababasa natin, iba’t ibang grupo, iyong iba hindi naman sumasali dati sa mga usaping politika, ang nagpapahayag talaga iyong pagkontra dito sa ChaCha. Iyong sa akin, imbitahin natin iyong lahat na mga grupong kontra ChaCha, at pagpaplanuhan kung paano mas mapapalakas iyong boses. Iyong sadya naman ng pagpalakas ng boses, para pakinggan. Wala namang ibang sadya iyon. Iyong sadya ng… Iyong sadya ng dissent ay para pakinggan tayo ng administrasyon, na marinig iyong boses natin, dahil iyon iyong pagbalanse ng—ito iyong essence of democracy. Kaya parati nating sinasabi, dapat sana iyong dissent hindi minamasama. Dapat iyong dissent, parang, tinatanggap siya bilang healthy na discourse sa publiko, kasi kaya naman tayo makaka-arrive sa maaayos na polisiya dahil pinakinggan iyong lahat. Pero ito kasi, kung iyong dissent din iba-ibang boses iyong ginagamit, baka hindi siya masyadong naririnig. Kaya pagiging… pagiging leader, hindi lang ako, hindi naman siya—kaya naman siyang gawin kahit wala sa gobyerno. Pero iyong pagsubok lang na pag-isahin para mas malakas.

    Q: Thank you, Ma’am.

    VP LENI: Salamat.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Jul 20, 2018