Mga kababayan, Assalamualaikum.
indi sapat ang mga salita upang mabigyan natin ng tunay at makahulugang parangal ang anim na mga sundalo na nasawi sa pakikipaglaban sa teroristang Maute Group sa Munai, Lanao del Norte noong ika-18 ng Pebrero.
Ang kanilang kabayanihan ay kapalit ng kaligtasan ng mga Pilipino hindi lang sa Mindanao kundi sa buong Pilipinas.
Sa ating pakikiramay sa kanilang mga pamilya ay tandaan sana natin na totoo ang banta ng terorismo at wala itong pinipiling biktima. Tandaan din natin ang panganib ng pangangalap ng kabataan sa terorismo.
Konkretong halimbawa ang pagpapasabog ng bomba sa Roxas Night Market sa Davao City noong 2016 at ang pananakop nila sa Marawi City noong 2017.
Tandaan din sana natin na sa Marawi Siege ay napatunayan nating hindi natin isinusuko kaninuman ang ating kalayaan, kapayapaan, at kaunlaran.
Bilang isang Mindanawon, personal para sa akin ang laban na ito.
Bilang mga Pilipino, sana ay magkaisa tayo makiramay sa mga naulila at supilin ang kalaban ng bayan.
Sumasaludo kami sa inyong mga pumanaw namin na sundalo. Pinakadakila ang magbuwis ng buhay para sa bayan.
Maraming salamat sa inyong katapangan at pagmamahal sa mga Pilipino at sa Pilipinas.
Shukran.
Sara Z. Duterte Vice President of the Philippines Secretary of the Department of Education