Search

Pahayag patungkol sa paratang ng isang testigo sa isyung pagkuha ng bag na may lamang mga baril

Mga kababayan, Assalamualaikum.

Sa kasaysayan ng Pilipinas, naging kagawian na ang pag-atake at pagbato ng sari-saring isyu laban sa Bise Presidente.

Marahil, sapagkat ang Bise Presidente ang tumatayong pangunahing hadlang sa mga nangangarap maging pangulo.

Hindi ko ikakagulat kung dumami pa ang mga kaso, imbestigasyon, testigo, paratang, atake, at paninira laban sa akin sa mga susunod na araw, lingo, buwan, at mga taon.

Naniniwala ako na may tamang panahon para sa lahat.

Panahon ngayon ng aking pagtatrabaho. Tutuparin ko ang sinumpaang tungkulin.

Uunahin ko ang mga tunay na suliranin.

Uunahin ko ang Pilipino.

Shukran.

Sara Z. Duterte Vice President of the Philippines Secretary of the Department of Education