This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    PAHAYAG NI KGG. LENI ROBREDO SA PAGLULUNSAD NG HANAPBUHAY PARA SA LAHAT JOBS PLAN

    PAHAYAG NI KGG. LENI ROBREDO SA PAGLULUNSAD NG HANAPBUHAY PARA SA LAHAT JOBS PLAN

    Magandang umaga. Magandang umaga po sa inyong lahat.

    Noong nakaraang buwan, inilatag ko sa inyo ang Kalayaan sa COVID Plan para makaraos tayo sa pandemya, at para na rin maging mas handa tayo sakaling may mga surge o krisis na dumating sa hinaharap. Bahagi ito ng isang serye ng mga komprehensibong plano para sa bansa, at ngayong araw, humaharap ako para ibahagi ang ikalawa sa seryeng ito. Tinatawag natin itong "Hanapbuhay para sa Lahat."

    Gaya ng Kalayaan sa COVID Plan, nanggaling ito sa mas mahabang proseso ng pagkonsulta sa mga eksperto, at higit doon, sa harapang pakikibitbit sa dalahin ng karaniwang Pilipino. Milyon-milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Sa mga may trabaho naman, patuloy ang mga tanong na bumabagabag sa kanila: ‘Paano ba ako giginhawa? Bakit parang sa kabila ng pagkayod ko, paunti nang paunti 'yung naihahain ko sa pamilya ko? Bakit parang hindi ako lumalapit sa mga pangarap ko?’

    Idinidiin lang ng mga sentimyentong ito ang ating batayang Pilosopiya: Ang tunay na pag-unlad, ramdam sa antas ng komunidad. Kaya nga kailangang siguruhin na ang pera, ang kita, ang enerhiyang ekonomiko, dumadaloy rin sa antas na ito. Ang pangunahing instrumento: Trabaho. Kapag may trabaho, may pera sa bulsa ang Pilipino; ang perang ito, gagamitin para tugunan ang pangunahing pangangailangan at tumangkilik sa mga negosyo. Kung buhay ang mga negosyo, makakalikha ng mas marami pang trabaho.

    Iyan mismo ang layunin natin: Ang bumuo ng siklo ng pagbibigay-lakas, oportunidad, at malawakang pag-unlad. At ito ang plano ko para ipaglaban ang hanapbuhay para sa lahat.

    Una sa lahat: Ibalik ang tiwala sa gobyerno.

    Ititigil natin ang korupsyon, ang cronyism, at pang-aabuso sa sistema. Bubuwagin natin ang mga sindikatong ginawa nang negosyo ang gobyerno. Gagawin nating patas ang merkado at sisiguruhing may isang salita ang pamahalaan. Sisiguruhin natin na may malinaw na istratehiya para maging mas competitive ang Pilipinas, at ipatutupad ito. Nariyan ang Philippine Competition Commission—lalo pang palalakasin natin ito para magawa ang kanyang trabaho na puksain ang monopolyo at unfair business practices. Susuriin at iaayon natin ang mga polisiya sa pandaigdigang pamantayan—kabilang na ang pagpapatupad nang maayos sa Ease of Doing Business Act; ang pagpapaluwag, pag-amyenda, o paglikha ng mga bagong batas; at ang pagpapabilis ng digital transition. Sa ganitong mga paraan, magkakakumpiyansa ang mga investor sa sistema, papasok ang bagong puhunan, lalago ang mga negosyo, at malilikha ang bagong trabaho.

    Ikalawa: Gisingin ang lakas ng industriyang Pilipino. Apat ang industriyang tututukan natin.

    Ang pinakauna: ang maritime industry, kung saan may natural tayong bentahe dahil sa husay at dami ng marinong Pilipino. Tututok tayo sa tao: Iaayon natin ang training sa pandaigdigang pamantayan at isasali ang maritime industry sa mga kurso sa Senior High School. Gagawin nating mas maganda, mas moderno, at mas integrated ang mga daungan at pantalan. Padadaliin natin ang pagpaparehistro ng barko sa Pilipinas, at gagawing strategic enabler ang Maritime Administration para makabuo ng isang cargo shipping line na naglalayag sa buong mundo, dala ang bandila ng Pilipinas.

    Kasunod: Gagawin nating sentro ng climate industry ang Pilipinas. Bubuo tayo ng sariling e-transport industry. Palalakasin natin ang kabuhayan sa lalawigan sa pamamagitan ng mas moderno at mas sustainable na prosesong pang-agrikultura, sabay ng pag-invest sa climate-smart na agricultural infrastructure. Bubuo tayo ng makatarungang framework tungo sa mas malinis na enerhiya. Lilikha tayo ng green jobs habang nakikiambag sa pandaigdigang tugon sa climate change.

    Tututukan din natin ang tech industry, kung saan matatapatan ng mas maayos na sahod ang talino ng Pilipino. Imprastruktura ang pangunahing hakbang dito: Ang kailangan, mabilis na internet na aabot sa kanayunan at susuporta sa pambansang digitization. Tututok sa ugnayan ng mga pamantasan at independent research centers, ng pribadong sektor, at ng pamahalaan sa lokal at pambansang antas para maturuan ng makabagong kaalaman ang Pilipinong manggagawa.

    Para naman buhayin manufacturing industry: Magpapanday at magsusulong tayo ng mga industry roadmap. Susulitin natin ang resources na meron tayo, kabilang na ang likas nating yaman, at lilikha ng matitibay na ugnayan sa pagitan ng iba’t ibang industriya para ang lahat ng kailangan—mula sa upstream at downstream industries—ay maaari nang i-manufacture sa Pilipinas.

    Ang ikatlong haligi ng ating Jobs Plan: Wakasan ang diskriminasyon sa trabaho, para masigurong bubukas ang landas tungo sa pag-asenso para sa mas nakararaming Pilipino.

    Ipatutupad natin nang husto ang Anti-Age Discrimination Act, at isusulong ang pagsasabatas ng mas komprehensibong Anti-Discrimination Bill. Ang prinsipyo: Kahit may edad ka na, anuman ang natapos mo, anumang kasarian mo, kung handa kang magbanat ng buto, karapatan mong maghanapbuhay. Partikular nating tututukan ang mga polisiyang pangkababaihan: Kabilang dito ang pakikilahok nila sa STEM industry; ang mas gender equal work practices; at ang mas pinalakas na daycare system para makapagtrabaho ang mga bagong ina.

    Ang ikaapat na haligi: Suporta sa maliliit na negosyo.

    Bubuksan natin ang pinto para makalahok sila sa procurement process ng gobyerno. Imamandato natin ang pag-prioritize sa MSMEs at mga magsasaka sa mga kailangang bilhin ng mga government offices, kabilang na ang para sa mga food programs. Gaya naman ng nagawa na natin sa Angat-Buhay at ginagawa ng ibang organisasyon tulad ng Go Negosyo, iuugnay natin ang maliliit na negosyo sa mas malawak na merkado—partikular, sa larangan ng agrikultura at turismo. Papanday tayo ng mas makabagong patakarang mas angkop sa digital economy. Aalisin natin ang red tape para maging mas madali ang pagnenegosyo.

    At ang ikalimang haligi ng ating plano para maabot ang Hanapbuhay para sa Lahat: Saluhin ang mga nawalan ng trabaho.

    Ang daming negosyong nagsara dahil sa pandemya. May mga kumpanyang umaalis sa Pilipinas o nagbabawas ng operasyon. Apektado rin ang iba't ibang larangan dahil sa pag-usad ng teknolohiya. May mga nawawalan ng trabaho dahil sa mga kadahilanang ito. Hindi nila kasalanan ito.

    Para makasabay ang Pilipino sa nagbabagong mukha ng industriya, ang plano natin: Isang de-kalidad na retraining at skills-matching program. Bukod dito, tututukan din natin ang STEM sa lahat ng antas, at palalakasin ang ating sistemang pang-edukasyon, para maaga pa lang ay nakakalikha na tayo ng kabataang mas matalas ang isip, mas malikhain, at kayang sumabay sa anumang larangan. Iuugnay natin ang mga eskuwela sa industriya, para pagka-graduate ng mga estudyante, angkop ang kaalaman nila sa hinahanap ng mga kumpanya.

    Lilikha tayo ng maaasahang Public Employment Program. Sa ilalim nito, maitututok ang lakas ng manggagawang Pilipino sa pagpapatupad ng mga development plan sa komunidad, habang nabibigyan ng trabaho ang mga nangangailangan. Garantisadong trabaho ito para sa target nating 1.8 million na Pilipino. Bubuo rin tayo ng isang maaasahang Unemployment Insurance Program. Tulong at ayuda ito habang naghahanap ng malilipatan ang mga nawalan ng trabaho sa dahilang hindi nila kasalanan.

    Ang pag-unlad ng Pilipinas, nagsisimula at magsisimula sa karaniwang Pilipino: Sa pagsuporta sa kanya sa panahon ng kagipitan; sa pagbibigay sa kanya ng lakas na panghawakan ang sariling kinabukasan; sa pagbubukas ng landas para makapagsikap na abutin niya ang kaniyang mga pangarap. Buong-buo ang tiwala ko: Masipag ang Pilipino; mabilis matuto ang Pilipino; mahal ng Pilipino ang pamilya niya, at handa siyang kumayod araw-araw para sa kanila. Sa pagkayod na ito, ang gobyerno, dapat katuwang; dapat aktibong gumagawa ng paraan.

    Gobyernong mapagkakatiwalaan; ang paggising sa lakas ng mga istratehikong industriya; ang pagwakas sa diskriminasyon; pagsuporta sa maliliit na negosyo; at pagsalo sa mga nawawalan ng trabaho. Hindi ito pangako, kundi planong nakatuntong sa matibay na prinsipyo at malinaw na track record. Ito ang aking plano para sa Hanapbuhay Para sa Lahat. Makakaasa kayong ipaglalaban ko ito.

    Maraming salamat at magandang umaga sa inyong lahat.

    - 30 -

     

     

     

     

    Posted in Transcripts on Dec 10, 2021