This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    PAHAYAG NI KGG. LENI ROBREDO BILANG PAMBUNGAD SA PAGPAPAKILALA SA KANIYANG SENATORIAL SLATE

    PAHAYAG NI KGG. LENI ROBREDO BILANG PAMBUNGAD SA PAGPAPAKILALA SA KANIYANG SENATORIAL SLATE

     

    Magandang umaga sa inyong lahat. Isang linggo pa lang ang nakakalipas, inihain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagkapangulo.

    Nakita ng lahat ang matinding pagbuhos ng suporta mula noon; nakita natin ang paggising ng natutulog na enerhiya ng taumbayan; lumitaw ang pag-asang nagtatago lang pala sa loob natin.

    At nagpapasalamat ako sa lahat ng tumindig. Unang-una kay Senator Kiko Pangilinan na tumugon sa panawagang maging Pangalawang Pangulo ko, sa kabila ng mga kumplikasyon at pagsasakripisyong dala ng tungkulin na ito. Noon ding araw na inihain natin si Senator Kiko bilang ka-tandem, binanggit ko ang pangalan ng limang tao na sasama sa atin sa laban na ito bilang kandidato sa pagka-Senador.

    Ngayong araw, daragdagan ko pa ito ng anim na pangalan. Labing-isa na sila—mga tumugon sa tawag nating magkaisa, kahit pa ba iba-iba ang pinanggagalingan. Mga kinatawan sila ng mas malawakang puwersang handang tumindig para isulong ang bago, matino, at makataong pamamahala, mula sa tuktok ng pamahalaan hanggang sa bawat sulok ng burukrasya. Marami sa kanila, kung hindi man hayagang kahanay ay tahimik na tumulong o nakipag-ugnayan sa atin para punan ang mga pagkukulang at tumugon sa mga suliranin ng bansa, lalo na nitong panahon ng COVID.

    Pormal kong ihahayag ngayong umaga ang pagiging bahagi nila ng ating Senatorial Slate para sa susunod na halalan.

    Una, si Senator Sonny Trillanes ng Magdalo. Pagdating sa laban kontra korupsyon, handang magtaya ng buhay si Senator Sonny. Sa usapin ng West Philippine Sea o sa mga tiwaling kontrata, ‘di baleng siya ang gipitin o masaktan, basta't titindig siya tuwing makita niyang pinagkakaitan ang ating bansa.

    Siyempre si Senadora Risa Hontiveros ng Akbayan. Si Senator Risa, matalas, matalino, matapang, never na lumihis iyong landas—never na lumihis sa tamang landas pagdating sa paninindigan. Dahil sa kanya, humaba ang maternity leave ng mga bagong panganak. Kampeon siya ng kalusugang pangkalahatan at pagsulong ng kapakanan ng ating mga kababaihan.

    Si Senator Leila de Lima ng Liberal Party. Ang tanging dahilan kung bakit siya nasa kulungan: Dahil isa siya sa pinakauna at pinakamatapang na tumindig laban sa patayan. Nagsabi at patuloy na nagsasabi ng totoo; ipinaglalaban niya ang buhay at karapatan ng mga Pilipino. Ipagpapatuloy niya ang laban na ito sa susunod na Senado. Karangalan kong mapabilang sa hanay natin si Senator Leila.

    Si Senator Chel Diokno ng Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino. Siya ang unang gumising at nagbigay ng pag-asa, lalo na sa kabataan, na puwede palang magkaroon ng isang Woke Lolo sa Senado. Pinuno siya ng Free Legal Assistance Group na nagbibigay ng libreng serbisyong legal para sa mga inaabuso. Napakahusay na abugado, masipag, at kampeon ng katarungan at karapatang pantao—si Dean Chel Diokno.

    Si Senator Teddy Baguilat ng Liberal Party. Matagal na nating kahanay si Congressman Teddy. Maaasahan, napakabait at napakahusay na organisador. Isinusulong niya ang ating progresibong agenda para sa kalikasan at mga katutubo. Isa sa mga pangalan na kapag nakilala ng mas maraming Pilipino, tiyak ko, mapupusuan nila dahil sa integridad at dangal ng pagkatao.

    Unang idadagdag natin sa limang ito: Si Alex Lacson ng partidong Kapatiran. Makadiyos at makatao si Alex. Servant leader talaga. Kilala ng marami na malalim ang pagmamahal sa bayan. Kahit noong nasa private sector siya, hindi tumigil sa paglilingkod si Alex. At hindi ito—hindi tayo nagsasawa sa paniniwala niya. Hindi lang ako ang pumili sa kaniya, pero nakuha rin niya ang kumpyansa at tiwala ng simbahan.

    Narito rin ang ilang mga guest candidates natin, na nagpapahayag ngayon ng pakikiisa sa ating ipinaglalaban, at handang tumaya sa ngalan ng pagkakaisa kahit pa ba iba-iba ang aming pinanggalingan:

    Unang-una, si Senator Dick Gordon ng partidong Bagumbayan. Malinaw na hindi siya mananahimik laban sa korupsyon. Matapang siyang sumasangga at nangunguna sa imbestigasyon ukol sa bilyun-bilyong pisong pondo ng gobyerno na napunta sa kuwestyonableng mga kontrata, habang milyun-milyong Pilipino ang nag-aabang ng ayuda.

    Pangalawa si Senator Migz Zubiri. Tubong Mindanao, may pruweba ng kakayahang magsulong ng batas si Senator Migz—lalo na ang mga batas para sa pabahay, kalikasan, agrikultura, at pagkain. Tulad ng maraming kasama natin dito, hindi importante sa kaniya ang kulay ng pulitika. Isa rin siya sa talagang sumuporta sa atin sa Office of the Vice President, sa lahat ng ginawa natin.

    Pangatlo, si Senator Chiz Escudero ng Nationalist People's Coalition. Dating Senador, pinakita na napakahusay na Gobernador. Ipinakita niya ang kahandaang isantabi ang pulitika sa ngalan ng serbisyo sa kapwa. Tinulungan niya ang aming opisina na mapalawak ang saklaw ng aming Angat Buhay programs sa mas maraming area noong nagsisimula pa lang tayo sa panunungkulan.

    Pang-apat si Senator Joel Villanueva. Alam natin kung nasaan ang puso ni Senator Joel. Matagal na niyang tinututukan ang paglikha ng trabaho. Trabaho ang isa sa pinakamatinding pangangailangan natin lalo na ngayong kasalukuyang panahon, at angkop na angkop siyang katuwang para maisulong ang layuning ito.

    Panlima, Senator Jojo Binay ng United Nationalist Alliance. Dating Pangalawang Pangulo, naging madali ang transition namin sa OVP dahil sa tulong at paggabay niya. Isa siya sa mga unang tumugon sa panawagan nating magkaisa: Hindi na dapat maulit pa ang uri ng pamamahala na ugat ng pagdurusang pinagdaananan ng lahat ngayon.

    Pinakiusapan din natin si Senator Franklin Drilon na tulungan tayo hindi po bilang Senador, pero tulungan tayo sa pangangasiwa ng Senate slate natin. Umaasa tayo sa malalim niyang karanasan para siguruhing ang pagkakaisa ay mananatiling nakatuon sa prinsipyo at pangarap para sa mga Pilipino.

    Kasama din po natin—magiging kasama din ni Senator Frank si Arnel Casanova—nasaan si Arnel? Ayan, nasa loob—si Arnel Casanova, former BCDA chairman noonb panahon ng nakaraang administrasyon. Matagal na  po natin siyang kahanay, at nakapaghain na siya ng kandidatura bilang Senador sa ilalim ng KNP kasama si Senator Chel Diokno. Nagpapasalamat po tayo sa pagsang-ayon niyang isantabi muna ang pagtakbo para maging haligi ng pangangasiwa ng ating Senate Slate so maraming salamat, Arnel.

    Linawin natin ang pangunahing layunin sa susunod na halalan: Ang magsulong, lalo na mula sa tuktok, ng isang pamahalaang matino, mahusay, makatao, at tunay na interes ng bayan lagi ang uunahin. Nagkakaisa po tayo sa layuning ito, at kaisa natin ang labing-isang pangalang inihain ko para sama-sama, tulong-tulong, makapagpanday tayo ng pagbabago. Ididiin ko ang ating pilosopiya: Ang pagiging bukas; ang pagpapalawak ng hanay ayon sa prinsipyo at pangarap para sa bansa. Sa huli, lahat sila—lahat kami—sa inyo lang, sa taumbayang Pilipino, mananagot.

    Maraming salamat. Handa na po kaming tumanggap ng mga tanong niyo.

     

    - 30 -

    Posted in Speeches on Oct 15, 2021