This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Pahayag ng Pangalawang Pangulo ukol sa Pagsuspinde ng 4Ps at iba pang ayuda para sa mahihirap  

    Pahayag ng Pangalawang Pangulo ukol sa Pagsuspinde ng 4Ps at iba pang ayuda para sa mahihirap   

    Napagalamanan natin ang desisyon ng DSWD ngayong umaga na pansamantalang itigil ang pagbabahagi ng Social Pension for Indigent Senior Citizens, Unconditional Cash Transfer, at Conditional Cash Transfer sa ilalalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Nananawagan kami na bawiin ang kanilang desisyon at ituloy ang mga nasabing programa. Kung wala nito, marami ang mapipilitan pang lumabas ng bahay para pumasok— dahil kapag hindi sila pumasok, hindi sila kakain.

    Kailangang limitahan ang mga tao sa lansangan. Ito ang isa sa pinakamabisang paraan para maampat ang pagkalat ng COVID-19. Kung ititigil ng DSWD ang pamimigay ng ayuda, mapipilitan ang marami na lumabas para kumita ng pambili ng pagkain, gamot, at iba pa nilang pangangailangan. At hindi mapupunan ang kawalang ito ng ibang programa tulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situations na muli pang kailangan applyan.

    Ang panawagan din namin: Sa halip na itigil ang tulong pinansyal, dapat ding i-release ng DSWD ang buong halaga ng mga social safety nets na ito para sa mga buwan na sakop ng community quarantine masisigurong walang magugutom. Kung mas maagang matatanggap ng ating mga kababayan ang tulong, mas mababawasan natin ang mga taong lumalabas at, sa ganitong paraan, mababawasan din natin ang paglaganap ng COVID-19. 

    Maliban sa mga ayudang ito, nanawagan din kami na dagdagan at irelease ang budget para sa mga programa, tulad ng TUPAD, para sa mga nangangailangan ng kita. Sa mga panahong ito kailangan natin mag isip ng mga agarang solusyon na matutugunan ang pangangailangan ng bawat mamayan at kikitil sa pagkalat ng sakit.

    Patuloy ang pananawagan namin sa ating kababayan: Huwag na po tayong umalis ng bahay. Mag-practice tayo ng social distancing. Sa kabila nito, naniniwala kami: Dapat ding bigyan ng sapat na ayuda, dahilan, at insentibo ang taumbayan, lalo na ang mga maralita at nasa laylayan, upang hindi na nila kailanganing bumiyahe pa sa lansangan.

     

    -30-

    Posted in Statements on Mar 16, 2020