This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    OVP Spokesperson Atty. Barry Gutierrez on VP Leni Robredo’s Declaration to Run for Presidency

    OVP Spokesperson Atty. Barry Gutierrez on VP Leni Robredo’s Declaration to Run for Presidency

    Sa Totoo Lang on One PH

    Hosts: Jove Francisco and MJ Marfori

     

    MJ MARFORI: Makakasama po natin ang tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo, si Atty. Barry Gutierrez. Attorney, thank you for gracing our show tonight.

    JOVE FRANCISCO: Of course naman.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Good evening. Good evening, MJ. Good evening, Jove. Always happy to be here.

    JOVE FRANCISCO: Hindi, of course, naman, soon si VP Leni makakausap natin dahil nakapila na iyan.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: [laughter] Parang feeling ko medyo sawa ka na sa akin. Parang medyo na-hurt ako nang kaunti.

    JOVE FRANCISCO: Hinid, hindi, hindi. Ikaw talaga original guest namin ngayon, kaya lang baka hanapin nila. Sabihin na natin na nakapila na si ano, si VP Leni. Huwag kayong mag-alala. Ano, Barry?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Siyempre. At ngayong ay siya ay nakapag-announce na ng matagal nang hinihintay ng mga taong desisyon ay nagawa na, ma-e-expect natin na si VP Leni ay mas madalas nang makikipag-usap sa ating mga kaibigan sa media.

    MJ MARFORI: Pero, Attorney Barry, umpisahan ko na, ano? Ano muna iyong stand ninyo orinyong reaksyon sa mga binitawang remarks ni Yorme?

    JOVE FRANCISCO: Nakakagulat, ang aga, ha!

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nagulat ako, actually. Lalo na na klarong-klaro sa sinabi ni VP Leni kaninang umaga doon sa kaniyang press conference kasama si Senator Kiko, ang kaniyang vice presidential running mate, na noong tinanong siya about ano ba ang naging detalye noong inyong mga unity talks, bakit hindi natuloy, sabi ni VP Leni, “Ayaw ko nang pasukin iyong mga detalye out of respect kay Mayor Isko, kay Senator Pacquiao, at iba pang mga kinausap dahil mayroon naman ako talagang malalim na respeto sa kanila kaya nga kinausap ko sila at sinubukang pagkaisahin in the first place.” So nagulat kami na sa kabila ng ganitong klaseng napakalinaw na pahayag mula sa ating Bise Presidente, ay biglang mayroong ganitong medyo maanghang na salita galing kay Mayor Isko. May mga pahapyaw pa siyang parang halos insulto kay VP Leni. Ganoong sa panig ni VP Leni, klarong klaro na all she has for kay Mayor Isko mismo is respect. In fact, that’s why hindi nila pinasok iyong detalye noong kanilang pag-uusap dahil nga nire-respeto niya at ino-honor niya iyong kanilang pag-uusap nitong nakaraang linggo.

    JOVE FRANCISCO: Will we ever find out kung ano talaga iyong naging naging pag-uusap nila? At least iyong details noon, ano? Para hindi—kasi nakakapagtaka lang talaga, Barry.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sa totoo lang, iyon ang show natin dito ‘di ba? Sa Totoo Lang. Sa totoo lang, hindi na importante, ‘di ba? Ang importante, nagawa na iyong desisyon. Ang importante, sa kabila noong kanilang pag-uusap, hindi sila nagkaroon ng pagkakasundo na magsama, at ngayon parehong tumatakbo, parehong lumalaban para maging pangulo ng ating bansa so hindi ba forward-looking na dapat tayo. Sa dulo ang eleksyon, tungkol sa sino ang pipiliin ng ating mga kababayan na maging kanilang lider, maging kanilang Pangulo sa Mayo 2022. At bukas ang larangan, puwedeng magsalita si Mayor Isko, puwedeng magsalita si VP Leni, ipahayag nila ang kanilang mukhang magkaibang vision para sa ating bansa at pumili ang ating mga kababayan kung sino iyong kanilang mas napupusuan. So hindi na importante kung ano ba ang napag-usapan. Ang importante, kung ano na ang kinakaharap ngayon. At iyon na talaga ang kampanya, ang eleksyon, at ano ang magiging kinabukasan natin bilang isang bansa depende sa kung sino ang mahahalal.

    JOVE FRANCISCO: Susundin ko. Susundin ko si Attorney Barry sa kaniyang suggestion at magmu-move forward tayo at pupuntahan natin what happened today.

    MJ MARFORI: Oo, kasi kahapon, pink, eh. Puro pink. Ngayon may mga green.

    JOVE FRANCISCO: May mga green, pero iyong pinaka punto ngayon diyan, kung si BBM ay medyo nag-iisip na puwedeng may substitution sa 15 na mangyayari, kayo rin ba?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Klaro kay VP Leni, ‘di ba? Kapag—ilang beses niyang sinabi ito, noong hindi pa siya nagde-desisyon: “Kapag ako ay sumabak sa lumaban, ilalaban ko hanggang sa dulo kahit gaano kahirap.” So kahit—insofar as si VP Leni is concerned, malinaw na malinaw sa kaniya. Ngayong siya na ay nag-desisyon, siya na ay nag-file ng kaniyang kandidatura para sa pagka-pangulo, ilalaban niya ito hanggang dulo. Iyong November 15, hindi na iyan mahalagang date para sa amin o para kay VP. Ngayong siya ay pumasok na, inihain na niya ang kaniyang sairli sa pagka-pangulo, dire-diretso na ito hanggang May 9, 2022. Maaasahan n’yo lahat iyan.

    JOVE FRANCISCO: Okay. Noted. Noted, Attorney Barry, pero hindi ba kayo na-shock doon sa mga developments kanina sa Sofitel na mayroong nag-file na Senador, Si Bato dela Rosa?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Eh, sa totoo lang, hindi kami masyadong sumusubaybay  na diyan. Plano nila iyan. Kung gusto nila mag-drama, kung seryoso sila, sila iyan. Sa dulo, magtutuos tayo lahat sa kampanya at sa eleksyon. Ang focus namin ngayon, papaano maha-harness nang maayos iyong napakalaki at umaapaw na suporta at pagsalubong sa deklarasyon ni VP Leni kahapon. Papaano namin magagamit iyon, iyong enerhiyang na-generate noon, iyong excitement na na-generate noon, para papasok sa kampanya at patungo sa eleksyon, talagang maging napakalakas ng pasok ni VP Leni tungo sa, sinabi nga niya, tagumpay namin, tagumpay natin bilang isang bansa sa Mayo 2022. So iyon ang ating focus natin ngayon. Kung mayroon iyong mga iba diyan, hindi pa nakakapag-desisyon, mayroon pa silang ibang mga gustong asikasuhin, tinitingnan pa nila ang November 15 kahit na dapat ang deadline naman October 8 at dumaan tayo uli sa sarswela, nasa kanila na iyon.

    JOVE FRANCISCO: Okay.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Hindi na namin sila pinapansin. Usapin nila iyan. Drama nila iyan. Mayroon kaming mas importanteng kailangang tutukan.

    MJ MARFORI: Ito na, Attorney, iyon nga, kaunting backtrack lang tayo para sa mga listeners and viewers natin. Paano po naging kulay pink ang kulay ni VP Leni para sa eleksyon na ito and bakit nga pink.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ang simpleng katotohanan, iyong mga supporters ang nanawagan. Papasok sa—noong una kasi, kung maalala n’yo, nagkaroon pa ng kaunting kaguluhan ‘di ba, sa kung kailan ba talaga mag-announce. Nagkaroon ng balita na dapat daw Tuesday, ‘di ba? So hindi naman talaga iyon ang plano. Tuesday, nag-issue kami ng—ako ng clarification na talagang Thursday, 11 a.m. ang magiging announcement ni VP Leni. So noong lumabas na ang pahayag na iyon, mayroon nang mga nanawagan na, “magsuot tayo ng pink sa Thursday.” So iyon na iyong naging call. So kami naman, nakikinig kami. Sabi nga ni VP, dindinggin namin, nakikinig kami at gusto namin malaking bahagi talaga ang mga ordinaryong mamamayan, iyong mga taong nananawagan noong simula pa lang na siya ay tumakbo dito sa magiging kampanyang ito. So noong sinabi nila pink, sumunod kami. In-adopt namin ang pink. So tingin ko—kanina pinaliwanag ni VP Leni, iyong pink daw ngayon ay kinikilalang simbolo ng protest globally sa maraming bansa. At tingin namin, isang tema din iyan noong kampanya na sinimulan ni VP Leni kahapon. Isang kampanya na nagsisikap na tiyakin na iyong uri ng pamamahala, iyong uri ng pulitika na mapangsarili lamang, hindi talaga tumutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan at patunay diyan iyong klase ng liderato na nakita natin dito sa panahon ng pandemya, kailangan baguhin, ‘di ba? So very fitting iyong kulay na iyon at dahil ito ang naging panawagan ng mga supporters, sinamahan namin sila doon sa pagsuot at paggamit nga noong kulay na ito. So very participative iyong naging prosesong ito, at very forward-looking din dahil ito talaga ang tinataya nating magiging direksyon ng kampanya ni VP Leni papuntang Mayo 2022.

    MJ MARFORI: Sinasabi kasi ng iba, Attorney, ano, na parang Breast Cancer awareness din daw, ‘di ba? So parang sumabay din daw doon.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Well, totoo namang madami na siyang ibang nire-represent bahagi dito Breast Cancer awareness, mayroon pa diyan alam ko karapatan ng kababaihan. Alam ko ibang causes, actually, kung igu-Google mo iyong pink ribbon, alam ko isang dosenang causes ang gumamit na nitong pink ribbon na ito. So kami, wala naman balak na agawin iyong meaning na iyon. Ang isa namang simbolo, puwede magkaroon ng maraming kahulugan depende sa panahon, depende sa taong gumagamit. So ito tingin ko walang conflict doon sa ganoong klaseng usapin. Ito malinaw sa mga taong gumagamit ng pink na kulay bilang pagpapahayag ng suporta kay VP Leni na partikular ito para sa sitwasyon na ito. So kami, we go with that at nagpapasalamat kami, actually, doon sa napakaraming tao na unang nag-propose nito at sumunod. Kita naman, naging pink daw ang Facebook at ang Twitter at ang social media kahapon. At para as amin, patunay ito sa malawak at malaki ang suporta. Talang na-overwhelm kami doon sa show of force and show of support kahapon, pahayag ng kulay na pink na sumalubong sa announcement ni VP Leni na siya nga ay tatakbo sa pagka-pangulo.

    JOVE FRANCISCO: Attorney Barry, alam ko na kayo nga ay Spokesperson ni VP Leni. Pero malamang naman ay nag-monitor kayo kanina doon sa naging presscon nila, ano. Marami lang nagtatanong kung bakit parang ilang beses at certain points naging emotional ang VP bet po ninyo na si Kiko. May mga points na tumitigil siya at ‘di niya matuloy ang sasabihin niya. Ano ba ang nangyari? I mean, talaga bang nagkabiglaan sa pagpili sa kaniya at well, although alam natin na serviceman naman siya, ano. Talagang nasa kaniya naman iyon, naging mahirap ba ang desisyon?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Well, una, alalahanin natin, si VP nag-decide lang talaga, Thursday, iyon iyon. Ang daming naghintay at pinaliwanag niya sa talumpati niya kahapon na may mga punto talaga sa mga nakaraang buwan na siya mismo mas ginusto na niya—naisip niya mas gusto na niya bumalik sa kaniyang probinsiya. Ayaw na talaga niyang humabol sana at tumayo sa pagkandidato bilang pangulo. So dumaan din siya sa mahabang proseso, pero sa dulo ng kaniyang pagninilay, pinili niyang tumindig sa nakikita niyang tama at ikabubuti ng ating bansa. So given iyong late decision ni VP Leni, hindi kataka-taka na siyempre, late din iyong pagkausap at paghanap ng isang partner, isang running mate. At pinaliwanag ni VP Leni kanina, si Senator Kiko seemed like a very strong, steady, almost very obvious choice, ‘di ba. Matagal na niyang naka-trabaho, subok sa mga prinsipyong pinaglalaban at shine-share nilang pareho, buo ang integrity ng tao. Pero ang katotohanan, si Senator Kiko, handa nang tumakbong Senador. Iyon na ang kaniyang pupuntahan. Pero noong—and to his credit, at ito talaga dito ako nabilib sa kaniya, noong hiningi ni VP Leni sa kaniya, “Handa ka bang tumayo bilang Vice President ko, partner ko dito sa kampanyang ito, sa laban na ito?” Walang pag-aatubili. Kinonsulta niya ang kaniyang pamilya, mayroon daw isang gabi na pinag-isipan niya, at sa kabila noon pinili niyang sumama kay VP Leni. Kasi sa mga nakaraang buwan na siya iyong nag-uudyok kay VP Leni na tumakbo. So sabi niya, “Noong finally tumaya si VP Leni at hiniling niya na ako naman ay sumama sa kaniya, papaano naman ako tatanggi?” Mahirap para sa kaniya at naintindihan ko iyong pagpigil talaga niyang iyon, iyong emotion. Ramdam mo iyon, eh. Iyong bigat ng pagtanggap ng ganitong klaseng responsibilidad, ‘di ba? Kahit mahirap para sa iyo, kahit mahirap para sa iyong pamilya. Ako, iyon ang tatak ng isang totoong leader, tatak ng isang taong hindi ambisyon ang inuuna, kung hindi kung ano talaga ang nakikita niyang makakabuti para sa ating bayan at sa ating mga kapwa Pilipino.

    JOVE FRANCISCO: Attorney Barry, kagabi ay guest sa The Chiefs si Justice Carpio, ano. Nagsalita siya for 1Sambayan at idineclare niya doon na hindi sila makikialam dito sa local posts, ano, at hindi sila—wala silang planong sumuporta dahil ang gusto lang nila, ito iyong national posts ano ang medyo suportahan. Pero kakailanganin ng kahit sinong kandidato ang suporta mula sa lokal, ano? So papaano ang gagawin ni VP Leni para—or at least  may ginagawa na siya, kung paano ang magiging suporta niya sa local race?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Well, kanina, ako, ang isang nakuha ko doon sa isa sa mga sagot niya doon sa press conference na binigay nila ni Senator Kiko kanina ay ang pananaw niya sa kampanyang ito, hindi ito magiging conventional or traditional campaign na nakasalalay—totoo ang sabi mo ang traditional campaign nakasalalay sa mga local politicians, sa mga tumatakbo sa lokal. Pero kung makikita mo iyong sumalubong na pagkilos ng mga ordinaryong mamamayan kahapon, tingin ko nabuo iyong pananampalataya at paninindigan ni VP Leni na itong kampanyang ito, magiging tungkol sa pagkilos at pagtulong ng ordianryong tao. Hindi aasa doon sa tradisyonal na mga politiko, o pera, o makinarya, kundi iyong energy, iyong excitement, iyong enthusiasm, iyong creativity ng mga ordinaryong mamamayang, ‘di ba, sawa na doon sa ating nakikita at uhaw na uhaw na para sa isang ,mas maayos na gobyerno at mas maayos na Pilipinas. So while posible, moving forward, magkakaroon tayo ng mga alyado o mga tatakbo para sa mga lokal na posisyon, hindi iyon iyong priority sa kasalukuyan. Ang priority talaga, papaano natin magagamit at maipagpapatuloy iyong lakas ng ordinaryong mamamayan? Iyong pagkilos at tiwala na galing mismo sa taumbayan para sa ganitong klaseng kampanya. Hindi ito magiging traditional campaign. Hindi ito magiging kampanya lang ni Leni Robredo. Magiging kampanya ito ng taumbayan para sa mas mabuting Pilipinas.

    MJ MARFORI: Ito, Attorney, medyo showbiz naman. Kumusta si Kris? Ang ganda ng bouquet na sinend niya kay VP Leni.

    JOVE FRANCISCO: [laughter]

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: [laughter]

    MJ MARFORI: Gusto ko lang mag-follow up, ‘di ba?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Hindi ko alam kung kumusta si Ms. Kris. Hindi kami nagkikita.

    MJ MARFORI: Nagpaparamdam ba?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Pero nakita ko iyong post ni—ang nakita ko, iyong post ni VP Leni at nakita ko na rin iyong napakagandang bouquet nga na kaniyang pinadala. Ako, feeling ko ano lang iyon, kumbaga, gesture mula sa isang kaibigan. Naintindihan niya more than most gaano kahirap iyong naging desisyon, gaano kahirap iyong pinagdaanan ni VP Leni given iyong experience din ng kanilang pamilya, ‘di ba, na pinagdaanan ni President Cory iyan, pinagdaanan ni President Noy, noong sila rin ay natawag para magsilbi sa ating bayan. So I’m sure naintindihan niya very deeply what it means, how much of  sacrifice that is, gaano kahirap iyon para sa pamilya. So, gesture of support, na very appreciative naman si VP Leni. Kanina, noong nag-uusap si VP at si Senator Kiko, isa sa mga commonalities nila, gaano naging ka-challenging iyong papaano mo ipapa-accept sa pamilya. Kasi iyong hirap, iyong sakripisyo, hindi lang doon sa kandidato, sa pamilya. At ako, tingin ko malinaw at naintindihan iyon.

    MJ MARFORI: Wait lang ito, Attorney Barry, sabi mo nga hindi traditional ang magiging kampanya ninyo. So ano nga? Kumusta? Ano bang aasahan natin? So possible nga na si Kris magpakita ba pagka nag-iikot na kayo or digitally ba ito?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Well, una, hindi ko alam kung makakapag-ikot. COVID pa rin tayo. Hindi ko alam kung ano ang magiging rules. Wala pang nilalabas ang COMELEC so hinihintay pa rin namin iyan. Pero kung magiging bahagi si Kris sa kampanya, bakit hindi, ‘di ba? Ang laking asset noon, ‘di ba? Siya ay very charismatic, madaming—malaki ang following, very articulate. So ako, hindi—ang laking tulong noon. Lahat ng gustong tumulong, tatanggapin natin. Bukod kay Kris, sobrang dami: Liza Soberano, Angel Locsin, and the list goes on.

    JOVE FRANCISCO: The pink girls.

    MJ MARFORI: ‘Di ba?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Well, madaming—alam ko ang bilang ko kanina more than 100 na iyong mga celebrities na nag-post ng pink kahapon. In fact, hindi ko alam kung nasubaybayan n’yo kanina, naglabas ng video si VP Leni sa kaniyang Facebook page na nagpapasalamat sa lahat ng mga celebrities at iba pa na, actually, nagpahayag ng kanilang suporta by wearing pink or using the color pink sa kanilang social media profiles o sa kanilang social media feeds. Pero maagang mga araw pa, nag-deklara si VP Leni, Huwebes. Kahapon lang iyon, eh. Although kapag iniisip ko parang ang tagal na. Pero ang daming nangyari sa nakaraang dalawang araw, pero kahapon lang iyon. Nasa simula pa lang kami sa pagpa-plano kung anong magiging itsura ng kampanya. Ang definite pa lang, ang klarong direksyon na sinabi ni VP Leni kanina, hindi magiging conventional na campaign ito. Ito ay magiging kampanya ng taumbayan, at aasa tayo nang malaki hindi sa tradisyunal na makinarya—dahil wala naman talaga kami—kung hindi sa makinarya na buhat ng tiwala ng ating mga kababayan na sa kaniya at sa ipinaglalaban niya.

    JOVE FRANCISCO: MJ, may pressure sa Eraserheads ha?

    MJ MARFORI: Oo nga, eh! Baka naman ano, mag-reach out na rin kayo sa kanila para talagang ma-finalize na ito. Ma-seal na ang deal.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Gusto ko ngang mag-Tweet na, itatag ko iyong apat, eh!

    MJ MARFORI: Bakit hindi mo pa ginagawa? [laughter]

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Papaano na? Ewan ko. Makikita natin, ‘di ba. Gaya nga ng sabi ko, kahapon lang iyong naging deklarasyon. Madaming taong matagal hinintay ito. Halos wala pang dalawang araw since then. Madami pang mangyayari. Madami pang planong kailangan latagin. But definitely, ang isang overwhelmed kami, iyong lakas ng lumabas na suporta. Iyong dami ng taong nagpahayag na sila ay sumusuporta, sumasang-ayon at sine-share iyong hangarin ni VP Leni para sa ating bansa. So tingnan natin. Ako, excited ako para sa kampanyang ito. Madami na akong nakitang eleksyon, pero iba iyong energy na nararamdaman ko mula kahapon dito sa particular na kampanyang ito. Very encouraging, very touching iyong launch at tingnan natin. Ako, I can’t wait to see what’s ahead. Definitely exciting ito.

    JOVE FRANCISCO: Okay. huling hirit ako, Attorney Barry, ha? Kasi tinanong ko iyong kabilang kampo kanina. Sila daw bukas, as soon as bukas, mayroon nang ilalabas na senatorial line-up. Kayo, alam ko kaka-file niyo pa lang, ano? Pero, well, siguro naman within next week mayroon na tayong malalaman na ganoon.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sabi ni VP Leni kanina, by next week, by middle of next week. Although kanina, in-announce na niya iyong ibang initial na members noong kaniyang senatorial line-up. Siyempre, bahagi dito si Senator Leila De Lima, si Senator Risa Hontiveros. Of course, si Senator Sonny Trillanes, si Attorney Chel Diokno, and si former congressman, former governor Teddy Baguilat. Iyan iyong mga nabanggit na niya kanina. So sa darating na mga araw, magkakaroon pa tayo ng ibang mga annoucnements. At tiyak ko, mabubuo iyong slate sa tamang panahon, ‘di ba? Iyon ang sinasabi namin kay VP Leni dati, ‘di ba? Gagawin niya ang kaniyang desisyon sa tamang panahon. So ito naman, nandiyan na siya, mayroon na siyang katambal na running mate, si Senator Kiko. Mayroon na siyang ilang mga unang kabahagi noong kaniyang senatorial slate, at umaasa tayo, next week, sa tamang panahon we will make the announcement kung sino pa iyong ibang kaniyang makakasama dito sa kampanyang ito.

    JOVE FRANCISCO: Okay. With that, ano, MJ, magpapasalamat muna tayo kay Atty. Barry Gutierrez. At next time, kasama na niya, iyong hinihintay ng followers ni VP Leni, iyong kandidata nila. Thank you, ha?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: [laughter] Sawa na kayo sa akin ha? Okay.

    MJ MARFORI: Of course, hindi. Hihingi pa kami ng updates, ‘di ba? Lalo na kung a-attend ba si VP Leni sa reunion ng E-heads.

    JOVE FRANCISCO: Yeah. With that, mapapa-happy weekend muna kami sa iyo, Attorney Barry. Thank you.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Happy weekend, Jove. Happy weekend, MJ.

     

     - 30 -

    Posted in Transcripts on Oct 08, 2021