This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    OVP Spokesperson Atty. Barry Gutierrez on VP Leni Robredo's 2022 Presidential Bid One Balita Pilipinas on One PH

    OVP Spokesperson Atty. Barry Gutierrez on VP Leni Robredo's 2022 Presidential Bid One Balita Pilipinas on One PH

    Host: Cheryl Cosim

     

    CHERYL COSIM: Magandang tanghali ho sa inyo, Attorney Gutierrez.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Magandang tanghali, Cheryl. At magandang tanghali sa ating mga taga subaybay.

    CHERYL COSIM: Ulitin lang po natin at klaruhin, ano? Marami pa rin po kasi, Attorney Gutierrez, na nalilito. Na nasa ilalim po, bahagi ng Liberal Party si VP Leni, pero kumandidato siya na independent.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama iyan. At pinaliwanag niya iyan noong kaniyang press conference kasama ang kaniyang running mate na si Senator Kiko Pangilinan. Klaro ang sinabi ni VP, “nananatili akong miyembro at Chairperson ng Liberal Party.” Pero kailangang mayroong signal, kailangang mayroong simbolo na itong kampanyang ito na aming ilulunsad—inilunsad na—hindi lang tungkol sa LP. bukas ito sa lahat ng mga tao na shine-share iyong pangitain ng ating Bise Presidente para sa ating bansa na sumasang-ayon doon sa kaniyang panawagan na panahon nang wakasan ang bulok na politika at itaguyod ang matino at mahusay na pamamahala at handang maging bahagi nitong kampanya para maabot natin ito para sa ating bansa para sa 2022. So symbolic ito, indicator ito na magiging open at inclusive iyong ating kampanya at hindi lang naka-angkla sa mga naging kaniyang dating allies sa politika pero sa lahat ng ating mga kababayang handang tumulong at handang makilahok.

    CHERYL COSIM: Attorney Barry, bumaha nga ng pink color at naka-pink ka rin ngayon—

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Siyempre, Pink Wednesday, ‘di ba?

    CHERYL COSIM: —at noong araw na mag-file ng COC si VP Leni. Saan—marami tuloy nagtanong, saan nanggaling ang pink? Of all the colors, why pink?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Una, hindi sa amin nanggaling. Hindi iyong campaign ang nag-decide sa desisyon—nagbigay ng desisyon na pink ang gagamitin. Pero noong in-announce namin noong Martes na magkakaroon ng announcement si VP Leni ng Thursday, 11 a.m., Huwebes ng alas onse magkakaroon ng importanteng pahayag, nagkaroon ng panawagan iyong kaniyang mga supporters, mga volunteers, mga matagal ng inuudyok siyang tumakbo bilang Pangulo, na gamitin nating kulay iyong pink bilang simbolo. Sila iyong nanawagan. Sila iyong nag-kampanya na wear pink on Thursday, at iyon ang nangyari. Dinecide namin at nakita namin na ang daming nanawagang ganito. Napakalaki ng groundswell. At noong tiningnan namin, nadiskubre namin na pink nga was, apparently, iyong global color for protest. At mula Thursday, global color for hope. So in-adapt namin ito dahil ito na iyong panawagan ng mga supporters at dahil din indicator na gusto naming makinig, gusto naming maging bahagi, gusto naming manguna iyong mga—iyong mga taong nangangampanya at hindi iyong—hindi iyong mga lider lang ang bahagi nito. So in-adopt natin at maganda naman. Very overwhelming iyong response. Madaling magpakita ng suporta: gawin mo lang pink iyong iyong profile picture, magsuot ka ng pink, magsabit ka ng pink na ribbon, magpa-ilaw ka ng pink. At tinanggap at excited kami na kumalat at lumawak iyong mga nag-a-adopt nitong simbolong ito.

    CHERYL COSIM: At bumaha nga po ng kulay pink—sa social media. So ngayon ang challenge po ay mas paano pa natin ito—or mas paano niyo pa po mapapalawak. Ang isang issue, inamin na rin po ni VP Leni, ay ang machinery or ang pondo rin, ano po, para sa darating na campaign period. So paano po ang ginagawang diskarte?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Una, karuhin ko lang, hindi lang social media. Napuno ang social media, totoo. Madaming lumabas, mga ordinaryong tao, mga influencers, mga celebrities. Pero sa madaming lugar sa buong bansa-at ito, sa totoong mundo, hindi sa Facebook, hindi sa Twitter, hindi sa YouTube—naglabasan ang mga tao para magtali ng pink na ribbon, magpalabas ng pink na sticker, magkabit ng mga pink na mga bagay sa kanilang mga sasakyan, sa kanilang mga bahay. So, ako, ano lang iyon—oero tama ka. Kailangan pa rin natinh i-expand ito. Kailangan pa nating lalong palakasin labas sa mga nakagawian na nating kinikilusan. At iyong kakulangan ng makinarya, diyan din nagmumula iyong naging panawagan ni VP Leni noong nakaraang Biyernes na dapat ito ay maging people’s campaign. Ibig sabihin, hindi ito magiging tradisyunal na kampanya na naka-asa ka sa makinarya ng mga politiko, na naka-asa ka sa pera, naka-asa ka sa traditional na mga politician. Kundi isang kampanya na kailangan pangunahan ng mga ordinaryong mamamayan. Iyong mga mag-vo-volunteer, iyong  mga mangangampanya at mga kakausap sa mga kani-kaniyang mga circles, kani-kanilang mga komunidad, kani-kanilang mga network. At labas doon sa pag-pi-pink noong Thursday, ang isa pang nakakataba ng puso, iyong dami ng mga lumapit sa amin na mag-volunteer ng kanilang partisipasyon. Mula doon sa mga taong nagsasabi na “Sasama kami doon sa puwersa na mga makikipag-usap, magkakalat ng mga sticker, magpapamahagi ng mga campaign materials,” papunta doon sa mga nagvo-volunteer ng kanilang mga expertise at ng kanilang serbisyo—mga marketing professionals, mga abogado, mga IT experts, mga social media consultants. Nakaka ano talaga, nakaka-overwhelm. Ang challenge nga sa amin ngayon, paanong ma-ha-harness, paano’ng magagamit itong mga lumapit, lahat ng gustong mag-volunteer para paandarin, ‘di ba at lalong pa-abantehin itong kampanyang ating nasimulan. Pero iyan talaga ang aming sasandalan para sa kampanyang ito. Iyong kanipisan ng traditional machinery, o-augment, lalagpasan nung makinarya ng taong bayan, noong tiwala ng bolunterismo at enerhiya na nasimulan noong Huwebes.

    CHERYL COSIM: At kasama po doon sa political machinery, pera, budget. I understand mayroon pong donation portal na nasimulan para sa mga gustong mag-donate din po.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Kahapon, nag-up na iyong donation portal na sinet-up ng volunteers. Ito iyong Team Leni Robredo Volunteer Group. Nag-up sila ng donation portal kung saan puwedeng mag-donate kahit sino. At sa aking pagkakaintindi, madami nang nag-donate dito sa portal na ito. In fact, noong simula nga—actually, hanggang ngayon yata—nagkakaroon ng kaunting technical issues sa dami ng gustong mag-donate ng kanilang pera at sumuporta sa kahit na anong paraan para dito sa panawagan ni VP Leni ng people’s campaign. So although may mga kaunting problema doon sa management, doon sa technical issues, doon sa administrasyon ng lahat ng ito, nadadala pa rin kami doon sa ano, eh, doon sa enthusiasm at iyong dami ng mga lumalapit at gustong tumulong. Sabi nga, good problem to have iyong madaming gustong sumuporta, iyong madaming gustong tumulong, kaysa doon sa wala, ‘di ba? So umaasa ako na in the next few days, in the next few weeks, mas maaayos itong sistemang ito at lalong mama-maximize at lalong mabibigyan ng espasyo lahat ng gustong maging bahagi nitong kampanya ni VP Leni.

    CHERYL COSIM: At mahalaga po doon, siyempre, doon sa mga magdo-donate ay iyong transparency, iyong update. Nakikita nila iyong kung magkano kung, sakali man, iyong nakakapalap, ano po, for donation.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Definitely. Pangunahin sa mga priorities namin noong unang sinimulan itong donation, iyong pagkakaroon ng transparent mechanism para makita kung saan napupunta iyong pera. Magkakaroon ng audit diyan, magkakaroon ng report. Kaya nga medyo natagalan, eh. Thursday pa lang marami nang lumalapit, “Paano kami mag-do-donate?” Pero inayos iyan para siguruhin na sang-ayon sa batas, para siguruhin na magkakaroon ng maayos na reporting at transparent mechanism para sa lahat ng mga magdo-donate, at para mabigyan talaga ng pagkakataon lahat na maging bahagi nitong kampanya ni VP Leni.

    CHERYL COSIM: Noong pagkatapos po mag-file ni VP Leni, agad bumanat si Mayor Isko at sinasabi nga niya na dilawan pa rin—”Dilawan na kulay pink na ngayon.” At sinabi rin po ni Representative Edgar Erice na kailangan mag-join forces daw po sina VP Leni at Mayor Isko para matalo si BBM. Bukas po ba ang kampo niyo dito—may espasyo pa ba after that iyong statement din ni Mayor Isko?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Well, si VP Leni naman ang talagang kumilos ng sagaran para magkaroon ng pagkakaisa at pagkakaroon ng unified na oposisyon papunta sa 2022. Siya naman talaga ang nakipag-usap sa kung kani-kanino. Kasama na diyan si Mayor Isko, kasama si Senator Pacquiao at iba pang mga leader. Pero gaya nga ng pinaliwanag niya noong Huwebes, ‘di ba, sa ‘di ba—kahit na anong efforts ang kaniyang ginawa, kahit na anong good faith ang kaniyang pinasok niya dito, hindi nagkasundo. Hindi nagkatuluyan. At umabot sa punto na kailangan din niyang mag-self-reflect. Kailangan niyang pag-isipan, “Kung ngayong ganito na ang sitwasyon, ano ang pinakamagandang aking gawin?” At ang kaniyang naging desisyon siya mismo ay kailangan ding tumakbo. Inamin niya noong simula, hindi iyong ang intensyon niya. Mas gusto niyang bumalik sa probinsya. Pero sinagot niya ang tawag ng panahon. Sinagot niya ang hamon na binigay sa kaniya at ang panawagan ng maraming mga kababayan natin, so nandito tayo ngayon.

    Mayroon pa bang pag-asa para mag-unify? Ngayon, naka-focus kami sa kani-kanilang kampanya. Gaya nga ng binanggit ko, sinusubukan naming ayusin o i-harness iyong overwhelming support mula sa mga volunteers at iba pang mga supporter na umusbong noong Thursday at tuloy-tuloy mula noon. I am sure iyong mga ibang kampanya, iyon din ang ginagawa. Pero mahaba pa naman ang panahon, mayroon pa tayong hanggang November 15. Tingnan natin kung anong mangyayari. Sabi naman ni VP Leni, “laging bukas ang aking pinto.” Pero for now ang focus talaga, iyong campaign.

    Ngayon, tungkol sa mga salitang binitawan ni Mayor Isko, sa kaniya na iyon. Hindi na namin pinapansin iyan. Salita lang naman iyan, eh. Kami, lima’t kalahating taon na kaming binubugbog. Si VP Leni, binatikos na ‘yan, ininsulto, kung anu-anong mga tinawag sa kaniya, binatuhan ng fake news at kasinungalingan. Nasanay na siya, ‘di ba? At sa kabila ng lahat ng iyon, nag-remain ang kaniyang tutok, ang kaniyang focus sa tamang dapat gawin para sa ating bansa. At iyong ganoong klaseng salitang binitawan, madaling i-pagpag iyon. Ang importante mag-focus tayo doon sa kung ano ang kailangan gawin, mag-focus tayo na maibalik ang matino at mahusay na pamahala sa ating bansa, at malagpasan natin itong napakaraming problemang hinaharap natin ngayon, pangunahin na ang COVID, at kawalan ng trabaho, at pagtaas ng kahirapan.

    CHERYL COSIM: Panghuli na lamang po. Sabi niyo nga, “overwhelming” iyong nakita niyong suporta, hindi niyo ine-expect. Pero pagdating po sa survey, talagang medyo malayu-layo po, ano? Nasa pang-anim po si VP Leni. Sa tingin niyo po ba, ay itong nakita niyong suporta, pagdating ng susunod na survey, ay medyo aakyat-akyat or talagang uungos po ang kaniyang survey result?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Gaya nga ng sabi mo, Cheryl, ‘di ba, iyong survey nangyari iyan bago itong lahat ng pangyayari ito noong Thursday. Feeling naman talaga namin, madaming tao hinihintay din iyong ano  magiging desisyon ni VP Leni. Ngayong siya na ay klaro sa kaniyang determinasyon na tumakbo at ihain ang sarili para kandidato sa eleksyon, tingin ko mayroon tayong makikitang pagbabago. Tingin ko mayroon  makikita tayong paggalaw sa survey. Pero sa dulo, ang magagawa lang natin, hintayin.

    Ang focus ngayon, kumilos. Ang focus ngayon, ikalat ang mensahe. Nabanggit ko nga kanina, naka-pink ako. Iyon ang aming panawagan. Kapag Wednesday, Miyerkules, tayo’y mag-pink. At bukod sa mag-pink, ikalat natin. Mayroon tayong kausapin kahit isa, para ikuwento natin bakit tayo sumusuporta kay VP Leni, bakit natin iniisip na siya dapat ang ating mapusuan bilang Pangulo. At sa aming pananaw, iyong ganiyang klase ng pagkilos, iyong pagtutok sa trabaho sa kasalukuyang ito. Iyan ang maggagalaw sa numero, at sa dulo iyan ang aming inaasahan para sa ating kampanya at hopefully, para sa tagumpay sa Mayo 2022.

    CHERYL COSIM: Maraming salamat, Attorney Barry Gutierrez, tagapagsalita ni VP Leni Robredo.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ:  Magandang tanghali din, at ingat lagi.

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Oct 13, 2021