This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    OVP Spokesperson Atty. Barry Gutierrez on gov't's pandemic response, fake news, and VP's political plans for 2022 One PH’s Sa Totoo Lang Hosts: Jove Francisco and Chiqui Vergel

    OVP Spokesperson Atty. Barry Gutierrez on gov't's pandemic response, fake news, and VP's political plans for 2022 One PH’s Sa Totoo Lang 

    Hosts: Jove Francisco and Chiqui Vergel

    JOVE FRANCISCO: Makakausap natin ang tagapagsalita ni Robredo na wala pong iba kundi ang ating suki na si Atty. Barry Gutierrez. Good evening, Atty. Barry! 

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Good evening, Jove. Good evening, Chiqui.

    CHIQUI VERGEL: Good evening!

    JOVE FRANCISCO: Welcome back! Gulong-gulo ka na rin ba? [laughter]

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Naguguluhan ako at nalulungkot ako, actually.

    CHIQUI VERGEL: Nalulungkot?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nalulungkot ako, ‘di ba, dahil parang kapag nakinig ka sa balita, parang pulitika na lang ang pinag-uusapan, eh hindi pa tayo tapos dito sa problema natin sa COVID, eh.

    JOVE FRANCISCO: Unahin muna natin iyan. Puwede bang unahin muna natin ang COVID, Barry, ano, bago iyong ilang mga isyu sa pulitika. Well, una, we heard the news na after ng kaniyang pag-a-isolate, kumusta, negative, ‘di ba ang—

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Negative naman ang test noong Lunes. Pero siyempre to be safe, naka-quarantine pa rin si VP Leni hanggang sa Lunes—itong parating na Lunes. So, two weeks na quarantine. Pero iyong kaniyang pag-test naman noong nakaraang Lunes sa kaniya, sa awa ng Diyos negative naman. So, nagpapasalamat kami na kahit papaano, mukhang hindi naman siya nahawa.

    JOVE FRANCISCO: Okay, Atty. Barry, anong official stand ng opisina ni VP pagdating dito sa ano—marami nang angal talaga sa extended na quarantine at saka mga restrictions, eh. Papaano ba ang—mayroon bang mungkahi lang ba ang OVP kung papaano natin ibabalanse iyong health and economy pagdating dito?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Marami. Maraming mungkahing binitawan si VP Leni over the course of the last—almost 18 months na tayo ngayon, ‘di ba. Ang problema, hindi naman pinakikinggan ng IATF at ng ating pamahalaan. Unang-una, malinaw na malinaw ang kaniyang laging sinasabi: wala dapat restriction sa—hindi dapat choice ang health at economy. Sa totoo lang, hindi natin mabubuhay ang ekonomiya, hindi tayo makakabukas ng tuluyan hangga’t hindi natin nako-control itong pagkalat ng COVID so kailangan talagang asikasuhin iyong problema sa COVID-19. Bahagi rito iyong pagla-lockdown pero sana ginagamit iyong lockdown para palakasin iyong ibang mga kapasidad tulad ng dami ng ospital, tulad ng pagpapabilis at pagkakaroon ng sapat na supply ng bakuna tulad ng pag-increase ng ating testing capacity. Mahigit isang taon na naming sinasabi ito, eh. Hanggang ngayon, ‘di ba, kulang-kulang pa rin ang ating ginagawa. Ang testing natin ngayon nasa about 60,000 a day. Ang recommended ng WHO, 120,000 at least. So halos kalahati lang tayo, ‘di ba. Ang vaccination natin noong isang araw, chineck ko nasa 11 percent pa lang ang fully vaccinated. Kailan matatapos ito? Hindi matatapos itong cycle ng lockdown, magbubukas, lockdown, magbubukas, habang hindi natin tinututukan iyan. So iyan na iyong matagal na niyang minumungkahi at nakakalungkot na ito, one and a half year after, nagsimula tayo sa pagla-lockdown dahil sa COVID nandito pa rin tayo. Ngayon, tiningnan ko iyong numero, 16,621 new cases na naman, 26.9% ang positivity—ibig sabihin one out of four na tinetest, nagte-test positive. Sobrang taas niyan, ‘di ba. Nakakatakot, nakakalungkot.

    Kaya nga sabi ko kanina, sobra akong naba-bother na sa gitna ng lahat ng ito, ang laking problema, may surge, ang daming taong hindi nakakakuha ng hospital bed dahil wala na talaga, punong-puno ang mga ospital, ang pinag-uusapan natin kung sinong magiging vice president ni Sara Duterte. Parang—ewan ko, parang malayong-malayo sa realidad at sa kailangan ng bansa kung ano iyong pinag-uusapan noong ibang mga opisyal natin.

    JOVE FRANCISCO: Chiqui, follow-up?

    CHIQUI VERGEL: Yes, actually kanina na-mention niyo po, ano, na may mga mungkahi. Yes, marami, in the span of 18 months pero hindi pinapakinggan. Ngayon po, mayroon pong nagsabi, nabasa ko somewhere before, ano, kaso hindi dinisclose iyong pangalan ng nagsabi, but a source close daw to the Vice President ang nagsabi na kung pumunta ka sa social media, iyong mga nababasa ng mga tao ay maling impormasyon patungkol sa Vice President po kumpara doon sa mga talagang ginagawa niya, ano, mga ginagawa niya. So hindi masyadong nakikilala iyong Vice President ng taumbayan. Mayroon po ba tayong nagiging problema dito at mayroon po ba tayong gagawing solusyon dito sa parang online problem?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Definitely, totoo iyan, Chiqui. Mula noong naupo si VP Leni, tuloy-tuloy ang paninira. Tuloy-tuloy ang pagpakalat at paglaganap ng fake news. Tuloy-tuloy ang mga aktibidades ng mga trolls laban sa kaniya. Lima’t kalahating taon na naming binubuno iyan, ‘di ba. So kahit na ano pang trabaho ang gawin ni VP Leni, kahit na ano pang tutok ang gawin niya, talagang tuloy-tuloy pa rin iyong paninira, ‘di ba. Eh pero hindi na bago iyan, eh, ‘di ba, at hindi lang kami ang biktima niyan. Kung maaalala natin noong simula ng pandemya last year, ‘di ba, mga January, February bago tayo nag-lockdown, noong pinag-uusapan pa lang at nagkakaroon ng panawagan na magkaroon na tayo ng ban on travel from China, anong naging script ng mga troll? Kawawa naman daw iyong mga Chinese, ‘di ba. Iyong mga nakakasabay daw nila sa bus o sa elevator, ‘di ba? Parang nakakadismaya, eh, ‘di ba. Nasaan na tayo ngayon, ‘di ba? Parang ang laki-laki ng hinaharap nating problema, may mga opisyal na nagtatrabaho, talagang bente kuwatro oras walang ginagawa kundi subukang maghanap ng solusyon, tumulong sa ating mga kababayan. Pero may mga tao na ang trabaho talaga manira at magpalaganap ng kasinungalingan. Sa totoo, malaking problema iyan. Sinisikap naming harapin, sinisikap naming mag-issue ng mga fake news alert, ilabas kaagad iyong katotohanan, kausapin iyong aming mga kaalyado kahit papaano, [mga] supporter, na ilabas ang totoo, pero minsan nakakapagod na rin talaga. At minsan, hindi ko maintindihan paanong naaatim at nasisikmura ng mga ibang tao na gawin pa rin itong mga ganitong pagpapakalat ng mga kasinungalingan sa gitna ng lahat ng nangyayari sa atin, sa gitna ng may mga namamatay na, libo-libo na ang namamatay dahil sa COVID, sa gitna ng ang dami na, bilyon ang nawalan ng trabaho, ganito pa rin ang inaatupag, puro pamumulitika, puro paninira, ewan ko.

    Ginagawa namin kung anong magagawa namin para ituloy iyong trabaho, para ilabas ang katotohanan, pero aaminin ko sa inyo, minsan nakakapagod na rin. Bilib nga ako kay VP Leni dahil sa tingin ko sa aming dalawa, siya pa talaga iyong walang kapaguran. Tuloy-tuloy lang iyong pagtatrabaho, tuloy-tuloy lang iyong pagkakawanggawa at siguro, patunay lang iyon kung gaano siya katibay bilang isang lingkod bayan.

    CHIQUI VERGEL: Gusto niyo ba, Atty. Barry, at worth it ba na tumakbo si VP Leni sa pagka-pangulo?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Well, ‘di ba, si VP naman ito ang posisyon, eh: kung personal na ambisyon lang ang pag-uusapan, wala talaga siyang ambisyon, ‘di ba. Hindi siya nagkaambisyong maging congresswoman, hindi siya nagkaambisyong maging vice president, at sa totoo, ilang beses niyang sinabi ito: hindi niya ambisyon ang maging pangulo. Pero sa pagkakakilala ko kay VP Leni, siya rin ay isang tao na hindi tumatalikod sa tungkulin. Hindi tumatalikod sa panawagan ng bayan. So doon sa dalawang pagkakataon na siya ay tumakbo—bilang kongresista ng third district ng Camarines Sur at bilang bise presidente—panawagan ng taumbayan ang kaniyang dininggin. May mga tao na nagsabi sa kaniya na, “tingin namin dapat tumakbo. Tingin namin ikaw iyong nararapat sa posisyon na ito.” At kahit mababa iyong numero niya, kahit hindi siya—wala siya masyadong sikmura para sa pulitika, tinanggap niya iyong hamon at sa kabutihang palad nanalo naman siya. Pero ito, sa ganitong panahon, ganiyan ulit, ‘di ba. Marami ang nananawagan—nabanggit nga kanina ni Jove mahigit 200 groups itong nakaraang linggo ang lumabas at nananawagan kay VP Leni na siya ay kumandidato. At definitely, pakikinggan niya iyan, iko-consider niya sa kaniyang desisyon. Sinabi na rin niya dati na iyong kaniyang desisyon lalabas ngayong Setyembre. So umaasa kami na hindi na magtatagal, ipapaalam na ni VP Leni iyong kaniyang desisyon tungkol sa bagay na ito.

    Pero sa kasalukuyan, talagang ang tutok niya COVID. Talagang siya mismo ang tumatao doon sa aming Bayanihan E-Konsulta, iyong aming online na teleconsultation service dahil talagang iyong dagsa ng mga taong tumatawag doon, nagpapatulong para makapasok sa ospital, nagpapatulong para maka-konsulta sa doktor, grabe eh. Parang daig pa yata noong huling surge noong March, April. So iyan talaga, tinututukan ni VP. Pero sa tamang panahon, kapag nakalipas tayo nang kaunti dito sa problemang ito, ipapaalam niya kung ano iyong kaniyang desisyon dito sa pagtakbo o hindi.

    JOVE FRANCISCO: Pero, Barry, ang difference na napupulsuhan namin lately, ano, ay hindi lang iyong nalalapit na iyong pag-aanunsyo ay kung ano man ang magiging desisyon, pero mayroon ding parang pulso na parang going—sabihin mo na lang kung tama o mali iyong pulso sa media—going towards iyong pagbibigyan niya iyong 200 na iyon.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Gaya nga ng sinabi ko, eh, mabigat lagi kay VP Leni at sa kaniyang decision-making process iyong kaniyang pagtingin doon sa mga tao na nananawagan na siya ay maglingkod. So definitely, factor iyon doon sa kaniyang pag-move forward. At nagpapasalamat kami, natutuwa kami dito sa pagpapakita ng suporta at sa tiwala na ito. Pero sa dulo, gaya nga ng sinabi ko, kailangang i-weigh ni VP kung ano iyong sa tingin niyang makakabuti sa ating bansa. Hindi simpleng eleksyon ang 2022. Isa siyang napakaimportanteng eleksyon dahil talagang iyong susunod na presidente, malaki iyong hamon na haharapan, ‘di ba. Hindi lang sa pag-ahon sa atin completely from itong COVID, kundi paglutas doon sa mga problema natin sa ekonomiya, sa kawalan ng trabaho, ‘di ba, sa pagbagsak ng mga negosyo dahil nga rito sa mga mahahabang lockdown. So maraming problemang haharapin iyon. Kung sa handa lang at sa handa at sa willingness, of course hindi tatalikuran ni VP Leni iyan pero may mga ibang konsiderasyon, ‘di ba. But definitely, tingin ko mayroong malaking factor itong paglabas ng maraming tao at maraming grupo at pagdeklara sa kaniya nitong mga nakaraang linggo.

    JOVE FRANCISCO: We understand pero—alam ko kukulangin tayo sa oras—pero magpapa-update lang ako, Barry, tungkol sa—alam natin kung ano ang kinahinatnan ng naging pag-uusap with Ping Lacson. Iyong dalawa na lang, iyong Pacman at saka Isko. Kumusta iyong talks ni VP Leni sa dalawa, kay Pacman at saka kay Isko.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Well, wala pa ngayon dahil nagkataon na dalawang bagay iyong nagkasabay, eh—iyong pagtutok niya doon sa surge tapos nagka-quarantine pa siya so wala pang nangyayaring meeting ulit. Pero sa aking pagkakaintindi, siguro starting next week kapag tapos na siya sa quarantine, baka maghabol na ulit ng pag-schedule ng meeting doon sa mga kasalukuyang kausap ni VP Leni. Nagpahayag naman si Senator Pacquiao na ngayong tapos na iyong kaniyang laban, bukas siya sa pakikipag-usap kay VP. So mase-schedule na rin iyan kapag nalampasan na namin itong problema sa quarantine at sa COVID.

    JOVE FRANCISCO: Naano rin, ganoon din ba iyong naging tema ng—ganoon din ba sa side ni Isko? Siya rin ay nakikipag-usap na rin doon o sarado na rin iyon?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Wala pa namang sarado, Jove. Lahat naman ng mga usapan ongoing. Wala pa namang nagpapahayag na, “O tapos na. Basta diretso na ako dito.” Wala pang ganoon. So, babalitaan namin kayo kapag nagkaroon ng developments diyan. Definitely, kapag nag-announce si VP, isang malaking, well, announcement iyon na ipapaalam namin sa lahat ng mga naghihintay.

    JOVE FRANCISCO: Okay, that’s fair enough kahit gusto pa naming hulihin si Barry sa ilan pang mga bagay-bagay. Gets na gets naman namin na kailangan natin hintayin iyong actual announcement na very soon naman, ano, Barry?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: This month, ‘di ba? So linggo na lang ang binibilang natin.

    JOVE FRANCISCO: Linggo na lang, okay. Thank you, thank you very much, Barry, for joining us tonight.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Salamat din, Jove. Salamat, Chiqui. At ingat kayo lagi.

    CHIQUI VERGEL: Thank you!

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Sep 02, 2021